Makulimlim ang buong kalangitan sa aking paggising. Tinakpan ng magkahalong itim at puti na mga ulap ang kabuuan ng araw. Hindi naman ito mukhang uulan dahil sa bahagyang sinag mula nito sa kalangitan.
Pagbangon ko, matapos kong mag ayos sa sarili, naisipan kong dungawin si Manuela.
Tumungo ako sa kanyang cuarto at bahagyang binuksan ang pinto. Sumilip ako mula rito at nakitang mahimbing na natutulog pa ang aking pinsan. Marahil ay napagod siya kahapon sa pamamasyal namin sa bayan matapos magpunta sa simbahan dahil sa kanyang mga nasabi kahapon na diumano'y mga nakita niya.
Biglang naalala ulit sa aking isipan ang kanyang mga sinabi kahapon.
Halimaw. Mga halimaw.
Ang mga kataga
Sakay buhat ng karwahe, may kadalian kong pinuntahan ang mansyon ng mga Ramirez. Mula ng marinig ang masamang balita mula kay Pablo at hanggang makasakay, wala pa rin akong ibang inisip kundi si Eduardo.Inisip ko kung gaano siya kalungkot ngayon. Inisip ko rin kung gaano ang kanyang paghihinagpis sa mga sandaling iyon. Wari ko at alam ko, na katulad ito sa paghihinagpis ko noon sa pagkamatay ng aking mga magulang.Alam kong napakasakit ito sa puso.Nakakagulat talaga ang biglaang pangyayari. Wala na si Don Agapito. Wala na ang dating gobernadorcillo ng Santa Lucia na hinahangaan ng mga tagabayan. Wala na ang pinakamaimpluwensiya ngunit payak at makataong lalaking nakilala ko.Wala na rin ang ama ng aking irog. At ngayon, hindi ko ala
Naramdaman ko na lamang na may isang malambot na bagay akong kinakagat sa aking bibig. Nanlisik naman ang aking mga mata ng makita ko at mabatid na ang kinakagat ko pala ay leeg ng isang tao. Hinagis ko naman ito ng malakas palayo sa akin na siyang pagkahulog na may isang pagdabog sa sahig ang aking narinig.Malakas ang naging pintig ng aking puso. Naririnig ko rin ang lakas ng paghinga ng aking ilong. Nagsitayuan din ang mga balahibo sa aking katawan.Napatulala na lamang ako sa gulat nang mabatid kong isang tao iyon at marahil ay wala na itong buhay.Tiningnan ko mula sa kama ang naihagis kong katawan. Isa iyong babae. Isang babaeng makayumangging tulad ko na may makintab at maitim na buhok. Nakasuot ito ng baro't saya na may gayak na pinakintabang perlas sa kanyang leeg. Duguan ito.
Umuulan sa araw na iyon. Tila nakikisabay ang maitim na kalangitan sa kalungkutang nadarama ng mga mamamayan ng Santa Lucia. Dala ang kani-kanilang mga payong ay sumabay sa mga luhang tumutulo mula sa kanilang mga mata ang isang mahinang at malamig na ulan.Nakiramay, marahil para sa lahat,ang buong kalangitan sa pangungulila ng mga tagabayan sa pagkamatay ng isang mabait na taong naglingkod sa kanila s mahabang panahon.Sa araw na iyon, ihahatid na ang mga labi ni Don Agapito upang mamahinga na ng tuluyan at kasabay nito ay ang mga bugso ng mga alaalang mabubuti tungkol sa yumaong senyor.Maririnig mula sa simbahan ang isang mahinang pagpapatunog ng mga kampana mula sa tore nito. Ito ay ang bilang pagtawag umano sa mga anghel upang kunin o sunduin patungo sa Maykapal ang kaluluwa ng y
Wala pa ring pinagbago. Walang nagbago. Hindi ko pa rin nagawang makita at nagawang maligtas ang kapatid kong si Damian. Naghintay ako sa wala. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya, kung buhay pa ba siya o patay na.Bigo na nga ba akong mailigtas ang kapatid ko?Narinig ko na lamang na yumao at nasawi sa pagpatay ang ama ni Senyorito Eduardo na si Don Agapito. Kalat na sa buong Santa Lucia ang nangyari. Nagulat naman ang lahat sa masamang balita. Ngunit sa pagkarinig ko sa balitang iyon,isa lamang ang pumasok sa aking wari.Waring nagtutumbok sa mga salitang, May pag-asa pa ba akong mailigtas si Damian?Ngayon at nagluluksa ang senyorito, ngayon at naghihinagpis ito sa pagkamatay ng ama, tiyak kong mababaling ng pangyayari ito ang kanyang balak sa pagtupad ng pangakong ililigtas niya si Damian mula sa di malamang pagkakakulong. Alam kong uunahin muna niya ang mahanap at madakip ang mga tulisang iyon kaysa sa gawin ang paghahanap at paglilig
Hindi na umuulan sa araw na iyon. Wala ring namumuong maiitim na ulap sa kalangitan. Buo ang pagkaaliwalas ng panahon. Masasabing isang napakagandang araw ito upang magising.Buo ang pamilya Agoncillo na kasama kong kumakain ng pananghalian sa komador. Sinabayan ko silang kumain ng piniritong tilapia na siyang ulam namin sa tanghaling iyon. Gaya noon, pilit ko na lamang itong kinakain kahit walang nalalasahang sarap upang hindi nila ako mapaghihinalaan. Simula ng makarating ako rito, ang dugo ng mga alagang hayop sa rantso gaya ng mga manok at kambing ang siyang pinagkukunan ko ng lakas. Ang pag-inom ko ng dugo ng mga hayop ay hindi man kasingsarap gaya ng dugo ng tao ngunit napapawi rin naman nito ang aking matinding uhaw. Bagkos, ilang araw din akong sinanay noon upang magawa kong sipilin ang pagkauhaw sa dugo ng tao.Katabi ko sa aking inuupuan sina Manuela at Laura. Sa harapan naman namin ay sina Tiya Dolores at ang iba pang mga kapatid ni Manuela. Nasa unahang dul
Mula sa pagkagising ko sa araw na iyon, wala na akong ginawa pa kundi ang magsulat sa aking journo. Bawat detalye at bawat pakiramdam ko sa mga nagdaang araw ay aking itinala sa makapal at mumunting kwadernong dating pinagmamay-arian ng aking yumaong ama.Nang dumating ang tanghali, ibinigay sa akin ni Prudencia ang isang kararating pa lamang na maliit na sobre. Sa malapad na mukha nito, ay nakilala ko ang nakatatak na simbolo.Isang maliwanag na araw na may walong silahis. Sa gitna ng araw na iyon ay may hugis-kalawit na buwan.Ito ang simbolo ng Sinag Araw. Ang simbolo ng aking kapatiran.Pagkabigay ni Prudencia, binuksan ko kaagad ang natanggap na sobre. Laman nito ay isang mensahe na mula pa kay Padre Paterno, ang Unang Sinag. Ayon sa sulat, may mahalagang pagpupulong ang magaganap mamayang gabi sa Piedra del Sol, ang nakatagong lugar kung saan ginaganap ang mga malalaking pulong na kalimitang ginagamit sa pagpupulong ng lahat ng mga kasapi ng Sinag A
"Graciela?" ang pagkilala sa pangalan ng taong tumambad mula sa aking pintuang pawid sa umagang iyon. Hindi ko inaasahang makikipagkita ang aking pamangkin sa akin."Tiya, maaari ba kitang makausap?" malambot at mahinang timbre ng tinig ni Graciela na nasa labas pa ng pinto."Pasok ka," pag-anyaya ko sa kanya na siya rin namang pumasok sa loob ng aking bahay kubo. Umupo siya sa isang silyang yari sa kahoy na kamaong at nagsimulang magsalita sa gusto niyang pag-usapan."Tiya,"panimula niya sa kanyang sasabihin. "Kilala ko na po ang mata ng tadhana,"Nagitla ako sa sinabi niya. Ang mata ng tadhana? Ang salamin ng kahapon, ngayon at bukas. Ang tanglaw sa mapaglarong bagay na tinawag nating tadhana. Talaga nga bang nahanap na ni Graciela ang mata?Bago pa man ako magkapagtanong sa kung sino ito ay nauhanahan na ako ni Graciela sa pagsasalita."Si Senyorita Manuela Agoncillo po tiya. Siya ang mata ng tadhana," anya ng aking pamangkin sa isang pan
Nasa mesa ako ng aking silid, nagsusulat muli sa aking journo tungkol sa naganap kagabi na talagang ikinagulat ko. Naalala ko ang nagpakitang Liwanag ng Araw sa pulong na iyon na talagang dama ko ang kakaibang damdamin sa sinuman ang nasa likod ng gintong maskarang iyon. Iniisip ko man ito ngunit napakasakit punahin sapagkat wala akong ni isang naalala o napag alaman tungkol sa Liwanag sa buong kasaysayan ng Sinag Araw. Pati ang aking mga kasamahang matatandang kawani kagabi ay walang alam ukol sa Liwanag ng Araw. Bukod pa roon, hindi ko rin inaasahang makita ang Supremong Sinag sa bansa. May tatlong buwan na pala ito narito sa Felipinas at ni kahit isa sa mga kasapi ng Sinag Araw ay walang kamuwangmuwang maliban kina Padre Paterno at ang yumaong Don Agapito.Naalala ko ang una pagkikita namin ng Supremo, dalawang taon na ang nakakaraan. Pumunta kaming pitong kawani, maliban kay Donya Dolores, ang Ikapitong Sinag, patungo sa bansang Pransya. Nagkaroon ng mahalagang pagtitipon
Isang araw na siyang hindi nakakain at sigurado akong nagugutom at nauuhaw na iyon sa madilim na kulungang doon. Kaya naisipan kong dalhan ang lalaki ng pagkain at tubig pagkatapos kong kumain. Pinilit ng tatlong tulisan na kunin ang aking dalang pera. Nanlaban ako kaya binubog nila ako upang makuha lamang ang kwaltang nais nilang kunin mula sa akin. Napagbatid din ni Pedro ang ilang nagsisidatingang mga tao roon; may ilang mga kababaihang nakasuot ng magaganda't magagarang traje de boda na naghahagikhikan pa sa isa't isa habang papasok sa loob ng mansyon at may nakikita rin siyang mga papasok na mga kalalakihan roon na nakasuot ng iba't ibang isitilo ng chachetta at pantalones na sa mga kilos at tindig ay kagalang-galang tingnan. "Alas siete na pala," anya ni Don Condrado sa sarili nang malaman na ang oras. Sa di malamang dahilan, tumigil ang mga tulisan, umalis na sinunod ang ninais ng napakagandang babaeng iyon. Wari ko, hindi yata nila matanggihan ang tila isang anghel na dilag ka
Suot ang maganda at gawa sa bulak na chachetta na itim na pinalooban niya ng puting polo at kurbatang itim, ay inayos ito ni Julian sa paglabas niya ng sinakyang karwahe. "Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Ang mga arko namang ito ay bumuo ng malalaking debatong kaha kung saan may mga butas na siyang ginagawang tanawan at lusutan ng mga bumabaril mula sa loob ng fuerte. Nabaliw ito dahil sa labis na pagnanasa nitong maging pinakatanyag na pintor sa bansa kaya halos ginugol na niya ang buong sarili sa pagpipinta ng kung anu-anong mga larawan. Tiningnan niya ang inventario doon kung tugma ba ang mga nakasulat ayon sa pagsusuring ginawa niya. "Natutuwa ako, Carmela, at masaya kang makilala sila," wika ni Natalia sa akin na may bakas ng tuwa sa kanyang mukha para sa akin. Alam niyang sa bayang ito magsisimula ang bukang liwayway ng aking bagong buhay. Ang alak ang nagbibigay gaan sa aking loob bukod sa isang pang likidong parehong nil
"Iyon lang ang masasabi mo?" ang napabulalas na tanong ni Venancio, ang ama ni Sergio, bulalas man ngunit nasa mahinang tinig. Sa pagkakataong iyon ay para bang nalalasap sa dulo ng kanyang dila ang lamang matatamis nito na siyang napapalunok naman sa natitirang laway sa bibig niya. May sakit po kasi ngayon ang nanay ko at wala akong maiuuwi ngayon kung wala po akong mababaleng pera ngayon. akbo lang siya nang takbo, at habang hinihingal na ay may palingon-lingon niyang tinitingnan ang kanyang bandang likuran na tila ba may tinatakbuhan siyang di makita-kitang bagay sa lilim ng kadilimang naroon. Kumalam na ulit ang kanyang tiyan. "Hindi! Umalis ka na!" At sinipa si Clara ulit ng matabang donya. Nang matumba ang dalaga, kinuha siya bigla ng senyora, kapit ang kanyang suot na puting baro. Matagal lumipas ang pagkalam nito. Pinagpawisan na rin ang noo niya dala nang matinding nararamdamang gutom. Mulang siya ay magising ay inayos muna ni Graciela ang sarili niya, tumayo siya sunod at in
Ang lahat ng ito ay karaniwang ginagawa sa pabrika ni Andracio bilang isang encargador. Paulit ulit kong tinawag ang aking mga magulang ngunit pawang katahimikan lamang ang sumagot rito. Sa bahagi ring ito makikita ang isang malaking bodega, na may pintuang malahugis arko na may mga magagandang ukit na binubuo ng mga bulalak at mga ibon. Huminto ito sa tapat ng mansyon, at pagkalabas niya nang karwahe ay napansin niya kaagad sa may labasan ng casa ang mga nakaunipormeng puro Kastilang kawal ng mahistrado na buong tindig roon na nakabantay at walang bahid ni anumang damdaming makikita sa mga pagmumukha. At nang lumingon ako upang makita kung sino iyong tumambad sa akin ay doon ko natantong ako ay tama sa pagwari ko. Halos walang tao ang nasa mercado sa araw na iyon. "Bago natin ibalik ang mangkukulam na ito sa impyerno," wika ng padre sa lahat. Hindi dahil maulan at malamig kundi dahil ang mga manininda at negosyante sa pamilihang iyon ay mga ilang tagahanga at natulungang tao ni Don A
Nagpasalamat din si Julian sa kanila at tinanggap ng buong loob ang ibinigay ng mga babae sa kanya. Wala naman siyang ibang naisip na maaaring gawin upang matapos ang pagdudurusa ng lalaki--dulot ng matinding nararamdamang sakit--kaya dala ng awa ay pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagdiin lalo ng nakatusok na kahoy sa dibdib. Marahil hindi pa alam ng mga taga Mansion Gliriceda ang pagkawala ng kanilang señorito o hindi rin napagbatid maging nang mga tauhang nagtratrabaho sa pabrikang pagmamay-ari nito.Nang mahagip bigla sa isipan ni Andracio ang pangalan ni Julian, naalala na naman niya muli ang isang bagay. Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas.Ang lahat ng ito ay inalisan at tinanggalan niya ng alikabok, mga nakabiting agiw at dumi na apat na araw nang nalikom doon. Marahan siyang umakyat sa hagdanan, di inalintana ang madilim at makitid na mga hakbang, hanggang sa narating na nga niya ang tutok nito. "Ubos
Hindi ko mapipilit na sumagot siya sa akin sapagkat hindi naman niya ako kilala."Hindi ko ginustong mangyari ito sa akin. Hindi maaaring nilinlang ako noon ng aking kaibigang si Felina. Binuo ako ng isang bampirang nangangalang Mercedes,"ani pa niya sa akin. Hindi ko magawa ang makatayo mula sa pagkadapa ko sa lupa dahil nangangatog sa takot ang aking buong katawan. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dahil kung hindi, tiyak mamamatay ako sa kamay ng aking kaaway na walang kalaban-laban. Tinuruan niya akong mamuhay ng karaniwan sa kabila ng sumpang aking dinadanas at sa hanggang tuluyan ko nang napigil ang aking pagkauhaw sa dugo ng tao. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari. Buhat nga makahiga, binubulong ko lamang sa aking isip na iwala ang mga masasamang wari pero ang mga bakas pa rin ng takot ang tumatatak sa aking isipan. "Si Aurora talaga, kahit nakapag-asa
Ang Serapica lang ang tanging masasakyan kung papatungo sa Dapitan kaya hindi maaaring hindi sumakay sa bapor na iyon ang mga nadakip na ilustrados. Wala akong winari simula nang lumisan ako kundi ang kalimutan ang lahat ng aking mga naranasan sa Santa Lucia. Sumunod naman ako sa kargador. Kakaiba ang aking naramdaman sa kanya na hindi ko alam kung bakit gusto kong alamin ang lalaking dumaan.Sumiklab naman ang galit sa pakiramdam ni Andracio nang marinig ang mga pahambog na ito mula sa taksil. Bumaba kami sa barko na dinaanan ang hagdanang yari sa makapal na tabla. Pagbanggit niya sa pangalan ng aking alila noon,naalala ko at pumasok muli sa aking wari ang kung papaano ko napatay si Mercedes. Sa marahang pagbaba ng yumao sa kanyang lupang himlayan, biglang naagaw ang pansin ni Julian nang may makita siyang isang babae na lumapit doon. Isang nahahating maskarang puti naman ang kanyang hawak hawak sa kaliwang kamay na siyang bigay rin sa kanya ni Delfina bago ito umalis, sapagkat ang ya
Alam ni Padre Mariano na tama ang mga naging pahayag sa kanya ni Criscancio. Tanto ko, ang mahalagang pagpupulong na ito ay marahil tungkol sa mga alagad ng dilim na nagkalat na sa bansa na siya naman talagang pangunahing paksa ng lahat ng pulong. Walang ibang laman ang nasa isipan ng encargador habang siya'y nakasakay sa calesa kundi ang mga salitang natanggap niya sa dalaga. Hinablot ko ang kanyang munting katawan na siyang napunan ko ang pagkahulog mula sa aking mga bisig. Agad namang lumabas ang mag-amang Guevarra pagkatutok ng mga baril sa kanila, at pagkalabas ay walang anu-ano'y bigla na lamang tinadyakan at ginulpi ng dalawang lalaki si Don Armando. Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Kinuha ko ang platong may lamang ulam at kanin at gamit ang kutsara ay pinasubo ko ito sa kanya. Ang punong manggagaway an gang makapangyarihan sa lahat ng mga manggagaway. Mula sa pagkakaupo sa cama ay tinunghan si
Sa paglagak ng pangpitong basong may lamang vino, biglang natalos ni Andracio sa kanyang pandinig ang isang kilalang boses. Sila ang mga dayuhang kasabay kong naglayag, mga dayuhang una pa lamang tatapak sa isla na ipinangalan ng mga Kastila sa isang hari. Natatabunan naman ng malakas na kulog ang kanyang mga nagdudurusang sigaw sa pagtawag sa pangalan ng ama na sa bawat paggapang ay ang tanging nagagawa lamang niya. "Manuela, mag ingat ka. Baka nasasaktan mo na sa higpit ng pagkakayakap mo kay Carmela," ani ni tiyo sa babaneg yumakap sa akin. Mararamdaman naman pagkapasok sa doble puerte ang bayo ng malinis na hanging nanggagaling sa labas na umihip mula sa apat na malalaking bintanang naroon. "Alam mo namang may kakayahan akong hindi kayang gawin ng iba," sagot naman niya sa akin. Malapit lang naman ang pabrika sa kanyang bahay kaya nilakad lamang ni Andracio ang pagpunta rito. Pagkarinig sa yaong pangalan ay hindi na naghintay pa ang prayle at kanya nang sinamahan ang bata pabalik