Share

Huling Hukbo (1)

Malala ang naging kaganapan sa gitnang bayan.

Tinupok ng mga malalakas na apoy ang mga gusali at bahay na siyang nagdulaot ng amoy usok sa ihip ng hanging sumisimoy sa gabing iyon. Nagkalat ang mga bangkay sa lupa na pawang ang lahat ay nasawi sa karahasang ito. Nagkahalo ang dugo at lupa. Walang makikitang iba kundi ang nakakasukang kamatayan.

Tila humupa na ang digmaan nang makaraang narating ko na ang gitnang bayan sapagkat nakikita kong parang kumunti na ang mga nagbakbakang magkaaway. Tila patapos na ang lahat dahil sa mabilang na lamang ang mga bampirang alagad ng aking ama na naroon at nakikipaglaban.

Nagtagumpay ba ang Sinag Araw? Tapos na ba ang digmaan? mga katanungan ko sa aking sarili.  Sa mga katanungang iyon, inalala ko si Carmela. Naalala ko ang ritwal na aking nala

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status