Italya, Taong 1881
Ang Casa Piccio ay isa sa mga tanyag na bahay aliwan sa buong Roma. Gabi-gabi ay kasiyahan at inuman ang masasaksihan sa lugar na ito. Tugtugan, sayawan at aliw , lahat ay naririto sa casa na ito. Dahil malapit lamang ang Casa Piccio sa kanyang tinutuluyan, o mula sa pinagtataguan, dito muna naisip maglibang si Natalia.
Bumungad sa kanyang pagpasok ang pinaghalong usok ng mga hinithitang mga tabako. Bumungad din sa kanya ang mga babaeng bayaran na abala sa pang-aaliw ng mga lalaking magiging kanilang tagatangkilik. Sa gabing iyon, malamig ang simoy sa Roma kaya naisipang pumunta roon si Natalia upang uminom ng alak para mainitan ang nanglalamig na katawan.
Pag-upo niya sa may isang bakanteng mesa, kumuha siya agad ng serbesa at nang maibigay na ng tagasundol ang kany
Tila nakalimutan na ni Natalia ang mga panahong mag isa siya. Lahat ng kanyang mga naalala noon ay para bang naglaho ng makasama si Felina na pawang may mga masasayang alaala.Sa mga panahong iyon ay nakakita siya ng isang tapat na kaibigan.
Italya, Taong 1882.Lumalim pa lalo ang pagkakaibigan nina Felina at Natalia. Nagkakilala sila ng husto at para bang naging magkapatid na ang turingan nila sa isat isa. Ginugol nila ang buong isang taon sa paglalakap ng mga mahalagang impormasyon ukol sa batong Fuego. Nagtulungan silang dalawa sa isat isa sa paghahanap sa nata
Galing sa loob ng kanyang minasdang bahay kanina ang naaamoy na dugo. Wari niya tuloy na may nangyayaring karahasan sa loob nito. Kahit alam niya, minabuti pa rin ni Natalia ang hindi makialam kahit naglalaway sa dugong pumapariwa sa kanyang ilong, at baka madamay pa siya sa gulong nagaganap roon. Naisip rin niya na baka paparating na si Felina kaya hindi niya maiwan ang pinagsilungan.
Hindi inakala ni Natalia na nabuhay muli ang dalaga sa pag akalang binawian na itong tuluyan ng buhay.Mapalad ito at nabuhay muli ngunit naging isang halimaw namang kagaya ni Natalia. Sa pagkakataong iyon, tila hindi na natatakot ang dalaga at umiiyak na lamang na nakatingin ito kay Natalia."Halika, hayaan mo ako na ika'y aking tulungan," anya pa ni Natalia na pilit nagtataguyod ng magandang pakikisama sa dalaga. Inabutan niya ito nang kanyang kamay na kinakausap niya na noon ay nakaupo pa ang babae sa lupa ng kalye."Ako si Natalia," pagpapakilala niya sa kanyang pangalan. "Ikaw? Ano ang pangalan mo?" dagdag pa nito.Hindi sumagot ang dalaga at tumahimik ng mga ilang sandali Nakatingin lang ito kay Natalia na may pagtulo sa kanyang mga luha. Marahil ay napalagay din ang nalulub
Pinilit kong kumawala mula sa aking kinaroroonan. Inakma kong tumakbo palabas sa bilog na aking tinatapakan ngunit hindi ko magawang makaalis. Tila may isang hindi nakikitang harang ang sadyang binuo sa pinabilugang puting abo na siyang kumukulong at pumipigil sa akin na makatakas.Kasama ko si Solana. Kasama ko ang matalinhagang babaeng ito sa di malamang bahagi ng gubat. Mahanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa pagmumukha niyang talagang kawangis nang sa akin. Hindi ko pa rin lubos maisip na sa malawak na mundong ito ay may nabubuhay rin kaanyo ko.Ang makaharap at makita si Solana ay para bang kinakaharap ko rin ang aking sarili, ang sarili kong may kasamaang kabudhian na siyang nagpaiba sa aming dalawa.Dahil hindi ako makawala sa loob ng pinabilugang puting abo, ang aking tanging ginawa na lamang ay masdan at matyagan
"Anong ibig mong sabihin?" aking naibulalas para maintindihan kung ano ang nais niyang ipuna."Bahagi rin sa malaking paglilinlang na ito si Natalia Hindi niya alam na mali ang akala niya sa tanging bagay na pinaniniwalaang makakapatay sa kanyang ama ay ang bagay na siya namang talagang magpapalakas sa punong dilim,"sagot at paliwanag ni Solana sa akin."Kaya, hilingin mo na lang na sa mga sandaling ito ay hindi pa sana patay ang iyong matalik na kaibigan," dagdag wika pa ng mangkukulam."Walang hiya ka!" ang pagbulyaw ko kay Solana na may umuusbong pagkasuklam at galit sa kanya. Tinawanan lamang niya ako habang nasusuklaman ako sa kanya. Talaga ngang may mga halimaw na nabubuhay sa mundong ito at si Solana ay ang patunay nito.Nabatid ko ang pagrating ng isang nakapulang
"Hindi ko alam na may kaibigan ka palang isang manggagaway rin, Carmela. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?" wika ni Solana at nakabalik na sa kanyang tindig.Hindi ako sumagot sa kanya at nakatingin lamang ng masama sa kanyang nakakabahalang pagngiti na animo'y may dalang panganib. Sa halip,
Napaiyak na lamang ako habang nakikita ko't walang nagagawa ang pagsasakal ng lalaki kay Manuela. Ramdam ko ang unti unting pagkawala ng hinihingang hangin ni Manuela na sa mga ilang sandali ay maaaring malagutan siya ng paghinga. Muli ko na namang sinubukang gibain ang harang ngunit sadya talagang matigas ang pagkakagawa nito at di ko kayang magiba-giba. Umiiyak na lamang ako habang sinasampit ang pangalan ni Manuela. Tila pinapanood ko lang na mamatay ang aking pinsan sa kamay ng aming kaaway.