Itinapat ni Irish ang h***d na katawan sa malakas na buhos ng tubig ng shower. Dama niya pa 'din ang mga labi ng asawa sa katawan, pilit niyang pinapatay ang init na hanggang sa mga oras na 'yun ay sariwa pa rin sa pakiramdam.
Nabitin s'ya ng bongga at hindi n'ya alam kung maiinis siya rito o hahanga sa tibay nitong makapagpigil pa para tuluyan siyang maangkin.
Sinabon n'ya ang kabuuan lalo na sa dako pa roon kung saan kagabi lang ay nagtampisaw ang asawa. Binilisan n'ya ang pagligo dahil tila sinisilaban na naman ang pakiramdam n'ya. Lahat ay bagong-bagay sa kan'ya.
Napapikit s'ya nang maalala ang bawat haplos ng asawa na naghatid sa kan'ya ng tila boltahe ng kuryente na bumubuhay ng kan'yang pagkababae. Mahihinang katok ang nagpagising ng kan'yang diwa. Mabilis s'yang nakapagbanlaw at mabilis n'yang nahila ang tuwalya at itinakip sa kahubaran.
"I-irish..." Binalot s'ya ng matinding kaba nang marinig ang boses ni Gab.
"L-lalabas na ako." Wala s'yang narinig na sagot mula rito. Lumabas na s'ya ng banyo at nakita n'yang nakatayo ito malapit sa kamang kagabi lang ay naging saksi sa mainit nilang sandali. Nakayukong dumaan siya sa tapat nito at kumuha ng damit sa closet katabi ng closet ng asawa.
"Yung n-nangyari sa'tin kagabi. . ." Atubili ito.
Pinilit n'yang bigyan ito ng matamis na ngiti tulad ng madalas n'yang gawin.
"Kalimutan na natin G-gab."
Humugot ito ng malalim na hangin at dahan-dahang lumapit, ilang pulgada mula sa kinatatayuan. Nahapit n'ya ang tuwalyang tanging nakabalot sa katawan, napasandal s'ya sa pintuan ng closet.
"G-gab..." Mabilis s'ya nitong hinapit at siniil ng h***k. Kinapos s'ya ng hangin ng bitiwan s'ya nito. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang asawa.
"Magbihis ka na baka hindi ako makapagpigil." Anas nito.
Namula s'ya nang makita kung saan ito nakatingin, sa katawang tanging maikling tuwalya lang ang nakatakip. Ngumiti ito na tuluyang nagpalusaw ng kan'yang agam-agam.
Grabe! Ang gwapo talaga ni Gab lalo na kapag nakangiti.
Gusto n'yang ulitin nito ang ginawa pero tumalikod na ito. Nagmadali s'yang nagbihis at inayos lang sandali ang sarili at sumunod na rito. Mukhang maaga itong nagising dahil bihis na ito.
Naging masigla s'ya sa opisina, mas masigla keysa dati. Unti-unti na s'yang nagma-mature sa tulong ni Gab. Hindi na s'ya masyadong nalulungkot na wala ang kan'yang yaya Meding sa tabi n'ya, nasasanay na s'yang ito ang kasama araw-araw at hindi ang kan'yang Mommy.
Pero pagdating sa opisina bumalik na naman si Gab sa pagiging seryoso. Matapos magpatawag ng meeting sa mga empleyado at i-discuss ang ilang agenda nito ay umalis ito at iniwan na s'ya nito kay Alma. Binisita nito ang patahian na nasa fourth floor.
"Naku Ma'am. . .Bakit ang galante ngayon ni Sir?" Si Charm, isa sa mga empleyado at nakapalagayang-loob n'ya mula nang magsimula s'yang maging Head ng HR department kung saan s'ya ini-assign ni Gab. Isa s'yang business partner at co-owner ng asawa pero pinag-simula s'ya nito sa mababang posisyon.
Nag-angat siya ng tingin. Komportable ang mga itong kausapin s'ya kapag wala si Gab.
"Ow?"
"Naku, Ma'am! Bumabaha ng pizza sa pantry, pinabili ni Sir Gab kay Mang Janno." Nagulat s'ya sa narinig. Kilala n'yang kuripot itong madalas pero hindi naman ito madamot at madali 'din namang lapitan. Pero hindi ito basta-basta gumagastos ng walang okasyon.
"Ang saya ni Sir today, naku Ma'am parang alam na namin." Si Ice, isa itong lay-out designer at pinaka-malapit sa kan'ya.
"Sa palagay mo, bakit aber?" Nakangiti si Irish. Halos mga kaedad n'ya na ang mga ito, matanda man sa kan'ya pero iilang taon lang ang pagitan. At masasaya namang kasama maliban na lang kapag nasa paligid si Gab. Dama niya ang takot at pagkailang ng mga ito sa Boss.
"Naka-tatlong round siguro si Sir." Humagikgik ito. Namula si Irish na lalong naging tampulan ng tukso.
"See... " Ang lakas ng tawanan at tuksuhan.
Pero nahinto ang masayang huntahan nang makitang paparating na si Gab. Nagkani-kaniyang balik ang mga ito sa pwesto. Naninibago s'ya dahil nang dumaan ito sa tapat niya, hindi ito nag-utos kundi may inilapag ito sa ibabaw na kan'yang mesa at walang lingon-likod na nilampasan s'ya sa kinauupuan. Madalas kasi, hihinto ito at mag-uutos ng kung anu-ano. Napangiti si Irish nang makita ang box ng ferrero chocolates at may munting card sa ibabaw. Palihim siyang kinilig.
"I think I'm falling in love with you. Can you be my date?" Napangiti si Irish, sinulyapan n'ya ang asawang kunwa'y abala na sa harap ng computer. Alam n'yang pasimpleng sinisilip nito ang reaksyon n'ya.
Tumayo siya at nilapitan ito. Tumingala ito, nanatili ito sa seryosong facial expression tulad ng dati.
"Nililigawan mo ba ako?" Nag-angat ito ng tingin at palihim na kinilig si Irish ng makitang tila natu-torpe ito.
"Ayaw mo ba?" Kumunot ang noo nito, tila hindi handang tanggihan kung sakali.
"Pagkatapos ng nangyari kagabi? Tinatanong mo ba ako kung gusto kita?" Pilyang ngumiti si Irish.
Namilog ang mga mata nito at napatingin sa direksiyon ng mga empleyado. Hindi naman sila maririnig pero nakikita sila mula sa division na yari sa salamin.
"Ano? Pwede ba kasi o hindi?" Malumanay pero may diin ang boses nito.
Mahinang tumawa si Irish. Sa lahat naman yata ng nanliligaw, si Gab lang yata ang galit.
"Sige na nga! Pumapayag na akong magdate tayo."
Awtomatikong tumayo ito at niyakap s'ya at mabilis na kinintalan ng h***k sa labi. Para s'yang nasa alapaap habang nasa bisig ng asawa. Pasimpleng itinulak n'ya ito palayo sa katawan.
"Sinagot na ba kita?" Pilya n'yang tanong.
"Kailangan pa ba? Pagkatapos ng nangyari kagabi?" Balik-tanong nito na naging dahilan ng pagkulay-makopa ng pisngi ng asawa. Halos matunaw s'ya sa malagkit na titig ni Gab. Dama n'ya ang pagtahip ng d****b dahil sa matinding kilig.
Nagtilian ang mga empleyado na pasimple palang nakamasid sa mag-asawa. Napatingin ang dalawa sa direksiyon ng mga empleyado na mabilis namang inayos ang mga sarili na tila walang nangyari at nakita.
Nakatitig pa rin ang gwapong boss nila sa maganda nitong asawa at halos ayaw bitiwan ang maliit nitong beywang. Kumalas si Irish mula sa pagkakayakap ng asawa. Kinilig s'ya sa isiping hindi na bata ang tingin nito sa kan'ya, kundi asawa.
"Back to work muna, Mister Gabriel Villaflor..." Iniwan n'ya ito at bumalik sa harap ng sariling computer table.
Ang sarap ng ngiti ng asawang umupo na rin sa swivel-chair at muling hinarap ang trabaho. Maghapon silang nagkakasulyapan at nagka-kangitian ni Irish. Paminsan- minsang nilalapitan ni Gab ang asawa at tinitingnan ang ginagawa nito, bigla itong naging instant personal assistant ni Irish. Naging malambing ito at hindi nagsungit maghapon. Ang gaan ng paligid. Lumalabas at pumapasok si Alma nang hindi nila namamalayan. Maghapon 'ding kinilig ang mga empleyado nila na pasimpleng nakikiramdam sa kilig-overload na namamagitan sa dalawa. Tila ngayon lang ito nagliligawan matapos ang ilang buwan mula ng ikasal.
"Dito?" Umikot ang paningin ni Irish sa paligid."Dito talaga?" Excited pa naman s'yang nag-ayos ng sarili, mukha s'yang panauhing-pandangal sa isang cocktail party ng mga socialite. Kumunot ang noo ni Gab, inilagay sa loob ng bulsa ng pantalon ang dalawang kamay at blangko ang ekspresyon nito na matamang nakamasid sa asawa. "Bakit dito?" Naguguluhang tiningnan n'ya ang asawa. Madaming tao, nakahilera ang mga tiangge at mga stall ng fishball vendor, barbeque at ilang iniihaw na hindi pamilyar sa kaniya. Nakita n'ya ang ilang maliliit na kulay bilog na kulay orange na nakalagay sa malaking mangkok na katabi ng mga garapon ng tila sauce na may mga nakalutang na buo na paminta. Ihawang umuusok at mga vendor na panay ang paypay sa iniihaw. Nakahilera ang mga mesang bilog sa paligid na may mga umbrella at mga mono-blocks. Halos wala na silang mapwestuhan dahil halos okupado na ang lahat. "Ayaw mo?" Sarkastiko nitong tanong.Tiningnan ni Irish ang sar
Maagang gumising si Irish, nakasanayan niya ng bumangon ng maaga dahil wala naman siyang ibang aasahan para magluto ng almusal nila. Naiinis pa rin s'ya kay Gab kaya naging maingat s'ya sa pagbangon para hindi ito magising. "Black coffe please..." Narinig niya habang papalabas ng silid. Nilingon n'ya ito at inirapan. Iniunat nito ang braso na halatang inaantok pa.Kapal! "Kaya mo naman bakit hindi ikaw ang gumawa?" Asik n'ya. "Gusto mong mamasyal today?" Hindi nito pinansin ang pagtataray n'ya. Umupo ito at hinagilap ng paa ang tsenilas na pambahay na nasa ibaba ng kama. Natigilan s'ya. Matagal na nilang hindi nagagawang magrelax dahil kapwa sila subsob sa trabaho. "Ayoko!" Tanggi n'ya kahit oo ang gusto n'yang isagot. "Baka gusto ni Peachy ng katabi? Ibibili kita ng isa pa." Ang gwapo nito sa ngiti nitong nangungumbinse. Peachy ang pangalan ng stuffed to
Off-shoulder dress na hanggang tuhod na kulay baby pink at high-heels na Cinderella shoes na sa tantiya ni Irish ay nasa four-inches ang takong at handcarry bag na may tatak ng isang sikat at kilalang brand. Kulay pulang fingernails at nakalugay ang ilang hibla ng buhok mula sa pagkakapony-tail.Ewan, pero gusto n'yang magtaas ng kilay. Halatang gamay nito ang paglalagay ng make-up dahil nagmukha itong Modelo ng FHM Magazine. Napaka-perfect ng kurba ng katawan, gusto n'yang ikumpara sa artistang si Andrea Torres ang ngayon ay kaharap ng asawa na si Jeanny Salvadico. Hawak ni Gab ang resume nito, habang naka- crosslegs ito at liyad ang dibdib na nakangiting pinagmamasdan ang reaksiyon ni Gab. Gustong sulyapan ni Irish ang dibdib na 32-A, nagmukha itong monay kumpara sa kasalukuyang ini-interview ni Gab na sa tantiya n'ya ay cup 38-B? Palihim n'ya itong pinagmamasdan habang halatang nagpapa-impress sa asawa n'ya. G
"Good morning Sir Gab..."Nakangiti si Jeanny, lalo itong naging sopistikada sa outfit nitong pang opisina. Ito 'yung tipo ng babaeng kahit yata magsuot pa ng kupas at lumang damit ay magmumukha pa ring sosyal dahil sa galing nitong magdala ng damit. Marahil dahil nahasa na ito sa pagiging modelo at na-feature na din sa ilang kilalang magazine. Ngunit iniwan nito ang pagmomodelo at piniling magtrabaho ito sa kaklase nitong si Leonard ayon sa kwento ni Gab sa hindi malamang dahilan.Ngumiti si Gab at tinanguan lang ang magandang sekretarya. Hindi n'ya na pinuna ang mababang neckline nito na nagpalitaw ng cleavage nito. Ganun na ito magdamit noon pa man. Gusto 'mang irapan ito ni Irish ay mas pinili niyang maging pormal dahil sa pakiusap ng asawa. Kailangan niya itong pakisamahan bilang empleyado kahit pa hindi siya komportableng makasama ito. Naiinis man sa isiping halatang may gusto ito kay Gab kailangan n'yang maging propesyunal sa harap nito.Nawala ang ngiti nito ng maki
"Kumusta si Ma'am Irish?" Si Jeanny, nakatayo ito sa harap ng Boss habang may hawak na tasa ng kape. Nag-iwas ng tingin si Gab nang bahagya itong yumuko para ilapag ang tasa sa mesang nasa tapat n'ya. Halos lumuwa ang kalahati ng dibdib nito dahil sa mababang neckline. Hindi s'ya nakikialam sa pananamit ng kan'yang mga empleyado. At sanay s'yang nakikitang ganun magdamit si Jeanny. Halos ipasilip na nito ang kaluluwa dahil sa estilo ng pananamit nito kakapiraso at laging kinulang sa tela."Medyo okey na, hindi na muna s'ya papasok. Mas gusto ko ngang nasa bahay na lang muna si Irish" Mag-iisang linggo na nga n'yang hindi ito pinapasok kahit gustong sumama nito at magtrabaho."That's good."Sinulyapan ito ni Gab sa pagitan ng pagbabasa."Ikaw?" Malambing itong ngumiti."Ako?" Kumunot ang noo ni Gab."I mean...tanggap mo na ba?" Pilyang tinitigan nito sa Gab.Huminto sa ginagawa si Gab at tiningnan ito."Ahm...na kayo na talaga ang para sa isa't isa?" Mapan
Once a week na lang pumunta ng opisina si Irish, nasanay na s'ya sa ganung set-up. Pilit na binabalewala ang presens'ya ni Jeanny at sinikap n'yang magtiwala sa asawa dahil ramdam niyang mahal siya nito. Masaya na s'ya sa pagiging maybahay ni Gab. Mula sa buhay na hindi n'ya akalaing magiging s'ya pero nagawa n'yang yakapin ang kasalukuyan. Walang yaya, walang maid na nakaalalay. Natutunan n'ya ang lahat kay Gab, si Gab ang tipo ng lalakeng independent na papangaraping makasama ng kahit sinong babae. Sa kabila ng pagiging mayaman nito, hindi ito namuhay na prinsipe. Napangiti sa sarili si Irish. Hindi na s'ya makapaghintay na dumating ang sandaling darating 'yung araw na magiging ina na s'ya ng mga magiging anak nito. Nakikita n'ya na ang sariling tatanda s'yang ito ang kasama. Bumuga s'ya ng hangin at pinagmasdan ang mga halamang inaalagaan n'ya na ng ilang buwan sa bakuran. Naging instant plantita s'ya mula ng manatili sa bahay, bigla s'yang napangiti ng maalala ang hi
Lalong naging malungkot ang mga sumunod na araw ni Irish, tila naging katumbas ng ilang buwan ang bawat araw na hindi kapiling ang asawa. Marahil hindi n'ya sana ito mararamdaman kung hindi dahil sa malungkot na balitang natanggap. Sinikap niyang maging normal ang lahat at gawin ang nakasanayan. Pinuno n'ya ang refrigerator ng iba't ibang prutas at gulay na alam n'yang makakatulong sa kan'ya. Ang ilang araw pang natitira bago umuwi ang asawa ay nilaan n'ya sa pagpipinta. At kung dati'y bihira s'yang tumawag sa Mommy n'ya tila mayamaya na s'yang naglu-long distance sa ina na ipinagtataka nito. "May problema ba Irish?" "Wala Mom." Pinasigla n'ya ang tinig. "Magkaka-apo na ba ako?" Natawa s'ya sa tanong ng ina. "Mommy naman. . ." "O, eh kelan n'yo kami bibigyan ng apo?Anak naman alam mo namang pareho kayong nag-iisang anak ni Gab. Nag-aabang na kam
Matapos magpahid ng manipis na lipstick ay napangiti si Irish, pinalutang ng kasimplehan ng ayos ang kakaibang ganda. Higit na lumutang ang maputing kutis sa kulay-asul na bodycon dress na napiling isuot. Sleeve-less ito na nagpalantad ng maputing balikat na hanggang tuhod ang haba na may maikling slit sa kanang tuhod. Nakangiti n'yang tinapunan ng tingin ang laman ng closet, inalis n'ya na ang mga dating damit. Tama si Gab, hindi na s'ya teen-ager kailangan n'ya ng magpaalam sa dating Irish. Isinukbit n'ya ang shoulder-bag sa balikat at nagsuot ng sapatos na may takong na kakulay ng suot na dress. Hinayaan n'yang nakalugay ang hanggang balikat na buhok. "Let's go!" Saad n'ya nang makita ang asawang nakaupo sa sofa na nasa sala. Awtomatiko ang pag angat ng tingin ni Gab, tila hindi ito makapaniwala sa nakikitang pagbabago ng ayos ng asawa. Nakatitig ito sa asawang papalapit. "G-gab?" Pumitik s'ya sa hangin at natatawang kinintalan ito ng halik sa pisnge. "Sana ar
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita