"Naintindihan kita, Viktor," ang aking mangiyak ngiyak na sagot. "Lahat ay naiintindihan ko," dagdag ko pang sabi.Hindi pa rin niya inalis ang kanyang tingin sa akin habang nakahiga sa aking mga braso. Sa mga sandaling iyon ay nakita kong muli ang mga magagandang mata ni Viktor. Napagtanto sa mga pagyakap ko na nanatili pa rin ang kanyang mga mata bagkos sa pagkakaiba ng kanyang buong mukha. Ang mga matang iyon ang siyang pinakakatangi ko kay Viktor."Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, mapatawad mo lamang ako sa lahat ng ginawa ko sa iyo. Matagal ko nang gustong humingi ng tawad ngunit umiiral pa rin ang aking pagkamasarili. Binigo kita, Natalia. Sinira ko ang pangako ko sa iyo noon. Ngayon, ayokong mamatay na hindi mo malalaman na mahal na mahal pa rin kita,"anya sa akin ni Viktor na may pag iinda sa sakit ng malaking sugat na natamo niya."Mahal na mahal rin kita, Viktor," ang sa.got ko naman sa kanya. Sa lumipas na mg.a panahon, totoong nanatili pa rin s
Last Updated : 2022-02-01 Read more