Mapanghamon na tingin ang ibinigay ni Zylah sa tatlong kaibigan ng asawa na puro tahimik na bigla at nagpapalitan na lang ng tingin sa bawat isa. Masama ang loob niya. Masamang-masama. Tumayo si Timothy at gano’n na rin ang dalawa. “Labas na kami…” paalam nito kay Bryce.“Kaya nga…” wika naman ni Carlo. “Una na kami, pare.”Si Albert ay tamang tinapik lang sa braso si Bryce at sumunod na rin sa dalawa. “Zy… kung ano man ang narinig mo ay mali ka ng interpretasyon,” mabilis na paliwanag ni Bryce sa asawa. “Bakit? May iba pa bang interpretasyon sa mga narinig ko?” tanong ni Zylah. “Saan doon ang akala mong mali ang dating sa akin? Iyong inamin mo na mahal mo pa rin si Jessa? Iyong sinabi ni Timothy na ginagamit mo si Jaxon para may paraan ka makita at makasama ang ex mo?”“Zy…”“Why, Bryce?” Pumiksi si Zylah nang plano ni Bryce hilahin siya para yakapin.Napailing si Bryce. Napatingin sa kisame na parang makakakita ng maikakatwiran doon. “It’s not what you think.”“And what should I
Nagtatakang napatingin si Zylah sa paligid. “Where am I?” mahinang tanong niya, kumukurap-kurap dahil nasilaw sa ilaw sa kisame na nadilatan. Bumangon siya. Saktong kakaupo niya lang ay pumasok si Bryce at mabilis siyang nilapitan. Niyakap. Masayang-masaya ito.“We did it, Zy!” Bryce exclaimed happily. Kunot-noong napatingin si Zy sa pinto na pinasukan ni Bryce. Iniisip kung ano kaya ang ibig sabihin ni Bryce. Binalikan niya ang huling natatandaan… Nasa opisina sila. Nagtatalo.Marahan niyang itinulak ang asawa nang bumalik sa isip niya ang mga narinig na salita mula rito. “Hindi ko alam kung nasaan tayo pero…” Muli niyang tiningnan ang loob ng kuwarto. “Kung tama ang tingin ko ay nasa isang clinic tayo.”“Actually we are in a hospital room, Zy. You fainted. Remember?” ”“I… I fainted.” Mabagal na tumango-tango si Zylah. Naalala ang naganap. “I don’t know why but—”"I love you, Zy, and this time I will make everything right for us…”Napailing si Zylah. Hindi niya alam kung bakit bigla
“Jaxon, baby…” awat ni Jessa kay Jaxon. Naupo pa ito patalungko para tapatan ang ulo ng batang kausap. “Sabi ko naman sa ‘yo ay huwag mong aawayin mommy mo kasi ‘yan magiging dahilan na maging sad siya. Ayaw ni daddy maging sad siya, ‘di ba?”“Gusto ko kasi si Brody lang brother ko, Mama Jessa…” malambing na tugon ni Jaxon. Kung kanina ay galit siya at sumisigaw sa sariling ina, kay Jessa ay malambing siya makipag-usap. Matamis na ngumiti si Jessa at sinulyapan si Bryce saka si Zylah. Nang makitang nakatitig ang huli sa kaniya ay tumayo siya at nilapitan ito. “Hi…” nahihiya ang tono na bati ni Jessa kay Zylah. “I know I wronged you kanina pero…” yumuko siya at nilingon sina Bryce at Jaxon, “pero hindi ko kasi alam na ikaw ang mommy ni Jaxon. You heard him earlier, right? He sounded scared of you and—”“Let’s not talk about it here, Miss Moreno or whatever your last name is,” malamig na putol ni Zylah sa kung ano pang sasabihin ni Jessa. “Nangyari na kaya hindi na maibalik pa.” Alan
“Jaxon?” tawag ni Zylah sa anak. Nakatulog siya at nagtaka nang magising na wala ang anak. Nasa ospital pa rin sila at hindi pa nakabalik si Bryce. Nagtatakang tiningnan ni Zylah ang oras mula sa phone niya. Tatlong oras na mula nang umalis si Bryce para samahan si Jessa palabas ng ospital. Ayaw niyang magduda dahil nangako na si Bryce sa kaniya. Inisip na lang niya na baka nakabalik ang asawa pero tulog siya. Baka bumalik at isinama muna mamasyal si Jaxon. She decided to call Bryce, pero nakatatlong call na siya ay hindi pa rin sinasagot ni Bryce ang tawag niya. Nag-aalalang itinulak ni Zylah ang dextrose stand at lumabas siya nang kuwarto. Nang maisip na istorbo sa kaniya ang IV fluid na nakasabit ay binunot niya iyon mula sa likod ng palad niya. Wala naman siyang sakit kung tutuusin kaya hindi niya kailangan ang suwero. “Nurse, may nakita kayong bata?” tanong ni Zylah sa nurse na nasalubong. Nagtatakang tiningnan siya ng nurse at napakunot-noo nang mapansin na nagdurugo ang pina
“No!” pabalikwas na bumangon si Zylah. Kinapa niya ang tiyan at umiyak.Nilapitan siya ni Bryce. Nasa mga mata nito ang galit. “You lost the baby…” pabulong na sabi ni Bryce sa kaniya. “No…” Zylah cried. Umiling siya. Hindi niya matanggap ang narinig mula sa asawa. Nang wala siyang makitang reaksyon mula kay Bryce ay tuluyan nang nabuwag ang pag-asa na natitira sa puso niya. “Ang… ang baby ko…” Patuloy ang pag-iyak ni Zylah hanggang bumukas ang pinto at pumasok doon ang byenan kasama si Jaxon. “You!” galit na wika ni Zylah habang nakatingin sa panganay na anak na siyang dahilan kaya nawala ang pinagbubuntis niya. “Zy!” awat ni Bryce sa kaniya. “Bakit? Anong kasalanan ni Jaxon at nagkakaganyan ka?” tanong nito dahil nakikita si Jaxon na sumiksik na sa likod ni Helen. “What is happening, Zylah?” galit na tanong naman ni Helen sa manugang. “Bryce, ano ‘yan? Bumigay na ang utak ng asawa mo dahil sa kapabayaan niya?”“He was the one who did that!” sigaw ni Zylah, masamang-masama ang
Tulalang nakatitig sa kisame si Zylah. Mag-isa na lang siya sa kwarto. Nagpaalam si Bryce na ihahatid ang mommy nito at doon na rin daw muna si Jaxon habang nagpapagaling pa siya. Nang muling pumasok sa isip ang nangyari kagabi ay muli siyang umiyak. Her unborn child… Her poor baby…May nagbukas ng pinto pero ayaw niyang tingnan kung sino ang dumating. Nakatagilid siya at ayaw tumigil sa pag-iyak. “Baby ko…” usal niya.“Zylah…” Natigilan si Zylah. Napalingon. “Bel…” Naiiyak na niyakap siya ng kaibigan. “We heard what happened, I’m sorry for your loss…”“Ang baby ko, Bel…” Humigpit ang yakap niya rito. “Pinatay siya ni Jessa…” “Zylah…” ani Belinda, nagtaka sa narinig. “What… are you saying?”“Hindi ako basta nakunan.” Umiling si Zylah. “Promise you believe me, Bel…”“I do,” tugon ni Belinda. “Of course, I do! Tell me, Zy. Anong nangyari? Lahat.”“It was Jessa I saw, siya ang kasama ni Jaxon kagabi. Plano ni Jessa iyon, siya ang nag-utos kay Jaxon.” Muling humagulhol si Zylah nang m
Tinitigan ni Zylah ng libingan ng anak na hindi man lang niya naisilang. Naiyak na naman siya. Sa likod niya ay naroon sina Belinda at Melissa, parehong nakikidalamhati sa kaniya. Ang dalawa na rin ang umasikaso ng lahat para sa libing ng anak niya ngayong umaga. “Zy…” tawag ni Melissa sa kaniya. “Umaambon na.”“You can go…” mahina ang boses niyang sabi. “Dito na muna ako.”“Mauna ka na sa kotse, Liz. Samahan ko lang dito si Zylah,” wika naman ni Belinda. “You need to convince her that we need to go…” bulong ni Melissa kay Belinda. “She’s not well. Baka magkasakit pa siya dahil sa ulan.”At iyon nga ang nangyari. Nagkasakit talaga si Zylah kaya imbes na iuwi na ito nila Belinda ay ibinalik nila sa ospital. Mataas ang lagnat ni Zylah nang ihatid sa ospital. Nanginginig. Nangangatal. Tulog si Zylah nang magpaalam si Belinda sa nurses na bantayan ang kaibigan dahil kailangan nitong umuwi muna at para bumili na rin ng mga prutas. Nag-usap sila ni Melissa na pagtutulungan samahan si Zyl
“He was here last night, mga seven p.m.,” imporma ni Belinda kay Zylah. Hindi umimik si Zylah. Ang totoo ay wala na siyang pakialam kung maalala pa siya ni Bryce o hindi. Masyado siyang apektado sa nangyari sa pinagbubuntis niya. Ito pa rin ang sinisisi niya sa lahat. Hindi maglalakas loob si Jessa ipahamak siya kung hindi ito hinayaan ni Bryce maging feeling importante.“I was calling him…” dagdag ni Belinda. “Mukhang busy kaya hindi sumasagot.” Hindi na sinabi ni Belinda ang paalam ni Bryce kagabi na may emergency sa bahay ng kaibigan. Ayaw niyang sumama pa ang loob ni Zylah.“Naayos mo na ba ang pag-file ng legal separation namin?” tanong ni Zylah sa kaibigan. “Zylah…” ani Belinda at nilapitan ang kaibigan. “Legal separation isn’t as easy as you think. Same lang sila ng annulment na may mga grounds na dapat basehan.”“But the procedure of it will take less time than annulment, right?” “One year,” mahinang tugon ni Belinda. Nakita niya ang panlulumo sa mga mata ni Zylah. “Sorry p
Napangiti si Zylah at hinalikan ang noo ni Raffy. Hindi niya man ito tunay na anak pero pinapasaya nito ang puso niyang sabik sa pagmamahal ng isang anak sa ina. Tama si Austin, kailangan niya si Raffy para magamot ang puso niyang nadurog sa pagtakwil sa kaniya ng tunay na anak at pagkawala ng pinagbubuntis niya. Ang anak na huling pag-asa na lang sana niya para mabuo pa ang pamilya. Ang batang inisip niyang magiging dahilan para ipaglaban niya ang pamilya mula sa paninira ni Jessa.“I wish that Mommy will love Raffy forever, too…” mahinang usal ni Raffy. Nasa tono niya ang pag-aalangan sa sinabi. Sa batang puso ni Raffy ay alam niyang maaring magsawa si Zylah sa pagiging mommy niya at iwan siya. May anak ito sabi ng daddy niya, totoong anak hindi gaya niya.“Will you love me forever, Mommy?” tanong ni Raffy kay Zylah. “Will you love me forever like how you love your son?” Napatitig si Zylah sa batang nasa tabi niya. Raffy has it all kung tutuusin. May maganda itong buhay at amang
“Mommy…” inaantok na wika ni Raffy pagkatapos niya ito basahan ng kuwento. “Yes, baby?” masuyo niyang tanong sa batang nakatitig sa kaniya. Nginitian. Napakagandang bata ni Raffy. Kamukha ito ni Austin kung tutuusin pero nakuha rin ang magandang genes ni Rachel kaya nagmukhang anghel ito. At hindi lang ito napakaganda, napakabait pa. Hindi niya makita ang pagiging spoiled dito, malayong-malayo sa anak niyang si Jaxon na kailangan laging pagbigyan ang gusto. Nasabi niya iyon kasi kanina ay gusto pa nitong kumain ng kung ano-ano habang nasa dinner sila, sinabi ni Austin na hindi pwede at gabi na kaya hindi na ito nangulit. At nang payagan ito gumamit ng iPad ni Austin ay ito mismo ang kusang tumigil sa kaka-scroll at laro nang makitang 8:30 PM na. Sinabi pa sa kaniya na hanggang ganoong oras lang ito allowed ng daddy niya gumamit ng gadgets kaya sunod ay huwag niyang kalimutan.Sabagay at gano’n din naman si Jaxon noon, nakokontento sa kung anong pwede lang kainin nito dahil nakaban
“Okay ka lang?” tanong ni Austin kay Zylah na kanina pa tahimik habang binabaybay nila ang pauwi sa bahay niya. Namumula rin ang mga mata nito kaya alam niyang galing sa pag-iyak.Tumango si Zylah bilang tugon. Okay lang naman talaga siya pero hindi niya maiwasan hindi maapektuhan sa sama ng loob na binigay ni Jessa sa parents niya. Gusto niyang masampal man lang ito para maiganti niya ang mama at papa niya. Kahit sinabi kasi ng mama niya na bukas ay pauwi na rin ang mga ito dahil ligtas na ang papa niya ay hindi pa rin siya mapanatag. Kung nagawa ni Jessa gumawa ng kuwento para sirain siya sa mga magulang ay alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi siya mapapahamak pa lalo para hiwalayan na talaga siya ni Bryce. “Gusto mong kumain muna?” tanong ni Austin na muling sinulyapan si Zylah. Alam niyang may kasunduan sila ni Zylah para kay Raffy at pure business lang dapat ang relasyon nila, employer-employee lang kumbaga, pero hindi niya maiwasan maging concern dito. At kanina niya p
“Ma…” usal ni Zylah nang sagutin na ng mama nito ang tawag niya. “Kumusta po kayo, Ma?” naiiyak niyang tanong. “Si Zylah po ito… Ano po ang nangyari kay Papa?” Nalulungkot siya sa nangyari sa ama kaya hindi niya maiwasan ang maiyak. Kahit sinabi ni Belinda na ligtas ang ama niya, ayon na rin sa mama niya, ay hindi pa rin niya maiwasan mag-alala. Iniwasan niya kasi ang mga magulang kausapin dahil ayaw niyang maapektuhan ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Bryce. Iniwasan niya para nga hindi ganito na masaktan ang mga magulang para sa kaniya. Pero kahit anong iwas niya na maapektuhan ang mga ito ay gano’n pa rin pala dahil sa kawalanghiyaan ng babaeng sinungaling na ang pangalan ay Jessa. Ang masaklap pa ay may ibang version pang pinaabot sa mga magulang niya, sinabi pang siya ang pinalayas ni Bryce. Pinalabas pa na siya ang may ginawang masama. “Zylah, anak…” ani ng mama niya. Nasa boses nito ang pag-aalala para sa kaniya. “Mabuti at natawag ka na, anak… At iba na pala talaga ang nu
“Let me go…” Walang kahit anong damdamin ang mahihimigan sa boses ni Zylah nang sabihin iyon. Binitiwan ni Bryce ang mga braso ng asawa pero masama pa rin ang tingin rito. Palala na ang sitwasyon nila dahil ayaw nitong makinig. “Masyado kang nagmamalaki, Zy. Masyado ka kasing kinakampihan ng mga kaibigan mong—”“Enough with Belinda and Melissa!” asik ni Zylah. “Kilala ko ang mga kaibigan ko, hindi sila mga sinungaling at hindi nila gagawin ang mga sinasabi mo. Sa palagay mo ay ano ang mapapala namin kung ibu-bully namin si Jessa?”“At si Jessa ang sinungaling?” tanong ni Bryce na ikinasingkit lalo ng mga mata ni Zylah. “Ibang klase ka talaga mag-isip…” Napailing sa sama ng loob si Zylah habang sinasalubong ang mga tingin ni Bryce. Nakakatawa at nakakagalit na binibintangan pa sila ng mga kaibigan na nambu-bully kay Jessa. Huminga ng malalim si Zylah, wala na talagang pag-asa sa tingin niya ang gaya ni Bryce na hindi nakikita ang mali sa sitwasyon. Sabagay at wala na talaga sa katinu
Nakailang doorbell na si Zylah ay wala pa rin nagbubukas ng pinto para sa kaniya. Ayaw niya man ay napilitan siyang mag-text kay Bryce para sabihin na may kailangan lang siyang kunin na mga gamit. Saktong pag-sent niya ng message ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Bryce. “May kukunin lang ako…” mahinang imporma ni Zylah. Wala siyang plano makipagtalo kaya gano’n na lang. Hindi na rin magtatagal at aalis siya ng Pilipinas kaya hindi na niya makikita pa itong sina Bryce maliban kung may hearing sila sa kasong isasampa niya. “Okay lang naman siguro, ‘di ba?” paninigurado niya. Umatras si Bryce para papasukin siya. Nakita niya si Jessa na nakaupo sa sofa kasama ang dalawang bata. Gusto niyang batiin si Jaxon at tawagin, mayakap man lang sana kahit paano pero sa masamang tingin lang ang ibinibigay nito sa kaniya. Kahit ngiti ay hindi na niya itinuloy para sa anak, nawalan na siya ng gana. Naisip niya si Raffy. Ibang-iba ang batang ‘yon kay Jaxon. Si Raffy ay kahit malayo pa ay masaya
“May lakad ka?” tanong ni Belinda kay Zylah nang abutan ang kaibigan na nakabihis. “Yep,” ani Zylah habang nakayuko at nagsusuot ng sapatos. Pupunta siya sa bahay nila ni Bryce. Sasaglit siya roon para kunin ang ilang gamit lalo na ang mga dokumento na kinakailangan niya para sumama kina Austin at Raffy sa California. Desidido na siyang mangibang-bansa at magtrabaho kay Austin bilang mommy ng anak nito. Kailangan niyang lumayo muna.“Saan ka at ihatid na kita?” tanong ni Belinda. Napatingin si Zylah sa kaibigan. Napangiti. Gusto niya ring magpahatid sana pero nakikita niyang pagod ito. Alam niya ring puyat ang kaibigan dahil halos walang itinulog kagabi, may bagong kaso itong hawak at iyon ang dahilan ng pagre-research nito at pagbabasa ng mga law books. Gano’n si Belinda tuwina kapag may hahawakang kaso, sisiguraduhing lyamado bago pa magsimula ang hearing ng kaso. “Ako na lang,” nakangiting wika ni Zylah. “Kaya ko naman pumunta doon mag-isa. Bahay ko pa rin naman iyon kaya hindi
“Actually, I can visit Raffy if you ask me to,” patuloy ni Zylah at ngumiti para iparamdam kay Austin na natutuwa siya kay Raffy at gusto rin itong makasama. “I can help her. Pwede ko siyang alagaan pero hanggang doon lang. I can’t commit for a long time. Ayaw kong masaktan at mabigo kapag minahal ko siya bilang anak. Call me unprofessional but just to share with you what I felt with Bryce and Jaxon… Mas masakit ipagtabuyan ng anak kaysa ng asawa. Mas madali ko pang natanggap na ayaw sa akin ni Bryce kaysa noong ayawan ako ni Jaxon at tulungan pa si Jessa para mapahamak ako.”“I’m sorry to hear that…” ani Austin nang ilang saglit natahimik si Zylah. Alam niyang bumalik na naman ito sa nangyari rito months ago. Naalala niya ang anyo nito nang buhatin niya at dalhin sa ER. Putlang-putla at takot na takot. Tinatawag ang pangalan ng asawa at anak habang iniiyakan ang pinagbubuntis nitong nalaglag. “I really wanna help Raffy, too. That’s true.” Matamis na ngumiti si Zylah. “Gusto kong tul
Para kay Raffy. Alam ni Zylah na para kay Raffy kaya siya kinukulit ni Austin pero hindi niya maiwasang hindi mapangiti at… kiligin. Pagkakilig na agad niyang inalis sa isipan dahil hindi iyon tama. Mali ang mag-entertain siya ng kung ano dahil may asawa pa rin siya. Technically.“At kung papayag ka ay kagaya ng nasabi ko, ako ang bahala sa lahat ng pinansyal na kailangan mo maliban pa sa suweldo mo na matatanggap para maging mommy ni Raffy.”Tinitigan ni Zylah si Austin. Nangiti at pinipigilan ang sariling matawa sa enthusiasm nito para makumbinsi siya. “That’s tempting…” komento niya. “Pero ano kaya ang kaibahan ng alok mo sa akin ngayon sa alok mo kanina?” “The place where you will stay with my daughter,” seryosong sagot nito. “Sa ngayon ay hindi pwedeng dito tayo tumira sa Pilipinas kung papayag ka maging mommy ni Raffy. Hindi naman pwedeng hindi ko makasama ang anak ko para hayaan kayong nakatira sa ibang bahay. S’yempre kung nasaan ang anak ko ay dapat naroon ako.”Tahimik lan