Share

Balatkayo (2)

Malaki ang aking pagtataka sa mga nangyayari.

"Ang pangalan niya raw ay Alana. Siya ang kapatid ni Damian. Nagpapasalamat siya sa pagligtas at pagdala natin sa kanya rito. Isang malaking bagay raw ang ginawa natin, sabi niya," pag uulit ni Pablo sa mga salitang ayon sa kanya ay pumapasok lamang bigla sa kanyang isipan. Muli ay nagsalita ito patungkol sa anumang sinasabi ng isang tinig mula sa kanyang isipan.

"Sabi niya, pinilit niyang kausapin ka sa isipan mo pero hindi niya magawa. Wika pa niya, isang kakaibang nilalang ka rin katulad niya,"

"Isa akong bampira," aking sinabi sa lobo. "Isa ring sumpa ito sa akin kagaya ng sumpa sa inyo"

"Sabi niya, ngayon lang siya nakarinig nang tungkol sa tinatawag na bampira," pag uulit ni Pablo sa sinasabi ng lobo sa kanyang isipan. Para bang kinakausap ng lobo si Pablo sa pamamagitan ng isip.

"Marami akong naririnig na kuwento tungkol sa inyo pero ngayon lamang ako nakakakita ng isang tunay na taong lobo. Ikin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status