ISang Taon pagkatapos ng kasal ni ni Johnny ay bigla na lang itong namatay sa hindi niya malamang dahilan.Kaya naman ng malaman niya na may sakit pala itong malala ay Medyo sumama loob niya pero paano niya ba iton matatanggap gayong mahal na mahal niya ito.Kaya halos mabaliw siya ng mamatay ito.Araw araw siyang nagluluksa at sa kagustuhan niyang makausap ang asawa ay naghanap siyang taga kausap ng kaluluwa.Si Brix na bakit naman sa dinami dami ng tao ay kamukha pa ng asawa niya ang nakikita na na tila ba alam na alam nito lahat sa tuwing magkakaroon sila ng session. hanggang sa unti unti na niyang nararamdaman na hindi na asawa niya ang gusto niyang kausapin kundi ang lalaking kaharap na niya mismo. At ang lalaking ito ay ang kapatid pala ng asawa niya na lingid sa kanyang ka alaman ay ang tumanggap ng eye cornea ng kanyang asawa.Paano niya lalaban ang nararamdaman na iyon kung sa tuwing tititigan niya ang mata nito ay asawa niya ang nakikita niya.
View MoreMatagal na tinitigan ni Gracey ang number na binigay sa kanya ng kanilang katulong bago kinuha ang Cellphone at tinawagan.Isang lalake ang sumagot na parang may napaka ma awtoridad na boses, ''Parang hindi naman Paranormal Expert ang kanyang kausap.Sa boses pa lang nito parang isa itong boss ng Kompanya.''Napaisip pa siya kung itutuloy ang gagawin.Pero buo na talaga loob niya.Lalo pa siyang nagulat ng makita ito.Tamang tao ba ang natawagan ko? Bakit parang artista naman tong kaharap niya.And take note ha! kamukha pa ng asawa niya. Tila wala namang pakialam na si Gracey sa hitsura ng kausap.Kaya hinarap pa rin niya ito na kunwaring di napansin ang hitsura nito.Pagkatapos ng session hindi pa rin talaga siya nakatiis kaya pinatawag niya ito.Naniniwala naman siya na Expert na nga ito sa pagkausap ng kaluluwa dahil alam na alam nito pati pangalan ng anak nila.Para makasiguro ay talagang nagtanong pa siya tungkol sa petsa ng kasal nila at birthday ng anak nila.At dahil nasagot nito laha
Dipa man nagsisimula ang Session tila natatawa na si Brix sa naiisip.Pero bago sila nagsimula ay tinanong muna siya ni Gracey ng pangalan niya,''Anong pangalan mo? ako nga pala si Gracey.'' Pagpapakilala nito.''Brent po mam,''''Ok, so puwede na tayong mag umpisa?'' At tinuro sa nito sa bilog na lamesa na may tatlong kandila na nakasindi at larawan ni Johnny. Umupo na ito sa harap ni Gracey at nag-umpisa na sila ng session.Naghawak kamay silang dalawa at inutusan ito ni Brix na ipikit ang mata.At kunwaring nagbigkas ng mga salitang mandarin.Mabuti na lang at may alam siya ng kunting mandarin maski paano.''DANKE WIE GEHT ES DIR DO TUST'' At kunwaring tumitirik ang mata ni Brix. Si Gracey naman ay paniwalang paniwala dito. Sabay nginig ng mga kamay kunwari ang di niya alam paano papatayin ang isang kandila para hudyat na kunwari ay may kaluluwang nakapasok. Bahala na hinga siya ng malalim sabay buga buti na lang nakatsamba na mapatay ang isang kandila, Napangiti siya sa kalokohan n
Dahan dahan na inaalis ng Doctor ang benda sa mata ni Brix. Sa una walang ma aninag ang kanyang kaliwang mata.Hanggang sa unti unting lumilinaw at nanibago siya sa kanyang bagong mata.Pagkatapos ay tumingin siya sa salamin.Halos maluha luha siya ng makita ang kanyang sarili di niya alam kong matutuwa siya or maiiyak dahil ang mata ng kanyang kuya ang kanyang dala."Brix kumusta ang inyong pakiramdam?'' Nakangiting tanong ng doctor. "Masaya doc na diko maintindihan,labing limang taon akong nasanay na nakasalamin,kaya nakakapanibago.'' ''Ok lang yan masasanay ka rin, ayan oh litaw na litaw na ang iyong kapogian'' Napangiti na lang siya sa doctor.Hindi naman talaga maikakaila na guwapo si Brix .Ang mukha nito ay naiiba sa kanyang kuya.Maskulado kung tingnan ang katawan dahil sanay ito sa iba't ibang work out na binagayan ng mukhang di mapipigilang mapalingon ang kahit sino.Dahan dahan siyang naglakad dahil tila dipa niya mabalanse ang kanyang mata.''Oppss,dahan dahan ka muna Brix ha b
Inaapoy ng lagnat si Johnny ng umagang iyon na di naman masyadong napansin ni Gracey dahil abala na ito sa pag aasikaso sa anak.Nagsisimula na rin kasing maglikot si baby Amerie na malapit ng mag isang taon.Gabi pa lang ay di na niya maintindihan ang nararamdaman.Kaya tinawagan na niya ang kapatid na magpatawag ng ambulansya para dalhin siya sa doctor.Nagtaka naman si Gracey ng may dumating na ambulansya.Tila nalito rin ang mga Nurses na kasama.''Mam may tawag ho mula sa amin na kailangan po naming kunin si Mr Johnny de tagle.'' Natigilan naman si Gracey na punong puno ng pagtataka.''Wala ako akong tinawagan na Ambulansya, andon sa taas ang asawa ko natutulog.''Umakyat pa siya ng kuwarto para puntahan ang kanyang asawa.Laking gulat niya ng makitang nakadilat ang mata nito na tumitirik.Inuuga pa niya ito pero tila hindi siya nito naririnig.Tuloy pa rin ito sa pag dedeliryo.Saglit niyang tinawag ang yaya ng bata para asikasuhin ang bata at di niya malaman ang gagawin napasigaw na rin
Nagising si Gracey na parang di niya maintindihan ang hilab ng kanyang tiyan." Honey ang sakit ng tiyan ko, manganganak na yata ako,'' Napabalikwas ng gising ang kanyang asawa."Ano? diba next week pa ang schedule mo?'' Nalilito man ay kumilos pa rin ito para alalayan ang kanyang asawa. At lalo siyang nalilito ng makita ang di maipintang hitsura ng kanyang asawa."Honeyyyy bilisan mo! Sigaw nito habang nag dadrive papunta sa ospital."Sigurado ka ba hon na manganganak ka na?"Diko alam kakaiba ang sakit na nararamdaman ko!'' Maya maya ay biglang may pumutok sa panubigan nito na tila di niya alam.''Hon ano tong tubig na lumabas sa akin?''"Panubigan yan Hon relaks ka lang malapit na tayo.'' Dumeretso na sila sa emergency dahil nag uumpisa na ring lumabas ang panubigan ng bata. Pagkatapos nun ay di na niya alam ang mga sumunod na nangyari.Nagising na lang siya na lumabas na ang bata.Kahit wala sa usapan na e Cesarian siya dahil yon kasi ang unang anak nila."Congratulation its a baby gir
''Hon bilisan mo naman!'' Sa sobrang excited ni Gracey na malaman ang gender ng baby niya ay hindi na nito magawang mag make up.Minsan binibiro pa siya ng asawa na naturingang make up artist pero ayaw mag make up.Kaya naman sinasagot niya na ito na ikaw nga ay Bumbero takot sa mainit na kape! At sasabayan pa ito ni Johnny ng MAS TAKOT AKO SA ASAWA KO! Sabay halik sa labi."Oo na Honey kalma! malalaman din natin yan gender ng baby na yan sa tiyan mo na ubod ng likot.'' pahalik halik pa ito sa tiyan ng asawa na mag lilimang buwan pa lang.3d ultrasound kasi ang gagawin sa kanila para alam agad ang gender at malinaw na nakikita nila ang baby sa tiyan ni Gracey.''Hon naisip mo na ba kong ano ipapangalan natin sa baby? ''Pag girl eh di Johnny boy! ''Eh pag Girl?''''Eh di Johnny girl!''''Hon naman eh!'' Kinurot pa niya ito sa tagiliran dahil natatawa na naiinis na siya sa kalokohan ng asawa.''Ah basta pag Girl Amerie Rose.'' Nagmula kasi yon sa pangalan ng mommy ni Gracey at sa daddy ni
Maingay,Magulo, Ito na pala ang pilipinas ngayon. labing limang taon na kasi nang huli niyang nakita ang pilipinas. Tila nakakapanibago ,ang kanyang mommy at daddy pa ang huli niyang kasama sa Airport nong panahong iyon.Kaya naman di niya makakalimutan yong araw na yon na kasama niya ang mga magulang 15 years old lang siya noon.Tila nanumbalik pa sa kanyang ala ala kong paano umiyak ang kanyang mama. Mula kasi nong nabully siya sa school ay nag disisyon ang mga ito na dalhin siya sa Canada. Naniguro pa ito sa kanyang ama sa pag alis niya.''Leandro ang anak mo sigurado ka ba na pababayaan mo siyang lumayo?'' Naiiyak na nakayakap ito sa kanya habang nakatingin sa kanyang ama."Minerva, paano matututo ang anak mo kung laging naka alalay tayo? lalong hihina ang loob niya kong lagi mo siyang iiyakan sa tuwing malalayo.'' Kahit isang negosyante ang kanyang ama ay ganun kalakas ang loob nito pagdating sa kanilang kuya."Diyos ko naman Leandro! nakikita mo ba kalagayan ng anak mo?''"Mas ma
"Attorney Lahat po ng aming aria-arian ay walang ibang magmamana kundi ang aking asawa.'' Napakunot ang noo ng abogadong kausap ni Johnny na mula pa ng buhay ang kanilang mga magulang ay abogado na nila ito."Johnny, meron ka pang isang kapatid na tagapag mana, si Brix, tska bakit kailangan mo ng gawan ng las will ito?'' Tila nalilitong tanong ni Atty Bornasal." Attorney diko alam kong hanggang kailan ako magtatagal pa, may sakit ako at ano mang oras ay puwede akong mamatay.''" Pero Johnny kailangan din natin na nandito si Brix dahil kasama rin siya satagapag mana ng inyong kompanya.''"Pauwi na ho si Brix dito sa pinas,''''Then ,pag usapan natin to pag kaharap si Brix, matalik na kaibigan ako ng inyong papa at ayaw kong pumanig sa isa lang'' Ma awtoridad na sabi nito kay Johnny."Attorny ang share ko lang ho ang aking kukunin at sa asawa ko ito mapupunta''"Wala kang tiwala sa kapatid mo Johnny?''"Kilala ko si Brix, maaring mapabayaan lang niya ito dahil hindi siya interesado sa
Labis na awa ang nararamdaman ni Brix sa kanyang kuya. Naaguumpisa pa lang kasi itong magkaroon ng pamilya pero parang pinagdadamot naman ng tadhana dito ang pagkakataon.Oo nga at malaki ang kasalanan ng kanyang kuya dahil sa kanyang mata pero matagal na niya itong pinatawad.Kaya nga mas pinili niya na manahimik sa ibang bansa dahil parang hindi tanggap sa pinas ang kanyang kalagayan. Nasa pinas ang mga mapaghusgang mata.Guwapo si Brix may matipunong katawan,masasabi mo na siya ay isang ideal man ng mga kababaihan. Maliban sa isang mata nito na may nakatagong kapintasan.Noong bata kasi siya ay hindi sinasadyang matusok ng kanyang kuya ang mata nito ng lapis habang sila ay naglalaro. Kaya sinisi ng kanyang magulang ang kuya niya.At ng maka graduate siya ng elementary ay dinala siya ng kanyang magulang sa canada.Nagantay na magkaroon ng eye donor pero ilang taon na ang lumipas ay wala pa rin siyang suwerte.Pero di naman sumusuko ang kanyang mga magulang,hanggang sa mamatay na lang a
“Mam hindi ho puwede yong ganito?’’ kailangan ho ay ang bukas ng pinto ay laging palabas’’ Ma awtoridad na saad ng inspector na pinapunta ng munisipyo para mag inspeksyon sa knyang pinatayong clinic.“ Sir baka naman ho puwede na sa ibang araw na naming asikasuhin yan dahil kami ay nakapangako sa aming mga kliyente na keilangan naming e operate ang aming clinic sa araw na aming ipinangako, bukod doon ay nakapangako na kami.“ Wala ho akong pakialam ang sakin lang ay nasa tama tayo lagi at kapakanan ng inyong Negosyo ang aming inuuna at kapakanan ng inyong mga tauhan, paano na lang kung biglang magkaroon ng sunog?” Tila na iirita na rin si Jhonny sa katigasan ng ulo ng babaeng ito, na pakiwari nya ay isang spoiled brad na walang ibang inisip kundi ang kumite.“ Sir ako ho ay nakikiusap lang naman na kung maari,pero kung hindi naman ay di hindi!’’ Tila gigil na si Gracey sa lalakeng kanina pa nya gustong tadyakan dahil napakasuplado nito. Ito lang yata ang di natuwa sa kanya sa dinami d...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments