“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
View MoreNapangiti si Zylah at hinalikan ang noo ni Raffy. Hindi niya man ito tunay na anak pero pinapasaya nito ang puso niyang sabik sa pagmamahal ng isang anak sa ina. Tama si Austin, kailangan niya si Raffy para magamot ang puso niyang nadurog sa pagtakwil sa kaniya ng tunay na anak at pagkawala ng pinagbubuntis niya. Ang anak na huling pag-asa na lang sana niya para mabuo pa ang pamilya. Ang batang inisip niyang magiging dahilan para ipaglaban niya ang pamilya mula sa paninira ni Jessa.“I wish that Mommy will love Raffy forever, too…” mahinang usal ni Raffy. Nasa tono niya ang pag-aalangan sa sinabi. Sa batang puso ni Raffy ay alam niyang maaring magsawa si Zylah sa pagiging mommy niya at iwan siya. May anak ito sabi ng daddy niya, totoong anak hindi gaya niya.“Will you love me forever, Mommy?” tanong ni Raffy kay Zylah. “Will you love me forever like how you love your son?” Napatitig si Zylah sa batang nasa tabi niya. Raffy has it all kung tutuusin. May maganda itong buhay at amang
“Mommy…” inaantok na wika ni Raffy pagkatapos niya ito basahan ng kuwento. “Yes, baby?” masuyo niyang tanong sa batang nakatitig sa kaniya. Nginitian. Napakagandang bata ni Raffy. Kamukha ito ni Austin kung tutuusin pero nakuha rin ang magandang genes ni Rachel kaya nagmukhang anghel ito. At hindi lang ito napakaganda, napakabait pa. Hindi niya makita ang pagiging spoiled dito, malayong-malayo sa anak niyang si Jaxon na kailangan laging pagbigyan ang gusto. Nasabi niya iyon kasi kanina ay gusto pa nitong kumain ng kung ano-ano habang nasa dinner sila, sinabi ni Austin na hindi pwede at gabi na kaya hindi na ito nangulit. At nang payagan ito gumamit ng iPad ni Austin ay ito mismo ang kusang tumigil sa kaka-scroll at laro nang makitang 8:30 PM na. Sinabi pa sa kaniya na hanggang ganoong oras lang ito allowed ng daddy niya gumamit ng gadgets kaya sunod ay huwag niyang kalimutan.Sabagay at gano’n din naman si Jaxon noon, nakokontento sa kung anong pwede lang kainin nito dahil nakaban
“Okay ka lang?” tanong ni Austin kay Zylah na kanina pa tahimik habang binabaybay nila ang pauwi sa bahay niya. Namumula rin ang mga mata nito kaya alam niyang galing sa pag-iyak.Tumango si Zylah bilang tugon. Okay lang naman talaga siya pero hindi niya maiwasan hindi maapektuhan sa sama ng loob na binigay ni Jessa sa parents niya. Gusto niyang masampal man lang ito para maiganti niya ang mama at papa niya. Kahit sinabi kasi ng mama niya na bukas ay pauwi na rin ang mga ito dahil ligtas na ang papa niya ay hindi pa rin siya mapanatag. Kung nagawa ni Jessa gumawa ng kuwento para sirain siya sa mga magulang ay alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi siya mapapahamak pa lalo para hiwalayan na talaga siya ni Bryce. “Gusto mong kumain muna?” tanong ni Austin na muling sinulyapan si Zylah. Alam niyang may kasunduan sila ni Zylah para kay Raffy at pure business lang dapat ang relasyon nila, employer-employee lang kumbaga, pero hindi niya maiwasan maging concern dito. At kanina niya p
“Ma…” usal ni Zylah nang sagutin na ng mama nito ang tawag niya. “Kumusta po kayo, Ma?” naiiyak niyang tanong. “Si Zylah po ito… Ano po ang nangyari kay Papa?” Nalulungkot siya sa nangyari sa ama kaya hindi niya maiwasan ang maiyak. Kahit sinabi ni Belinda na ligtas ang ama niya, ayon na rin sa mama niya, ay hindi pa rin niya maiwasan mag-alala. Iniwasan niya kasi ang mga magulang kausapin dahil ayaw niyang maapektuhan ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Bryce. Iniwasan niya para nga hindi ganito na masaktan ang mga magulang para sa kaniya. Pero kahit anong iwas niya na maapektuhan ang mga ito ay gano’n pa rin pala dahil sa kawalanghiyaan ng babaeng sinungaling na ang pangalan ay Jessa. Ang masaklap pa ay may ibang version pang pinaabot sa mga magulang niya, sinabi pang siya ang pinalayas ni Bryce. Pinalabas pa na siya ang may ginawang masama. “Zylah, anak…” ani ng mama niya. Nasa boses nito ang pag-aalala para sa kaniya. “Mabuti at natawag ka na, anak… At iba na pala talaga ang nu
“Let me go…” Walang kahit anong damdamin ang mahihimigan sa boses ni Zylah nang sabihin iyon. Binitiwan ni Bryce ang mga braso ng asawa pero masama pa rin ang tingin rito. Palala na ang sitwasyon nila dahil ayaw nitong makinig. “Masyado kang nagmamalaki, Zy. Masyado ka kasing kinakampihan ng mga kaibigan mong—”“Enough with Belinda and Melissa!” asik ni Zylah. “Kilala ko ang mga kaibigan ko, hindi sila mga sinungaling at hindi nila gagawin ang mga sinasabi mo. Sa palagay mo ay ano ang mapapala namin kung ibu-bully namin si Jessa?”“At si Jessa ang sinungaling?” tanong ni Bryce na ikinasingkit lalo ng mga mata ni Zylah. “Ibang klase ka talaga mag-isip…” Napailing sa sama ng loob si Zylah habang sinasalubong ang mga tingin ni Bryce. Nakakatawa at nakakagalit na binibintangan pa sila ng mga kaibigan na nambu-bully kay Jessa. Huminga ng malalim si Zylah, wala na talagang pag-asa sa tingin niya ang gaya ni Bryce na hindi nakikita ang mali sa sitwasyon. Sabagay at wala na talaga sa katinu
Nakailang doorbell na si Zylah ay wala pa rin nagbubukas ng pinto para sa kaniya. Ayaw niya man ay napilitan siyang mag-text kay Bryce para sabihin na may kailangan lang siyang kunin na mga gamit. Saktong pag-sent niya ng message ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Bryce. “May kukunin lang ako…” mahinang imporma ni Zylah. Wala siyang plano makipagtalo kaya gano’n na lang. Hindi na rin magtatagal at aalis siya ng Pilipinas kaya hindi na niya makikita pa itong sina Bryce maliban kung may hearing sila sa kasong isasampa niya. “Okay lang naman siguro, ‘di ba?” paninigurado niya. Umatras si Bryce para papasukin siya. Nakita niya si Jessa na nakaupo sa sofa kasama ang dalawang bata. Gusto niyang batiin si Jaxon at tawagin, mayakap man lang sana kahit paano pero sa masamang tingin lang ang ibinibigay nito sa kaniya. Kahit ngiti ay hindi na niya itinuloy para sa anak, nawalan na siya ng gana. Naisip niya si Raffy. Ibang-iba ang batang ‘yon kay Jaxon. Si Raffy ay kahit malayo pa ay masaya
“May lakad ka?” tanong ni Belinda kay Zylah nang abutan ang kaibigan na nakabihis. “Yep,” ani Zylah habang nakayuko at nagsusuot ng sapatos. Pupunta siya sa bahay nila ni Bryce. Sasaglit siya roon para kunin ang ilang gamit lalo na ang mga dokumento na kinakailangan niya para sumama kina Austin at Raffy sa California. Desidido na siyang mangibang-bansa at magtrabaho kay Austin bilang mommy ng anak nito. Kailangan niyang lumayo muna.“Saan ka at ihatid na kita?” tanong ni Belinda. Napatingin si Zylah sa kaibigan. Napangiti. Gusto niya ring magpahatid sana pero nakikita niyang pagod ito. Alam niya ring puyat ang kaibigan dahil halos walang itinulog kagabi, may bagong kaso itong hawak at iyon ang dahilan ng pagre-research nito at pagbabasa ng mga law books. Gano’n si Belinda tuwina kapag may hahawakang kaso, sisiguraduhing lyamado bago pa magsimula ang hearing ng kaso. “Ako na lang,” nakangiting wika ni Zylah. “Kaya ko naman pumunta doon mag-isa. Bahay ko pa rin naman iyon kaya hindi
“Actually, I can visit Raffy if you ask me to,” patuloy ni Zylah at ngumiti para iparamdam kay Austin na natutuwa siya kay Raffy at gusto rin itong makasama. “I can help her. Pwede ko siyang alagaan pero hanggang doon lang. I can’t commit for a long time. Ayaw kong masaktan at mabigo kapag minahal ko siya bilang anak. Call me unprofessional but just to share with you what I felt with Bryce and Jaxon… Mas masakit ipagtabuyan ng anak kaysa ng asawa. Mas madali ko pang natanggap na ayaw sa akin ni Bryce kaysa noong ayawan ako ni Jaxon at tulungan pa si Jessa para mapahamak ako.”“I’m sorry to hear that…” ani Austin nang ilang saglit natahimik si Zylah. Alam niyang bumalik na naman ito sa nangyari rito months ago. Naalala niya ang anyo nito nang buhatin niya at dalhin sa ER. Putlang-putla at takot na takot. Tinatawag ang pangalan ng asawa at anak habang iniiyakan ang pinagbubuntis nitong nalaglag. “I really wanna help Raffy, too. That’s true.” Matamis na ngumiti si Zylah. “Gusto kong tul
Para kay Raffy. Alam ni Zylah na para kay Raffy kaya siya kinukulit ni Austin pero hindi niya maiwasang hindi mapangiti at… kiligin. Pagkakilig na agad niyang inalis sa isipan dahil hindi iyon tama. Mali ang mag-entertain siya ng kung ano dahil may asawa pa rin siya. Technically.“At kung papayag ka ay kagaya ng nasabi ko, ako ang bahala sa lahat ng pinansyal na kailangan mo maliban pa sa suweldo mo na matatanggap para maging mommy ni Raffy.”Tinitigan ni Zylah si Austin. Nangiti at pinipigilan ang sariling matawa sa enthusiasm nito para makumbinsi siya. “That’s tempting…” komento niya. “Pero ano kaya ang kaibahan ng alok mo sa akin ngayon sa alok mo kanina?” “The place where you will stay with my daughter,” seryosong sagot nito. “Sa ngayon ay hindi pwedeng dito tayo tumira sa Pilipinas kung papayag ka maging mommy ni Raffy. Hindi naman pwedeng hindi ko makasama ang anak ko para hayaan kayong nakatira sa ibang bahay. S’yempre kung nasaan ang anak ko ay dapat naroon ako.”Tahimik lan
“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Nakaupo sila sa sofa sa salas at katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Kasalukuyang nakabukas ang TV dahil maaga pa naman, alas-otso pa lang ng gabi. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon ni Zylah sa tanong ni Jaxon at masuyong nginitian ang anak. “Pero si daddy love ka rin ba?” Muling ngumiti si Zylah dahil sa pangalawang tanong ni Jaxon. Hinaplos niya ang likod ng ulo ng anak na nakaupo sa tabi niya. “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama si—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atens...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments