Share

Ilog (2)

"Noong nakaraang araw ay inutusan ko ang isa nating kapatid na pumunta sa pantalan ng San Bernardo. Pinapunta ko siya roon para mag-abang, magmasid at bantayan ang mga nadakip na kawani ng La Indio Independencia, ang nasirang kapatiran ng mga ilustrados na ating kaugnayan. Sila ang labing-isang kawani ng kapatirang ito na dadalhin sa daongan ng San Bernardo---mula Fuerte de San Nicolas---para isakay sa isang bapor doon bilang pagpapatupad sa kaparusahang nahatol sa kanila na itapon silang lahat sa Dapitan. Ngunit, mula sa buong araw na pag-aabang ay bumalik na lamang ang ating kapatid na ito na bitbit ang isang nakakabahalang balita. Aniya, wala siyang nakitang ni isa sa mga kawani ng La Indio Independencia na sumakay o pumasok sa nakadaong roon na bapor. Kahit sa paglayag na ng bapor na ito paalis sa pantalan ay wala pa rin siyang namataan ni mukha o anino man mula sa labing-isang kawaning iyon, at ito ay isang bagay na talagang nakakapagtaka,"

Nakita ni Ato ku

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status