Share

Ilog

Mula sa madilim, gawa sa bato at makitid na lagusan ng Tatag Bato---ang pinakamalaking kuta ng mga insurrectos o rebelde sa buong Ilocandia, dito nakita ni Teodato Salinas o Ato na pumasok ang isang pangkat ng mga kalalakihan.

Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas. Sa paglapit nama't pagkasilaw sa kanila ng hawak niyang lintera, nagawang masilayan dito ni Ato ang mga tindig at pagmumukha ng mga lalaki. Batid niya na magkakasing-edad lamang ang mga ito---marahil ay nasa mga mahigit kwarenta anyos ang gulang batay sa nangangayayat na nitong mga mukha. Nakasuot sila ng mga naluluma na't narumihang kulay puti at gawa sa bulak na camisa de chino, nakapang-ibaba ng nakukupas na mga pantalones at ang ilan sa kanila'y nakasuot pa ng mga salakot sa ulo. Pagkakita ni Ato sa kanila, agad naman niyang sinalubong at binati ang nakilalang matandang lalaki na siyang nanguna sa nilalakad ng pangkat na iyon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status