Sa kinaroonan niya, nang matanaw ang bandang kaliwa ng entablado, nakita ni Andracio ang ilang umiiyak na mga kababaihan. Agad naman niyang nakilala ang mga ito, batay sa mga mukha, na silang mga babaeng manggagawa sa pabrika ng La Guevarra Fabrica de Tabacos Cigarillos, ang pagawaang pinamamahalaan ni Don Condrado. Di man niya ipinakita, tulad ng mga umiiyak na kababaihan, ay naghihinagpis rin si Andracio para kay Don Condrado. Bukod tanging minamahal rin niya ang yaong matandang don, hindi lamang bilang isang mabait, matapat, at magalang na may-ari ng pinagtratrabuhang pabrika kundi bilang isa ring matapat at mabuting kapamilya. Nang makita ni Andracio ang mga kababaihang manggagawa ng La Guevarra ay biglang naalala niya ang isang taong alam niya na sa mga pagkakataong ito'y labis ring naghihinagpis. Naalala din niya ang sulat na ipinabibigay sa kanya ni Don Condrado. Nakatitiyak siyang dahil sila ngang hindi mga kaano-ano ni Don Co
Terakhir Diperbarui : 2022-02-25 Baca selengkapnya