Ibinalik ni Zylah ang sulat sa loob ng envelope at ipapasok na sana sa drawer nang makita ang isang sulat pa sa loob ng drawer. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon para mabasa kung ano ang nakasulat doon.
Sulat iyon mula kay Jessa at kung tama ang iniisip niya ay iyon ang tugon ng babae sa sulat na mula kay Bryce. ‘Bryce, I’ve moved on. Tama na. Hayaan mo na ako maging masaya. Please respect my decision and don’t contact me again. Ayokong mag-isip ng hindi maganda ang asawa ko.’ Natigilan si Zylah hanggang sa ibalik niya ang mga sulat sa sobre. Si Jessa talaga ang mahal ni Bryce at isa lang siyang tagasalo ng lalaking nabigo sa first love nito. At kagaya ng naisip niya, dahil bumalik na si Jessa ay balewala na kay Bryce ang nararamdaman niya kaya okay lang dito kahit masaktan siya. Tunog mula sa phone ang umistorbo sa kung anong iniisip niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at si Bryce ang caller.Zylah cleared her throat and answered the call, “Hi,” pinilit niyang maging normal ang boses pero parang mula sa hukay ang narinig niya. “May... naiwan ka?” tanong niya dahil gano’n naman lagi kapag biglang natatawag si Bryce na kakaalis lang nito, may naiiwan itong ipapakuha sa kaniya kaya papaabangan sa kaniya ang kung sinong uutusan nito mula sa kumpanya.
“Busy ka?” tanong ni Bryce. Kaswal lang na tanong iyon pero nahihimigan niya ang paglalambing sa boses nito. “Naglilinis lang,” tugon ni Zylah at totoo namang iyon ang ginagawa niya. “Ano sana?” “May naiwan kasi akong documents ng office diyan sa kuwarto natin. Huwag ka na muna maglinis doon para sure na walang ma-misplace.” Nilibot ng tingin ni Zylah ang kuwarto. ‘What a liar!’ Gusto niyang isigaw pero inawat na naman niya ang sarili nang maisip ang inosenteng anak. Tama na ang nangyayari kay Jaxon, hindi na niya dadagdagan ang inis nito sa kaniya. Kapag hinayaan niyang magpadala siya sa galit ay ang anak niya ang siguradong maapektuhan. “No worries,” sabi na lang ni Zylah. “I won’t clean our room. Dito na lang ako sa room ni Jaxon at kapag naligpit mo na ang mga kalat…” She sighed. “I mean, ang mga nakalat mong 'dokumento' ay saka na ako maglilinis.” “Thanks, Zy…” sabi ni Bryce.Ramdam na ramdan ni Zylah ang biglang pag-relax ng asawa. Natatakot din pala ito na makita niya ang mga sulat. Gusto niyang matawa. Sinulyapan ni Zylah ang dalawang sulat na nakakalat. “May iba pa ba?”
“Wala na. ‘Yon lang.” Tinapos na ni Bryce ang tawag. Kinuha ni Zylah ang sobre ng mga sulat at ikinalat ulit niya ang mga laman niyon kagaya ng abutan niya kanina. Lumabas na siya ng kuwarto at dumiretso na sa baba. Nagpatugtog siya. Nilunod niya ang galit sa mga rock songs na naririnig. Hindi siya nahilig sa rock pero sa nararamdaman niyang galit ay mas gusto niyang makinig sa pagwawala ng mga rock singers sa mga piyesa nila. Lumipas ang maghapon at nakalma na ni Zylah ang sarili. Papadilim na at kadalasan ay gano’ng oras ang uwi ng mag-ama niya. Naghahanda na siya ng dinner nila nang dumating si Bryce. “Si... Jaxon?” nagtatakang tanong niya kasi mag-isa lang itong dumating. “Pinasama ko muna kay Mommy,” tugon ni Bryce. Nilapitan nito si Zylah at hinila para yakapin. Masuyo nitong hinaplos-haplos ang likod ng asawa na alam nitong nagtatampo pa rin sa mga natuklasan. “Inisip ko na kailangan naman natin ng time para sa bawat isa kaya... okay na rin na isama muna ni Mommy si Jaxon.” Naninigas na napatingin si Zylah sa asawa. Hindi niya alam paano tatanggihan ito sa obvious na paanyaya. Hindi dahil sa ayaw niya lang. Nararamdaman niya kasi na ginagawa lang ni Bryce ang mga biglaang paglalambing dahil gustong bumawi sa kaniya. At bakit babawi kung sinabi naman nito na balewala lang si Jessa? “Zy…” he murmured. “Malaki na si Jaxon. Pwede na natin sundan.” Napaatras si Zylah. Iniisip kung sincere ang asawa sa sinabi o paraan nito iyon para mauto pa siya lalo. “Why?” tanong niya. “Anong why?” natawang balik tanong ni Bryce kay Zylah. “Hindi tayo naghihirap para limitahan ang magiging mga anak natin. At gusto kong magkaroon na ng kapatid si Jaxon kasi iyon ang tingin kong hinahanap niya.” “Sigurado ka ba na sa akin mo pa gustong magkaroon ng panibagong anak?” seryosong tanong ni Zylah nang maalala ang dalawang sulat na nabasa niya kanina. Oo, matagal na ang mga sulat na iyon pero ang basahin ulit iyon ni Bryce ay may ibig sabihin. Mahal pa rin talaga nito si Jessa. At kung mali ang iniisip niya ay bakit hindi nagawa ni Bryce itapon ang mga sulat na iyon o sunugin? Sa tagal nilang nagsama ay itinago pa rin ni Bryce ang mga huling sulat nito at ni Jessa sa bawat isa. “Tama na nga ang pag-iisip mo ng kung ano-ano. Hindi ko gustong balikan si Jessa. Tapos. Hindi ko na siya kailangan dahil ano pa ba ang hahanapin ko?” Masuyong tinitigan ni Bryce si Zylah. “Ano pa ba ang hahanapin ko ay kumpleto na ang buhay ko dahil sa ‘yo.” Tinitigan ni Zylah ang asawa. Nagdududa siya pero umaasa pa rin siyang nagsasabi ito ng totoo. At kung ano man ang sama ng loob niya ay kailangan pa ba niyang isipin kung ito mismo ang nagsasabi na siya ang pinipili nito? “Do you still trust me, Zy?” tanong ni Bryce. Dahan-dahang napatango si Zylah. Yes, magtitiwala pa rin siya. At kung inaayos ni Bryce ang pagsasama nila ay dapat niya itong tulungan. Iyon ang nasa isip niya. Bakit pa siya magmamatigas kung— Tunog ng phone ni Bryce ang pumutol sa pag-iisip ni Zylah. Kinuha ni Bryce ang phone mula sa bulsa at nagmamadaling sinagot nang makita kung sino ang caller nito. Bigla ang kung anong masuyong anyo ni Bryce kanina ay napalitan ng kung ano. Excitement. “Jessa?” tanong ni Bryce sa kausap sa telepono at hindi na napansin ang panlalaki ng mga mata ni Zylah. “What’s wrong?” “Bryce, si Jaxon. He’s at the hospital. He has severe stomach pain.” Iyon ang narinig ni Zylah mula kay Jessa dahil naka-open ang speaker ng phone ni Bryce. Hindi niya tuloy maunawaan kung nananadya ba ito iparinig sa kaniya ang pagtawag ni Jessa. Ayaw na lang niyang isipin pa dahil mas nasa isip niya ang katanungan kung bakit kasama ni Jessa ang anak niya. At ang katotohanang… nagsinungaling na naman ni Bryce.“Bakit?” tanong ni Zylah Kay Bryce nang matapos itong makipag-usap kay Jessa. “Bakit kasama ni Jessa si Jaxon? Akala ko ba kasama si Jax ng mommy mo?” Hindi siya pinansin ni Bryce at isinuksok na ulit ang phone sa bulsa. Hindi rin sinagot ang tanong niya hanggang lumabas na ito ng bahay nila. Kinuha ni Zylah ang phone na nakapatong sa mesa at sinundan si Bryce. Sasama siya puntahan ang anak at hindi siya pwedeng balewalain ng asawa. Binuksan ni Zylah ang pinto ng passenger seat at sumakay ng kotse. “Sasama ako,” aniya. Punong-puno ng pagtitimpi rito ang boses niya at pag-aalala para sa anak niya. Katahimikan ang namayani habang papunta sila ng ospital. Katahimikan na lalong dumudurog kay Zylah. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng asawa pero isa lang ang totoo, niloloko siya nito paulit-ulit. At ang kaninang iniisip niya na gusto nitong maging maayos sila ay isang kalokohan. Gusto lang nito magmukha siyang tanga at maging sunod-sunuran. Inuuto habang masaya itong kasa
“Jax…” malungkot na usal ni Zylah. “What are you saying?” Malambing ang boses na tanong niya sa anak. Tinabihan niya ito sa kama, naupo siya sa gilid. Agad bumangon si Jaxon kahit nanghihina. Itinutulak siya ng mga kamay nito para paalisin sa tabi nito. “Jaxon…” usal ni Zylah. “Gusto mo bang mamasyal tayo sa Enchanted Kingdom? O sa Star City? Saan mo gusto?”Tiningnan lang siya ng anak at saka tumingin kay Bryce. “You promised me and Brody Disneyland…” Pigil ni Zylah ang mga luha na huwag pumatak. Bata pa si Jaxon, iyon ang dapat niyang tandaan. Tumalikod na lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Hinayaan na lang niya si Bryce na asikasuhin ang anak na paulit-ulit sinasabing gusto makita ang Mama Jessa niya. “Zy…” tawag ni Bryce sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya lumapit si Bryce para hawakan ang braso niya na agad naman niyang hinila para mabitiwan siya nito. “Sorry…” sabi ni Bryce. Malungkot ang boses nito pero ayaw na niyang magpadala. “You keep on lying at me, Bryce…” ma
“Jaxon!” malakas ang boses na saway ni Bryce sa anak nang marinig niyang sinisigawan nito si Zylah. “What are you doing?” “Alam mo naman na ayaw ko na sa kaniya, ‘di ba?!” Umiiyak na wika ni Jaxon habang tinuturo si Zylah. “Sabi ko, Daddy, doon na lang tayo kay Mama Jessa kung ayaw ni Mommy umalis dito!”Nilingon ni Bryce ang asawa na namumuo na rin ang mga luha. Lalapitan nito sana si Zylah nang lalong laksan ni Jaxon ang iyak. Inuna na lang ni Bryce ang anak at dinala sa kuwarto nito. Pinangakuan na rin na mamamasyal sila mamaya para hindi na nito awayin pa ang ina. Binalikan ni Bryce si Zylah. Naabutan niya ito sa kusina na naghahalo ng kung anong niluluto nito. Nilapitan niya ang asawa at kinuha ang sandok mula rito para siya na ang magpatuloy ng ginagawa nito. Pinahid ni Zylah ang mga luhang pumatak sa pisngi. Hindi niya alam kung sino ba ang dapat niyang sisihin sa mga nangyayari? Si Bryce at ang pakikipagkita nito kay Jessa? O siya na hinayaan si Jaxon sa pangangalaga ni Bryc
Desperate. Hindi hiniwalayan ng tingin ni Zylah ang anak na hawak-hawak ni Jessa palayo. Napailing na lang siya. Huminga siya ng malalim. Hindi siya papayag na tuluyan siyang magmukhang kawawa sa paningin ng mang-aagaw ng pamilya na si Jessa. Hinabol niya ang dalawa. “Jaxon!” Hila ni Zylah sa anak mula kay Jessa. “Don’t be bad, ‘nak! Ako ang mommy mo… Hindi tamang sabihin mong iba ang mommy mo at yaya mo lang ako… Bad magsinungaling, ‘nak, ‘di ba?”“But you are!” sigaw ni Jaxon sa ina. Naiiyak na lumapit at kumapit pa kay Jessa. “Mommy, may bad woman… Alis na tayo rito…”“Jaxon…” hikbi ni Zylah. Hindi matanggap ang pakikipagtulungan ng anak kay Jessa para ipahiya siya. “Guard!” sigaw na tawag ni Jessa na naman. “Guard, tulong! Ano ba?!” Masamang tingin ang ibinigay ni Zylah kay Jessa. Naghihirap man ang kalooban niya sa kalokohan nito ay minabuti niyang lumakad na lang palayo sa mga ito. Pinagtitinginan na sila at hindi na niya kayang dagdagan ang pamamahiya ng mga ito sa kaniya.
Hindi na napigilan ni Zylah ang sarili. Napaiyak na siya. Paimpit. Tinakpan na lang niya ang bibig para walang makarinig sa kaniya. “Kung sana bumalik si Jessa bago ang kasal namin ni Zylah, sana wala kaming problema. Sana hindi ako nahihirapan balansehin ang sitwasyon na siya ang gusto kong makasama at itago ang totoong nararamdaman ko kay Zylah…” patuloy ni Bryce na lalong dumudurog sa puso ni Zylah. “Iyon naman pala, eh!” natawang wika ni Albert. “Ganito lang ‘yan. Hiwalayan mo na si Zylah para tapos na ang paghihirap mo.”“Albert’s right, pare…” segunda ni Timothy. “Annul your marriage with Zylah. End your agony. Be with Jessa again.” “Madaling sabihin pero mahirap simulan…” ani Bryce pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. “Zylah was there when Jessa left me for Harry.”“But I think that Jessa has learned her lesson.” Nasa boses ni Carlo na parang ang tino-tino ni Jessa at dapat hangaan na natuto na ito. “Iniwan niya si Harry at naging single mom ng halos dalawang taon mahig
Mapanghamon na tingin ang ibinigay ni Zylah sa tatlong kaibigan ng asawa na puro tahimik na bigla at nagpapalitan na lang ng tingin sa bawat isa. Masama ang loob niya. Masamang-masama. Tumayo si Timothy at gano’n na rin ang dalawa. “Labas na kami…” paalam nito kay Bryce.“Kaya nga…” wika naman ni Carlo. “Una na kami, pare.”Si Albert ay tamang tinapik lang sa braso si Bryce at sumunod na rin sa dalawa. “Zy… kung ano man ang narinig mo ay mali ka ng interpretasyon,” mabilis na paliwanag ni Bryce sa asawa. “Bakit? May iba pa bang interpretasyon sa mga narinig ko?” tanong ni Zylah. “Saan doon ang akala mong mali ang dating sa akin? Iyong inamin mo na mahal mo pa rin si Jessa? Iyong sinabi ni Timothy na ginagamit mo si Jaxon para may paraan ka makita at makasama ang ex mo?”“Zy…”“Why, Bryce?” Pumiksi si Zylah nang plano ni Bryce hilahin siya para yakapin.Napailing si Bryce. Napatingin sa kisame na parang makakakita ng maikakatwiran doon. “It’s not what you think.”“And what should I
Nagtatakang napatingin si Zylah sa paligid. “Where am I?” mahinang tanong niya, kumukurap-kurap dahil nasilaw sa ilaw sa kisame na nadilatan. Bumangon siya. Saktong kakaupo niya lang ay pumasok si Bryce at mabilis siyang nilapitan. Niyakap. Masayang-masaya ito.“We did it, Zy!” Bryce exclaimed happily. Kunot-noong napatingin si Zy sa pinto na pinasukan ni Bryce. Iniisip kung ano kaya ang ibig sabihin ni Bryce. Binalikan niya ang huling natatandaan… Nasa opisina sila. Nagtatalo.Marahan niyang itinulak ang asawa nang bumalik sa isip niya ang mga narinig na salita mula rito. “Hindi ko alam kung nasaan tayo pero…” Muli niyang tiningnan ang loob ng kuwarto. “Kung tama ang tingin ko ay nasa isang clinic tayo.”“Actually we are in a hospital room, Zy. You fainted. Remember?” ”“I… I fainted.” Mabagal na tumango-tango si Zylah. Naalala ang naganap. “I don’t know why but—”"I love you, Zy, and this time I will make everything right for us…”Napailing si Zylah. Hindi niya alam kung bakit bigla
“Jaxon, baby…” awat ni Jessa kay Jaxon. Naupo pa ito patalungko para tapatan ang ulo ng batang kausap. “Sabi ko naman sa ‘yo ay huwag mong aawayin mommy mo kasi ‘yan magiging dahilan na maging sad siya. Ayaw ni daddy maging sad siya, ‘di ba?”“Gusto ko kasi si Brody lang brother ko, Mama Jessa…” malambing na tugon ni Jaxon. Kung kanina ay galit siya at sumisigaw sa sariling ina, kay Jessa ay malambing siya makipag-usap. Matamis na ngumiti si Jessa at sinulyapan si Bryce saka si Zylah. Nang makitang nakatitig ang huli sa kaniya ay tumayo siya at nilapitan ito. “Hi…” nahihiya ang tono na bati ni Jessa kay Zylah. “I know I wronged you kanina pero…” yumuko siya at nilingon sina Bryce at Jaxon, “pero hindi ko kasi alam na ikaw ang mommy ni Jaxon. You heard him earlier, right? He sounded scared of you and—”“Let’s not talk about it here, Miss Moreno or whatever your last name is,” malamig na putol ni Zylah sa kung ano pang sasabihin ni Jessa. “Nangyari na kaya hindi na maibalik pa.” Alan
Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa narinig na sinabi ni Austin. Yes, alam niyang iginaganti lang siya ni Austin kay Bryce pero hindi naman ang uri ni Austin ang gagawa ng kuwento para lang mang-inis ng kausap nito. Napatitig siya kay Austin. Kung gusto ito ni Jessa at magkagusto rin ito sa isa… siguradong kawawa si Bryce. Siguradong ipagpapalit na naman ito ng pinakamamahal na si Jessa.“Sorry to say that…” dagdag ni Austin sabay ngiti kay Bryce. A kind of smile na wala itong kalaban-laban sa kaniya. Never nagmalaki si Austin sa mga naabot niya pero kung sa tulad ni Bryce na masyadong mayabang ay bakit hindi? Austin smiled. “Don’t worry, Bryce, I have no intention to entertain Jessa. Just curious with your relationship with her.”Ngiti ang reaksyong itinugon ni Bryce. Ngiti na pilit. Kailangan niyang maging kalmado. Hindi siya dapat magpaapekto sa sinasabi ni Austin na kung ano tungkol kay Jessa. Kilala niya si Jessa, hindi siya nito ipagpapalit sa gaya ni Austin kahit sobrang yaman
“Am I right, Austin?” tanong ni Bryce kay Austin nang wala itong naging reaksyon sa mga sinabi niya. Nasa mga mata niya ang simpeng pag-analisa ng komplikadong sitwasyon na napasukan. Hindi basta-basta ang tulad ni Austin sa business world at hindi niya gugustuhin na pag-initan siya nito. Ngumiti naman si Austin. Ngiti na pilit pero siguradong hindi mahahalata ni Bryce ang galit niya. Ngiti na pang-uto niya lang dito. Bryce was obviously manipulating him but he ain’t stupid, he knows how to play the game. Just another year to wait at sisimulan na niya pabagsakin ito. At sa taas ng lipad ni Bryce ay siguradong sobrang sakit ang magiging pagbagsak nito. “I know this is an awkward moment, Austin, but can I take the chance to talk to you about business? A dinner perhaps,” pag-iba ni Bryce ng topic. Hindi niya pa rin mabasa ang nasa isip ni Austin pero dahil business-minded ito ay iyon ang nakita niyang paraan para makaalis na sila sa kung anong mga nangyari kanina. “Or what about a lunc
“Austin,” nakangising usal ni Bryce sa pangalan ng lalaking palapit sa kanila. Ang totoo ay hindi siya natuwa sa pagbanggit nito ng apelyido niya kanina. Kung ibang tao lang ito ay kaya niyang pagsalitaan na huwag itong mangialam, kaso… hindi ito ibang tao. Ito lang naman ang may pinakamalaking halaga na kayang i-invest sa kumpanya niya at kailangan niya ito para masigurado ang hindi pagka-bankrupt ng Almendras Pharma. Kung bakit ito nandito? Malalaman niya rin. “Nandito ka pala…” wika niya, nananantya. “Small world, aren’t we?”Oo at nasa Tranquil sila, hotel na pag-aari ni Austin. Pero sa dinami-daming hotel nito sa buong mundo ay sino ba ang mag-iisip na narito ito ngayon? “There’s a management meeting I attended here,” tugon ni Austin sa sinabi ni Bryce. Pinipilit niya lang maging kalmado sa harap nito para hindi masira ang kung anong plano niya para rito. Tiningnan niya si Zylah. “Are you okay?” tanong niya na nag-aalala lalo at namumula ang mga mata nito. Tumango si Zylah.
Nanlaki ang mga mata ni Zylah lalo at pinagtinginan siya ng mga tao dahil sa sinabi ni Bryce. Bulungan ang kasunod na maririnig…“Nanlalaki si Zylah?” “Dios mio, patawarin… kaya naman pala…”“Kaya pala may iba siyang kausap na lalaki kanina… baka iyon ang lalaki niya…”“Iyang batang babae sa likod niya? Iyan ‘yong kasama ng lalaki na bisita niya, ‘di ba?”Naririnig ni Zylah ang mga bulungan. Naririnig niya pero ayaw niyang tingnan kung sino ang mga nagsasalita. Ano’t ano man ay hindi niya mapipigilan ang reaksyon ng mga ito dahil sa kung anong kasinungalingan ni Bryce. Huminga siya ng malalim at itinaas ang baba, wala siyang dapat ikatakot. Hindi siya ang sumira ng pamilya nila. Ito.“Hindi ako nanlalaki!” malakas ang boses na apela ni Zylah. “Alam mo ang totoo, Bryce!” “Talaga?” tanong ni Bryce. Nakangisi at nananadya dahil alam niyang galit na si Zylah. Kailangan pabor sa kaniya ang sitwasyon. Nanggulo na rin lang siya kaya sagarin na niya. Hindi siya tanga kaya alam niyang sa pag
Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa sinabi ni Bryce. Pasimple niyang hinanap ng tingin si Austin. Kinakabahan sa reaksyon nito sa sinabi ni Bryce na bastarda si Raffy. Nang makita niya si Austin na nakatayo katabi ni Belinda ay kita niya ang galit sa mga mata nito. Nagtitimpi lang ito. “Zylah, anak…” nag-aalalang wika ni Lani at sumingit na para awatin ang nagtatalong anak at ex-husband nito. Napatingin siya kay Bryce at nakikiusap ang tono ng boses nang muling magsalita, “Bryce, baka mas mabuting pag-usapan ninyo na lang ni Zylah ng maayos ang—”“Maayos?” galit na tanong ni Bryce. “Hindi nga maayos ang ugali ng anak ninyo kaya ano pang dapat pag-usapan?” Hinawakan niya ang kamay ni Jaxon at tiningnan si Zylah. “Sana ay hindi ko na lang dinala si Jaxon dito kung alam ko lang na gan’yan ka na talaga kasamang ina, Zylah!” “Umalis ka na,” hindi nakatiis na sabat ni Belinda. Kalmado ang boses niya na nilapitan si Bryce kahit kanina pa siya galit sa kung anong kalokohan nito. “And here you
Natigilan si Jaxon sa sinabi ng ina at muling tiningnan ng masama si Raffy. Sa isip niya ay may bagong ‘anak’ na pala ang mommy niya kaya ayaw na sa kaniya. Ang sabi ng Mommy Jessa niya ay hindi na kasi siya love ni Zylah kaya hindi na siya pinupuntahan para makita. Totoo pala. Hindi na siya love kasi may ibang bata na itong gusto gawing anak. Ayaw niya kay Zylah, mas love niya ang Mommy Jessa niya. Pero kahit ayaw niya sa tunay niyang mommy ay hindi ibig sabihin dapat itong magkaroon ng ibang anak na ipagtatanggol sa kaniya. Ang sabi ng Mommy Jessa niya ay dapat hindi maging happy ang mommy niya kasi bad ito, sinisisi pa nga siya kaya nawala ang baby sa tummy nito. Nanigkit ang mga mata ni Jaxon, sa batang isip niya ay si Jessa lang ang tama at dapat pakinggan niya. Kung sabi ng Mommy Jessa niya ay dapat awayin niya lagi ang totoong mommy niya para hindi siya iwan nito, iyon ang gagawin niya. “Alis ka d’yan!” Hinawakan ni Jaxon ang braso ni Raffy at hinila para mabitiwan ito ng
“Ang sweet naman talaga…” sabi ni Melissa kay Zylah. “I’m always sweet with Raffy,” tugon ni Zylah sabay tingin kay Raffy na nakikipaglaro sa anak ng isa sa mga bisita. “And who would not be sweet with someone so lovely like her?” “I mean…” natawang wika ni Melissa, “I mean ang sweet naman ni Daddy Austin na hindi ka hinihiwalayan ng tingin kanina pa.”Pairap na sinulyapan ni Zylah ang kaibigan. “Enough, Liz,” naiiling at natatawang saway niya kay Melissa sabay tingin kung may nakarinig ba sa sinabi nito. “Tama si Belinda, maraming bisita. Mahirap na magka-issue at alam niyo naman na kailangan kong umalis ng Pilipinas.”“Hmp!” ismid ni Melissa sabay tawa. “Alam mo naman ‘yan si Belinda at ang daming alam. As always gan’yan naman siya. At kahit iwasan mo pa ang issue ay sure meron pa rin ‘yan. Alam mo naman ang mga tao, mahilig makisawsaw sa problema ng iba na akala mo naman hinihingian sila ng opinyon.” Natawa na lang si Zylah. May point naman si Melissa pero kung pwede nga siyang u
“Anong pangalan mo, apo?” muli ay kausap ni Lani sa batang nakatingin sa kaniya na namimilog ang mga matang may makakapal na mga pilik. Ang kulay ng mga mata nito ay light brown, mestizang-mestiza talaga. At dahil napakaganda ng batang nasa harap ay hindi maalis ni Lani ang mga mata rito. Tatlo na ang apo niya, si Jaxon at ang dalawang anak na lalaki nina Leo at Kyla. Puro lalaki ang mga apo niya at iyon ang dahilan kaya naaaliw siya sa batang babae na nasa tabi ng anak. Sa isip ay sana ang pinagbubuntis ng manugang na si Selene ay babae para magkaroon naman sila ni Ricardo ng apong babae. Si Raffy ay napatingin sa ama at sumiksik sa tabi ni Zylah. Ngumiti siya ng kimi sa mama ng mommy niya. Mukha itong mabait sa tingin niya kagaya rin ng mommy niya pero hindi niya maiwasan mailang kasi binanggit nito si Jaxon. Pakiramdam niya ay nalulungkot ito dahil siya ang kasama ng mommy niya at hindi si Jaxon. “Sorry, apo…” wika ni Lani nang akala niya ay ayaw siyang kausapin ng bata. Iniis
Happiness. Napangiti si Zylah sa sinabi ni Austin. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. “Mukhang…” she paused and met Austin’s gazes. “Mukhang…” She sighed. Wala na siyang masabi. Gusto lang niya sana alisin ang kilig na nararamdaman kaya iibahin niya sana ang usapan nila ni Austin“Mukhang?” tanong ni Austin. “Um… mukhang nakausap mo si Raffy tungkol sa… sa nasabi ko kagabi,” mahinang usal ni Zylah kay Austin sabay kiming ngiti. “Thank you.”Hindi niya dapat sabihin iyon dahil nasa tabi niya si Raffy pero wala na kasi siyang maidugtong pa na salita sa sinasabi kanina. “Yeah.” Ngumiti si Austin. “Basta para sa peace of mind mo ay suportado ka namin ni Raffy.” Hinawakan niya ang isang kamay ng anak at tiningnan ito. “Right, Raffy?”Si Raffy ay nakangiting tumango sa ama. Tiningnan niya ang mga kamay na tag-isang hawak ng ‘mommy’ at daddy niya. Masayang-masaya na may isa siyang pangarap na natupad, ang maramdaman ang ‘mommy’ at daddy niya na hawak pareho ang mga kamay niya. Zylah smil