Share

Angil (2)

Kung ano man ang mga ginagawang balak ng Supremo at nang Liwanag, sa pagkakataong iyon, dapat akong manalig rito dahil ito na lamang ang siyang humahawak sa akin sa pag asang maitapos ang karahasang ito. Kung ganun na lamang kalaki ang pananalig sa kanyang mga balak ang pinuno, sino ako upang tanungin ang kanyang pananalig bilang isang kasapi lamang niya?

Binigyan ako ng lakas ng loob ng Supremong Sinag.

"Kailangan nating tulungan si Claudio upang ibahagi ang balak natin, Padre. Alam ko na hindi niya iyon kaya na mag isa lang. Kailangan nating matipon ang lahat ng hukbo kaagad," biglang naisip gawin ng Supremo na sinabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon at matapos nito ay patakbo siyang umalis upang tulungan sa pagbahagi si Claudio sa aming balak.

Inihanda ko muna ang aking hawak na baril sa kamay. Bilang isang prayle, ang mga bagay na kagaya nito ay hindi dapat ginagamit. Pero, sa pagkakataong iyon, kailangan ko ito upang iligtas ang sarili

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status