IRISH "My Little Bride"

IRISH "My Little Bride"

last updateLast Updated : 2022-02-25
By:  RIAN  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
20 ratings. 20 reviews
43Chapters
14.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Gwapo, simpatiko at kilalang magaling na negosyante. Sino nga bang babae ang hindi maghahangad na paibigin ang isang Gabriel Villaflor? Bukod kasi sa kagwapuhan nito, ito rin ang nagmamay ari ng kilalang pagawaan ng ilang fashion trends clothes sa bansa. Mayaman man pero naipagkasundo na itong ipakasal sa anak ng matalik na kaibigan ng pamilya, kay Irish No. Kabaligtaran ng ideal girl n'ya, at kahit pa sa panaginip ay hindi ito ang tipo n'yang babae. May mabubuo kayang pag-ibig sa pagitan nila? Kung maging ang dalaga ay hindi rin s'ya ang pinapangarap nitong makasama?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"Traffic na naman!" Tumingin sa labas ng bintana si Gab. "Araw-araw na hong ganito dito Sir." Naiiling na sumagot ang driver ng binata na si Mang Janno. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan. Tumingin siya sa suot na wristwatch. Alas-singko pasado na pero nasa gitna pa sila ng mala-parking lot na kahabaan ng Marcos Highway. Alas-tres ang dating ng eroplanong sinakyan ni Irish, ang kinakapatid na susunduin sa International Airport. Gusto niyang makadama ng pagkainis sa Mommy niya kung bakit siya pa ang inutusang sumundo sa inaanak nito? Napabuntong-hininga si Gab ng matanaw mula sa malayo ang kinakapatid na ngayon ay dalagang-dalaga na. Nakasuot ito ng white croptop blouse na nagpalitaw ng pusod nito at denim mini-skirt na ilang pulgada na lang ang haba mula sa tuhod. Kulay puti din ang suot nitong rubber shoes. Halata ang impluwensya ng modernong pananamit ng mga banyagang nakasalamuha nito sa paglaki. Naka-ponytail ang hanggang balikat na buhok

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Rhina Jayson
Nice story , ung mga eksena ramdam ko ... keep it up Author!
2023-09-30 10:16:13
2
user avatar
RIAN
Salamat po sainyong lahat, silent readers, gem contributors, nagcomment at nagbigay ng stars..........Ty po talaga...
2022-09-26 17:37:35
3
user avatar
eleb_heart
Highly recommended!!!
2022-08-02 20:16:47
2
user avatar
Emily Quinlog
beautiful Story...
2022-08-02 09:54:13
2
default avatar
Dumpidomp
Love the story!
2022-07-26 21:08:29
1
default avatar
readerandwriter
Nice read! Keep writing!
2022-07-22 12:03:25
1
user avatar
Ace Arreola
teaser pa lang magagandahan ka na. galing naman ng author na ito. loveyah
2022-05-23 12:16:15
1
user avatar
Rai
kay Chi Changwook talaga ako natawa lol
2022-03-29 12:09:11
1
user avatar
youngyangleee
Wow! Interesting, gonna read the other chapters! Keep it up author!
2022-03-29 00:26:13
1
user avatar
Fochacy
Patapos ko na itoooo, parang ayaw ko lang matapooss. Must read pooo! Napakaganda nv storyy. Keep writing pooo
2022-03-28 16:18:25
1
user avatar
Docky
basahin nyo to! maganda ang flow ng kwento ...️ Mamahalin nyo si Wookie after nyo mabasa to haha
2022-03-19 12:19:42
1
user avatar
RIAN
Maraming salamat po sa mga nagbasa, nagcomment, nagcontribute ng gem at sumubaybay sa journey nina Gab at Irish....
2022-03-13 19:27:47
2
user avatar
iampammyimnida
Love the story! Must read ...️
2022-03-04 10:59:38
2
user avatar
amvernheart
Nice story, author. Napaka-cute ng personality ni Irish.
2022-03-04 02:27:21
1
user avatar
Dan Moreno Carcuevas
galing......
2022-02-14 20:40:50
2
  • 1
  • 2
43 Chapters

Chapter 1

"Traffic na naman!" Tumingin sa labas ng bintana si Gab.  "Araw-araw na hong ganito dito Sir." Naiiling na sumagot ang driver ng binata na si Mang Janno. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan. Tumingin siya sa suot na wristwatch. Alas-singko pasado na pero nasa gitna pa sila ng mala-parking lot na kahabaan ng Marcos Highway. Alas-tres ang dating ng eroplanong sinakyan ni Irish, ang kinakapatid na susunduin sa International Airport. Gusto niyang makadama ng pagkainis sa Mommy niya kung bakit siya pa ang inutusang sumundo sa inaanak nito? Napabuntong-hininga si Gab ng matanaw mula sa malayo ang kinakapatid na ngayon ay dalagang-dalaga na. Nakasuot ito ng white croptop blouse na nagpalitaw ng pusod nito at denim mini-skirt na ilang pulgada na lang ang haba mula sa tuhod. Kulay puti din ang suot nitong rubber shoes. Halata ang impluwensya ng modernong pananamit ng mga banyagang nakasalamuha nito sa paglaki. Naka-ponytail ang hanggang balikat na buhok
Read more

Chapter 2

"Ayokong masira sa client natin, ideliver n'yo sa tamang oras Miss Alvarado." Kasalukuyang nasa opisina si Gab. Supplier sila ng mga de-kalidad na damit sa mga kilalang boutique mula toddlers at fashion trends na clothes nang mga young models sa ilang fashion magazines. "Okey po Sir." ni hindi nagtaas ng ulo si Gab habang kinakausap ang sekretarya. Tumalikod na ito. Abala siya sa pagbabasa nang ilang dokumentong kailangang pirmahan. "And please pakidalhan nga pala ako ng kape."mariing utos niya. Sumasakit na naman kasi ang ulo niya sa dami ng trabaho na kailangang tapusin at kape ang una niyang hinahanap kapag gusto niyang kalmahin ang sarili. "Yes Sir." Tumango ito. Limang taon n'ya na itong sekretarya. Isa sa matiyagang nagtiis sa mga patakaran n'ya sa opisina. Una, ayaw n'ya ng palatanong, pangalawa dapat sumusunod lang at hindi nangangatwiran. At nagpapasalamat s'ya dahil masunurin naman ito. "Alma kelan ang kasal ni Sir?" Kumunot ang noo ng dalaga, napah
Read more

Chapter 3

"Gusto mong kumain kuya?" Seryosong tiningnan n'ya ang dalagang bahagyang natigilan ng makita s'ya. Nakasalampak ito sa sofa at nakataas ang nakatuping mga tuhod ng pabukaka. Kararating lang ni Gab at ang kinakapatid ang bumungad sa kan'ya sa sala. Kumunot ang noo n'ya at tiningnan ang estilo ng pagkakaupo nito. "Ayusin mo nga 'yang upo mo!" Para s'yang tatay na nanita ng anak. "Bakit?" Tiningnan nito ang sarili. "Anong masama sa pagkakaupo ko?" Tila naguluhan pa ito. "Masama? Irish ilang taon ka na nga?" Umayos ito ng upo. Tiningnan ito ni Gab mula ulo hanggang paa at naiiling na nilampasan ito. "Twenty-one." Nakanguso ito na lalong ikinainis ni Gab. "Twenty-one, pero bakit ganyan ka pa rin magkikilos para kang teen-ager na ewan?" Naiinis siya sa ayos nito, magulo ang buhok at itinali kahit hindi pa nakakapag-suklay man lang. Idagdag pa ang nakakainis na kulay ng buhok nito. Nakasuot ng manipis na pantulog at naaaninag ang suot nitong panloob
Read more

Chapter 4

"Bakit kailangan kong sumama?" tanong nito. "Ayoko ng maraming tanong Irish." Ipapakilala n'ya ito sa mga empleyado n'ya. At dahil co-owner niya ito kailangan niya na din itong turuan ng pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kompanyang kapwa ipinundar ng kanilang mga magulang. Pareho silang nag iisang anak kaya pareho din silang tagapagmana ng nasabing kompanya. Tumingala si Irish sa pitong palapag na building, six years old lang s'ya ng huling umapak s'ya rito at halos hindi n'ya na matandaan ang hitsura ng naturang establisiyemento. "Irish!" napabilis ang paghakbang ng dalaga ng makitang naiinis na naman ang binata. "Siya si Miss Irish No, anak ng namayapang co-owner ng papa." Ngumiti ang dalaga. Hindi niya magawang ipakilala ito bilang fiancee dahil naiirita s'ya sa kilos-bata nito.  "Hello po!" kumaway si Irish sa mga empleyadong nakangiti at panay ang bati ng good morning. Seryosong naglakad si Gab, nakasunod ang dalaga. U
Read more

Chapter 5

August 15, 2021 Handa na ang lahat ng kailangan ng ikakasal, maging ang venue na pagdadausan ng seremonya. Sa isang kilalang Hotel sa Quezon City gaganapin at piling-pili ang mga bisita na iilan lang naman ang inimbitahan mula sa panig ni Irish at ng Groom. Sa panig ng bride, ang mommy ni Irish at ilang kamag-anak. Sa panig naman ni Gab, ay ang mga magulang at mga piling malalapit na kamag-anak at kaibigan. Bagamat halos ideya na ng wedding planner ang lahat, hindi maikakailang hindi ito mapapahiya sa ikakasal dahil napakaganda ng kinalabasan. Nagkalat ang mga puting bulaklak sa paligid, maging ang kisame nito ay nasasabitan ng mga tila pinong light chandelier na kulay puti rin, nagniningning ang paligid dahil sa kintab ng ilang white crystal balls. Lalong nagpalutang sa ganda ng dalaga ang suot na wedding gown na moderno ang design na s'ya mismo ang pumili, kahit naman kunwa-kunwarian lang na magiging mag-asawa sila gusto n'ya pa ding magsuot ng
Read more

Chapter 6

"Bakit andami mo namang inorder?" Naiinis na tiningnan ni Gab ang mga inorder nito. "First time ko kasi kumain dito eh, gusto ko matikman ang mga specialty nila." Ang ganda ng ngiti ni Irish. "Hindi naman natin ito mauubos ah!" "Relax Gab, ako ang magbabayad." Naiiling na tiningnan ito ni Gab. Palibhasa'y sanay sa luho ni hindi alam ang salitang pagtitipid. "Open your mouth."Namilog ang mga mata ni Gab. Napatingin siya sa paligid. "Walang nakatingin dahil wala namang may pakialam. Nganga na kasi!" Ingos nito saka tumawa ng mahina. Ibinuka ni Gab ang bibig. Sinubuan siya nito. "See? Sarap diba?" Bumungisngis si Irish, natuwa ito sa pagsunod niya. "Tama na ha." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain, minsan naman ay bigla na lang nitong sinusubuan siya na ewan niya kasi sumusunod naman siya."Hays!" Napapasunod si
Read more

Chapter 7

"Dito ka naman matutulog sa kwarto ko?" Tumango si Irish, ang luwang ng ngiti. Nakasuot na ito ng ternong pantulog. Napakamot sa ulo si Gab. "Irish, lumipat ka sa kabilang kwarto!" "Hindi nga ako sanay na walang kasama eh." "Sa sofa na lang ako." Tila ayaw talagang sumunod. "Irish lalake pa din ako." Paano niya ba ipapaliwanag na normal siyang lalake? At baka matukso siya.  Kulit talaga. "Hindi ka ganun." "Hindi ako lalake?" Tumawa ito. "Gentleman ka." Huwag kang pakasisiguro, aniya ng isip niya. Mabilis itong tumalon sa kama at niyakap ang unan. "Goodnight." Naiiling na kinuha niya ang kumot sa tabi nito at pumuwesto sa malapad na sofa. "Eh pwede naman kasing magshare tayo sa kama, magkatabi na nga tayo kagabi ah." Inis
Read more

Chapter 8

"Ano 'to?" Gumuhit ang matinding inis sa mukha ni Gab. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa mukha ng asawa at sa nakahaing sunog na pagkain. "Ahm breakfast mo." Ang tamis ng ngiti ni Irish.  "Anong klaseng pagkain?!" "Fried rice with bacon, egg and hotdog, hindi ka ba kumakain n'yan?" "Pagkain ang tawag mo dito?" Pinasadahan nito nang tingin ang sunog na pagkain na hindi na halos matukoy kung ano? Namumula ang mukhang tinalikuran nito ang asawa at tinungo ang sala. Nakasunod sa kan'ya si Irish. "Sorry Gab, hindi talaga ako marunong magluto." "Ano bang alam mo? My God, simpleng luto hindi mo kayang gawin." "Eh, bakit ba kasi ayaw mong kumuha ng maid?" Nagkandatulis ang nguso ni Irish na lalong ikinainis ni Gab. "Hindi ka matututo kung aasa ka sa maid! Magbihis ka!"  Namilog ang mga mata ni Irish. "Sa labas na lang tayo kakain?" "No! Sa opisina tayo pupunta!" Muli niyang nakita ang pagnguso nito.
Read more

Chapter 9

Unti-unti ng natututunan ni Irish ang ilang trabaho sa opisina sa tulong ni Alma. Mabilis din n'yang natutunan at napag-aralan kung paano makipag- negotiate sa ilang may-ari ng kilalang boutique. Aaminin niyang nag i-enjoy na s'ya sa pagtatrabaho kasama ang asawang laging seryoso kahit pa madalas s'ya nitong sungitan kapag wala sa harap nila ang mga empleyado. Ilang buwan mula ng ikasal sila ay nakasanayan n'ya na ang daily routine nila ni Gab. Madalas itong umaalis kapag kinailangang puntahan ang pabrika upang tiyaking maayos ang lahat. Napatingin s'ya sa suot na relo, mag aalas-tres na ng hapon pero wala pa ito at hindi pa bumabalik dahil sa isang business meeting sa isang kliyente. "Tumawag na ba ang Sir Gab mo?" Aniya sa sekretarya. "Hindi pa po, Ma'am." Naiinip na sinulyapan n'ya ang cellphone na kahit isang text message ay wala s'yang natanggap mula rito. Naninibago s'ya dahil k
Read more

Chapter 10

Itinapat ni Irish ang h***d na katawan sa malakas na buhos ng tubig ng shower. Dama niya pa 'din ang mga labi ng asawa sa katawan, pilit niyang pinapatay ang init na hanggang sa mga oras na 'yun ay sariwa pa rin sa pakiramdam. Nabitin s'ya ng bongga at hindi n'ya alam kung maiinis siya rito o hahanga sa tibay nitong makapagpigil pa para tuluyan siyang maangkin. Sinabon n'ya ang kabuuan lalo na sa dako pa roon kung saan kagabi lang ay nagtampisaw ang asawa. Binilisan n'ya ang pagligo dahil tila sinisilaban na naman ang pakiramdam n'ya. Lahat ay bagong-bagay sa kan'ya. Napapikit s'ya nang maalala ang bawat haplos ng asawa na naghatid sa kan'ya ng tila boltahe ng kuryente na bumubuhay ng kan'yang pagkababae. Mahihinang katok ang nagpagising ng kan'yang diwa. Mabilis s'yang nakapagbanlaw at mabilis n'yang nahila ang tuwalya at itinakip sa kahubaran. "I-irish..." Binalot s'ya ng matinding kaba nang marinig
Read more
DMCA.com Protection Status