Home / Fantasy / Lahid / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Lahid: Chapter 91 - Chapter 100

310 Chapters

Talinhaga

Dama ko ang lamig ng simoy ng hangin sa aking paligid.Hudyat, na sa mga oras na ito ay bumubuka na ang liwayway upang tapusin ang karimlan ng gabi at salubungin ang paparating na araw. Alam kong sa darating na mga sandali, sisibol na ang haring araw upang magbigay ng liwanag sa buong kalangitan. Kahit ganunman ang lamig ng hanging bumabayo sa buong Santa Lucia, malalanghap pa rin ang kakaibang amoy na sumisingaw kasabay ng hanging umiihip.Ito ay ang malansang amoy ng malagim na kamatayan na siyang alam kong nanggaling sa gitnang bayan kung saan ngayon nagaganap ang digmaang tiyak na magpapabago sa buhay ng buong bayan ng Santa Lucia.Kakaiba ang aking nadarama sa aking katawan. Matapos kong masaksak ng gintong punyal ang nakaaway kong kanina na isang napakalakas na mangkukulam, bigla na lamang ako nakadarama ng matinding panghihina sa aking buong katawan. Kaya naman, minabuti kong umupo muna sa lupa at paunti unting kumukuha muli ng sapat na lakas para sa sari
last updateLast Updated : 2022-02-01
Read more

Pagtatagpo

Tanggap ko na ang aking magiging kamatayan.Handa na akong mamatay. Katabi ko ang namayapang bangkay ni Viktor at wala na akong mahihiling pa kundi ang mamatay na kapiling ang aking minamahal. Alam kong mamamatay na ako sa pagkakataong ito. Isang malaking dakot ang aking ginawa, at dahil dito, tiyak mamamatay na ako.Mamamatay na ako sa kamay ng aking ama."Magsama kayong dalawa!" ang sigaw ng aking ama. Binagwis niya ang kanyang mga malapaniking pakpak, lumipad sa himpapawid at palusob ito sa akin na may pagtatama sa kanyang matutulis na mga kuko.Marahil iyon na ang mga huling salita na aking maririnig. Mga salitang nasusuklam ng aking ama. Marahil ay ito na nga ang aking kamatayan. Mababawian ako ng buhay sa mga kamay ng punong bampira.Ngunit, biglang yumanig ang malakas na mga putok ng baril. Nabatid kong tinamaan nito ang lumulusong sa akin na halimaw. Nagawang pigilan ng mga bala ito kaya sa muling pagkakataon ay nailigtas na naman ako sa bi
last updateLast Updated : 2022-02-03
Read more

Pagsalakay

"Hanga ako sa katapangang taglay ninyong lahat. Ngunit, papaano niyo magagawang patayin ang isang katulad ko?! Ako ang haring bampira! Wala akong kamatayan! At hindi ako kailanman mamamatay sa mga kahibangang bagay na binabalak ninyo!"ang pabulyaw na wika niya na dama ang malaking tiwala niya sa kanyang katangian."Tingnan natin kung totoo nga iyan, ama!" ang pagsagot ko naman."Graciela! Simulan mo na!" ang aking pabulyaw na anya sa kasama naming mangkukulam.Nang marinig ito, kaagad sinimulan ni Graciela ang naisip nitong gawin. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang hawak sa dalawang kamay ang batong Fuego na parang dinadasalan ang hawak na bagay.Tila huli na nang makita ng haring bampira si Graciela. Nang makita niya itong hawak ang batong Fuego, marahil ay alam na niya kung ano si Graciela at ang ginagawa nito, kaya muli itong nagpalit anyo bilang isang malapaniking halimaw at lumusob ito papunta sa amin.Alam na naming lahat na lulusob an
last updateLast Updated : 2022-02-04
Read more

Ama

Napasigaw na lamang si Carmela ng makitang nasaksak ang kanyang nobyo kahit sinasakal siyang mahigpit ng halimaw. Hindi ako makagalaw sa bilis ng pangyayaring iyon. Nanigas ang aking nga binti mulang makita ang pangyayari. Tila nanonood lamang ako habang itinusok ng aking ama si Eduardo at walang awa pa niya itong inihagis sa malayo na siyang ikinabulagta at ikinabagsak nito sa lupa.Muling nabaling ang aking paningin kay Carmela. Nakita kong may kinuha siyang isang bagay na nakaloob sa kanyang duguang kasuotan. Makintab ito, napakakintab kung kaya nakuha nito ang aking pansin. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong punyal.Isang gintong punyal. May kakaibang hindik akong naramdaman sa bagay na ito nang matanaw ko itong hawak ni Carmela.Paglabas ni Carmela sa punyal na ito, tumakbo ito nang napakabilis at agad niyang isinaksak ang yaong gintong punyal sa braso ng halimaw na sumasakal sa kanya. Pagkabaon ng matulis na patalim ay dagli siyang nabitawan kaagad ng h
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more

Alfonso

Nabatid ko ang unti-unting pagbubukas ng liwanag sa kalangitan. Mula sa maiitim na ulap na hatid nang nagdaang gabi ay tila namumula na ang mga ito, hudyat sa paparating na haring araw para tapusin ang kadiliman. Sa kanyang pagsilaw, matatapos ang buong gabing nagdaan na puro karahasan at kamatayan ang hinatid. Walang iniwan ito kundi hinagpis at pangungulila sa buong bayan ng Santa Lucia na mauukit magpakailanman sa kasaysayan nito.Muli kong tiningnan ang mga maiitim na abong siyang naging katapusan ng aking napatay na ama. Naroon at naiwan sa kanyang mga abo ang kanyang kilala't yari sa gintong singsing at ang gintong punyal na isinaksak ko sa kanya. Hindi ko naisip na ang pinakamasamang bampira sa tanang panahon ay mauuwi't magiging abo lamang sa huli na tila pantaba na lamang sa lupang dinungisan niya ng dugo at luha. Marahil kung masasaksihan man niya ito ay tiyak magigimbal siyang lubos kapag kanyang malaman na magiging abo ang kanyang magiging huling hantungan. Ganunp
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Hinagpis

Mula sa pagharap ko kay Graciela, naagaw ulit ang pansin ko kay Carmela na nasa may di kalayuan. Doon ay nakaupo ito sa lupa habang makikitang nakahiga sa kanyang mga bisig ang iniirog nitong si Eduardo. Nakita ko ang matinding pag-iiyak ni Carmela dalang siya ay nangangamba sa maaaring mangyari sa kanyang nasaksak na kabiyak. Kaya, mula kay Graciela, lumapit ako kaagad sa kanya para damayan ito."Carmela," ang mahinang pagtawag ko sa aking kaibigan mulang ako’y makalapit. Nakita kong namamaga na ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak at ramdam sa bawat hagulhol niya ang pangangamba’t pangungulila. Napansin ko rin ang kanyang sinugatang kamay na kanyang inilapit sa bibig ng nakalatay na binata at doon ko lamang napag-alaman na pinapainum niya si Eduardo nang taglay niyang isinumpang dugo. Natawag ko man ang kanyang ngalan ay tila hindi ito narinig ni Carmela. Patuloy lamang ito sa pag-iyak at abala sa pagliligtas sa duguan niyang minamahal."Eduardo, i
last updateLast Updated : 2022-02-07
Read more

Paglisan

Kasabay sa paglilitaw ng araw sa kalangitan ay ang katapusan ng madugong digmaan ng mga isinumpa. Muling mabibigyan ng liwanag ang buong bayan ng Santa Lucia mula sa kadilimang bumalot dito kagabi. Natapos man ang madugong karahasan ay tiyak hindi na muling maibabalik pa ang tuwirang wari ng mga mamamayan mula sa matinding takot, hinagpis at kamatayang ng digmaang idinulot ng mga iba't-ibang halimaw.Makikita sa paligid ang pagkamatay ng buong bayan na siyang bunga ng paghimagsik ng kasamaan. Walang ni isang nakatayong mga gusali sa bayan ang hindi tinutupok ng apoy. Nagkalat rin ang mga patay na katawan sa bawat bahagi ng gitnang bayan na pawang pinagluluksaan nang kani-kanilang mga mahal sa buhay. Sa taglay kong kalakasan ang pandinig, nakakakilabot pakinggan ang iyak ng mga naghihinagpis sa buong lugar at damang dama ang sakit at matinding pagluluksa ng mamamayan roon na sinusugatan ang kanilang mga puso.Yaon ay ang bungang hatid ng naganap na digmaan na kailanman
last updateLast Updated : 2022-02-08
Read more

Amor Infirmitas Est

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Habang binibihag at pilit kinukuha si Carmela ng mga taong nakamaskara ng uwak ay wala akong ginawa kundi ang magsisigaw lamang."Carmela!"Ang pangalan niya lamang ang sinisigaw ko sa mga sandaling iyon habang siya ay pilit pa ring hinihila ng mga di kilalang kalalakihan patungo sa isang lumiliwanag na lagusan. Ang lagusang iyon ay una ko pa lamang nakita sa tanang buhay ko. Ito ay bigla na lamang lumitaw na tila ba isang napakalaking butas sa gitna ng kawalan. Gustuhin ko mang sagipin si Carmela ngunit wala akong naiisip na gagawin. Wala sa akin ang aking pulang kuwintas at namumuno na ang haring araw sa buong kalangitan kaya kung pipilitin ko man ito ay tiyak malulusaw ako sa kawalan."Carmela! Bitawan niyo siya!" patuloy kong pagsisisigaw. Dama ko sa sarili ang lubos na pangangamba, at hindi lamang ito kundi pati ang tumitinding takot ko dahil sa nasasaksihang pangyayari. Nakita ko pa kung paano nawalan ng malay si Carmela
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more

Maynila

Magsisimula ako ng isang panibagong buhay. Ang buong akala ko ay tuluyan na akong mananatiling halimaw sa tanang buhay kom Ngunit iyon nga'y isang akala lamang, isang akalang pinagpapasalamat ko sa Panginoon na hindi mangyayari sa akin.Dalawang araw pagkatapos nang madugong digmaang naganap sa Santa Lucia, mula roon ay nilakbay ko ang pabalik sa Maynila. Sariwa pa rin sa aking alaala ang mga malagim na nangyari sa bayang iyon sa tuwing magugunita ko ito, at alam kong sa tanan ng aking buhay, kailanma'y hindi ko na ito malilimutan.Hindi ko naramdaman ang init ng araw kahit tirik itong buo sa maaliwalas na kalangitan. Simula noong ako'y maging isang bampira, dahil sa kataksilan ni Mercedes, ay hindi ko na muli naramdaman pa ang naglalapnos sa balat na init ng araw. Kahit ganito man ang aking pakiramdam at naninibago man sa kakaibang nadarama ay mapalad parin ako dahil hindi lahat ng bampirang katulad ko ay nagagawang makapaglakad sa ilalim ng araw na siyang ipinagpapas
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more

Puntod

"Nakahanda na ba ang lahat, Nay?" Ito ang aking katanungan sa aking ina nang makitang inaayos ang ilang kagamitan sa kariton. Yaon ay mga gamit naming pamilya, isinakay sa kariton, para dalhin sa aming pansamantalang pamamalagi sa karatig bayan na malayo sa Santa Lucia.  "Ito na yata ang lahat ng gamit natin, anak" siyang sagot naman ng aking ina. Ramdam ko pa sa kanyang ang nalulungkot na tinig. Alam kong bakas pa rin sa kanya ang mga nangyari dalawang araw na ang nakakalipas. Alam kong hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga nakakagimbal na paglusob ng mga halimaw na siyang nasaksihan niya sa gabing iyon. Aking hinaplos ang kanyang mukha nang makita ang kanyang panglulumo para bigyan siya kahit konting pagkapanalig sa kalooban. "Huwag kang mag-alala, Nay" siyang sampit ko habang
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more
PREV
1
...
89101112
...
31
DMCA.com Protection Status