"Gusto mong kumain kuya?" Seryosong tiningnan n'ya ang dalagang bahagyang natigilan ng makita s'ya. Nakasalampak ito sa sofa at nakataas ang nakatuping mga tuhod ng pabukaka. Kararating lang ni Gab at ang kinakapatid ang bumungad sa kan'ya sa sala. Kumunot ang noo n'ya at tiningnan ang estilo ng pagkakaupo nito.
"Ayusin mo nga 'yang upo mo!" Para s'yang tatay na nanita ng anak.
"Bakit?" Tiningnan nito ang sarili. "Anong masama sa pagkakaupo ko?" Tila naguluhan pa ito.
"Masama? Irish ilang taon ka na nga?" Umayos ito ng upo. Tiningnan ito ni Gab mula ulo hanggang paa at naiiling na nilampasan ito.
"Twenty-one." Nakanguso ito na lalong ikinainis ni Gab.
"Twenty-one, pero bakit ganyan ka pa rin magkikilos para kang teen-ager na ewan?" Naiinis siya sa ayos nito, magulo ang buhok at itinali kahit hindi pa nakakapag-suklay man lang. Idagdag pa ang nakakainis na kulay ng buhok nito. Nakasuot ng manipis na pantulog at naaaninag ang suot nitong panloob.
"Kuya. . ." Tumayo ito at sumunod sa kan'ya.
"Irish pwede ba kung makikipag-usap ka sa'kin magdamit ka ng maayos." Naghugis halfmoon ang tsinita nitong mga mata, nababanaag ang suot nitong pang-ilalim.
"Kuya ito talaga ang pantulog ko eh. Mukha ba itong hindi pantulog sayo?" Inosenteng muling tanong nito.
"Pwes! Isuot mo 'yan kapag nasa kwarto ka at mag isa!" Asik ni Gab.
Napakamot sa ulo si Gab at inis na pumasok ng silid. Ilang araw n'ya pa lang itong nakakasama pero hindi n'ya na nagugustuhan ang mga pinaggagawa nito.
"At pwede ba ayusin mo 'yung mga gamit mong nagkalat, napaka-burara mo!" Pahabol ng binata, nagkalat ang mga gamit nito sa sahig ng silid.
"Bakit ako ang magliligpit?" Maktol ng dalaga.
"Bakit kanino bang gamit 'yang mga 'yan?" Bakas ang pagtitimpi sa boses ni Gab. Isip-bata na nga, burara pa! Aniya sa isip.
"Sa akin."
"Pwes. . .matuto kang magligpit ng sarili mong gamit wala kang yaya dito na susundan lahat ng kalat mo!" singhal ni Gab.
"Ang sungit mo!" Narinig niyang sigaw nito.
Muli n'ya itong nilingon, pero mabilis na itong nakapasok ng silid. Naiiling na pumasok s'ya ng sariling kwarto. Napaka- spoiled. Pinaka-ayaw n'ya sa lahat.
Nakapagpalit na s'ya ng damit saka bumaba para kumain. Mag aalas-syete na ng gabi pero maghahapunan pa lang s'ya. Napaka-hectic ng schedule niya ng mga nagdaang araw dahil kailangan niyang mabakante ang susunod na dalawang linggo para sa kasal nila ni Irish. Napailing s'ya, hindi pa rin makapaniwalang ikakasal na s'ya rito.Ininit niya ang nakitang ulam sa ref, wala ang mommy n'ya dahil madalas itong umuwi ng Antipolo kung saan 'dun talaga nakatira ang mga magulang. Mula ng s'ya na ang humawak ng negosyo nila bihira na itong umuwi sa bahay na tinitirhan niya ngayon. Pero sanay naman s'yang mag isa at mamuhay na walang kasama. Paminsan-minsan nga lang ay pumupunta ang mommy niya at natutulog doon ng ilang araw. Aalis lang ito kapag natiyak na kumpleto na ang pangangailangan niya sa loob ng dalawang linggo.
Matatapos na siyang kumain ng makita na pababa sa hagdan ang dalaga. Nagpalit na ito ng damit, nakasuot na ito ng ternong pantulog ngunit makapal na hindi gaya ng una nitong isinuot. Dahan-dahan ang paghakbang nito palapit.
"What?" Asik niya, atubili ito.
"Kuya pwede bang makitulog sa kwarto mo?"
"Ano?"
"Lagi kasi akong nananaginip ng masama eh."
"Pwede ba Irish huwag kang isip-bata. Panaginip lang 'yun." Gusto n'ya ito muling singhalan pero parang may nasaling sa damdamin niya at nakadama s'ya ng awa.
"Sa States kasi katabi ko si Yaya Meding palagi eh." Paliwanag nito.
"Wala ka ng yaya dito Irish."
"Irish.." Napabuntong-hininga si Gab. Bakit ba kasi nakakaawa? Aniya ng isip ni Gab.
Nag-angat ito ng ulo. At umiiyak pa pala. Damn! Hindi pa rin pala ito nagbabago. Napaka-iyakin."Fine, 'dun ka na matulog sa kwarto ko." Talo na naman s'ya. Biglang umaliwalas ang mukha nito at napangiti.
"Thank you Kuya!" Yumakap ito sa kan'ya. Pasimpleng inalis niya ang mga braso nito mula sa pagkakayakap sa kan'ya.
"Make sure na gan'yan palagi ang isusuot mo."
Tumango ito at patakbong tinungo ang silid n'ya.
Mahimbing na itong natutulog sa kama ng pumasok s'ya ng silid, yakap ang malaking teddy bear na dala pa nito galing states.Tila napawi ang inis niya sa kaartehan nito ng mapagmasdan ang maamo nitong mukha. Larawan ng kainosentehan. Kinumutan n'ya ito, saka piniling sa sofa na lamang ng silid mahiga.
Parang kailan lang? Ito ang batang makulit na walang ginawa kundi guluhin ang bakasyon niya noon. Pero ngayon, dalagang-dalaga na ito at nakatakda pang ikasal sa kan'ya. Ngunit hindi dahil maganda ang dalaga, eh magugustuhan n'ya na ito. Kailangan n'ya lang tumupad sa pangako. Palilipasin n'ya lang ang ilang taon saka ito hihiwalayan. Kailangan n'ya lang talagang pagbigyan ang mga magulang nila.
Buo na ang plano n'ya at maghihintay lang s'ya ng tamang panahon. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Hindi naman ito nabigo.
Maagang gumising ang binata, kailangan nilang isukat ni Irish ng isusuot para sa nalalapit na kasal. Masyadong mabilis ang lahat pero para sa kaniya mas dapat nga dahil ayaw n'ya nang patagalin pa. Dinampot ni Gab ang magazine na nasa harap, naiinip na tiningnan ang nilalaman. Pade-kwatrong isinandal n'ya ang likod sa malambot na sofa.
"Ang ganda mo talaga Miss Irish.." Namamangha ang baklang designer na tumahi ng wedding gown nito. Napapalatak ito habang pinapasadahan ng tingin ang dalagang isinukat ang damit-pangkasal.
"Bagay ba?" Tukoy nito sa isinukat na wedding gown, bareback ito na nagpalitaw ng maputing likod. Effortless dahil lumitaw ang ganda ng katawan n'ya at lalong lumutang ang makinis niyang kutis. Iginiya si Irish ng baklang designer palabas ng dressing room.
Awtomatikong napatingin rito si Gab. Naramdaman ni Irish ang biglang pagtahip ng dibdib at bahagyang pamumula ng pisngi nang magtama ang paningin nila ni Gab. May kung anong kabang bumundol sa dibdib n'ya dahil sa paraan nang pagtitig ng binata. Nakipagtitigan s'ya rito pero tila napapasong nagbawi s'ya ng tingin. Kailan n'ya ba ito unang naramdaman? Teen-ager pa yata s'ya sa first crush n'yang kaklase na Varsity player ng campus nila.
Bahagyang napanganga at natigilan si Gab pero mabilis ding nakabawi.
"Wala bang ibang design?" Ikinunot nito ang noo at nagkunwaring hindi n'ya nagustuhan.
"Sir?" Nadismaya ang designer, napatingin ito sa katabi.
"I mean. . .parang masyadong revealing."
Nag iwas na ng tingin si Gab at ibinalik ang paningin sa binabasa. Ayaw n'yang aminin sa sarili pero alam niyang bumagay sa dalaga ang isinukat nitong wedding gown. May bahagi ng damdamin n'yang nakadama ng excitement na makita itong naglalakad sa aisle habang papalapit sa kan'ya.
"Matagal pa ba?" si Gab, halata ang pagkainip. Ayaw n'yang magpatalo sa nararamdaman. Nakatingin ito sa suot na relo, ni hindi nabawasan ang ka-gwapuhan nito sa kabila ng pagsimangot.
Nagkatinginan ang dalawa at kapwa napangiti. Nakipag-beso na ang dalaga saka sumunod kay Gab na nauna ng lumabas ng shop. Hindi man lang s'ya nito ipinagbukas ng pinto kaya sa likod s'ya pumuwesto.
"Bakit 'dyan ka umupo? Ginawa mo pa akong driver." Asik nito. Napilitan s'yang lumipat sa tabi nito.
"Kuya. . ."
"Pwede ba Irish tigilan mo na ang katatawag sa'kin ng kuya. Una magiging mag-asawa na tayo! Saan ka naman nakakita ng mag-asawang kuya ang tawag sa asawang lalake?" Naiirita nitong tila sermon sa dalaga.
"Sige kuya." Hindi nito maituloy-tuloy ang gustong sabihin. Bakit ba kasi ang sungit-sungit nito? Aniya sa isip.
"Kuya na naman?"
"Alright G-gab.." Nakakatakot naman itong mainis, pero nakakaasar ha dahil gwapo pa din? Hustisya naman!
"Saka pwede bang palitan mo na 'yang kulay ng buhok mo!"
"Gusto ko kasi ito eh." Old school kasi, hindi alam ang uso! Sigaw ng isip ni Irish.
"Pwes! Palitan mo! Ayokong ikasal sa babaeng ganyan ang kulay ng buhok." Naiiling na itinuon nito ang paningin sa kalsada.
"Panget ba? Uso ito." Pakiramdam ni Irish, ito pa rin ang dating kuya Gab niya na lagi siyang sinisindak.
"Irish sinabi ng ayaw ko ng ganyang kulay!"singhal nito. Pambihira naman! sigaw ng isang bahagi ng utak ni Gab. Ipapakasal siya ng kaniyang mga magulang sa isang jejemon?
"S-sige..pwede bang pink? Fan kasi ako ng black pink eh."
"Ayoko ng may kulay ang buhok okey! Is that clear?" Bahagya ng tumaas ang boses nito, sa lahat kasi ng ayaw ni Gab 'yung kinu-kontra siya.
"Sige." Sumimangot ito at sa bintana tumingin.
"At 'wag kang iiyak!" banta ni Gab. Pagdating talaga kay Irish parang lagi siyang mauubusan ng pasensya.
"Hindi ako umiiyak." lumabi ito na tila nagpipigil na mapahikbi.
"Magiging asawa mo na ako at matuto kang makinig dahil responsibilidad na kita."
Asawa daw? Baka kontrabidang yayo! Sigaw ng isip ni Irish.
"Bakit ang daddy hindi ganyan kay mommy?" Naiiritang sinulyapan siya nito sa gitna ng pagmamaneho.
"Lumaki ka kasing spoiled at dependent! Alam mo bang hindi madali ang papasukin ko ng dahil sa pagpapakasal ko sayo!"
"Ako din naman ah! Si Ji Chang-Wook ang gusto kong pakasalan hindi ikaw." Naluluhang sumulyap si Irish sa itinuring na kuya.
"May boyfriend ka pala bakit hindi mo kausaping pigilan ang kasal?" Inis na tiningnan ito ng binata. Gusto n'yang mapabuga ng hangin nang makita ang facial expression nito, para itong teen-ager na hindi pinayagang umattend nang JS prom.
"Hindi ko s'ya boyfriend!"
"Tawagan mo ngayon!"
"Busy siyang tao." Namuo na ang luha nito at nagbabadya ng pumatak.
"Akong makikipag-usap." Napamaang ito na tila nahihiyang tumingin kay Gab, hindi makapaniwalang gagawin nito ang sinabi.
"Hindi n'ya ako kilala." Namumula ang pisnging nagyuko ito ng ulo.
Dahil sa narinig, inis na inihinto n'ya sa gilid ng kalsada ang sasakyan.
"What?! My God Irish! Alam mo bang napaka isip-bata mo?" Parang gustong yugyugin ni Gab ang katabi at sigawan ito na mag aasawa na ito at tigilan na ang pagdi-daydreaming dahil hindi na ito bata.
"Anong masama kung mahalin ko si Ji Chang-Wook?" Umiyak na ito ng tuluyan.
"Bakit pakakasal ka sa'kin kung si Ji Chang-Wook ang gusto mong mapangasawa?" Tila gusto niya pa yatang mang uto ng bata para makakuha ng sagot sa sariling tanong, pati yata siya ay nagiging nonsense na rin?
"Ano?"
"Sabi ni Daddy mapapabuti ako kung ikaw ang mapapangasawa ko." Nakayuko na ang dalaga at pinahid ang luha ng likod ng palad.
"Then? 'Yun lang wala kang paninindigan man lang?" Isip-bata talaga! sigaw ng isip ni Gab.
"Eh bakit ikaw?"
"Mahal ko ang kompanya ko Irish. Bigyan mo ako ng mabigat pang dahilan kung bakit napapayag ka ng ganun kadali?"
"K-ka-kamukha mo si Ji Chang-Wook."
Nakita ni Gab ang pagkinang ng mga mata nito. Kinilig pa yata?
"Ano?" Naiiling na tiningnan n'ya ito.
"Korean Actor siya at sobrang fan n'ya ako, kamukha mo talaga kasi s'ya. Kaya okey lang." Nagyuko ito ng ulo na parang teen-ager na tila nahihiyang malaman ng magulang kung sino ang crush nito?
Korean actor? Nagmaneho na si Gab. Ewan niya kung matatawa sa dahilan ng katabi pero mas nanaig ang inis. Hindi n'ya na lang ito kinausap at baka kung ano pa ang masabi n'ya. Napakababaw mag-isip. Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga dahilan nito? Baka nga nagpapa-storytelling pa ito bago matulog? Punong-puno ng pantasya ang laman ng utak ng katabi. Naiinis na tinahak ng kotse niya ang papuntang opisina. Nakatingin ito sa kaniya at kahit hindi ito nagtatanong ipinaliwanag n'ya na agad kung saan sila pupunta.
"Bakit kailangan kong sumama?" tanong nito. "Ayoko ng maraming tanong Irish." Ipapakilala n'ya ito sa mga empleyado n'ya. At dahil co-owner niya ito kailangan niya na din itong turuan ng pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kompanyang kapwa ipinundar ng kanilang mga magulang. Pareho silang nag iisang anak kaya pareho din silang tagapagmana ng nasabing kompanya. Tumingala si Irish sa pitong palapag na building, six years old lang s'ya ng huling umapak s'ya rito at halos hindi n'ya na matandaan ang hitsura ng naturang establisiyemento. "Irish!" napabilis ang paghakbang ng dalaga ng makitang naiinis na naman ang binata. "Siya si Miss Irish No, anak ng namayapang co-owner ng papa." Ngumiti ang dalaga. Hindi niya magawang ipakilala ito bilang fiancee dahil naiirita s'ya sa kilos-bata nito. "Hello po!" kumaway si Irish sa mga empleyadong nakangiti at panay ang bati ng good morning. Seryosong naglakad si Gab, nakasunod ang dalaga. U
August 15, 2021 Handa na ang lahat ng kailangan ng ikakasal, maging ang venue na pagdadausan ng seremonya. Sa isang kilalang Hotel sa Quezon City gaganapin at piling-pili ang mga bisita na iilan lang naman ang inimbitahan mula sa panig ni Irish at ng Groom. Sa panig ng bride, ang mommy ni Irish at ilang kamag-anak. Sa panig naman ni Gab, ay ang mga magulang at mga piling malalapit na kamag-anak at kaibigan. Bagamat halos ideya na ng wedding planner ang lahat, hindi maikakailang hindi ito mapapahiya sa ikakasal dahil napakaganda ng kinalabasan. Nagkalat ang mga puting bulaklak sa paligid, maging ang kisame nito ay nasasabitan ng mga tila pinong light chandelier na kulay puti rin, nagniningning ang paligid dahil sa kintab ng ilang white crystal balls. Lalong nagpalutang sa ganda ng dalaga ang suot na wedding gown na moderno ang design na s'ya mismo ang pumili, kahit naman kunwa-kunwarian lang na magiging mag-asawa sila gusto n'ya pa ding magsuot ng
"Bakit andami mo namang inorder?" Naiinis na tiningnan ni Gab ang mga inorder nito. "First time ko kasi kumain dito eh, gusto ko matikman ang mga specialty nila." Ang ganda ng ngiti ni Irish. "Hindi naman natin ito mauubos ah!" "Relax Gab, ako ang magbabayad." Naiiling na tiningnan ito ni Gab. Palibhasa'ysanay sa luho ni hindi alam ang salitang pagtitipid. "Open your mouth."Namilog ang mga mata ni Gab. Napatingin siya sa paligid. "Walang nakatingin dahil wala namang may pakialam. Nganga na kasi!" Ingos nito saka tumawa ng mahina. Ibinuka ni Gab ang bibig. Sinubuan siya nito. "See? Sarap diba?" Bumungisngis si Irish, natuwa ito sa pagsunod niya. "Tama na ha." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain, minsan naman ay bigla na lang nitong sinusubuan siya na ewan niya kasi sumusunod naman siya."Hays!" Napapasunod si
"Dito ka naman matutulog sa kwarto ko?" Tumango si Irish, ang luwang ng ngiti. Nakasuot na ito ng ternong pantulog. Napakamot sa ulo si Gab. "Irish, lumipat ka sa kabilang kwarto!" "Hindi nga ako sanay na walang kasama eh." "Sa sofa na lang ako." Tila ayaw talagang sumunod. "Irish lalake pa din ako." Paano niya ba ipapaliwanag na normal siyang lalake? At baka matukso siya. Kulit talaga. "Hindi ka ganun." "Hindi ako lalake?" Tumawa ito. "Gentleman ka." Huwag kang pakasisiguro, aniya ng isip niya. Mabilis itong tumalon sa kama at niyakap ang unan. "Goodnight." Naiiling na kinuha niya ang kumot sa tabi nito at pumuwesto sa malapad na sofa. "Eh pwede naman kasing magshare tayo sa kama, magkatabi na nga tayo kagabi ah." Inis
"Ano 'to?" Gumuhit ang matinding inis sa mukha ni Gab. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa mukha ng asawa at sa nakahaing sunog na pagkain. "Ahm breakfast mo." Ang tamis ng ngiti ni Irish. "Anong klaseng pagkain?!" "Fried rice with bacon, egg and hotdog, hindi ka ba kumakain n'yan?" "Pagkain ang tawag mo dito?" Pinasadahan nito nang tingin ang sunog na pagkain na hindi na halos matukoy kung ano? Namumula ang mukhang tinalikuran nito ang asawa at tinungo ang sala. Nakasunod sa kan'ya si Irish. "Sorry Gab, hindi talaga ako marunong magluto." "Ano bang alam mo? My God, simpleng luto hindi mo kayang gawin." "Eh, bakit ba kasi ayaw mong kumuha ng maid?" Nagkandatulis ang nguso ni Irish na lalong ikinainis ni Gab. "Hindi ka matututo kung aasa ka sa maid! Magbihis ka!" Namilog ang mga mata ni Irish. "Sa labas na lang tayo kakain?" "No! Sa opisina tayo pupunta!" Muli niyang nakita ang pagnguso nito.
Unti-unti ng natututunan ni Irish ang ilang trabaho sa opisina sa tulong ni Alma. Mabilis din n'yang natutunan at napag-aralan kung paano makipag- negotiate sa ilang may-ari ng kilalang boutique. Aaminin niyang nag i-enjoy na s'ya sa pagtatrabaho kasama ang asawang laging seryoso kahit pa madalas s'ya nitong sungitan kapag wala sa harap nila ang mga empleyado. Ilang buwan mula ng ikasal sila ay nakasanayan n'ya na ang daily routine nila ni Gab. Madalas itong umaalis kapag kinailangang puntahan ang pabrika upang tiyaking maayos ang lahat. Napatingin s'ya sa suot na relo, mag aalas-tres na ng hapon pero wala pa ito at hindi pa bumabalik dahil sa isang business meeting sa isang kliyente. "Tumawag na ba ang Sir Gab mo?" Aniya sa sekretarya. "Hindi pa po, Ma'am." Naiinip na sinulyapan n'ya ang cellphone na kahit isang text message ay wala s'yang natanggap mula rito. Naninibago s'ya dahil k
Itinapat ni Irish ang h***d na katawan sa malakas na buhos ng tubig ng shower. Dama niya pa 'din ang mga labi ng asawa sa katawan, pilit niyang pinapatay ang init na hanggang sa mga oras na 'yun ay sariwa pa rin sa pakiramdam. Nabitin s'ya ng bongga at hindi n'ya alam kung maiinis siya rito o hahanga sa tibay nitong makapagpigil pa para tuluyan siyang maangkin. Sinabon n'ya ang kabuuan lalo na sa dako pa roon kung saan kagabi lang ay nagtampisaw ang asawa. Binilisan n'ya ang pagligo dahil tila sinisilaban na naman ang pakiramdam n'ya. Lahat ay bagong-bagay sa kan'ya. Napapikit s'ya nang maalala ang bawat haplos ng asawa na naghatid sa kan'ya ng tila boltahe ng kuryente na bumubuhay ng kan'yang pagkababae. Mahihinang katok ang nagpagising ng kan'yang diwa. Mabilis s'yang nakapagbanlaw at mabilis n'yang nahila ang tuwalya at itinakip sa kahubaran. "I-irish..." Binalot s'ya ng matinding kaba nang marinig
"Dito?" Umikot ang paningin ni Irish sa paligid."Dito talaga?" Excited pa naman s'yang nag-ayos ng sarili, mukha s'yang panauhing-pandangal sa isang cocktail party ng mga socialite. Kumunot ang noo ni Gab, inilagay sa loob ng bulsa ng pantalon ang dalawang kamay at blangko ang ekspresyon nito na matamang nakamasid sa asawa. "Bakit dito?" Naguguluhang tiningnan n'ya ang asawa. Madaming tao, nakahilera ang mga tiangge at mga stall ng fishball vendor, barbeque at ilang iniihaw na hindi pamilyar sa kaniya. Nakita n'ya ang ilang maliliit na kulay bilog na kulay orange na nakalagay sa malaking mangkok na katabi ng mga garapon ng tila sauce na may mga nakalutang na buo na paminta. Ihawang umuusok at mga vendor na panay ang paypay sa iniihaw. Nakahilera ang mga mesang bilog sa paligid na may mga umbrella at mga mono-blocks. Halos wala na silang mapwestuhan dahil halos okupado na ang lahat. "Ayaw mo?" Sarkastiko nitong tanong.Tiningnan ni Irish ang sar
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita