Makulimlim ang malawak na kalangitan pagkagising ko sa umagang iyon. Kahit ganoon ay hindi naman ito inaasahang uulan. Naisip ko na isang magandang timpla ng panahon ang araw na iyon upang maglibot sa buong bayan ng Santa Lucia. Walang araw, walang ulan. Maagang umalis si Tiyo Ciano at Tiya Dolores sa bahay kaya ang nadatnan ko sa hapag nang mag agahan ako ay ang kanilang mga anak. Ang aking mga magagandang pinsan."Carmela, kumain kana," pag aanyaya sa akin ni Manuela na habang pinapakain ang makulit nilang bunsong si Carmelita. "Kumain kana at baka hindi kana makapag agahan kapag dumating si Eduardo," "Manuela," bighing ko sa kanya. Naalala ko na nagyaya pala si Eduardo na mangabayo sa buong bayan. "Ipapasyal lang niya ako sa buong bayan. Iyon lamang ang ibig niya" "Hay naku- kayong dalawa lang?" ani Manuela. "Kung gugustuhin mu, sumama ka sa amin para may makasama ako," wika ko sa ka
Huling Na-update : 2021-12-03 Magbasa pa