Ako ang pinakabata sa lahat ng kawani ng Sinag Araw. Matapos mamatay ang aking ama dahil sa sakit sa puso, ako ang pumalit sa kanyang posisyon bilang isa sa mga sinag ng organisasyon.Dumadaan sa dugo ng pamilya ang pagiging isang Sinag Araw, at nagpapatuloy ito sa henerasyon sa henerasyon. Sa pamamagitan nito, mapapanatiling tago ang isang bagay. Isang lihim, na noon pa ay iningat-ingatan ng mga tatag-ama ng Sinag Araw.At ito ang lihim tungkol sa pamamalagi ng mga bampira.Ang Sinag Araw ay isang organisasyong itinatag ng mga manglilipol-bampira. Itinatag ito noong 1784, may isang daang taon ng nakaraan ng isang kilalang manglilipol-bampirang ng Olanda na si Dr. Abraham Van Helsing.Umabot ang organisasyong ito sa Felipinas dala ng mga mangangalakal ng mga Olandes. Hanggang umabot ito sa kaalaman ng walong ilustradong Pilipino at itinatag ang parehong kawani dito sa Felipinas. Ngayon sa kasalukuyan, ang organisasyon ay pinamumunuan ng isang Pilipinong p
Last Updated : 2021-12-04 Read more