Share

Kirot (2)

Kinuha ng binatang doktor mula sa mesa ang isang maliit na bote. May laman itong kloroformo---isang uri ng likidong gamot na ginagamit ng mga manggagamot bilang pampatulog. Naglagay ng kunti si Julian nito sa isang malinis na bimpo. Pagkatapos ay ipinaamoy niya ito sa nakahiga at nagdudurusa pang pasyente, paunti-unting kumalma ito hanggang sa tuluyang napatulog. At nung makatulog na ay dito na sinimulan ni Julian na gamutin ang mga sugat ng yaong lalaki.

Kinuha na niya dito ang mga dalang panlunas.

Gamit ang isang bulak ay pinahiran ni Julian ng gamot panlihom ang mga sugat-latigo sa likod ng lalaki. Matapos mapahiran ng gamot ay binalot niya ito sa makapal na panapal upang ang mga sugat ay di mabungad sa hangin o anumang dumi, pang-iwas sa mga mapanganib na mikhay. Sunod naman niyang ginamot ang nabugbog na mukha nito kung saan nakitaan pa niya ng isang malaking hiwa sa may kaliwang kilay. Kaagad naman niyang itinahi ito---mga limang tahi-

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status