Home / Fantasy / Lahid / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Lahid: Chapter 31 - Chapter 40

310 Chapters

Bituin

Tribo Baguljol, ito ang pangalan ng aming tribo. Kinuha mula sa pangalan ng pinakaunang datu namin, si Datu Baguljol.Siya ay napakatalino, napakagiting at napakalakas na datu na kilala sa kanyang mga mandirigmang gumagamit ng mga umaapoy na kampilan na siyang nagpabuklod sa mga karatig tribo upang itaguyod ang iisang pamayanan at iyon na nga ay ang tribo Baguljol.Naging masagana at payapa ang buong tribo sa pamumuno ni Datu Baguljol. Masaya ang lahat ng kanyang nasasakupan sapagkat kakaiba ang taglay nitong husay sa paghuhusga sa katarungan at mayroon siyang walang kasingtulad na kabaitan. Ngunit nag iba ang lahat nang mamatay si Datu Baguljol at humahalili bilang datu ang kanyang anak na si Bagaol, yumakap ang bagong datu sa dayuhang relihiyon na siyang dahilan kaya nagkawatakwatak at nahati ang buong tribo.Ang mga katutubong sumusunod kay Datu Bagaol ay nagpabinyag, kasama ang datu, sa dayuhang relihiyon. At ang mga n
last updateLast Updated : 2021-12-07
Read more

Utang na Loob

Nakarating na ako sa abandonadong bodega sa may dati naming pagawaan ng tabako kung saan nakasaad na ito ang lugar na aming pagkikitaan ayon sa sulat na aking natanggap galing sa di kilalang nagpadala.Kahit ganoon, hindi ako nakadama ng panganib para sa aking sarili at sa halip ay parang nararamdaman ko pang humihingi ng tulong ang sinumang nagpadala sa sulat.Nakasalalay ang buhay ng mga mamamayan ng Santa Lucia, ito ang huling mga salitang nakasulat sa mensahe at tila may alam itong taong nagpadala nito tungkol sa anumang nagbabadyang kapahamakang dadating sa bayan ng Santa Lucia.Kung humihingi man talaga ng tulong itong tao na ito upang pigilan ang panganib na ito ay tinitiyak kong walang pagdadalawang isip ko siyang tutulungan hanggang sa aking makakaya. Ngunit ganunpama
last updateLast Updated : 2021-12-08
Read more

Mga Balita

Lumalalim na ang gabi. Isang araw na naman ang lumipas sa buong Santa Lucia. Kahit nahanap ko na ang ang kahoy na pinapahanap sa akin ni Padre Paterno, naisipan kong manatili muna sa bayan ng mga ilang araw. Hindi ko naman inakalang mapadali ang paghahanap ko sa yaong pinagmulan ng kahoy na iyon na pinaniniwalaan naming makakapatay sa mga bampirang matagal nang nakatagong suliranin ng aming kapatiran.At nang malaman at mahanap ang kahoy na iyon, nabuhayan ng lakas ng loob at pag-asa ang buong kapulungan ng Sinag Araw.Pag asang mawala at mapuksa ang lahat ng mga bampirang nabubuhay na siyang mga alagad ng kasamaan.Hinihintay ko si Don Agapito, ang Ikaanim na Sinag. Ibinigay ko sa kanya ang mga nakuhang spesimen ng kahoy na iyon upang madala sa Maynila at gayon ay mapag aralan. Ibinig
last updateLast Updated : 2021-12-09
Read more

Husga

Makulimlim ang buong kalangitan sa aking paggising. Tinakpan ng magkahalong itim at puti na mga ulap ang kabuuan ng araw. Hindi naman ito mukhang uulan dahil sa bahagyang sinag mula nito sa kalangitan.Pagbangon ko, matapos kong mag ayos sa sarili, naisipan kong dungawin si Manuela.Tumungo ako sa kanyang cuarto at bahagyang binuksan ang pinto.  Sumilip ako mula rito at nakitang mahimbing na natutulog pa ang aking pinsan. Marahil ay napagod siya kahapon sa pamamasyal namin sa bayan matapos magpunta sa simbahan dahil sa kanyang mga nasabi kahapon na diumano'y mga nakita niya.Biglang naalala ulit sa aking isipan ang kanyang mga sinabi kahapon.Halimaw. Mga halimaw.Ang mga kataga
last updateLast Updated : 2021-12-10
Read more

Pagtanggap

Sakay buhat ng karwahe, may kadalian kong pinuntahan ang mansyon ng mga Ramirez. Mula ng marinig ang masamang balita mula kay Pablo at hanggang makasakay, wala pa rin akong ibang inisip kundi si Eduardo.Inisip ko kung gaano siya kalungkot ngayon. Inisip ko rin kung gaano ang kanyang paghihinagpis sa mga sandaling iyon. Wari ko at alam ko, na katulad ito sa paghihinagpis ko noon sa pagkamatay ng aking mga magulang.Alam kong napakasakit ito sa puso.Nakakagulat talaga ang biglaang pangyayari. Wala na si Don Agapito. Wala na ang dating gobernadorcillo ng Santa Lucia na hinahangaan ng mga tagabayan. Wala na ang pinakamaimpluwensiya ngunit payak at makataong lalaking nakilala ko.Wala na rin ang ama ng aking irog. At ngayon, hindi ko ala
last updateLast Updated : 2021-12-11
Read more

Mercedes

Naramdaman ko na lamang na may isang malambot na bagay akong kinakagat sa aking bibig. Nanlisik naman ang aking mga mata ng makita ko at mabatid na ang kinakagat ko pala ay leeg ng isang tao. Hinagis ko naman ito ng malakas palayo sa akin na siyang pagkahulog na may isang pagdabog sa sahig ang aking narinig.Malakas ang naging pintig ng aking puso. Naririnig ko rin ang lakas ng paghinga ng aking ilong. Nagsitayuan din ang mga balahibo sa aking katawan.Napatulala na lamang ako sa gulat nang mabatid kong isang tao iyon at marahil ay wala na itong buhay.Tiningnan ko mula sa kama ang naihagis kong katawan. Isa iyong babae. Isang babaeng makayumangging tulad ko na may makintab at maitim na buhok. Nakasuot ito ng baro't saya na may gayak na pinakintabang perlas sa kanyang leeg. Duguan ito.
last updateLast Updated : 2021-12-12
Read more

Huwad

Umuulan sa araw na iyon. Tila nakikisabay ang maitim na kalangitan sa kalungkutang nadarama ng mga mamamayan ng Santa Lucia. Dala ang kani-kanilang mga payong ay sumabay sa mga luhang tumutulo mula sa kanilang mga mata ang isang mahinang at malamig na ulan.Nakiramay, marahil para sa lahat,ang buong kalangitan sa pangungulila ng mga tagabayan sa pagkamatay ng isang mabait na taong naglingkod sa kanila s mahabang panahon.Sa araw na iyon, ihahatid na ang mga labi ni Don Agapito upang mamahinga na ng tuluyan at kasabay nito ay ang mga bugso ng mga alaalang mabubuti tungkol sa yumaong senyor.Maririnig mula sa simbahan ang isang mahinang pagpapatunog ng mga kampana mula sa tore nito. Ito ay ang bilang pagtawag umano sa mga anghel upang kunin o sunduin patungo sa Maykapal ang kaluluwa ng y
last updateLast Updated : 2021-12-13
Read more

Kapatid

Wala pa ring pinagbago. Walang nagbago. Hindi ko pa rin nagawang makita at nagawang maligtas ang kapatid kong si Damian. Naghintay ako sa wala. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya, kung buhay pa ba siya o patay na.Bigo na nga ba akong mailigtas ang kapatid ko?Narinig ko na lamang na yumao at nasawi sa pagpatay ang ama ni Senyorito Eduardo na si Don Agapito. Kalat na sa buong Santa Lucia ang nangyari. Nagulat naman ang lahat sa masamang balita. Ngunit sa pagkarinig ko sa balitang iyon,isa lamang ang pumasok sa aking wari.Waring nagtutumbok sa mga salitang, May pag-asa pa ba akong mailigtas si Damian?Ngayon at nagluluksa ang senyorito, ngayon at naghihinagpis ito sa pagkamatay ng ama, tiyak kong mababaling ng pangyayari ito ang kanyang balak sa pagtupad ng pangakong ililigtas niya si Damian mula sa di malamang pagkakakulong. Alam kong uunahin muna niya ang mahanap at madakip ang mga tulisang iyon kaysa sa gawin ang paghahanap at paglilig
last updateLast Updated : 2021-12-14
Read more

Paratang

Hindi na umuulan sa araw na iyon. Wala ring namumuong maiitim na ulap sa kalangitan. Buo ang pagkaaliwalas ng panahon. Masasabing isang napakagandang araw ito upang magising.Buo ang pamilya Agoncillo na kasama kong kumakain ng pananghalian sa komador. Sinabayan ko silang kumain ng piniritong tilapia na siyang ulam namin sa tanghaling iyon. Gaya noon, pilit ko na lamang itong kinakain kahit walang nalalasahang sarap upang hindi nila ako mapaghihinalaan. Simula ng makarating ako rito, ang dugo ng mga alagang hayop sa rantso gaya ng mga manok at kambing ang siyang pinagkukunan ko ng lakas. Ang pag-inom ko ng dugo ng mga hayop ay hindi man kasingsarap gaya ng dugo ng tao ngunit napapawi rin naman nito ang aking matinding uhaw. Bagkos, ilang araw din akong sinanay noon upang magawa kong sipilin ang pagkauhaw sa dugo ng tao.Katabi ko sa aking inuupuan sina Manuela at Laura. Sa harapan naman namin ay sina Tiya Dolores at ang iba pang mga kapatid ni Manuela. Nasa unahang dul
last updateLast Updated : 2021-12-15
Read more

Piedra del Sol

Mula sa pagkagising ko sa araw na iyon, wala na akong ginawa pa kundi ang magsulat sa aking journo. Bawat detalye at bawat pakiramdam ko sa mga nagdaang araw ay aking itinala sa makapal at mumunting kwadernong dating pinagmamay-arian ng aking yumaong ama.Nang dumating ang tanghali, ibinigay sa akin ni Prudencia ang isang kararating pa lamang na maliit na sobre. Sa malapad na mukha nito, ay nakilala ko ang nakatatak na simbolo.Isang maliwanag na araw na may walong silahis. Sa gitna ng araw na iyon ay may hugis-kalawit na buwan.Ito ang simbolo ng Sinag Araw. Ang simbolo ng aking kapatiran.Pagkabigay ni Prudencia, binuksan ko kaagad ang natanggap na sobre. Laman nito ay isang mensahe na mula pa kay Padre Paterno, ang Unang Sinag. Ayon sa sulat, may mahalagang pagpupulong ang magaganap mamayang gabi sa Piedra del Sol, ang nakatagong lugar kung saan ginaganap ang mga malalaking pulong na kalimitang ginagamit sa pagpupulong ng lahat ng mga kasapi ng Sinag A
last updateLast Updated : 2021-12-16
Read more
PREV
123456
...
31
DMCA.com Protection Status