Nang makita itong muli ni Julian ay naalala niya ang mga kahindik-hindik na sinapit ng mga taong nagkasala at napurusahan ng kamatayan dito, lalong lalo na ang dalawang guardia civil na ginarote na nasaksihan niya noon. Muli na namang sumariwa sa kanya ang pagparusa sa dalawang taong pumatay sa kanyang butihing ama noon, at nadarama din niyang muli ang di maipaliwanag na galit noon na umusbong sa kanya nang masaksihan sa musmos niya mga mata ang pagbitay sa dalawang kriminal sa yaong platapormang kanyang nakita.
Nagliwanag namang muli ang kanyang paningin nang nakita ang napakataas at napakagandang catedral ng Sangrevida. Ito ay ang Catedral de San Pablo. Maliwanag tingnan sa daplis ng silahis ng araw ang yaong catedral dahil sa pintura nito. Kulay crema ito, kulay na kumakatawan sa kabanalan at kalinisan sa paniniwalang Kristiyanismo. Binatay ito sa haliging gayak na tinawag na baroque
Ang Mansion Gliriceda ay ang ikalawa sa pinakamalaking bahay sa buong Sangrevida. Nangangalawa ito sa pinakamalaking bahay sa bayan, ang tahanan ng alcalde mayor, ang Casa Escarlata. Ngunit mas malawak naman kung ikukumpara ang lupain ng Gliriceda kaysa sa Escarlata, na kung saan sa unahan pa ng yaong lupaing ito ay makikita ang Ilog Bantigaw, ang isa sa tatlong malalaking ilog na pumapalibot sa buong ayuntamiento. May dalawang palapag ang buongmansion. Ang unang palapag nito ay gawa sa adobe at mga korales, ang mga batong karaniwang ginagawang dingdingan at haligi ng mga bahay-na-bato. Maluwag ang buong looban ng palapag na ito na may mga ventanillas na ipinasimano sa bakal na kinabitan ng mga malinawaging bintanang niyari sa mga maninipis, makikinis at mapuputing punlong tinawag na kapis. May mga nakatayong malalaking poste namang makikita doon na mula sa mga matitigas na kahoy ng tugas na
Ang inuming tinatawag na basiay ang alak na nagmumula sa mga halamang tubo. Ito ang pangunahing kalakal ng Agracia, isa sa mga pueblo ng Ilocandia. Karamihan sa mga taga Agracia ay sa pagtitinda ng mga kalakal mula sa tubo ang pangunahing hanapbuhay kagaya ng inuming basi. Maraming bumibili nito dahil bukod sa masarap ay napakamura din nito at higit sa lahat nakakalasing. Hanggang sa ipinatupad na lamang bigla ng pamahalaan ng Agracia ang monopolyo sa yaong inumin. Sa monopolyo na ito, ipinagbabawal na ang paggawa, pagkalakal at pagtitinda ng mga inuming basi sa Agracia na walang pahintulot mula sa mga malalaking pagawaan na itinayo ng pamahalaan. At dahil dito, marami ang nagalit na mga manggagawa ng inuming basi, hanggang sa umalab at umabot na nga ito sa mga pag-aalsa upang iwaksi ang monopolyo. Bukod naman kasi sa kalakakan, ang inuming basi ay bahagi rin sa mga paniniwala ng mga taga Agracia
Walang mapatag na lupain sa Ilocandia ang hindi tinataniman. Ang pagsasaka at pagtatanim kasi ang pangunahing hanapbuhay ng mga Ilokano kaya naman sa mga kapatagan ng lalawigan ay may makikitang iba't ibang taniman. Subalit, sa lahat ng mga panananim na makikita sa lugar na ito ay mas pinangangahalagan ng mga magsasaka ang halamang tabako---ang halamang siyang pinagkukunan ng pangunahing kalakal kung saan kilala ang Ilocandia.Ang mga mababangong cigarillos nito.Ang La Guevarra Fabrica De Tabacos y Cigarillos o La Guevarra ang pinakamalaking pagawaan ng mga tabakong cigarillos sa buong Sangrevida. Unang binuksan ito noong taong 1857 at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin sa paggawa ng mga matataas na kalidad na mga cigarillos na inaangkat sa buong Filipinas at maging sa ilang bansa sa Europa. Ang pabrika ay bunga ng pagsasama ng malalak
Mula sa mangilan-ilang gusaling nadaanan ng sinasakyang calesa ay nagawang matanaw rin ni Andracio ang isang tindahan ng mga baston. Naalala muli dito ng encargador ang kabataan niya. Sa mga nakasabit na bastong nakita ay naalala niya ang kahiligan niya sa pag-uukit at paggawa ng mga ito noon na siyang mga bagay na itinuro sa kanya ng yumaong ama. Bininiyaan naman siya ng kagalingan sa paggawa ng magagandang baston kaya naman kinuha siya ng isang Tsinong negosyante noon para magtrabaho sa pagawaan nito. At ito ang naging trabaho niya noon bilang pantawid sa buhay ng sampung taong gulang pang si Andracio de Castro kasama ang kanyang naulilang maliliit pang mga kapatid. Hindi nagtagal, sa edad na labing anim na taon, sa pamamagitan ni Don Condrado Guevarra ay nakapagtrabaho siya bilang tagalista ng mga tala at inventorio sa pagawaan ng La Guevarra. Nakita ng don ang kahusayan niya sa gawaing ito. Naging bodeguero siya kal
Ganoon pa rin ang ayos ng mga bagay-bagay sa loob ng cuarto ni Julian. Walang pinagbago, at katulad pa rin ito noong huling araw na nakita niyaang yaong cuarto.Sa pagpasok sa pinto, ang unang bubungad sa loob ay ang malaking cama. Ito'y isang malaking cama na kilala sa tawag na Cama de Ah Tay. Ipinangalan itong Cama de Ah Tay dahil ang ukit at gayak nito ay mula sa pamamaraang istilo ng isang tanyag na manlililok na Instik na tagagawa ng mga magagandang cama at muebles sa Ilocandia. Kilala din ang gawang cama na itosa pangalan na calabasa dahil sa malagulay na kalabasang hugis na sandalan sa uluhan nito. Niyari ang buong kama sa pinakintab na kamagong at nilubirang ratan na may nakatirik na apat na poste sa bawat kwadro na sinadyang ilagay upang maging kabitan ng kulambo. Sa itaas naman ng mga posteng ito ay may magaganda
Sa timog bahagi ng Sangrevida kung saan makikita ang mga malalawak na palayan, dito makikita ang munting barrio ng Umag. Ang barrio ay nasa labas ng mga tisang kalye ng gitnang bayan, kaya walang makikitang mga yari sa batong gusali o mga magagandang bahay-na-bato ang nandoon. Ang mga karaniwang bahay na makikita lamang na nakatirik dito ay gawa sa kawayan, pawid, kogon at ilang kahoy na nanggaling sa niyog. Katapat ng mga bahay kubong ito ang malawak na kapatagan kung saan nakatanim ang mga mabeberde at manilaw-nilaw nang mga halamang palay na siyang bumubunga sa pang araw araw na bigas. Sa buong bayan ng Sangrevida, sa Barrio Umag inaangkat ang mga bigas na ititinda sa gitnang-bayan dahil ito kasi ang pangunahing kalakal na inaangkat ng mga magsasaka ng barrio bilang kanilang hanapbuhay.Sa malawak na barrio ding ito ay may makikitang isang maliit na capella. Ito ang kadalasang dausan
"Patawarin mo ako, Isyong pero wala akong maisasagot sa katanungan mo," ang nalulungkot na sabi ni Padre Mariano. "Subalit, alam ko't batid natin na malala ang kalagayan niya,""Gaya ng sabi ko kay Norma, kailangan natin siyang dalhin kaagad sa isang pagamutan. Doktor ang kailangan niya. Ang hinala ko ay nagkaroon siya ng malubhang impeksyon sa kanyang sugat sa tagiliran,""Iyan din po ang sinabi ko kay Norma kanina pa, padre," wika ni Criscancio. "Pero ayaw niyang gawin namin ito. Hindi kasi siya nagtitiwala sa sinumang tao na taga gitnang bayan dahil sa katayuan ni Ato. Ngunit sa kasamaang-palad, nandoon lang sa gitnang bayan makikita ang mga magagaling na manggagamot,""Naisipan kong puntahan sana ang nabalitaan kong isang binatang doktor na kakarating lang sa Sangrevida. Isa po siyang Pilipinong doktor. Magbabasakali sana akong humingi ng tulong sa kanya ngunit pinigilan akong pumunta ni Norma d
Isang binatang ginoo ang humarap kay Padre Mariano. Nasa mahigit bente anyos na ito, wari niya, dahil sa tindig nito at may kabataan pa ang pagmumukha. Nakasuot ito ng puting camisa de chino at nakapang-ibaba ng itim na pantalones. Hindi siya katangkaran at katamtaman lang ang kisig ng pangangatawan. Malinis ang pagkakagupit sa buhok ng ginoo na pinakintab ng di malamang pampakintab. Moreno ang pamamalat niya. Maliitin ang mabiluging mukha na may dalawang malalalim na mga mata at matambok na pisngi. Matangos din ang ilong nito at may kapulahan ang mga labi. Dala naman ng binatang lalaki ang mga makakapal na kilay ng mga Guevarra na siyang tandang pagkilala ni Padre Mariano noon kay Don Armando."Ikaw po ba si Dr. Julian Guevarra, ginoo?" ang tanong niya mulang makita ang binatang lalaki. Tumugon naman ito sa kanya. "Opo, ako nga po, padre."Dito nagpakilala ng kura. "Ang pangalan ko ay Jose Mariano Tan