Bakit feeling ko marami naman magagalit at magsasabi na ampanget ng story? Haha... Anyways, thank you sa nagbigay ng gems, sa nagko-comments, likes, at iba pa... salamat sa inyong lahat.
“I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s
Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o
“Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi
“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Nakaupo sila sa sofa sa salas at katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Kasalukuyang nakabukas ang TV dahil maaga pa naman, alas-otso pa lang ng gabi.Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa.“Oo naman, s’yempre,” tugon ni Zylah sa tanong ni Jaxon at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” Muling ngumiti si Zylah dahil sa pangalawang tanong ni Jaxon. Hinaplos niya ang likod ng ulo ng anak na nakaupo sa tabi niya. “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.”“Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama si—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” muling tawag nito kay Zylah.
Hindi napigilan ni Zylah ang mapahikbi sa narinig na wish ng anak. Bakit naman naging gano’n? Alam niyang bata pa si Jaxon at baka naman nakakatuwaan lang ang Jessa na ‘yon pero… pero hindi niya kasi maiwasan ang masaktan. Magselos. “Zylah?” tawag ni Bryce na ikinalingon niya. “Umiiyak ka? Why?” “Sino…” Huminga ng malalim si Zylah. Kinalma niya muna ang sarili para hindi mapiyok ang boses. “Sino si… si Jessa Moreno, Bryce?” direktang tanong niya kahit hindi nililingon ito. Hindi sumagot si Bryce na lalong ikinasama niya ng loob. Nang tingnan ni Zylah ang asawa ay nagbibihis na ito at parang binalewala lang pala ang tanong niya. Nilapitan niya ito at inabot ang tablet ni Jaxon para makita nito ang group chat na ikinasasama ng loob niya. “Mama Jessa pa talaga ang tawag sa kaniya ni Jaxon…” naiiyak niyang wika. “Siya ang ex mo, ‘di ba?” “I can explain,” ani Bryce at kinuha ang tablet sa kaniya para ipatong sa headboard. “Explain what?” masama ang loob na tanong ni Zylah.
Nakangiting hinila ni Bryce si Zylah para maupo sa tabi niya. Pinunasan niya rin ang mga luha ng asawa. Hinalikan niya ito at inihiga sa kama. “Stop worrying, Zy. Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang mommy ni Jaxon. Tayo ang pamilya. Walang kwenta isipin ang mga bagay na hindi naman natin dapat pahalagahan.” Hindi umimik si Zylah. Hinayaan na lang niya ang asawang hagkan siya nito. At muli… muli ay pinagsaluhan nila ang pagiging iisa. At kung dati ay mainit ang bawat sandali para kay Zylah, ngayon ay naramdaman niya ang mawalan ng gana. Nakatulugan ni Zylah ang yakap ni Bryce. Nakatulugan niya hanggang magising siya sa tunog ng alarm clock dahil kailangan na niyang bumangon para ipaghanda ng almusal ang kaniyang mag-ama. Pumupungas pa si Zylah na pumunta ng kusina at kahit inaantok ay sinimulan na niya ang daily routine. Tiningnan niya ang laman ng refrigerator at kung kahapon ay homemade chicken nuggets ang hinanda niya kasama ng fried egg at sinangag, ngayon ay naisip niya ang pabori
Ibinalik ni Zylah ang sulat sa loob ng envelope at ipapasok na sana sa drawer nang makita ang isang sulat pa sa loob ng drawer. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon para mabasa kung ano ang nakasulat doon. Sulat iyon mula kay Jessa at kung tama ang iniisip niya ay iyon ang tugon ng babae sa sulat na mula kay Bryce. ‘Bryce, I’ve moved on. Tama na. Hayaan mo na ako maging masaya. Please respect my decision and don’t contact me again. Ayokong mag-isip ng hindi maganda ang asawa ko.’ Natigilan si Zylah hanggang sa ibalik niya ang mga sulat sa sobre. Si Jessa talaga ang mahal ni Bryce at isa lang siyang tagasalo ng lalaking nabigo sa first love nito. At kagaya ng naisip niya, dahil bumalik na si Jessa ay balewala na kay Bryce ang nararamdaman niya kaya okay lang dito kahit masaktan siya. Tunog mula sa phone ang umistorbo sa kung anong iniisip niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at si Bryce ang caller.Zylah cleared her throat and answered the call, “Hi,” pinilit niyang magin
“Bakit?” tanong ni Zylah Kay Bryce nang matapos itong makipag-usap kay Jessa. “Bakit kasama ni Jessa si Jaxon? Akala ko ba kasama si Jax ng mommy mo?” Hindi siya pinansin ni Bryce at isinuksok na ulit ang phone sa bulsa. Hindi rin sinagot ang tanong niya hanggang lumabas na ito ng bahay nila. Kinuha ni Zylah ang phone na nakapatong sa mesa at sinundan si Bryce. Sasama siya puntahan ang anak at hindi siya pwedeng balewalain ng asawa. Binuksan ni Zylah ang pinto ng passenger seat at sumakay ng kotse. “Sasama ako,” aniya. Punong-puno ng pagtitimpi rito ang boses niya at pag-aalala para sa anak niya. Katahimikan ang namayani habang papunta sila ng ospital. Katahimikan na lalong dumudurog kay Zylah. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng asawa pero isa lang ang totoo, niloloko siya nito paulit-ulit. At ang kaninang iniisip niya na gusto nitong maging maayos sila ay isang kalokohan. Gusto lang nito magmukha siyang tanga at maging sunod-sunuran. Inuuto habang masaya itong kasa
“Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi
Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o
“I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s
“Your name?” Napakurap si Zylah. Wala siyang sinabihan kahit isa tungkol sa bagay na iyon. “It was my name you were calling that night, Zylah… You can’t deny that now.” Tinalikuran ni Austin si Zylah at lumapit sa tokador. Dinampot niya ang envelope na naroon at inabot kay Zylah. “Before you spoke again of your marriage with Bryce… and before you deny you love me… check this first.”“What’s that?” tanong ni Zylah na naguguluhan pa rin sa bagay na alam ni Austin na pangalan nito ang binibigkas niya noong gabing iyon. Napahawak siya sa tiyan dahil muling lumikot ang baby niya. “Please check first…” nakikiusap ang tono na utos ni Austin para hindi na magtanong pa si Zylah at tingnan na lang ang laman ng envelope na iniwan ni Mathias. “It’s one of my surprises for you.”“Is this a contract for our marriage in case I will agree?” Kinuha ni Zylah ang envelope. “Or perhaps a prenuptial agreement. Am I right?” “Better see it for yourself, Zylah…”Tumango si Zylah. Pakiramdam niya ay kahit
“No?” nagtatakang tanong ni Austin. May ideya na siyang kung saan hinuhugot ni Zylah ang mga sagot pero gayunpaman ay hindi niya maiwasang magtaka at… masaktan.“Hindi ko na itatanong kung bakit ‘no’ ang sagot mo,” patuloy ni Austin. “Hindi ko na itatanong dahil may ideya na ako sa kung anong nasa isip mo. But please do consider, Zylah. Marry me.”Umiling si Zylah. “No, Austin…” pahikbing wika niya sa halo-halong nararamdaman. Umatras siya para mabitiwan nito mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Marrying you is wrong… I can’t…”“I love you…” amin ni Austin sa nararamdaman. “I love you and it’s true. Imposibleng hindi mo naramdaman. Imposibleng hindi mo naisip kahit minsan man lang na mahal kita. Imposibleng hindi mo nahalata man lang.” Umiling na naman si Zylah. Nanlalaki ang mga mata sa deklarasyon ni Austin. Oo at masasabi niyang naramdaman, naisip, at nahalata niya si Austin pero hindi iyon basta gano’n lang. Hindi dahil mahal na siya nito ay sasamăntalahin niya ang pagkakataon. Hind
“Zylah?” patanong na wika ng isang lalaki mula sa likuran ni Zylah na ikinalingo niya.Ngumiti si Zylah at pilit itinago ang panlalaki ng mga mata sa pagkamangha sa itsura ng lalaking tumawag sa kaniya. Ang asul nitong mga mata at buhok na kulay brown ang nagbigay sa kaniya ng impresyon na ibang lahi ito at nakapagtataka na kakilala siya. Mukha nga itong modelo sa biglaang tingin niya kanina. “Mathias Ivanov,” pagpapakilala ng lalaki at nginitian siya. “I’m Austin’s friend.”“Oh…” ani Zylah at nagtatakang nilibot ng tingin ang hotel na ngayon niya lang napuntahan. Ang akala niya ay sa Hotel Tranquil siya dadalhin ng driver na sumundo sa kaniya pero iba pala ang venue kung saan siya pinapapunta ni Austin. “Hi…” kiming usal niya. “Where’s Austin?”“You’re beautiful,” ani Mathias na kanina pa napapansin ang pagkailang sa mukha ni Zylah. “At napakaganda mo sa suot mo,” dagdag niya na nakangiti. “Nasa presidential suite si Austin, hinihintay ka.”Nanlaki ang mga mata ni Zylah ng bahagya. H
“Are you nervous?” natawang tanong ni Mathias—ang nakatatandang kapatid ni Nikias—kay Austin, na kanina pa hindi mapakali sa pabalik-balik na paglalakad. “This is not your first time to propose marriage, bud…” nailing nitong dagdag. Bahagyang natawa si Austin sa sinabi ng kaibigan. “Ilang taon na tayong hindi nagkita Mathias?” “I don’t count. I’m not a fan of it, but I’m always here for a friend.”Napatango si Austin. Alam niya iyon. Si Nikias ang may kailangan sa kaniya nakaraan pero dahil lang nabanggit niya ang hihilingin kapalit ng kung anong pabor na kailangan ng mga ito ay nagparamdam na sa kaniya itong si Mathias. At nakaraan pa nga inaalam kung sino ang ex-husband ng babaeng gusto niyang pakasalan. Pwede naman daw mabalo si Zylah kay Bryce kung gusto niya.But Austin said ‘no.’ Sinabi niyang siya ang bahala kay Bryce at kung ano man ang pabor na kailangan kapalit ng pagkabura ng kasal nina Bryce at Zylah sa kahit anong registry sa Pilipinas ay gagawin niya para sa mga ito bil
“Mommy,” ani Raffy kay Zylah nang nasa terrace sila ng bahay at nakatanaw sa bahay sa tapat nila. “Ang ganda-ganda po ni Tita Chloe at ang bait-bait pa.”Napangiti si Zylah. Raffy started to socialize and that’s good for her. Mamaya ay ikukuwento niya kay Austin ang tungkol sa laging pakikipag-usap ni Raffy kay Chloe.“You call her tita?” tanong ni Zylah. “Is that fine with Chloe?”“Opo!” nakangiting wika nito. “Iyon din po sabi ni Lola Cathy at Lolo Jonas. Parang anak na rin daw po kasi nila si Daddy kaya pwede ko na tawagin sila ng lolo at lola, then tita kay Tita Chloe.”“Oh… okay,” nakangiting sabi ni Zylah. Muling napangiti sa kadaldalan ni Raffy. “Sabi ni Tita Chloe ay magkaka-baby na siya,” kuwento ni Raffy. “At sana raw kung babae ay maging pretty pareho ko.” Ngumisi si Raffy. “Mommy, nakakatawa po si Tita Chloe magsalita.”“What do you mean?” tanong ni Zylah. Ang curiosity niya kay Chloe ay lalong lumala ngayon nadagdagan pa ng nalaman na buntis si Chloe. Hindi naman siya tsi
-Pasadena, California-Two months later…“Mommy,” sigaw ni Raffy na kinawayan si Zylah.Nakangiting ngumiti si Zylah sa kapitbahay nilang si Mrs. Catarina McIntyre na hawak ang kamay ni Raffy habang palapit ang mga ito. Nakagiliwan ng ginang si Raffy at hinahayaan lang nila ni Austin dahil kasundo rin ni Raffy ito.Si Catarina ay Pilipina na nakapag-asawa ng American na si Jonas. Ang mga ito ay noon pa nanirahan sa California at doon na rin nagdalaga ang mga anak.Ang alam ng mga McIntyre ay anak niya si Raffy at asawa siya ni Austin. Okay na rin ‘yon sa kaniya para hindi na siya magpaliwanag pa. Iyon ang pakilala ni Austin sa kaniya sa mga ito na ikinatuwa niya kahit paano. Napanatag kasi siya na hindi na niya kailangan sabihin na hindi siya asawa si Austin. At higit sa lahat, hindi na niya kailangan ipaalam na anak niya mula sa hindi kilalang lalaki ang pinagbubuntis niya.“Chloe at least smiles talking to Raffy…” kuwento ni Catarina kay Zylah nang makalapit na sila ni Raffy dito.M