“Bakit?” tanong ni Zylah Kay Bryce nang matapos itong makipag-usap kay Jessa. “Bakit kasama ni Jessa si Jaxon? Akala ko ba kasama si Jax ng mommy mo?”
Hindi siya pinansin ni Bryce at isinuksok na ulit ang phone sa bulsa. Hindi rin sinagot ang tanong niya hanggang lumabas na ito ng bahay nila. Kinuha ni Zylah ang phone na nakapatong sa mesa at sinundan si Bryce. Sasama siya puntahan ang anak at hindi siya pwedeng balewalain ng asawa. Binuksan ni Zylah ang pinto ng passenger seat at sumakay ng kotse. “Sasama ako,” aniya. Punong-puno ng pagtitimpi rito ang boses niya at pag-aalala para sa anak niya. Katahimikan ang namayani habang papunta sila ng ospital. Katahimikan na lalong dumudurog kay Zylah. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng asawa pero isa lang ang totoo, niloloko siya nito paulit-ulit. At ang kaninang iniisip niya na gusto nitong maging maayos sila ay isang kalokohan. Gusto lang nito magmukha siyang tanga at maging sunod-sunuran. Inuuto habang masaya itong kasama ang minamahal na si Jessa. Gustong itanong ni Zylah kay Bryce kung bakit hindi na lang siya nito hiwalayan kung si Jessa naman pala ang mahal nito at gustong makasama? Bakit kailangan pa siyang utuin? Bakit kailangan pa siyang papaniwalain at paasahin? Masaya ba si Bryce na lokohin siya? Nang dumating sila ng ospital, nagmadali si Zylah puntahan ang pediatric ward. Nakita niya agad si Jaxon na nakahiga sa hospital bed. Namumutla. Naiiyak na nilapitan niya ang anak. Ito na nga ang sinasabi niya na mangyayari kapag nasobrahan sa matamis si Jaxon. Nang lingunin niya ang babaeng kasama ni Jaxon ay likod na lang nito ang nakita niya. Pasimple itong lumabas ng kuwarto ni Jaxon kasama ni Bryce. ‘Ang mga walanghiya…’ Naupo si Zylah sa tabi ng anak. Hindi pa nagtagal siyang nakaupo nang may bumukas ng pinto at galit na lumapit sa kaniya. “Napaka-iresponsable mo talaga, Zylah!” galit na sabi ng mother-in-law niya. Si Helen. “Napakapabaya mong ina! Nag-iisa lang si Jaxon tapos hindi mo maalagaan ng tama!” “Mommy…” bulong niyang sabi. Hangga't maari ayaw niya maging bastos na manugang. “Alam naman po natin lahat kung ano ang kondisyon ni Jaxon, ‘di ba?” pabulong niyang tanong. Ayaw niyang maistorbo ang tulog na anak. “At sabi ni Bryce ay isinama niyo si Jaxon kaya kampante ako na—” “At ako ang sinisisi mo?!” hiyaw ni Helen. “Kung ano-ano ang binibigay mo sa anak mo kahit alam mo na hindi pwede sa kaniya, ngayon na nasobrahan ay ako ang sisisihin mo?!” Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa narinig. Napatitig siya sa byenan. “Ayaw ko po sabihin ito pero nakakatawa naman po ang mga pinagsasabi ninyo.” Napailing si Zylah sa sama ng loob. “Sana alam niyo po kung sino ang nagbibigay ng kung ano-ano kay Jaxon. Sana tanungin niyo ang anak niyo muna kung sino ba ang lagi nilang kasama ng apo niyo.” “Oh, please…” Helen scoffed. “Tigilan mo ‘yang kapapasa mo ng kapalpakan mo sa iba. And cut the dramatics, Zylah! Ikaw ang pabaya kaya sana alam mo ang mali mo!” “Kung mali po ako ay sino ang tama? Kayo? Si Bryce?” sunod-sunod na tanong ni Zylah nang hindi na siya makatiis sa sama ng loob. “At bakit po napunta kay Jessa ang anak ko, Mommy? Imposible naman na basta na lang nakarating ang anak ko sa bahay ni Jessa na mag-isa, ‘di po ba?” “Wow naman…” patuyang sabi ni Helen kay Zylah. “At ngayon si Jessa ang sisisihin mo?!” mataray na tanong ni Helen. “Si Jessa na nagmalasakit kahit hindi naman niya kaano-ano si Jaxon?!” Gustong kumawala ng mga luha ni Zylah. Pati ba naman itong byenan niya ay kakampihan si Jessa? At siya pa talaga ang may mali? “Alam ninyo pareho ni Bryce ang mga bawal kay Jaxon,” mahina ang boses na wika ni Zylah. Napapagod na siyang magpaliwanag. Napapagod na siyang umunawa. “At hindi ko po kayo gustong sisihin. Pero bakit sinisisi niyo ako sa kamalian ni Jessa?” “Mommy…” sabat ni Bryce na palapit kina Zylah at Helen. “Bakit niyo hinatid si Jaxon kay Jessa?” tanong nito at nasa mga mata ang inis nito sa ina. “Akala ko ba naunawaan ninyo ang sinabi ko na gusto kong ilayo na si Jaxon kay Jessa.” Umilap ang mga mata ni Helen. Guilty sa sinabi ng anak. “Hindi ko ihahatid si Jaxon kung hindi siya umiiyak hanapin ang Mama Jessa niya!” Tiningnan ni Helen si Zylah at inirapan. “Kung matino ba naman kasi iyang ina ng anak mo ay bakit mas gusto pa ni Jaxon makasama ang bago lang nito nakilala? Think of what I said, Bryce! May mali at sana makita mo ‘yon!” Napayuko si Zylah. Masyado na siyang nasasaktan. Pero naisip niyang tama si Helen kahit paano. May mali kasi bakit nga naman mas gugustuhin ni Jaxon si Jessa makasama kaysa kaniya? May mali na si Bryce ang nagsimula. “Tama na, Ma!” sagot ni Bryce sa ina. “Huwag ninyo na pag-initan si Zylah. Bata lang si Jaxon, hindi niya alam na para sa kabutihan niya ang ginagawa ng mommy niya. Kayo ang umintindi sana. Mali ihatid ang anak namin kay Jessa at pabayaan doon. Walang alam si Jessa sa kondisyon ni Jaxon pero kayo alam niyo.” “Bryce!” Nanlaki ang mga mata ni Helen sa direktang paninisi rito ng anak. She was horrified. “At ako pa ang mali ngayon?!” “Si Jessa ang may mali, Mommy,” singit ni Zylah. “Ayaw niyo lang siyang sisihin at ako ang pinapalabas niyong may kasalanan. Bakit?” naguguluhan niyang tanong. “Bakit po ako? Noong hindi pa nakilala ng anak ko si Jessa ay maayos po ang kalagayan niya. Ngayon lang naman nangyari ulit ito. Kayo nitong si Bryce… kayo ang dapat magsisihan dahil hinayaan niyo si Jessa bigyan ng sakit ang anak ko!” “Zylah…” awat ni Bryce sa asawa. “Totoo naman, Bryce.” Ipinilig ni Zylah ang braso niyang hinawakan ni Bryce. “At ikaw ang higit kanino man mali rito mula simula. Kung hindi mo hinayaan mapalapit si Jaxon kay Jessa, hindi sana ganito ang nangyari! That woman tolerated Jaxon without thinking those sweets she fed to our son could kill him!” Sa wakas ay nasabi ni Zylah ang mga salita. Sa wakas ay nailabas na niya ang sama ng loob. “Ikaw—” “Ma!” saway naman agad ni Bryce sa ina kaya hindi na ito nakatuloy ng sasabihin pa. “You better go home, Ma. Pabayaan niyo na kami ni Zylah rito.” Tamang sinulyapan lang ni Zylah ang asawa. Kung totoo man ang sinabi nito ay bahala na ang panahon. Ang importante sa kaniya ay ang bagay na mailayo niya si Jaxon kay Jessa. Simula ngayon ay hindi siya papayag makalapit ang babaeng iyon sa anak niya. “Daddy…” mahinang tawag ni Jaxon kay Bryce. Gising na ito. “Where’s Mama Jessa?” Nilapitan ni Zylah ang anak kahit nasaktan na naman sa paghahanap nito kay Jessa. Hinawakan niya ang kamay ni Jaxon. “Mommy’s here, Jax.” “Kaya siguro wala si Mama Jessa kasi nandito ka! Ayoko sa ‘yo, Mommy! Umalis ka!” sunod-sunod na wika ni Jaxon kay Zylah bago tumingin sa ama. “Si Mama Jessa gusto ko rito, Daddy. Sige na... Paalisin mo si Mommy...”“Jax…” malungkot na usal ni Zylah. “What are you saying?” Malambing ang boses na tanong niya sa anak. Tinabihan niya ito sa kama, naupo siya sa gilid. Agad bumangon si Jaxon kahit nanghihina. Itinutulak siya ng mga kamay nito para paalisin sa tabi nito. “Jaxon…” usal ni Zylah. “Gusto mo bang mamasyal tayo sa Enchanted Kingdom? O sa Star City? Saan mo gusto?”Tiningnan lang siya ng anak at saka tumingin kay Bryce. “You promised me and Brody Disneyland…” Pigil ni Zylah ang mga luha na huwag pumatak. Bata pa si Jaxon, iyon ang dapat niyang tandaan. Tumalikod na lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Hinayaan na lang niya si Bryce na asikasuhin ang anak na paulit-ulit sinasabing gusto makita ang Mama Jessa niya. “Zy…” tawag ni Bryce sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya lumapit si Bryce para hawakan ang braso niya na agad naman niyang hinila para mabitiwan siya nito. “Sorry…” sabi ni Bryce. Malungkot ang boses nito pero ayaw na niyang magpadala. “You keep on lying at me, Bryce…” ma
“Jaxon!” malakas ang boses na saway ni Bryce sa anak nang marinig niyang sinisigawan nito si Zylah. “What are you doing?” “Alam mo naman na ayaw ko na sa kaniya, ‘di ba?!” Umiiyak na wika ni Jaxon habang tinuturo si Zylah. “Sabi ko, Daddy, doon na lang tayo kay Mama Jessa kung ayaw ni Mommy umalis dito!”Nilingon ni Bryce ang asawa na namumuo na rin ang mga luha. Lalapitan nito sana si Zylah nang lalong laksan ni Jaxon ang iyak. Inuna na lang ni Bryce ang anak at dinala sa kuwarto nito. Pinangakuan na rin na mamamasyal sila mamaya para hindi na nito awayin pa ang ina. Binalikan ni Bryce si Zylah. Naabutan niya ito sa kusina na naghahalo ng kung anong niluluto nito. Nilapitan niya ang asawa at kinuha ang sandok mula rito para siya na ang magpatuloy ng ginagawa nito. Pinahid ni Zylah ang mga luhang pumatak sa pisngi. Hindi niya alam kung sino ba ang dapat niyang sisihin sa mga nangyayari? Si Bryce at ang pakikipagkita nito kay Jessa? O siya na hinayaan si Jaxon sa pangangalaga ni Bryc
Desperate. Hindi hiniwalayan ng tingin ni Zylah ang anak na hawak-hawak ni Jessa palayo. Napailing na lang siya. Huminga siya ng malalim. Hindi siya papayag na tuluyan siyang magmukhang kawawa sa paningin ng mang-aagaw ng pamilya na si Jessa. Hinabol niya ang dalawa. “Jaxon!” Hila ni Zylah sa anak mula kay Jessa. “Don’t be bad, ‘nak! Ako ang mommy mo… Hindi tamang sabihin mong iba ang mommy mo at yaya mo lang ako… Bad magsinungaling, ‘nak, ‘di ba?”“But you are!” sigaw ni Jaxon sa ina. Naiiyak na lumapit at kumapit pa kay Jessa. “Mommy, may bad woman… Alis na tayo rito…”“Jaxon…” hikbi ni Zylah. Hindi matanggap ang pakikipagtulungan ng anak kay Jessa para ipahiya siya. “Guard!” sigaw na tawag ni Jessa na naman. “Guard, tulong! Ano ba?!” Masamang tingin ang ibinigay ni Zylah kay Jessa. Naghihirap man ang kalooban niya sa kalokohan nito ay minabuti niyang lumakad na lang palayo sa mga ito. Pinagtitinginan na sila at hindi na niya kayang dagdagan ang pamamahiya ng mga ito sa kaniya.
Hindi na napigilan ni Zylah ang sarili. Napaiyak na siya. Paimpit. Tinakpan na lang niya ang bibig para walang makarinig sa kaniya. “Kung sana bumalik si Jessa bago ang kasal namin ni Zylah, sana wala kaming problema. Sana hindi ako nahihirapan balansehin ang sitwasyon na siya ang gusto kong makasama at itago ang totoong nararamdaman ko kay Zylah…” patuloy ni Bryce na lalong dumudurog sa puso ni Zylah. “Iyon naman pala, eh!” natawang wika ni Albert. “Ganito lang ‘yan. Hiwalayan mo na si Zylah para tapos na ang paghihirap mo.”“Albert’s right, pare…” segunda ni Timothy. “Annul your marriage with Zylah. End your agony. Be with Jessa again.” “Madaling sabihin pero mahirap simulan…” ani Bryce pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. “Zylah was there when Jessa left me for Harry.”“But I think that Jessa has learned her lesson.” Nasa boses ni Carlo na parang ang tino-tino ni Jessa at dapat hangaan na natuto na ito. “Iniwan niya si Harry at naging single mom ng halos dalawang taon mahig
Mapanghamon na tingin ang ibinigay ni Zylah sa tatlong kaibigan ng asawa na puro tahimik na bigla at nagpapalitan na lang ng tingin sa bawat isa. Masama ang loob niya. Masamang-masama. Tumayo si Timothy at gano’n na rin ang dalawa. “Labas na kami…” paalam nito kay Bryce.“Kaya nga…” wika naman ni Carlo. “Una na kami, pare.”Si Albert ay tamang tinapik lang sa braso si Bryce at sumunod na rin sa dalawa. “Zy… kung ano man ang narinig mo ay mali ka ng interpretasyon,” mabilis na paliwanag ni Bryce sa asawa. “Bakit? May iba pa bang interpretasyon sa mga narinig ko?” tanong ni Zylah. “Saan doon ang akala mong mali ang dating sa akin? Iyong inamin mo na mahal mo pa rin si Jessa? Iyong sinabi ni Timothy na ginagamit mo si Jaxon para may paraan ka makita at makasama ang ex mo?”“Zy…”“Why, Bryce?” Pumiksi si Zylah nang plano ni Bryce hilahin siya para yakapin.Napailing si Bryce. Napatingin sa kisame na parang makakakita ng maikakatwiran doon. “It’s not what you think.”“And what should I
Nagtatakang napatingin si Zylah sa paligid. “Where am I?” mahinang tanong niya, kumukurap-kurap dahil nasilaw sa ilaw sa kisame na nadilatan. Bumangon siya. Saktong kakaupo niya lang ay pumasok si Bryce at mabilis siyang nilapitan. Niyakap. Masayang-masaya ito.“We did it, Zy!” Bryce exclaimed happily. Kunot-noong napatingin si Zy sa pinto na pinasukan ni Bryce. Iniisip kung ano kaya ang ibig sabihin ni Bryce. Binalikan niya ang huling natatandaan… Nasa opisina sila. Nagtatalo.Marahan niyang itinulak ang asawa nang bumalik sa isip niya ang mga narinig na salita mula rito. “Hindi ko alam kung nasaan tayo pero…” Muli niyang tiningnan ang loob ng kuwarto. “Kung tama ang tingin ko ay nasa isang clinic tayo.”“Actually we are in a hospital room, Zy. You fainted. Remember?” ”“I… I fainted.” Mabagal na tumango-tango si Zylah. Naalala ang naganap. “I don’t know why but—”"I love you, Zy, and this time I will make everything right for us…”Napailing si Zylah. Hindi niya alam kung bakit bigla
“Jaxon, baby…” awat ni Jessa kay Jaxon. Naupo pa ito patalungko para tapatan ang ulo ng batang kausap. “Sabi ko naman sa ‘yo ay huwag mong aawayin mommy mo kasi ‘yan magiging dahilan na maging sad siya. Ayaw ni daddy maging sad siya, ‘di ba?”“Gusto ko kasi si Brody lang brother ko, Mama Jessa…” malambing na tugon ni Jaxon. Kung kanina ay galit siya at sumisigaw sa sariling ina, kay Jessa ay malambing siya makipag-usap. Matamis na ngumiti si Jessa at sinulyapan si Bryce saka si Zylah. Nang makitang nakatitig ang huli sa kaniya ay tumayo siya at nilapitan ito. “Hi…” nahihiya ang tono na bati ni Jessa kay Zylah. “I know I wronged you kanina pero…” yumuko siya at nilingon sina Bryce at Jaxon, “pero hindi ko kasi alam na ikaw ang mommy ni Jaxon. You heard him earlier, right? He sounded scared of you and—”“Let’s not talk about it here, Miss Moreno or whatever your last name is,” malamig na putol ni Zylah sa kung ano pang sasabihin ni Jessa. “Nangyari na kaya hindi na maibalik pa.” Alan
“Jaxon?” tawag ni Zylah sa anak. Nakatulog siya at nagtaka nang magising na wala ang anak. Nasa ospital pa rin sila at hindi pa nakabalik si Bryce. Nagtatakang tiningnan ni Zylah ang oras mula sa phone niya. Tatlong oras na mula nang umalis si Bryce para samahan si Jessa palabas ng ospital. Ayaw niyang magduda dahil nangako na si Bryce sa kaniya. Inisip na lang niya na baka nakabalik ang asawa pero tulog siya. Baka bumalik at isinama muna mamasyal si Jaxon. She decided to call Bryce, pero nakatatlong call na siya ay hindi pa rin sinasagot ni Bryce ang tawag niya. Nag-aalalang itinulak ni Zylah ang dextrose stand at lumabas siya nang kuwarto. Nang maisip na istorbo sa kaniya ang IV fluid na nakasabit ay binunot niya iyon mula sa likod ng palad niya. Wala naman siyang sakit kung tutuusin kaya hindi niya kailangan ang suwero. “Nurse, may nakita kayong bata?” tanong ni Zylah sa nurse na nasalubong. Nagtatakang tiningnan siya ng nurse at napakunot-noo nang mapansin na nagdurugo ang pina
Napailing si Austin nang kapain ni Zylah ulit ang pagkalālaki niya nang ibaba niya ito sa bathtub. Mabuti na lang at may tub itong VIP room na binayaran niya.Kanina nang matagpuan niya itong walang malay ay inisip niya kung iuuwi niya ba o dadalhin sa ospital. Pero ayaw niyang makita ni Raffy ang ayos nito kung iuuwi niya kaya nagbayad na lang siya ng kuwarto sa mismong motel para doon na muna si Zylah habang hinahanapan pa nila ng antidote ang drogā na ginamit dito.Si Belinda ay kasama niya kanina at umalis lang dahil kailangan pumunta sa PNP station para i-report kung paano nito nalaman na dinukot ni Bryce si Zylah. Kailangan nilang maidiin si Bryce sa ginawa nito kay Zylah at mahuli na rin si Harry kung totoong kinidnāp nga nito si Jaxon.“Please…” mahinang ungȯl na naman ni Zylah at pilit hinihila siyang samahan ito sa tub.Hinubād ni Austin ang belt at ginamit pantali sa mga kamay ni Zylah at saka itinali sa gripo. Binuksan niya kasunod ang gripo para punuin ang tub. “Cold wate
Hindi alam ni Zylah kung gaano siya katagal na walang malay. Isa lang ang sigurado niya, para siyang nauuhaw. Pinakiramdaman niya ang sarili, nag-iinit siya. Pinilit niyang klaruhin ang loob ng kuwarto at kahit ang malamlam na pulang ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag ay sapat na iyon para makita niyang nag-iisa lang siya. Napakunot-noo si Zylah. Nasaan na si Harry? Pero si Harry nga ba ang lalaking nagsāksak sa kaniya ng kung anong drȯga? Bakit nang marinig niya itong nagsalita kanina ay parang kilala niya ang boses nito? At ang kinaroroonan niya? Bakit parang nasa ibang kuwarto na siya? Hindi na iyon ang kuwarto sa motel kung saan siya iniwan ni Bryce kanina. Napalunok si Zylah sa pag-aalalang nararamdaman. Ang pagpa-panic sa sitwasyon niya ay tila balewala sa kung anong nangingibabaw na hinahanap ng katawan niya. “No…” Pinilit ni Zylah bumangon at inikot ng tingin ang kuwarto. Kagaya rin iyon sa kuwartong pinagdalhan sa kaniya kanina ni Bryce, maraming salamin. Puro salamin n
Nasa kotse na si Bryce nang kunin niya ang phone ni Zylah sa bulsa na kanina pa sigeng vibrate. Tiningnan niya ang caller, si Belinda. In-off niya ang phone ni Zylah at kinuha ang sariling phone at tinawagan na ang numero ni Harry. Ilang saglit lang ay sumagot na ito sa tawag niya. At katulad ng unang mga tawag niya rito ay hindi pa rin nagsasalita ito. Gano’n si Harry kagabi pa. Sigurado lang siyang si Harry nga iyon dahil pagtapos niya itong tawagan ay ite-text siya ng gustong sabihin. Ite-text at saka padadalahan ng video clip ni Jaxon na nasa loob ng isang kuwarto, mag-isa at umiiyak. Kagabi pa rin siya galit na galit sa ex-husband ni Jessa. At kagabi pa rin iisa lang ang utos ni Harry, ang dalhin niya si Jessa sa isang motel at itali para puntahan nito. “Narito na ako sa usapan…” ani Bryce nang sagutin ni Harry ang tawag niya. “And just like what you want ay iniwan kong nakatali si Jessa sa poste ng kama. You can go and check her.”Katahimikan lang ang isinukli ni Harry mula
“Let me go, Bryce!” sigaw ni Zylah nang buhatin na siya ni Bryce papasok sa loob ng motel. Nasa bulsa ni Bryce ang mga mata niya dahil naroon ang phone niya. Hawak na niya iyon kanina nang kuhain sa kaniya ni Bryce at tapusin ang tawag kay Belinda bago isinukbit sa bulsa. “Ipapahamak mo lang si Jaxon, Zylah!” galit na sabi ni Bryce sa kaniya habang itinatali siya sa kama. “No!” hiyaw ni Zylah. Patuloy siyang pilit na lumaban hanggang itulak niya si Bryce at tumayo para takbuhin ang pinto pero agad siyang naabutan nito. “Bitiwan mo ‘ko!”Mabilis siyang binuhat ni Bryce at ibinalibag sa kama. “Makinig ka…” ani Bryce habang iniipit si Zylah para hindi na makalaban pa. “Please… makinig ka, Zylah… Luluwagan ko ang tali. Kailangan lang kitang itali para sundin ang utos ni Harry. At kapag nakuha ko na si Jaxon… ililigtas kita,” pangako niya. “No…” nanginginig sa galit na usal ni Zylah. “Pakawalan mo na ako. Hayaan mo akong gumawa ng paraan para mahanap si Jaxon. Hindi sa ganitong paraan,
Kinabukasan ay maaga pang nagising si Zylah. Alas-nueve ng umaga ang byahe ng bus na sasakyan niya at mas mabuting makakain muna siya ng almusal. Usapan nila ni Belinda na ihahatid siya nito sa terminal bago ito didiretso sa law firm. Nang maalalang wala na palang load ang phone niya ay naisip niyang bumaba para magpa-load sa convenient store sa tapat ng condominium building. Pabalik na siya nang may humila sa kaniya na ikinagulat niya. “Bryce!” Iyon lang ang nasabi niya dahil pilit na siyang isinakay ni Bryce sa kotseng nakaparada sa kalsada. “Ano ba?!” galit na wika ni Zylah. “Let me go, Bryce!”“Jaxon is missing…” aburidong wika ni Bryce na ikinatigil ni Zylah. “Missing?” tanong ni Zylah. Napatitig siya kay Bryce, hinahanap ang katotohanan na nagsisinungaling lang ito at inuuto na naman siya. Pero sa itsura ni Bryce na namumula at nanlalalim ang mga mata, gulo-gulo ang buhok, at mukhang walang ligo ay alam niyang hindi ito gumagawa na lang ng kuwento. Nawawala nga si Jaxon. “H
“Okay ka lang?” tanong ni Belinda kay Zylah nang nasa loob na sila ng ibang shop. “Bagay sa mama mo ito…” Abot niya ng blusa na alam niyang paboritong kulay ng ina ng kaibigan. Sa tagal nilang magkaibigan ni Zylah ay halos magulang na rin niya ang mga magulang nito. Silang tatlo nina Melissa at Zylah ay pare-parehong sa probinsya nagmula. Si Melissa lang sa kanila ang anak-mayaman kaya normal na sa kaibigan nilang iyon ang buhay na maalwan noon pa. Siya at si Zylah ay parehong mula lang sa ordinaryong pamilya. Masasabi lang ni Belinda na mas maayos ang pamilya ni Zylah na kinalakihan dahil buo ang mga ito, hindi gaya niya na nag-iisang anak pero hiwalay ang mga magulang. Parehong may mga pamilya ng iba ang mama at papa niya kaya naiwan siyang mag-isa sa ere elementary pa lang siya. Lola niya sa ina ang nagpalaki sa kaniya na isang principal sa pampublikong paaralan. Ang lola niya rin ang dahilan kaya kahit magkakaedad lang sila nina Melissa at Zylah ay parang siya ang nakakatanda la
Zylah blinked. Then she nodded. Tama si Belinda. Hindi na niya kailangan isipin pa kung may sakit nga ba si Jaxon o wala. Hindi iyon pababayaan ni Bryce. At hindi ba noong gabi na tumawag sa kaniya si Bryce ay ilang oras lang natanggap na niya ang video ng halikan nito at ni Jessa? She should stop worrying for people na walang pakialam sa nararamdaman niya. Nang matapos sila ni Belinda sa pagkain ay niyaya na niya itong samahan siyang mamili ulit. And while they were looking for shirts na ipapasalubong niya sa tatlong kapatid ay nagulat siya sa boses na nagsalita mula sa likuran niya. “So, look who’s here…”Lumingon si Zylah. Kilala niya ang boses na ‘yon. At nang makita niya kung sino ay tama nga siya ng hinala. Si Helen. At nasa likod nito si Jessa.“Hi, Zylah…” kiming bati ni Jessa sa kaniya. Kunwari ay nahihiya pa sa kaniya. “Dito ka rin pala nagsa-shopping.”Balewalang dinaanan lang ng tingin ni Zylah si Jessa at itinutok na ang mga mata sa biyenan niyang inuuri siya. Tiningnan
“Hey!” ani Belinda na nilakasan na ang boses para marinig ng kaibigang kanina pa tulala.Zylah blinked. Nagulat na baka may sinasabi ang kaibigan na hindi niya narinig. “What was that again?” tanong niya kay Belinda dahil wala rito ang isip niya kanina. Belinda rolled her eyes. Sinamahan niya si Zylah mag-shopping para sa pamilya nitong uuwian sa probinsya at nang maisip nilang kumain muna ay napansin niyang mas marami itong pagtingin sa kawalan kaysa pagsubong ginagawa. Kagabi nang ihatid ito ni Austin sa unit niya ay hindi na siya nagtanong pa sa naging pakikitungo ni Austin sa kaibigan habang nandoon ito sa bahay ng isa. Ramdam niya naman ang concern ni Austin kay Zylah kaya natutuwa siya na kahit paano nakahanap si Zylah ng bagong kaibigan sa katauhan ni Austin.“May sinasabi ka ba?” tanong ni Zylah kay Belinda. “Sorry…” She smiled awkwardly.“Ayaw ko lang magsalita ng kung ano pero obvious na obvious ka, Zy.” Mahina at maiksing tawa ang pinakawalan ni Belinda. “Sumama man ang l
“Basta after ten days ay babalik si mommy,” pangako ni Zylah kay Raffy na nakanguso sa tabi niya. Nagpaalam siya na hindi muna madadalaw ito dahil kailangan niyang umuwi ng probinsya. Ang sabi ni Austin ay huwag na niyang sabihin pa kay Raffy pero hindi naman niya kayang isipin na araw-araw itong maghihintay na dumating siya tapos mabibigo. Isang linggo ang inilaan niya para makasama ang parents niya at mga kapatid. Sinabi niyang ten days kay Raffy kasi ang dalawang araw ay para sa pagbyahe niya at ang isang araw ay sa pamimili niya bukas ng mga ipapasulubong sa pamilya.“Basta promise babalik ka, ha?” pangungulit ni Raffy na ikinangiti ni Zylah. Ramdam na ramdam na agad ang pagkalungkot nito dahil sa paglayo niya rito ng isang linggo mahigit.“I will call. Magvi-video call din tayo para makita mo pa rin si mommy araw-araw…” nangangakong wika ni Zylah sa bata na ngumiti na kahit paano. “Promise?” muli ay paninigurado ni Raffy. “Promise you will call every day?” “Promise.” Zylah hug