"Bakit kailangan kong sumama?" tanong nito.
"Ayoko ng maraming tanong Irish."
Ipapakilala n'ya ito sa mga empleyado n'ya. At dahil co-owner niya ito kailangan niya na din itong turuan ng pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kompanyang kapwa ipinundar ng kanilang mga magulang. Pareho silang nag iisang anak kaya pareho din silang tagapagmana ng nasabing kompanya.
Tumingala si Irish sa pitong palapag na building, six years old lang s'ya ng huling umapak s'ya rito at halos hindi n'ya na matandaan ang hitsura ng naturang establisiyemento.
"Irish!" napabilis ang paghakbang ng dalaga ng makitang naiinis na naman ang binata.
"Siya si Miss Irish No, anak ng namayapang co-owner ng papa." Ngumiti ang dalaga. Hindi niya magawang ipakilala ito bilang fiancee dahil naiirita s'ya sa kilos-bata nito.
"Hello po!" kumaway si Irish sa mga empleyadong nakangiti at panay ang bati ng good morning.
Seryosong naglakad si Gab, nakasunod ang dalaga. Umikot ang paningin ni Irish sa paligid ng silid. Nakita niyang maayos ang pagkakalagay ng mga gamit. Maging ang pagkakasalansan ng mga dokumento sa mesa katabi ang computer nito. Maganda ang interior design ng opisina ng magiging asawa, bumagay sa personalidad ng binata. Matatanaw mula sa bintana ang nagtataasang establisiyemento sa hindi kalayuan.
"Ang ganda ng office mo." Puri ni Irish, larawan nang pagkamangha. Tila nagugulat si Gab dahil lumaki naman ito sa marangyang pamumuhay pero tila lagi itong nasusorpresa sa mga nakikita nito.
"Magiging office mo na din."Sagot ni Gab na tumayo at tumanaw sa labas nang bintana.
"Ako?" lumapit ang dalaga sa binata.
"Kailangan mong magtrabaho dito after ng kasal natin."
"Pero hindi ko alam kung paano? Isa akong artist, painter ako." sumimangot ang dalaga, humawak sa braso ng binata.
"G-gab.." May kung anong kumislot sa bahagi ng damdamin ng binata nang maramdaman ang palad nito sa balat n'ya.
"Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong matutunan ang pagpapatakbo ng negosyong iniwan sayo ng Tito Alfred. Kalimutan mo na ang trip mo sa buhay. Kailangan mo akong tulungan sa pagpapatakbo ng garments."
"Trip?" nasaktan siya sa sinabi nito. Mahal n'ya ang pagpipinta. Pangarap niyang makilala sa mundo ng mga artist pero dahil hiniling ng ama na pakasal s'ya kay Gab, kinalimutan niya na ito.
"Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga gusto mong gawin? Pero bilin 'din ng papa mo na dapat mong matutunan ang pagpapatakbo ng kompanya." kahit papano kasi may alam si Gab sa mga pinagkaabalahan nito habang nag aaral ng Fine Arts sa States. Bukam-bibig ito ng mommy niya at panay ang kwento ng buhay ng dalaga kahit hindi siya interesado. Hilig daw nito ang pagpipinta at may iilan itong ipininta na ginawang koleksiyon ng ina.
"Hindi 'yun trip, passion ko 'yun."
"Okey passion na kung passion. Pero kailangan mong sumunod or else...mawawalan ka ng shares."
"Gagawin mo 'yun?" Bagamat alam niyang nasa kondisyon 'yun ng ama.
"Tuluyang malilipat sa'kin ang lahat ng sayo kapag hindi ka natutong magpahalaga sa pinaghirapan ni Tito. Nakasaad 'yun sa testamento." Napahalukipkip ang dalaga at umupo sa sofa. Matatanggap niya itong mapangasawa pero hindi ang pagpapatakbo ng kompanya dahil wala siyang hilig sa negosyo.
"Ayusin mo 'yang mukha mo maya-maya ng konti papasok si Alma at ayokong magmukhang kindergarten student na nagtatantrums ang mapapangasawa ko sa paningin ng sekretarya ko."
"Alright." Narinig niyang sagot ng dalaga
Naiiling na nag umpisa nang magbasa ng documents ang binata."Hindi ba ako pwedeng lumabas man lang?"
"Hindi pwede, baka magkalat ka pa."
"Gab." Bata pa din talaga ang tingin nito sa kaniya. Ganitong-ganito siya kung tratuhin ni Gab noong six years old pa lang s'ya.
"Sumabay ka sa akin mamaya. Buksan mo na lang 'yang tv, manood ka para hindi ka mainip."
Mahihinang katok ang gumambala sa katahimikan ng silid na 'yun kasunod ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang matangkad at morenang babae. Ngumiti ito kay Irish na tila nahihiya.
"Irish, secretary ko. Alma siya ang mapapangasawa ko at boss mo na din."Pagpapakilala ni Gab.
"Hi po!" Kimi itong ngumiti.
"Hello!" Ganting bati ni Irish. Parang gusto n'ya itong kaibiganin agad. Ang gaan ng loob n'ya sa sekretarya ni Gab. Sa tingin ni Irish matanda lang ito sa kan'ya ng ilang taon. Tumingin s'ya kay Gab, nakita n'yang gusto s'yang pandilatan nito. Monster talaga, aniya sa isip ng dalaga. Nakikinita n'ya ang kulay itim na bilog na tila ring ng basketball sa gawing uluhan nito.
Nahalata ni Irish ang tila pagkailang ng sekretarya. Sino ba naman ang hindi mai-intimidate kapag ganito ang boss mo? Sa kabila ng kagwapuhan laging nakakunot ang noo at palaging seryoso. Na-curious tuloy s'ya kung masasaya din ba ang mga empleyado ng isang Gabriel Villaflor? Marahil hindi, bulong ng kabilang bahagi ng utak n'ya.
"May kailangan po kayo Sir?"
"Pakisabi kay Mang Janno pakibilhan ng food si Irish. Anong gusto mo?" kay Irish ito nakatingin. Napangiti ang dalaga. Mabait naman pala!
"Fast food sana, ahm jollibee please chickenjoy 'yung bucket ha." Masigla n'yang sagot.
"Sige po, Ma'am Irish." mabilis na itong lumabas ng silid.
"Para kang bata, pwede bang magmukha ka namang pormal sa harap ng empleyado ko!"
"Eh, sa ganito ako eh." inirapan ni Irish ang binata na lalong ikinainis nito.
"Pwes baguhin mo! Nakakahiya! Para kang ewan!" Asik nito.
"Nakakainis talaga!" sa isip ni Irish. Napaka-diktador at bossy. Nawalan na siya ng ganang manood kaya pinatay n'ya na lang ang telebisyon at naglaro ng games sa cellphone. Bumalik lang ang sigla n'ya ng makita ang dalang pagkain ng sekretarya nito. Niyaya niya itong sabayan s'ya pero tumanggi ito, sa pantry daw ito kakain kasabay ng iba pang empleyado.
"Pati ba sa pagkain para kang bata?"Napahinto sa pagnguya ang dalaga. Lumapit si Gab kay Irish at kumuha ng tissue, pinunasan ang ketchup sa gilid ng bibig nito.
"Thank you!" Ang tamis ng ngiti ni Irish. Hindi naman pala likas na masama ang ugali. Bulong ng isip ni Irish.
Natigilan si Gab at ikinunot ang noo.
"Nakakahiya sa mga empleyado na makitang dugyot ang mapapangasawa ko!" Asik nito at bumalik na sa swivel chair.
Ngumuso si Irish. "Gwapo sana masungit lang." Bulong n'ya sa sarili na nailakas pala.
"Irish!" Humagikgik ang dalaga tinakpan nito ang bibig at nag peace sign sa binatang inis na binitiwan ang hawak na papel at matiim s'yang tinitigan.
"Iligpit mo 'yang pinagkainan mo huwag mong i-asa sa mga empleyado, hindi na nila trabaho 'yan!" Mariing utos ni Gab.
"Irish! Narinig mo?" Singhal nito nang makitang tila hindi s'ya nito pinapakinggan.
"Oo! Ako ng bahala." Nilingon n'ya ito at nakita n'ya na hindi lang itim na Ring ang nasa gawing uluhan nito kundi may dalawang mahahabang sungay na ito sa noo. Napatakip sa bibig si Irish at nagpigil na mapahagikgik. Masamang tingin ang ipinukol sa kan'ya ni Gab.
August 15, 2021 Handa na ang lahat ng kailangan ng ikakasal, maging ang venue na pagdadausan ng seremonya. Sa isang kilalang Hotel sa Quezon City gaganapin at piling-pili ang mga bisita na iilan lang naman ang inimbitahan mula sa panig ni Irish at ng Groom. Sa panig ng bride, ang mommy ni Irish at ilang kamag-anak. Sa panig naman ni Gab, ay ang mga magulang at mga piling malalapit na kamag-anak at kaibigan. Bagamat halos ideya na ng wedding planner ang lahat, hindi maikakailang hindi ito mapapahiya sa ikakasal dahil napakaganda ng kinalabasan. Nagkalat ang mga puting bulaklak sa paligid, maging ang kisame nito ay nasasabitan ng mga tila pinong light chandelier na kulay puti rin, nagniningning ang paligid dahil sa kintab ng ilang white crystal balls. Lalong nagpalutang sa ganda ng dalaga ang suot na wedding gown na moderno ang design na s'ya mismo ang pumili, kahit naman kunwa-kunwarian lang na magiging mag-asawa sila gusto n'ya pa ding magsuot ng
"Bakit andami mo namang inorder?" Naiinis na tiningnan ni Gab ang mga inorder nito. "First time ko kasi kumain dito eh, gusto ko matikman ang mga specialty nila." Ang ganda ng ngiti ni Irish. "Hindi naman natin ito mauubos ah!" "Relax Gab, ako ang magbabayad." Naiiling na tiningnan ito ni Gab. Palibhasa'ysanay sa luho ni hindi alam ang salitang pagtitipid. "Open your mouth."Namilog ang mga mata ni Gab. Napatingin siya sa paligid. "Walang nakatingin dahil wala namang may pakialam. Nganga na kasi!" Ingos nito saka tumawa ng mahina. Ibinuka ni Gab ang bibig. Sinubuan siya nito. "See? Sarap diba?" Bumungisngis si Irish, natuwa ito sa pagsunod niya. "Tama na ha." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain, minsan naman ay bigla na lang nitong sinusubuan siya na ewan niya kasi sumusunod naman siya."Hays!" Napapasunod si
"Dito ka naman matutulog sa kwarto ko?" Tumango si Irish, ang luwang ng ngiti. Nakasuot na ito ng ternong pantulog. Napakamot sa ulo si Gab. "Irish, lumipat ka sa kabilang kwarto!" "Hindi nga ako sanay na walang kasama eh." "Sa sofa na lang ako." Tila ayaw talagang sumunod. "Irish lalake pa din ako." Paano niya ba ipapaliwanag na normal siyang lalake? At baka matukso siya. Kulit talaga. "Hindi ka ganun." "Hindi ako lalake?" Tumawa ito. "Gentleman ka." Huwag kang pakasisiguro, aniya ng isip niya. Mabilis itong tumalon sa kama at niyakap ang unan. "Goodnight." Naiiling na kinuha niya ang kumot sa tabi nito at pumuwesto sa malapad na sofa. "Eh pwede naman kasing magshare tayo sa kama, magkatabi na nga tayo kagabi ah." Inis
"Ano 'to?" Gumuhit ang matinding inis sa mukha ni Gab. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa mukha ng asawa at sa nakahaing sunog na pagkain. "Ahm breakfast mo." Ang tamis ng ngiti ni Irish. "Anong klaseng pagkain?!" "Fried rice with bacon, egg and hotdog, hindi ka ba kumakain n'yan?" "Pagkain ang tawag mo dito?" Pinasadahan nito nang tingin ang sunog na pagkain na hindi na halos matukoy kung ano? Namumula ang mukhang tinalikuran nito ang asawa at tinungo ang sala. Nakasunod sa kan'ya si Irish. "Sorry Gab, hindi talaga ako marunong magluto." "Ano bang alam mo? My God, simpleng luto hindi mo kayang gawin." "Eh, bakit ba kasi ayaw mong kumuha ng maid?" Nagkandatulis ang nguso ni Irish na lalong ikinainis ni Gab. "Hindi ka matututo kung aasa ka sa maid! Magbihis ka!" Namilog ang mga mata ni Irish. "Sa labas na lang tayo kakain?" "No! Sa opisina tayo pupunta!" Muli niyang nakita ang pagnguso nito.
Unti-unti ng natututunan ni Irish ang ilang trabaho sa opisina sa tulong ni Alma. Mabilis din n'yang natutunan at napag-aralan kung paano makipag- negotiate sa ilang may-ari ng kilalang boutique. Aaminin niyang nag i-enjoy na s'ya sa pagtatrabaho kasama ang asawang laging seryoso kahit pa madalas s'ya nitong sungitan kapag wala sa harap nila ang mga empleyado. Ilang buwan mula ng ikasal sila ay nakasanayan n'ya na ang daily routine nila ni Gab. Madalas itong umaalis kapag kinailangang puntahan ang pabrika upang tiyaking maayos ang lahat. Napatingin s'ya sa suot na relo, mag aalas-tres na ng hapon pero wala pa ito at hindi pa bumabalik dahil sa isang business meeting sa isang kliyente. "Tumawag na ba ang Sir Gab mo?" Aniya sa sekretarya. "Hindi pa po, Ma'am." Naiinip na sinulyapan n'ya ang cellphone na kahit isang text message ay wala s'yang natanggap mula rito. Naninibago s'ya dahil k
Itinapat ni Irish ang h***d na katawan sa malakas na buhos ng tubig ng shower. Dama niya pa 'din ang mga labi ng asawa sa katawan, pilit niyang pinapatay ang init na hanggang sa mga oras na 'yun ay sariwa pa rin sa pakiramdam. Nabitin s'ya ng bongga at hindi n'ya alam kung maiinis siya rito o hahanga sa tibay nitong makapagpigil pa para tuluyan siyang maangkin. Sinabon n'ya ang kabuuan lalo na sa dako pa roon kung saan kagabi lang ay nagtampisaw ang asawa. Binilisan n'ya ang pagligo dahil tila sinisilaban na naman ang pakiramdam n'ya. Lahat ay bagong-bagay sa kan'ya. Napapikit s'ya nang maalala ang bawat haplos ng asawa na naghatid sa kan'ya ng tila boltahe ng kuryente na bumubuhay ng kan'yang pagkababae. Mahihinang katok ang nagpagising ng kan'yang diwa. Mabilis s'yang nakapagbanlaw at mabilis n'yang nahila ang tuwalya at itinakip sa kahubaran. "I-irish..." Binalot s'ya ng matinding kaba nang marinig
"Dito?" Umikot ang paningin ni Irish sa paligid."Dito talaga?" Excited pa naman s'yang nag-ayos ng sarili, mukha s'yang panauhing-pandangal sa isang cocktail party ng mga socialite. Kumunot ang noo ni Gab, inilagay sa loob ng bulsa ng pantalon ang dalawang kamay at blangko ang ekspresyon nito na matamang nakamasid sa asawa. "Bakit dito?" Naguguluhang tiningnan n'ya ang asawa. Madaming tao, nakahilera ang mga tiangge at mga stall ng fishball vendor, barbeque at ilang iniihaw na hindi pamilyar sa kaniya. Nakita n'ya ang ilang maliliit na kulay bilog na kulay orange na nakalagay sa malaking mangkok na katabi ng mga garapon ng tila sauce na may mga nakalutang na buo na paminta. Ihawang umuusok at mga vendor na panay ang paypay sa iniihaw. Nakahilera ang mga mesang bilog sa paligid na may mga umbrella at mga mono-blocks. Halos wala na silang mapwestuhan dahil halos okupado na ang lahat. "Ayaw mo?" Sarkastiko nitong tanong.Tiningnan ni Irish ang sar
Maagang gumising si Irish, nakasanayan niya ng bumangon ng maaga dahil wala naman siyang ibang aasahan para magluto ng almusal nila. Naiinis pa rin s'ya kay Gab kaya naging maingat s'ya sa pagbangon para hindi ito magising. "Black coffe please..." Narinig niya habang papalabas ng silid. Nilingon n'ya ito at inirapan. Iniunat nito ang braso na halatang inaantok pa.Kapal! "Kaya mo naman bakit hindi ikaw ang gumawa?" Asik n'ya. "Gusto mong mamasyal today?" Hindi nito pinansin ang pagtataray n'ya. Umupo ito at hinagilap ng paa ang tsenilas na pambahay na nasa ibaba ng kama. Natigilan s'ya. Matagal na nilang hindi nagagawang magrelax dahil kapwa sila subsob sa trabaho. "Ayoko!" Tanggi n'ya kahit oo ang gusto n'yang isagot. "Baka gusto ni Peachy ng katabi? Ibibili kita ng isa pa." Ang gwapo nito sa ngiti nitong nangungumbinse. Peachy ang pangalan ng stuffed to
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita