Manuela!" isa nangangambang sigaw ang narinig ko mula sa likuran. Boses ito ng isang lalaki. At nang lumingon ako, nakita ko ang isang lalaki na pilit niyang ginigising ang nakahandusay na katawan ng isang dalaga sa lupa, at iyon ay nakilala ko na si Manuela. May pag alog pa sa katawan ang paraang panggising ng binatang lalaki kay Manuela.
May kasama rin siyang isang babae. Maganda, maputi at mukhang mestisa ang lahi. May mapulang buhok pa ito na nasilawan ng liwanag ng buwan. Humarap naman ito sa akin.
At nang may marinig na malakas na pagtapak sa aking likuran, muli akong lumingon pabalik, paharap sa umaapoy na katawan ni Tiya Celeste sa lupa. Nanlaki naman ang aking mata na halos mahulog na dahil sa pagkagulat sa hindi pangkaraniwang bagay na nakita.
Isang mahalimaw sa laki na lobo na may kapayatan ang katawan at malagatas na balahibo. Naglalaway pa ang bibig nito habang umaangil na humarap sa akin.
"Sino ka?!" pasigaw na tanong ng babaeng may mapulang
May magagawa ka ba gamit ang iyong katangian, upang mapadaling makuha ang batong Fuego? Marahas man ngunit kailangan naming madaliin ang makuha ito ngayon," isang tanong mula kay Pablo. Maaari ngang mayron nga, pagsang-ayon ng aking isipan.Maaari ngang makuha ko kaagad ang batong Fuego gamit ang taglay kong gaway. Kaya, naisipan kong subukan ang gusto kong subukang gawin."Susubukan ko," sagot ko sa kanila. Pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata habang nakabukas ang aking palad. Inisip ko sa mga sandaling pagpikit ko ng aking mga ang anyo ng bato. Inisip ko rin ang lugar sa bahay kung saan ko itinago ang sinasabing batong Fuego. Mariin kong inisip ang bagay na iyon. Inisip ko ng inisip hanggang sa may naramdaman na akong mabigat sa aking kamay. Pagmulat ko, natuwa ako na may pagkamangha ng makitang may ikinamkam na akong maasul na bagay sa aking kamay.At nang matingnan ko ito, ito na nga iyon."Ang Fuego!" bulalas ng babaeng may mapulang buhok ng
Lumubog na ang araw at pinalitan na ito ng maliwanag na buwan sa buong kalangitan.Mula sa bodega ng abandonadong pagawaan ng mga tabako, kung saan kaming dalawa nagtago ni Eduardo, ang kabilugan ng buwan ang siyang kaagad napansin namin sa kadiliman ng gabi sa langit. Malaki ito, mukhang malapit lamang at ang kanyang silahis ay bumalot sa buong bayan ng Santa Lucia.Naisip na rin namin ang lumabas mula sa bodega at nagmimithing mahanap ang aming nahiwalayang mga kasamahan na sina Natalia at Pablo. Kasama rin nila si Damian, ang kapatid ni Alana kung saan ipinagako kong maligtas.Mapagmatyag naman kami sa paligid-ligid ng aming nilalakad, upang magbantayan ang aming mga sarili mula sa mga tauhan ng Sinag Araw na alam naming humahabol at naghahanap pa rin sa amin.Hawak ko ang kamay ni Eduardo sa bawat paghakbang ng aming paglalakad. Iba ang dama ko sa kanyang paghawak sa aking kamay na para bang alam mong nasa ligtas kang tao at alam mong walang mangyayar
Sinubukan ni Eduardo ang pumasok sa loob ng bahay nila ngunit sadyang malakas na ang apoy na lumiliyab rito. Bigo siya sa lahat ng kanyang mga pagsubok na pasukin ang nasusunog na bahay. At nang mas lumakas pa lalo ang apoy, minabuti na lamang niyang lumayo rito at baka mahagip pa at masunog.Napaluhod si Eduardo sa lugmok dahil alam niyang nasa loob ang kanyang ina. Hindi niya matanggap na bigo siyang iligtas ang kanyang ina mula sa pagsabog at sa sunog. Wala na siyang nagawa kundi ang tingnan ang bahay na itinaguyod nila ng kanyang mga magulang na nawawasak at naaabo na dahil sa napakalaking sunog dulot ng isang di inaasahang pagsabog.Ramdam ko ang muling paghinagpis ni Eduardo. Nalugmok rin ang puso ko ng maganap ang isa pang pangyayaring hindi katanggap tanggap. Ngunit alam namin sa aming mga sarili na wala na kaming magagawa pa pero sadyang mahirap tanggapin ang itong mga nangyayari.Lalapitan ko na sana si Eduardo upang damayan, ngunit bigla akong napahin
Isang hindi inaasahang kaganapan ang nangyari sa sentro ng Santa Lucia.Isang kaganapang nagpapigil sa aking kalooban at siya ring pinilit kong winari sa aking isipan. Ang kaganapang nakikita ko ay ang nagpabilis sa pintig ng aking puso na sa bawat tibok nito ay may tanging dalang matinding pagkatakot at malubhang pangamba.Maliwanag at mainit, ito ang tanging mga salitang maihahayo ko sa pinangangambahang tanawing nagaganap. Maliwanag at mainit, hindi dahil sa nag iilaw na mga panglaw o sa maaliwalas na sikat ng araw, kundi iyon ay dahil sa matinding paglagablab ng apoy na marahasang tumupok sa maraming gusaling nakatirik sa gitnaang bayan. At sa likod ng napakainit na apoy na iyon, mula sa nagaganap na napakalaking sunog, maririnig ko ang mga nakakahindik na sigawan ng mga tao at mga nakakatakot ring mga hagulhol at iyakan na tila mga nagdudurusang mga kaluluwang pinaparusahan patungo sa kanilang walang awang kamatayan. Kamatayan, ang salita ring tugma para iuri ang
Kung ano man ang mga ginagawang balak ng Supremo at nang Liwanag, sa pagkakataong iyon, dapat akong manalig rito dahil ito na lamang ang siyang humahawak sa akin sa pag asang maitapos ang karahasang ito. Kung ganun na lamang kalaki ang pananalig sa kanyang mga balak ang pinuno, sino ako upang tanungin ang kanyang pananalig bilang isang kasapi lamang niya?Binigyan ako ng lakas ng loob ng Supremong Sinag."Kailangan nating tulungan si Claudio upang ibahagi ang balak natin, Padre. Alam ko na hindi niya iyon kaya na mag isa lang. Kailangan nating matipon ang lahat ng hukbo kaagad," biglang naisip gawin ng Supremo na sinabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon at matapos nito ay patakbo siyang umalis upang tulungan sa pagbahagi si Claudio sa aming balak.Inihanda ko muna ang aking hawak na baril sa kamay. Bilang isang prayle, ang mga bagay na kagaya nito ay hindi dapat ginagamit. Pero, sa pagkakataong iyon, kailangan ko ito upang iligtas ang sarili
Nakatoon lamang ang aking pansin sa kaharap kong malaking lobo. Tila ba hindi ito katulad ng iba na ang tanging pinupunterya lamang ay ang mga bampira. Naaamoy ko ang panganib sa aking sarili sa lobong ito. Hindi ko alam kung bakit pero para bang malaki ang poot nito sa akin. At sa pagkakataong ito, nakasalalay na lamang sa hawak kong baril ang aking katagalan ng buhay ko.Humakbang muli palapit ang lobo sa akin. Humakbang naman ako ng paatras palayo sa paghakbang nito habang tinututukan ko pa rin ito ng aking baril. Humakbang ito muli na ngayon ay may dalawang hakbang na ng mga paa, at sa paghakbang ko paatras naman palayo ay biglang nawalan ako ng tindig at balanse na siyang ikinadapa ko sa lupa.Dali dali ko namang ibinalik sa pagkakatutok ang aking baril na nabitawan ko ng bumagsak. Dahil sa pagmamadali ay nangangatog ko pa itong itinutok sa halimaw. Ngayon , ako ay nakaupo sa lupa dahil nadala ng bigat ng aking katawan at alam kong sa pagkakataong ito, hindi na ak
"Carmela," ang pangalang aking naisampit ng magising ako bigla na nakahiga pa ang katawan sa lupa. Naramdaman ko ang sakit ng aking kalamnan sa bahaging malapit sa aking batok na para bang pinalo ito ng isang matigas na bagay. Ininda ko na lamang ang sakit na nararamdaman upang maibalik muli ang sarili mula sa kawalan na nangyari sa aking malay.Nang sandaling ako ay nagising, hindi ko alam kung ilang oras na ang nagdaan at ilang oras na ako nawalan ng gising."Carmela, Carmela!," ang paulit ulit kong anya sa pangalan ng aking irog, tumayo na ako mula sa lupang aking binagsakan ngunit walang pagtugon mula sa kanya ang aking narinig.Umusbong pa rin ang pangamba sa damdamin ko.Naalala ko ang dalawang nakapulang tao na tumambang sa aming dalawa ni Carmela. Naalala ko ang dalawang nakamaskara na ang isa sa mga ito ay siyang pumalo ng anong matigas na bagay sa aking batok, dahilan upang ako ay mawalan ng malay at marahil ang dalawang nakamaskarang ding
Huli na ang lahat para kay Padre Paterno.Sinubukan siyang iligtas ng ilang mga kasamahan mula sa halimaw ngunit hindi na nila ito nagawa pa. Tuluyan na siyang nilapa ng isang halimaw na halos madurog at mahati na ang kanyang katawan mula sa matalim na mga ngipin nito at may paalog alog pa itong ningangatngat na tila isang mabangis na leon na nilalapa ang isang walang buhay na maliit na usa.Hindi bampira ang pumatay sa kanya. Lalong hindi lamang ito ang mga halimaw ang nagpakita sa digmaan ito. Ganun na lamang ang aking pagkagulat dahil hindi ko inaasahang sasali sa digmaang ito ang mga isinumpang lahi sa buwan.Ang mga taong lobo.Hindi ako maaaring magkamali. Alam kong ang mga malalaki at mababangis na mga lobong tumambad bigla sa labanan ay walang iba kundi mga taong lobo. Dumagdag pa ang pagbatid na sa gabing iyon ay bilog ang buwan, sapagkat sa harap ng buwan nagpapalit ng anyo ang mga halimaw na tinawag na mga taong lobo.Hindi ito ang