Mulang dinakip ng mga kawal ng guardia civil ay hindi na muling nakita ni Julian Guevarra ang kanyang tiyuhing si Don Condrado. Pinilit man niyang puntahan kahapon ang kanyang tiyuhin sa kinalalagyan nitong kulungan sa Fuerte de San Nicolas ay hindi niya nagawa buhat nang ipinatupad ng pamahalaan ang aktang nagpapabawal sa kahit anumang pagdalaw sa yaong bilanggo. Kinabukasan, pagpatak ng alas-nueve ng umaga, nagmamadaling umalis sa Mansion Gliriceda ang binatang Guevarra. Sakay ng isang karwahe ay binaybay niya ang daan patungong timog ng Sangrevida, papunta sa Fuerte de San Nicolas para dumalo sa gaganaping inquisición o paglilitis doon sa kanyang butihing tiyuhin. Ito ay ang paglilitis sa mga pinaratang na kaso kay Don Condrado Guevarra sa diumano'y pagtataksil niya sa pamahalaang Kastila na isa sa mga pinakamabigat na kasalanan sa batas ng pamahalaan na kung mapapatunayan man ay tiyak m
"Kayo, Benjamin Florencio y Balinos, Domingo Jimenez y Vicente, Teofilo Magsaysay y Gloria, Ambrosio dela Rosa y Nueza, Paulino Arevalo y Acal, Timoteo Alonzo y Labor, Deodato Locsin y Santos, Anastacio dela Cruz y Cerpenza, Ramon Crisologo y Torres, Donato Palmonares y Esteban, Estilito Rosales y Hermosa at Condrado Guevarra y Roquia, kayong labingdalawa ay nandirito ngayon sa hukumang ito dahil sa mga kasong pagtataksil, sedición at pagkokonspirya ng pag-aalsa laban sa pamahalaan. Sa harap ng mahal na inang katarungan ay bibigyan ko kayo ng pagkakataong magsalita upang aminin ang anumang nagawang kasalanan. Ano ang inyong pagmamakatwid sa mga akusasyong ito?"Katahimikan ang siyang tumugon. Walang niisa sa labindalawang lalaking inaakusahan ang sumagot sa harap ng unang juez. Binigyan pa sila nito ng ilang sandali para tumugon, ngunit nang wala pa ring narinig niisang salita mula sa kanila ay nagpatuloy na ang unang ju
"Mga mahal na hukom," anya ulit ng binatang abogado pagkatapos ang mga paglalahad ng mga testigo sa kanilang mga kuwento. "Ang mga taong ito ay tatlo lamang sa maraming taong natulungan ng kapatiran. Sila ang mga buhay na katibayan sa mga mabubuting layunin at gawain ng pinaratangang kapatiran ng La Indio Independencia. Maging ako po ay natulungan noon ng kapatirang ito,sapagkat kung hindi dahil sa mga inambag nilang pangtustos sa aking escuela ay hindi niyo ako makikita sa inyong harapan ngayon bilang isang abogado. Kaya, mga mahal na hukom, kung nagbabalak man ng masama laban sa pamahalaan at sa buong bayan ang kapatirang ito, maglalaan pa ba sila ng panahon, lakas at kwalta para matulungan lamang ang mga kagaya naming karaniwang tao sa lalawigang ito?"Nagsalita ang unang juez ng Ilocandia. "Sabihin na nating may mga mabubuti ngang nagawa ang La Indio Independencia, ngunit
"Silenciar!" ang bulalas ng unang juez ng Sangrevida bilang pampanahimik niya at gumawa pa ng tatlong pagpukpok sa maliit na martilyo na yari sa matigas na kahoy. Napapigil naman dito ang nanlabang si Ambrosio dela Rosa, ang isa sa mga nakaupong nasasakdal. "Hayaang magsalita ang nakaupong testigo," dagdag ng unang juez na may parinig."Magpatuloy!"Ngunit, sa kabila nito, nagsalaysay sa halip ang alguacil mayor. "Batay sa iyong mga kuwento sa amin, Ginoong Trias, ay para bang malaki ang kaalaman mo sa mga diumano'y masasamang balak na ito, " wika ng heneral sa naging tingin niya. "Maaari mo bang ilahad sa hukumang ito kung anu-ano ang mga masasamang bagay na balak gawin ng iyong mga kapwa-kawani sa kapatiran?""Opo, mahal na hukom," tugon ni Leandro Trias. Nagpatuloy ito sa paglalahad. "Napag-usapan po sa mga nakaraang pulong namin a
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya alam kung ano ang nararapat niyang idama sa pagkalihis ng sana'y masamang kapalaran. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o maging mabahala sa pagkalimot ni Leandro Trias sa tunay niyang pangalan na naging mapalad na pagkakataong nagligtas sa kanya mula sa panghuhuli ng mgaguardia civilsa mga naparatangang mga kawani ngLa Indio Independienciakung saan siya ring kinabibilangan niya. Sa halip kasi na Andracio de Castro, Alfonso de Castillo ang ibinigay na pangalan ni Trias sa mgaotoridadna maling ipinangalan nito saBastong Loro,ang siyang palayaw ni Andracio sa loob ng kinasapiang kapatiran.Ngunit, ganoon man ang naging mabuting pag-ayon ng kapalaran sa kanya, di naman mapigilan sa damdamin ni Andracio ang lumulubhang pag-alala sa mga nadakip na kasamahan. Labindalawa sa mga kasamahang kaw
Sa katabing mesa ay may kinuhang nakatuping papel si Don Miguel. Inabot at binigay niya ito kay Andracio na agad namang binasa ng binatang encargador nang matanggap ito. Habang binabasa ni Andracio ang nilalaman ng papel na iyon ay nagsalitang muli ang apatnapu't walong gulang na don. "Kanina ko lamang natanggap ang liham na iyan mula kay Sarhento Loreto, ang kasamahang kawani natin na kumatawan sa mga tulisanes," paglahad ni Don Miguel kung kanino galing ang sulat na binabasa ni Andracio. Di naman umimik dito si Andracio na patuloy na binabasa ang ibinigay sa kanyang sulat. Ipinaliwanag naman ni Don Miguel kung saan patungkol ang liham na iyon na hindi na hinintay pang mabasa ng Bastong Loro. "Naglalaman ang sulat na iyan nang mga balita galing kay Sarhento Loreto mula sa kuta ng mga tulisan. Laman diyan ang balitang napag-usapan na raw ng mga pinuno ng mga tulisan ang tungkol sa napakalaking suliranin ngay
Pagkarating niya sa Sangrevida mula Santa Barbara ay kanyang sinabihan ang lalaking cochero na ipatuwid-usad lang ang sinasakyang karwahe, patimog, papuntang Fuerte de San Nicolas. Pinabilis rin niya ang pag-usad nito dahil sa mga oras na iyon ay humahapon na't baka di na niya maabutan ang dadaluhing paghahatol ng hukom sa mga nadakip na kawani ng La Indio Independencia. Mula sa Calle Rodriguez ay matuling nilakbay ng karwahe ang mga tatahaking kalye sa gitnang cabesera ng Sangrevida, kung saan nadaanan niya ang puting simbahan ng Catedral de San Pablo sa may Plaza Polistico at ang malaki't mataong mercado sa Calle Abelardo. Habang umuusad naman ito sa daan na umaayon sa bilis ng lakad ng humihilang kabayo, tahimik lamang na nakasakay dito ang binatang encargador ng La Guevarra Fabrica de Tabacos Cigarillos na si Andracio de Castro. Kanina
Isang pambihira't napakalaking puno ang agad mamamataan sa daan. Kahit sa kalayua'y talagang mababatid ang labis nitong kataasan na para bang sadyang inaabot ang patungong kalangitan. Ang yaong puno ay mayroon ding napakatabang katawan na binabalutan ng mga mahahaba't malalaking baging, na bukod pa rito ay makikita sa itaas ang mga mahahaba't malalawak na mga sangang binubuhayan naman ng mga mabeberdeng dahon na kung titingnang maigi ay para bang isang gubat na lumulutang sa himpapawid dahil sa kakapalan at kayabungan ng mga ito.Sa loob ng umuusad na malaking karwahe, ang malaking punong ito ang unang natanaw nang naroo't nakasakay na binata na ngayong si Julian Guevarra. Alam niyang nakarating na siya sa lugar na pupuntahan buhat makita ang napakalaking puno, ngunit sa halip na matuwa ay bumalot sa damdamin niya ang labis na pagkalumbay mulang ibinalik siya ng punong ito sa nakaraan, kung saan sumariwang muli sa puso't isipan niya ang masakit na p
Nang makita itong muli ni Julian ay naalala niya ang mga kahindik-hindik na sinapit ng mga taong nagkasala at napurusahan ng kamatayan dito, lalong lalo na ang dalawang guardia civil na ginarote na nasaksihan niya noon. Muli na namang sumariwa sa kanya ang pagparusa sa dalawang taong pumatay sa kanyang butihing ama noon, at nadarama din niyang muli ang di maipaliwanag na galit noon na umusbong sa kanya nang masaksihan sa musmos niya mga mata ang pagbitay sa dalawang kriminal sa yaong platapormang kanyang nakita.Nagliwanag namang muli ang kanyang paningin nang nakita ang napakataas at napakagandang catedral ng Sangrevida. Ito ay ang Catedral de San Pablo. Maliwanag tingnan sa daplis ng silahis ng araw ang yaong catedral dahil sa pintura nito. Kulay crema ito, kulay na kumakatawan sa kabanalan at kalinisan sa paniniwalang Kristiyanismo. Binatay ito sa haliging gayak na tinawag na baroque