Muling umabat sa pinag-uusapan ang Batong Kawal.
"Saan matatagpuan ang pinakamalaking imbakan ng mga armas sa Ilocandia?" tanong ng Batong Kawal.
"Imbakan?" ang nagulat na tanong ni Simon, nililinaw ang pagkakarinig sa salita.
Nagulat din sa tanong na iyon ang iba pang mga pinuno sa Dies Hijos.
Sumagot naman si Simon kay Fernan. "Nasa San Bernardo ang pinakamalaking imbakan ng mga armas. Dito muna kasi dinadala at iniimbak ang mga bagong armas mula sa mga barkong naghahatid sa mga ito,"
"Bakit, Fernan?" nagtatakang tanong ng Puno sa Batong Kawal.
"Ano ang binabalak mong gawin?"
"Balak kong lusubin ang imbakan ng mga armas sa San Bernardo," sagot ni Fernan.
"Kukunin ko ang lahat ng mga armas doon,"
"Nahihibang ka na ba?" bulalas sa kanya ni Flavio Macapagal. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Isang
"Kaya, matulog ka na," ani Fernando kay Ato. "Hindi mo na ako kailangang bantayan pa dito. Umuwi ka na nang sa ganu'y makapagpahinga ka ng maayos. Maaga pa ang alis natin bukas,"Tumango lang si Ato bilang sagot.Sa pag-alis ng Puno sa Ulo ng Bato, naiwan nang mag-isa roon si Ato. Di na niya sinundan pa ang yaong Puno. Sa ilang dumaang sandali, isa-isa na niyang hinipan ang apoy sa mga lampara't mga lintera na nakasindi doon. At nang magawa na niyang mapatay ang lahat ng mga ilawin--- maliban sa isang lintera na kinuha niya mula sa kanang haliging pinagsabitan nito---nakita niya kung paano tumaklob ulit ang kadiliman sa pinakamahalagang lugar ng kuta. Binalot pa din at nanatili ang katahimikan sa buong silid na siyang tanging maririnig lamang ni Ato sa mga pagkakataong iyon.At matapos ang lahat ay lumakad na rin ang binatang tulisanes, palabas ng Ulo ng Bato.Mag-aalas dies na nun ng gabi kaya katah
Parang nakiayon sa damdamin ng Bastong Loro ang naging timpla ng panahon sa araw na iyon.Nakalulumo sa kaloobang tingnan ang nagkumpulang mga maiitim na kaulapan sa kalangitan na siyang mga tiyak na signos sa paparating na malakas na ulan. Madadarama naman sa buong paligid ang lamig na dala ng bumabayong hanging amihan na kung manglapnos sa mga balat ay nakakapangilabot ng balahibo. Sa malamig na umaga ding ito, habang iginapaspas kasabay ng may kalakasang bagwis ng hangin, umiba rin ang mga ipinakitang galaw ng mga maluntiang puno't mga halamang tumutubo sa tabi-tabi na tila ba mararamdaman sa bawat pagyuko't pag-indak ng mga ito ang namumuong lumbay na dumaraing at tumatawag-batid sa mga dumadaang tao sa kalye. Ngunit, gayunpaman, ang lahat ng mga ito'y hindi batid sa pansin ni Andracio de Castro kung saan sa mga pagkakataong iyon ay marahang naglalakad sa kahabaan ng Calle Agustin.Nakababa ang ulo niya habang binabaybay ang malaki
Sa kinaroonan niya, nang matanaw ang bandang kaliwa ng entablado, nakita ni Andracio ang ilang umiiyak na mga kababaihan. Agad naman niyang nakilala ang mga ito, batay sa mga mukha, na silang mga babaeng manggagawa sa pabrika ng La Guevarra Fabrica de Tabacos Cigarillos, ang pagawaang pinamamahalaan ni Don Condrado. Di man niya ipinakita, tulad ng mga umiiyak na kababaihan, ay naghihinagpis rin si Andracio para kay Don Condrado. Bukod tanging minamahal rin niya ang yaong matandang don, hindi lamang bilang isang mabait, matapat, at magalang na may-ari ng pinagtratrabuhang pabrika kundi bilang isa ring matapat at mabuting kapamilya. Nang makita ni Andracio ang mga kababaihang manggagawa ng La Guevarra ay biglang naalala niya ang isang taong alam niya na sa mga pagkakataong ito'y labis ring naghihinagpis. Naalala din niya ang sulat na ipinabibigay sa kanya ni Don Condrado. Nakatitiyak siyang dahil sila ngang hindi mga kaano-ano ni Don Co
Sa Casa Escarlata ay may isang magarbo at engrandeng piging na magaganap. Imbitado ang lahat ng mga maituturingna mayayama't makapangyarihang tao sa buong Sangrevida o maging sa buong Ilocandia, sapagkat ang yaong piging ay inihanda mismo para sa isang napakahalagang opisyal na dumayo sa bayan;Ang Punong Mahistrado ng Real Audencia sa Felipinas.Kanina pa lumilim ang gabi sa buong bayan kaya nama'y pinapadali na ni Pedro ang sinasakyang karwahe patungo sa yaong mansyon upang sa ganun ay hindi siya mahuli sa salo-salo roon. Mag isa lamang siyang nakasakay sa karwahe, pinauna na kasi niya ang asawa na si Delfina at ang kanilang mga anak na sina Quintin at Dominico mulang hindi pa siya nakabihis nung papaalis na sana ang mga ito--buhat huli na nakauwi dahil tinapos paniya ang ilang mga nakabinbing gawain bilang alguacil mayor ng Fuerte de
Sa pag-upo'y dito na narinig ni Pedro kung ano ang pinag uusapan ng mga gobernadorcillo--at ito ay tungkol sa pagkamatay ng dating alcalde mayor."Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos nauunawaan kung bakit kinitil ng dating alkalde ang sarili niyang buhay," nalulungkot na wika ni Alejo Silva. "Hindi ko akalain na ang katulad niyang mapagmahal sa pamilya at mga kaibigan ay may nakabalot palang lihim na suliranin sa sarili. Ikinagulat ko talaga ang malagim na nangyari sa kanya,""Lahat tayo ay may nakatagong demonyo sa ating mga sarili na siyang pinakamahirap nating kalaban," mabaras na sabi ni Camilo Zarcal, ang gobernadorcillo ng San Bernardo. "Namimihasa ito sa panahon ng ating kahinaan. At nasa sa atin lamang kung ito'y patuloy nating kakalabanin upang maiwaksing tulayan o hahayaan na lamang na lamunin tayong buo hanggang sa punto ng ating kamatayan,""Ang nangyari sa alkalde ay patunay lamang na hindi lahat ng mat
Kinabukasan, matapos ang nanyaring libing kahapon, ay maagang nagtungo si Julian Guevarra sa kanyang clinica sa Barrio Umag.Apat na araw na kasi niyang hindi napupuntahan ang yaong clinica, simula noong dinakip ng mga otoridad si Don Condrado, kung kaya pagkagising niya ay naisipan niya nang pumunta roon upang muli itong buksan para sa mga nangangailangan ng servicio medico. Bukod dito ay napagbalak rin niyang paabalahin ang buong sarili sa araw na iyon upang hindi siya makapagmuni-muni uli ng mga bagay-bagay na sa kanyang damdamin ay nagpapapalumo. Ito rin ay sa ganu'y makalimutan man lang niya kahit sandali ang mga kaganapang hindi niya matanggap-tanggap tulad ng pagkamatay ng kanyang butihing tiyuhin.Pagkarating ni Julian sa clinica, buhat sakay ng kanyang karwahe, ay napansin niyang walang niisang tao ang naghihintay sa silong nito. Hindi ito tulad noo
Kinuha ng binatang doktor mula sa mesa ang isang maliit na bote. May laman itong kloroformo---isang uri ng likidong gamot na ginagamit ng mga manggagamot bilang pampatulog. Naglagay ng kunti si Julian nito sa isang malinis na bimpo. Pagkatapos ay ipinaamoy niya ito sa nakahiga at nagdudurusa pang pasyente, paunti-unting kumalma ito hanggang sa tuluyang napatulog. At nung makatulog na ay dito na sinimulan ni Julian na gamutin ang mga sugat ng yaong lalaki.Kinuha na niya dito ang mga dalang panlunas.Gamit ang isang bulak ay pinahiran ni Julian ng gamot panlihom ang mga sugat-latigo sa likod ng lalaki. Matapos mapahiran ng gamot ay binalot niya ito sa makapal na panapal upang ang mga sugat ay di mabungad sa hangin o anumang dumi, pang-iwas sa mga mapanganib na mikhay. Sunod naman niyang ginamot ang nabugbog na mukha nito kung saan nakitaan pa niya ng isang malaking hiwa sa may kaliwang kilay. Kaagad naman niyang itinahi ito---mga limang tahi-
Nakita naman ni Andracio ang nadarama ni Julian sa mukha nito. Nalulungkot rin siyang masabi iyon sa kanyang senyorito."Kung kutob po ninyo na itong Alanus ang may pasimuno sa lahat ng nangyari sa kanila, hayaan niyo po akong lumakap ng anumang kaalaman na may patungkol sa kanya, para sa inyo, senyorito, at baka may nakakaalam po mula sa iba ko pang mga kasamahan sa kapatiran" wika ni Andracio na buong loob niyang sinabi kay Julian para maiangat ang nalumong kalooban nito."Mga kasamahan? May iba ka pang kasamahan bukod kay Don Miguel?"Tumugon agad ang binatang encargador. "Maliban po sa labingdalawang nadakip ay may apat pa pong natitirang kawani ang aming kapatiran. Ito ay ako, si Don Miguel, ang dating sarhento na si Fernan Loreto, at ang isang binatang lalaki na nagngangalang Mateo Vicente. Kaya magtanong-tanong po ako sa kanila kung may nalalaman ba sila tungkol kay Alanus, "tugon niya kay Julian.