Home / Fantasy / Lahid / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Lahid: Chapter 101 - Chapter 110

310 Chapters

Savpuyri

"May nakalap ka na ba?"Ito ang aking katanungan kay Graciela mula noong ako'y makapasok sa silid na kinaroroonan niya. Ang tanging ilaw lamang na nagpapaliwanag sa loob ng silid na iyon ay ang sinindihang lampara na nasa lamesa katabi ng inuupuan ng yaong dalaga. Sa kanyang mga kamay ay hawak niya ang maskarang uwak na suot ng isa sa mga lalaking bumihag kay Carmela kung saan nang maabtan ko ay pilit pa rin niyang binabasa gamit ang kanyang taglay na kakayahan sa pagbabasakaling mahanap ang mga nangdukot sa aking kaibigan. Pagkarinig ni Graciela sa aking katanungan ay tiningnan niya lamang ako. Nagpakita siya sa akin nang isang nalulungkot na mukha kaya napagtatwa ko kaagad kung ano ang isasagot niya. Hindi man nagbikas ni isang salita ay alam kong bigo pa rin kaming dalawa sa aming nais mangyari nang binigyan niya lamang ako nang palingon-lingon sa ulo bilang sagot. Iyon ay ang ikalimang pagkakataon na naming sinubukang basahin ang maskara at hanggang ngayon ay hindi pa rin
last updateLast Updated : 2022-02-13
Read more

Maracus

Wala akong ibang naririnig sa paligid kundi ang aking malalakas na hingal habang ako'y tumatakbo sa kahabaan ng isang di malamang bulwagan. Walang ilaw rito. Walang kahit ano maliban na lamang sa bumabalot na kadiliman. Kahit nawawala na'y patuloy pa rin ako s pagtakbo na hangad ay ang makatakas mula sa hindi malamang lugar na ito. Nararamdaman ko na lang bigla ang panghihina nang aking mga binta dala ng pagod sapagkat may ilang oras na rin akong nagtatatakbo. Sugatan pa ang kaliwang braso ko na natusok sa isang matulis na bagay kaya dumadaloy na sa buong braso ko ang mapupulang dugo. Tumatakbo ako dahil may humahabol sa akin. Hindi ko alam kung sino o ano itong sumusunod sa akin, ngunit ramdam ko ang panganib na maaari niyang dalhin sa akin. Tila wala namang katapusan ang paselyong aking tinatakbuhan. Sa bawat hakbang ko ay para bang humahaba pa ito na ni di ko magawang matanaw ang bandang duluhan nito. Nangilabot naman ako noong marinig ko ang mabibigat na mga hakbang ng anong ito
last updateLast Updated : 2022-02-14
Read more

Tulong

Isang bagong araw para sa panibagong kinabukasan.Ito ang naging sabi ko sa sarili habang tinatanaw mula sa ventanilla ng cuarto ang maganda at maaliwalas na araw sa malawak na kalangitan ng San Nicolas. Sumilaw at nadama ko rito ang dala nitong kakaibang init na muli kong nadarama matapos ang nagdaang tatlong araw. Ito ay ang kakaibang init na dulot ng nakakasilaw na mga silahis ng haring araw na tila ba maiuuring tulad ang init sa isang mahigpit na yakap. Parang nasa ibang mundo ako napadpad kung maihahambing lamang ang aking nararamdaman, hindi alintana ang mga kahindik-hindik na tanawin sa nawasak na karatig bayan nitong Santa Lucia.Nagising ako nang maaga. Mulang mangyari ang digmaan ng mga halimaw sa Santa Lucia ay paputol-putol na ang pagtulog ko at minsan pa'y nagigising na lamang ako bigla sa kalagitnaan ng gabi dahil sa mga masasamang panaginip. Hindi pa man sumibol ang araw ay mulat na ako sa higaan at para tanggalin ang pagkabagot ay ginawa ko na ang ilang
last updateLast Updated : 2022-02-15
Read more

Uri

Panganib.Wala akong ibang kutob sa mga sandaling iyon kundi ang nakaambang panganib. Mulang matambangan ng mga alagad ng Savpuyri ay kanila akong ibinalik kaagad sa kulungan. Sinubukan kong manlaban ngunit noong ako'y dinadala nila pabalik ay naninigas pa rin ako't hindi ko maigalaw ang aking buong katawan. At noong ako ay naipasok na muli sa kulungan ay laking kapanagan naman ang umiral sa akin nang lumusaw bigla ang paninigas at makakaya ko nang igalaw muli ang aking katawan.Sa pag-alis ng dalawang lalaking naka maskarang uwak ay hindi ko mapigilan ang mangilabot sa makikita. Isang napakalaking lugar yaon na may nagsisiharapang mga de rehas na pintuan. Balot na balot ang paligid sa kadiliman at ang tanging nagbibigay ilaw lamang roon ay ang isang umaapoy na sulong inilagay nila sa harapan ng aking kulungan. Matatanto na may ilang matagal na ring nakatayo ang kulungang yaon dahil sa nangangalawang na ang nga rehas nito pati na ang ginagamit na kandado. Dagdagan pa a
last updateLast Updated : 2022-02-16
Read more

Bihag

Itinatag noong 1754, ang kampanaryo ng Catedral de San Pablo ay ang pinakamataas na istrukturang makikita sa buong bayan ng Sangrevida. May taas itong trenta metros na kung titingnan ang tutok nito mula sa lupa ay para bang humahalik na ito sa kalangitan. May lawak ang campanario nang sampung metros na may parisukat ang hugis at sa ibaba ay pinaligiran ito ng iba't ibang uri ng halamang ornamentales at mga makukulay na bulaklak na lalong nagpaganda dito. Yari ang kabuuan ng katawan nito sa makakapal na batong adobe, ilang batong korales, at matitigas na kahoy. Ang pondasyong nagpapatayo naman dito ay gawa sa purong adobe rin na inilibing sa lupa sa may lalim na labinglimang metros bilang pagpapatatag sa kampanaryo laban sa anumang delubyong darating gaya ng mga lindol at pagbagyo. Dahil katabi lang nito ang napakalaking Catedral de San Pablo, kinulayan din ito ng kulay crema na nan
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more

Sugat

Upang maparam man lang sandali ang kanyang nararamdamang pighati dahil sa nangyari kaninang umaga, kinagabihan, ay naisipan ni Andracio ang mag-inom at magpakalasing sa alak kaya tumungo siya sa Valiente, isang malaking bahay inuman sa Vinos Calleja. Gaya sa karaniwang madadatnan sa isang bahay inuman, di pa man siya nakapasok sa loob ay naririnig na niya sa silong ang napakaingay na mga kantahan, kuwentuha't tawanan ng mga nag-iinuman pati na ang sumisingaw ditong bantot na likha ng pinaghalong alak at usok ay naaamoy na rin ni Andracio pagkarating niya. Malakas pa rin ang ulan sa gabing iyon. Di tumila magmula pa kaninang umaga kaya nung makarating na ay pumasok siya agad sa loob ng Valiente para maibsan ang dinadamdam na lamig dahil sa pagkabasa. Pagpasok ng Bastong Loro sa Valiente, bumungad agad sa kanya sa loob ang napakaraming tao na sa pinagsamang iba't ibang pagtipon-tipon ng mga ito ay tila napupuno na ang kabuuan ng bahay inuman. Inaasahan na ito sapagkat simulang maisara
last updateLast Updated : 2022-02-18
Read more

Revolveré

Kaya naman, upang mapigilan niyang lumabas ang pinaghalong suklam at galit at baka mangdilim pa ang kanyang paningin, tinapos na ni Andracio ang kanyang huling inuming vino, nagbayad at dali dali siyang tumayo sa kinauupuang silya, palabas na nang bahay inuman. Pagkarating sa entrada ay natanaw niyang malakas pa rin ang ulan sa labas, na batay sa buhos ay di yata titila hanggang sa kinabukasan. Sumukob na muna ang Bastong Loro sa isang sulukang gilid sa may silong ng Valiente para patilain bahagya ang ulan. Dama niya rin ang lamig ng hangin doon kaya kanyang niyakap ang sarili para mainitan.Sa paghihintay na mapahina ang ulan, naalala muli ni Andracio si Julian, ang pamangkin ni Don Condrado. Hindi niya ito nakita sa buong araw na iyon kung kaya napaisip siya kung nasaan ito. Hindi rin ito pumunta sa kanyang clinica sa Barangay Umag ayon sa mga pinagtanungan niyang mga tagaroon. Malamang katulad
last updateLast Updated : 2022-02-19
Read more

Hamon

Sa nakaraang sampung taon...."May bumabagabag ba sa iyo, Julian?" ang may ngiting tanong sa kanya ni Don Condrado habang silang dalawa ay sumasakay sa isang karwahe.Nakita kasi nito na hindi kumikibo sa kinauupuan ang labindalawang taong gulang pa noong si Julian. Nagtanong naman ito ulit nang walang makuhang tugon mula sa bata, batid ang dahilan kung bakit ganoon ang inaasal ng pamangkin."Nalulungkot ka pa rin ba sa pagkawala ng iyong maestro?" tanong ni Don Condrado. Ang tinutukoy niyang maestro ay si Jose Calisto de San Gabriel, isang dayuhang manlalakbay, na dalawang linggo nang hindi nagpapakita kay Julian. Sa tanong na ito ay binasag na ng batang Guevarra ang kanyang pananahimik at nagsalita na sa kanyang tiyuhin. "Sa tingin niyo po ba, Tiyo Dado, babalik pa si Ginoong Calisto?" anito na mararamdaman sa boses ang kababaan ng loob. Pinunan naman ni Don Condrado ang bata nang wasto at to
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more

Karosa

Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Sa tindi ng sakit ay napahawak siya't hinilot sa dalawang kamay ang mga gilid ng noo para mawala man lang kahit kunti ang kanyang iniinda. Alam naman niya kung ano ang nagdulot nito sa kanya kung kaya ganun na lamang katindi ang pagsakit ng kanyang ulo.Ito ay dahil sa mga nakakalunong na alak na kanyang ininom kagabi habang siya ay nagluluksa.Buong araw nagkulong sa cuarto kahapon si Julian. Hindi siya lumabas at pumunta sa Plaza Polistico kung saan ibinitay sa harap ng maraming tao ang kanyang tiyuhing si Don Condrado. Mas pinili niya ang maglugmok sa cuarto upang makapag-isa kaysa sa makita ang naging magimbal na kamatayan ng kanyang nag-iisang tiyuhin. Hindi niya tanggap ang nangyari kay Don Condrado. Kailanman ay di niya ito matatanggap sa tanang buhay niya dahil para sa kanya, hindi makatarungan ang pagbitay kay Don Condrado. Kaya nga kagabi, nan
last updateLast Updated : 2022-02-21
Read more

Karosa (2)

Sa pagkaalala niya sa tanong na ito na hindi niya napunan ng sagot noon, sa mga sandaling iyon ay may naisip ng sagot si Julian para sa yumaong tiyuhin.Oo, Tiyo Dado, anya ng wari niya kaharap ang salamin. Ang pagkawanggawa sa kapwa. Ang pagtulong sa kanila. Ito ang makabuluhang bagay na aking nagawa. At malamang ito rin ang makabuluhang bagay na iyong nagawa.Pagpatak ng hapon at nang makapaghanda na, lumabas na rin sa cuarto si Julian. Bumaba siya agad sa balustrada upang tunghan na sa ibaba ang mga labi ni Don Condrado at pagkababa naman niya'y tumambad sa kanya roon ang di inasahang dami ng tao na pawang mga nakikiramay para sa yumao. May isang matabang babae naman ang biglang lumapit, pagkababa niya, at yumakap ng mahigpit sa kanya. "Julian," anito nang makita siya dama ang pagkumbaba at pakikiramay sa tinig. Nakilala naman ni Julian ang yaong matabang babae na siyang walang iba kundi ang bunsong kapatid ng kanyang ina na si Delfina de Pascua y Chavez. Nasa mga g
last updateLast Updated : 2022-02-21
Read more
PREV
1
...
910111213
...
31
DMCA.com Protection Status