Gustuhin ko mang sumagot sa kanya ngunit hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Masyadong nadala ako sa hindi inakala ngunit inaasahang kaganapang iyon.
Naririnig ko pa rin ang mga angil ng mga taong lobong na tila galit na galit na tumingin at humarap na handang lumusob sa kanya anumang oras.
Patuloy pa rin sa pagsasalita ang hari ng mga bampira na tila hindi natatakot na mag-isang humarap sa aming lahat sa mga sandaling iyon.
"Hindi ba kayo nasisiyahan sa tanawing ito?" ang kanyang pagbaluktot at nagagalak na sabi sa amin. "Ito ang pinakamagandang tanawin sa lahat. Ito ang tunay na kahulugan ng buhay! Ito ang pampamulat sa atin sa katotohanang si Kamatayan ang siyang tunay na hari sa lahat. At ito, ang digmaang ito ang kanyang napakamagandang likha,"dagdag pa niya sa amin. Sa unang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya. "Baliw at halimaw lamang ang nakakapag isip ng ganoong bagay. Ngunit hindi kita maaaring masisi at husgahan sapagkat ikaw ay walang pinagka
Malala ang naging kaganapan sa gitnang bayan.Tinupok ng mga malalakas na apoy ang mga gusali at bahay na siyang nagdulaot ng amoy usok sa ihip ng hanging sumisimoy sa gabing iyon. Nagkalat ang mga bangkay sa lupa na pawang ang lahat ay nasawi sa karahasang ito. Nagkahalo ang dugo at lupa. Walang makikitang iba kundi ang nakakasukang kamatayan.Tila humupa na ang digmaan nang makaraang narating ko na ang gitnang bayan sapagkat nakikita kong parang kumunti na ang mga nagbakbakang magkaaway. Tila patapos na ang lahat dahil sa mabilang na lamang ang mga bampirang alagad ng aking ama na naroon at nakikipaglaban.Nagtagumpay ba ang Sinag Araw? Tapos na ba ang digmaan? mga katanungan ko sa aking sarili. Sa mga katanungang iyon, inalala ko si Carmela. Naalala ko ang ritwal na aking nala
Narinig ko ang mga kalas at malalakas na angil mula sa hukbo ni Viktor. Katulad ko, matapos marinig ang salitang iyon sa hari ng mga bampira ay naghanda rin silang lahat sa anumang paparating. May ilang sandali ring tumahimik ang buong paligid. Lahat ng mga naroon ay nagmatyag at nakinig sa maaaring paglusob na magaganap muli sa lugar na iyon. Lahat inaabangan ang panganib na paparating. Lahat ay walang takot na naghanda upang harapin anumang halimaw ang tinawag ng punong dilim. Naging tiyempo ko ito upang salakayin ang aking ama. Kailangan kong itapat sa kanyang katawan ang batong Fuego at sabihin ang mga salitang mangkukulam na itinuro sa akin noon ng aking kaibigang mangkukulam. Ang mangkukulam ding iyon ang nagbigay sa akin ng mahalagang impormasyon tungkol sa batong Fuego na nalaman kong siyang tanging makakapatay sa aking
Italya, Taong 1881Ang Casa Piccio ay isa sa mga tanyag na bahay aliwan sa buong Roma. Gabi-gabi ay kasiyahan at inuman ang masasaksihan sa lugar na ito. Tugtugan, sayawan at aliw , lahat ay naririto sa casa na ito. Dahil malapit lamang ang Casa Piccio sa kanyang tinutuluyan, o mula sa pinagtataguan, dito muna naisip maglibang si Natalia.Bumungad sa kanyang pagpasok ang pinaghalong usok ng mga hinithitang mga tabako. Bumungad din sa kanya ang mga babaeng bayaran na abala sa pang-aaliw ng mga lalaking magiging kanilang tagatangkilik. Sa gabing iyon, malamig ang simoy sa Roma kaya naisipang pumunta roon si Natalia upang uminom ng alak para mainitan ang nanglalamig na katawan.Pag-upo niya sa may isang bakanteng mesa, kumuha siya agad ng serbesa at nang maibigay na ng tagasundol ang kany
Tila nakalimutan na ni Natalia ang mga panahong mag isa siya. Lahat ng kanyang mga naalala noon ay para bang naglaho ng makasama si Felina na pawang may mga masasayang alaala.Sa mga panahong iyon ay nakakita siya ng isang tapat na kaibigan.
Italya, Taong 1882.Lumalim pa lalo ang pagkakaibigan nina Felina at Natalia. Nagkakilala sila ng husto at para bang naging magkapatid na ang turingan nila sa isat isa. Ginugol nila ang buong isang taon sa paglalakap ng mga mahalagang impormasyon ukol sa batong Fuego. Nagtulungan silang dalawa sa isat isa sa paghahanap sa nata
Galing sa loob ng kanyang minasdang bahay kanina ang naaamoy na dugo. Wari niya tuloy na may nangyayaring karahasan sa loob nito. Kahit alam niya, minabuti pa rin ni Natalia ang hindi makialam kahit naglalaway sa dugong pumapariwa sa kanyang ilong, at baka madamay pa siya sa gulong nagaganap roon. Naisip rin niya na baka paparating na si Felina kaya hindi niya maiwan ang pinagsilungan.
Hindi inakala ni Natalia na nabuhay muli ang dalaga sa pag akalang binawian na itong tuluyan ng buhay.Mapalad ito at nabuhay muli ngunit naging isang halimaw namang kagaya ni Natalia. Sa pagkakataong iyon, tila hindi na natatakot ang dalaga at umiiyak na lamang na nakatingin ito kay Natalia."Halika, hayaan mo ako na ika'y aking tulungan," anya pa ni Natalia na pilit nagtataguyod ng magandang pakikisama sa dalaga. Inabutan niya ito nang kanyang kamay na kinakausap niya na noon ay nakaupo pa ang babae sa lupa ng kalye."Ako si Natalia," pagpapakilala niya sa kanyang pangalan. "Ikaw? Ano ang pangalan mo?" dagdag pa nito.Hindi sumagot ang dalaga at tumahimik ng mga ilang sandali Nakatingin lang ito kay Natalia na may pagtulo sa kanyang mga luha. Marahil ay napalagay din ang nalulub
Pinilit kong kumawala mula sa aking kinaroroonan. Inakma kong tumakbo palabas sa bilog na aking tinatapakan ngunit hindi ko magawang makaalis. Tila may isang hindi nakikitang harang ang sadyang binuo sa pinabilugang puting abo na siyang kumukulong at pumipigil sa akin na makatakas.Kasama ko si Solana. Kasama ko ang matalinhagang babaeng ito sa di malamang bahagi ng gubat. Mahanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa pagmumukha niyang talagang kawangis nang sa akin. Hindi ko pa rin lubos maisip na sa malawak na mundong ito ay may nabubuhay rin kaanyo ko.Ang makaharap at makita si Solana ay para bang kinakaharap ko rin ang aking sarili, ang sarili kong may kasamaang kabudhian na siyang nagpaiba sa aming dalawa.Dahil hindi ako makawala sa loob ng pinabilugang puting abo, ang aking tanging ginawa na lamang ay masdan at matyagan