Home / Fantasy / Lahid / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Lahid: Chapter 41 - Chapter 50

310 Chapters

Kal-Akani

"Graciela?" ang pagkilala sa pangalan ng taong tumambad mula sa aking pintuang pawid sa umagang iyon. Hindi ko inaasahang makikipagkita ang aking pamangkin sa akin."Tiya, maaari ba kitang makausap?" malambot at mahinang timbre ng tinig ni Graciela na nasa labas pa ng pinto."Pasok ka," pag-anyaya ko sa kanya na siya rin namang pumasok sa loob ng aking bahay kubo. Umupo siya sa isang silyang yari sa kahoy na kamaong at nagsimulang magsalita sa gusto niyang pag-usapan."Tiya,"panimula niya sa kanyang sasabihin. "Kilala ko na po ang mata ng tadhana,"Nagitla ako sa sinabi niya. Ang mata ng tadhana? Ang salamin ng kahapon, ngayon at bukas. Ang tanglaw sa mapaglarong bagay na tinawag nating tadhana. Talaga nga bang nahanap na ni Graciela ang mata?Bago pa man ako magkapagtanong sa kung sino ito ay nauhanahan na ako ni Graciela sa pagsasalita."Si Senyorita Manuela Agoncillo po tiya. Siya ang mata ng tadhana," anya ng aking pamangkin sa isang pan
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

Panig

Nasa mesa ako ng aking silid, nagsusulat muli sa aking journo tungkol sa naganap kagabi na talagang ikinagulat ko. Naalala ko ang nagpakitang Liwanag ng Araw sa pulong na iyon na talagang dama ko ang kakaibang damdamin sa sinuman ang nasa likod ng gintong maskarang iyon. Iniisip ko man ito ngunit napakasakit punahin sapagkat wala akong ni isang naalala o napag alaman tungkol sa Liwanag sa buong kasaysayan ng Sinag Araw. Pati ang aking mga kasamahang matatandang kawani kagabi ay walang alam ukol sa Liwanag ng Araw. Bukod pa roon, hindi ko rin inaasahang makita ang Supremong Sinag sa bansa. May tatlong buwan na pala ito narito sa Felipinas at ni kahit isa sa mga kasapi ng Sinag Araw ay walang kamuwangmuwang maliban kina Padre Paterno at ang yumaong Don Agapito.Naalala ko ang una pagkikita namin ng Supremo, dalawang taon na ang nakakaraan. Pumunta kaming pitong kawani, maliban kay Donya Dolores, ang Ikapitong Sinag, patungo sa bansang Pransya. Nagkaroon ng mahalagang pagtitipon
last updateLast Updated : 2021-12-18
Read more

Ang Dama

Fuentes. Ang tanging umiikot sa aking isipan sa mga sandaling iyon.Naging matagumpay ako sa pagbuo ng tiwala kay Pablo. At hindi rin ako nabigong makakuha ng impormasyon ukol sa batong Fuego, ang siyang tanging bagay lamang na naiisip ko upang mapatay ang aking ama na siyang punong bampira.Ramdam ko sa pagkakataong iyon na nasa ilang hakbang na lamang ako at makikita ko na ang batong hinahanap ko.Mabilis kong pinuntahan ang bahay ng isang Fuentes na itinuro sa akin ni Pablo. Nasa tabi raw ito ng simbahan. Sa dami ng mga bahay na naroon, hindi ko matanto kung saan sa mga bahay nakatira ang may apelyidong Fuentes.Kaya nagtanong pa ako ng mga ilang taga roon at siya namang naituro nila ang kinaroroonang bahay. Nang marating ko ito, nakasarado ang pinto. Nakabukas naman ang mga bintana sa itaas ng bahay kaya wari ko't baka mayroong tao sa loob.Kumatok ako ng malakas sa pinto. Kumatok ako ng apat na beses. Matapos magawa, wala akong nakuhang sagot.Kumatok
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more

Pangako

Bampira. Isang nilalang na mapanganib at walang ibang dinadala sa mga tao kundi marahas na kamatayan. Nabubuhay sa dugo at libanga'y ang kumitil ng buhay ng mga inosenteng tao.Walang kaluluwa. Alagad ng demonyo.Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga salitang iyon na sinabi sa akin ni Padre Paterno. Ito ang mga salitang naglalarawan sa maalamat na nilalang na kung tawagin ay bampira. Hindi bago sa aking pandinig ang salitang bampira, sapagkat minsan ko nang nabasa ang tungkol rito sa isang libro na ibinigay ng aking ama noon.Ngunit sa pagkakataon ito, hindi isang bunga ng kathang isip ang mga nilalang ito. Nakita mismo ng aking dalawang mata ang isang bampira nang minsan ay ipinakita ito sa akin ni Padre Paterno na siyang pinatay rin kagabi sa pagpupulong na tinawag na Piedra del Sol. Sa una'y hindi ako naniniwala sa mga sinabi ng prayle tungkol sa mga bampira ngunit nang makita ko ang katulad nito kagabi ay bumaligtad ang lahat.Totoo ito. Totoo ang
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

Kutob

Palubog pa lamang ang araw ay umalis na kami ni Manuela sa bahay. Gaya ng pankaraniwang araw, pinuntahan muna namin ni Manuela ang simbahan upang makapagdasal bago kami pupunta ng plaza at manuod sa gaganaping tanghalan roon. Pagkarating namin sa simbahan buhat ng sinakyan naming karwahe ay maraming tao ang naroon sa loob. Nagdadarasal din at namamanata para sa darating na kapistahan ng poong San Isidro Labrador. At sa harap naman ng simbahan ay dumagsa na ang iilang gustong manood sa nasabing pagtatanghal.Sa dapithapong iyon, nakita ko ang pinakamaraming tao sa may bahagi iyon ng bayan ng Santa Lucia.Nalaman ko kay Manuela kung bakit ganoon na lamang kasabik ang mga tagabayan sa gagawing pagtatanghal. Matagal na raw kasing walang ginanap na pagtatanghal sa Santa Lucia at sa gabing lamang iyon bumalik ito. Sino ba naman ang hindi masasabik sa mga pagsasadula ng mga kwento na kung mapapanood ay parang nasaksihan mo ang kaganapan sa kwentong isasalaysay.May kag
last updateLast Updated : 2021-12-21
Read more

Katauhan

Nagkagulo sa buong tanghalan. Nagsilabasan mula sa kawalan ang mga bampirang animo'y mga mababangis na hayop.Karahasan ang naidulot ng mga ito sa mga walang kamalay-malay na mga manunuod sa gabing iyon.Lahat kinakagat sa leeg at pinapatay sa pamamagitan ng pag-inum at pagtutuyo sa dugo ng mga nasusunggaban.Balot ang buong lugar ng tanawing kalagimlagim tingnan.Nagkalat ang mga duguang manunuod na nakabulagta sa lupa. Maririnig pa rin ang mga sigaw ng mga nabibiktima ng mga lumusob na halimaw.Isang pagsigaw ang binigay nila sa huli patungo sa kanilang kamatayan.Simula nang magkagulo sa tanghalan, dahil sa mga nagtakbuhan sa takot ang mga tao, hindi ko na nahagilap sa aking paningin ang aking bulag na pinsan. Napuno ng pangamba ang aking puso kung ano na ang nanyari sa kanya. Ngunit bukod sa lahat ng ito, alam kong nakaligtas si Manuela. Kailangan ko siyang hanapin siya upang mailayo rito.Nagkahiwalay kami nina Natalia at Pablo. Marahil
last updateLast Updated : 2021-12-22
Read more

Pakay

Wala akong nararamdamang iba maliban sa napakatinding sakit sa aking likuran at tagiliran. Ang sugat na aking natamo sa likuran ang mas pinakamasakit na natamo ko. Mula rito ang dalawang maliliit na bagay na dumiin sa aking laman. Dalawang maliliit na bagay na tila pabilog na kahango'y bala ngunit hindi ito yari sa anumang bakal. Ito ay yari sa kahoy.Doon ko na napag-alaman na gumagawa na ng mga kahoy na bala ang Sinag Araw. Matuwa man ako nito ngunit kailangan kong lubusan ko na ng ibayong pag iingat ngayong may sandata na ang mga ito laban sa mga katulad ko.Naalala kong muli si Carmela. Hindi niya dapat ginawa iyon. Iniligtas niya ako sa galit na nararamdaman ni Eduardo. Hindi ko siya dapat iniwan roon. Wala naman akong kasalanan. Ngunit, wala akong magagawa dahil buo ang kanyang loob na ako ay paalisin.Hindi ko magagawang iwan ang mga minamahal ko lalong lalo na sa oras na alam kong may kapahamakan. Ngunit sa pagkakataong ito, nagawa ko ang hindi ko dapat
last updateLast Updated : 2021-12-23
Read more

Puwersa

Hindi ko pa rin nagawang makita at mahanap si Manuela. Simula ng magkagulo sa tanghalan, ang mahanap siya lamang ang pinagtuonan ko nang oras. Puno ng pangangamba ang nasa aking kalooban dahil nagkalat ang mga halimaw na mga bampira na walang kaluluwang pumapaslang sa mga nanunuod sa tanghalang iyon. Paikot ikot ako sa buong lugar na iyon mahanap ko lamang ang babaeng aking sinisinta.Hawak ko sa paghahanap ang aking rebolber na may lamang balang yari sa kahoy ng Bernados. Simula noong matuklasan ang katangian ng kahoy laban sa mga bampira, sinimulan ng kapatiran ang paggawa ng mga sandata para sa Sinag Araw. Mula sa mga kahoy na bala, sa lubid hanggang sa pinatulisang kahoy, lahat ng mga ito na siyang hawak ng mga kasapi namin sa Sinag Araw ay lahat gawa mula sa kahoy ng Bernados.Kaya ganoon na lamang ang aking katapangan upang lumusong sa gulo mahanap lamang ang nawawalang si Manuela.Sa bawat sulong ng mga halimaw sa akin, pinapuputukan ko ang mga dibdib nil
last updateLast Updated : 2021-12-24
Read more

Nawalang Alaala

Naramdaman ko ang sakit mula sa aking batok. Napamulat na lamang akong bigla ng maramdaman ang nangingilay na sakit dito. Tila namamanhid ang aking buong leeg sa di malamang bakit.At nagulat akong nakita na lamang ang aking sarili na nakakadena sa isang bakal na upuan. Pilit kong kinakalas at sinisira sa aking lakas ang nakapalibot na kadena sa aking mga kamay at paa ngunit tanging nagawa ko lamang ay paggawa ng matikas na tunog mula sa mga ito.Naparoon na lamang ako sa isang di malamang saang lugar.Bahagyang madilim ang buong paligid. Ang tanging ilaw lamang ay ang nakasinding sulo na nakalagay sa isang dingdingan. Maamog at mabaho ang lugar na kinaroroonan ko. Para bang nasa isang madilim na yungib iyon.Kinakalas kong muli ang mga kadenang nakapalibot sa akin upang piliting makawala. Kahit malakas ako bilang isang bampira, hindi ko magawang sirain ang mga kadenang iyon. Huli na ng matanto kong yari ito sa pilak, ang uri ng bakal na hindi kayang sira
last updateLast Updated : 2021-12-25
Read more

Pasya

Hindi ako makatulog simula kagabi. Tila gusto ko ng magising mula sa isang masamang panaginip na ito. Gusto kong magising muli sa katotohanan ngunit kahit anu man ang gawin ko ay tila hindi ako magising gising sa masamang panaginip na ito.Walang oras buong magdamag ang hindi ko naisip si Carmela. Nandirito pa rin sa aking puso ang tindi ng pagkagulat. Hindi maalis sa aking isipan ang kanyang mga sinabi.Ang kanyang pagiging isang bampira. Ang uri ng halimaw na pumaslang sa aking ama.Hindi kapanipaniwala ang malamang ang siyang pinakamamahal ko ay kauri nang siyang pinakakasuklaman ko.Hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw sa akin. Ngunit ang makitang nasaktan si Carmela kagabi habang ako ay walang nagawa ay dumudurog sa aking puso. Mahal ko si Carmela, mahal na mahal, ayaw kong makita siyang nasasaktan ngunit hindi pa rin tanggap ng aking loob ang pagiging bampira niya.Mulat pa rin ako sa kakaisip ng sumikat na ang araw sa kalangitan. Nar
last updateLast Updated : 2021-12-26
Read more
PREV
1
...
34567
...
31
DMCA.com Protection Status