Share

Evarum

Tumirik na ang napakalaki at buong buwan sa kalangitan. Nagbigay ito ng kaliwanagan sa buong paligid. At sa pagtaas ng buwang ito, sa loob ng kuweba, ay naiwan ang nagbabalatkayong si Damian na kanyang pinakauna.

Lahat ng kanyang mga buto ay gumagalaw ng kusa. Ang sakit na dulot nito ang nagpapasigaw sa kanya ng matindi na yumayanig sa looban ng kuweba. Sa bawat malalakas na pagbali ng kanyang mga buto, hindi niya mapigilan ang sumigaw sa matinding sakit. Naririnig rin niya na sa bawat pagsigaw ay parang naririnig ang sarili na umiiling na parang lobo.

Ang unang pagbabalatkayo ay ang pinakamasakit sa lahat. Ito rin ang pinakamapanganib kaya naman kailangang ikadena ang sarili upang hindi maging sanhi ng isang madugong karahasan.

Sa unang pagbabalatkayo umuusbong kasi ang pagiging tunay na halimaw ng isang taong lobo. Sa panahong ito, nawawala sa sarili at tamang pag iisip ang isang taong lobo. Kaya nagpasalamat siya at naging mapalad ng makaligtas at makatakas s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status