"Ano 'to?" Gumuhit ang matinding inis sa mukha ni Gab. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa mukha ng asawa at sa nakahaing sunog na pagkain.
"Ahm breakfast mo." Ang tamis ng ngiti ni Irish.
"Anong klaseng pagkain?!"
"Fried rice with bacon, egg and hotdog, hindi ka ba kumakain n'yan?"
"Pagkain ang tawag mo dito?" Pinasadahan nito nang tingin ang sunog na pagkain na hindi na halos matukoy kung ano? Namumula ang mukhang tinalikuran nito ang asawa at tinungo ang sala. Nakasunod sa kan'ya si Irish.
"Sorry Gab, hindi talaga ako marunong magluto."
"Ano bang alam mo? My God, simpleng luto hindi mo kayang gawin."
"Eh, bakit ba kasi ayaw mong kumuha ng maid?" Nagkandatulis ang nguso ni Irish na lalong ikinainis ni Gab.
"Hindi ka matututo kung aasa ka sa maid! Magbihis ka!"
Namilog ang mga mata ni Irish. "Sa labas na lang tayo kakain?"
"No! Sa opisina tayo pupunta!" Muli niyang nakita ang pagnguso nito. Pero mabilis na sumunod. Naiinis na iniligpit ni Gab ang inihain nito, lahat ng laman ng plato ay dumeretso sa trash can.
"Let's go!" Ani Irish.
Bihis na ito at nakaplaster pa rin ang ngiti. Pinasadahan n'ya ng tingin ang ayos nito. Nakasuot ito ng knitted blouse na pinatungan ng Jumpsuit, suot na naman nito ang paborito nitong rubbershoes. Lalo itong nagmukhang bata sa ayos.
"Magpalit ka ng damit!" Ayaw n'yang magmukhang tito nito.
"Why naman, so kainis!" Maktol nito.
"Ayaw mo?"
"Eh, sa ganito ako komportable eh!"
"Pwede ba Irish, matuto kang magdamit ng tama! Mukha kang teen-ager na papasyal sa park!"
"Alright!"
Naiiling na sinundan n'ya ito ng tingin at nauna ng lumabas ng bahay. Mabilis naman itong nakabalik at tumabi sa ka'nya sa driver seat. Pinalitan lang nito ng mini-skirt ang pang-ibaba.
"Irish!"
"Hep hep...we're late!"
Wala nang nagawa si Gab kundi paandarin ang sasakyan at pigilan ang mas matinding inis.
Nakangiting mga empleyado ang sumalubong sa kanilang mag-asawa. Ang luwang ng ngiti ni Irish habang kasabay si Gab. Kabaligtaran ng seryosong si Gab na ni hindi man lang gumaganti ng pagbati. Sanay na ang mga empleyado sa Boss dahil kilala nilang suplado ito.
Nakita ni Irish na pumuwesto na ito sa harap ng mesa, habang nanatili s'yang nakatayo.
"Hindi man lang ba tayo magbi- breakfast?"
"Dadalhan tayo ni Alma ng matinong pagkain." Ni hindi nito tinitingnan ang asawa.
Napahalukipkip si Irish at tinungo ang sariling mesa. May sarili s'yang computer na sinimulan n'ya nang buksan. Mabilis na tinungo ang You Tube Channel at naghanap ng bagong movie ni Ji Chang-Wook, ang paboritong korean actor. Napangiti s'ya nang makitang may bago itong pelikula. Bahagya n'yang sinulyapan ang asawa na abala na sa pagtatrabaho. Nasapo n'ya ang d****b na tila pinipigilang kiligin nang ngumiti ang kan'yang idol. Sumandal s'ya sa swivel chair at komportableng nakatutok ang paningin sa pinanonood na k-drama.
"What?!"
Muntik nang mapatalon si Irish. Hindi n'ya namalayang lumapit ang asawa at galit na nakatayo ito sa gawing likuran.
"Irish naman, nandito ka para magtrabaho hindi para magmovie marathon!"
"Eh, hindi ko nga alam kung saan ako mag uumpisa?"
Napakamot sa ulo si Gab, pigil ang inis na tinitigan ang asawa.
"Fine!"
Marami pa sanang gustong sabihin si Gab pero pumasok na si Alma na may dalang tray ng pagkain. Inilapag nito sa kalapit na mesa ng Boss.
"Alma, pagkatapos naming kumain paki-guide ang Ma'am Irish mo. Turuan mo s'yang matutunan ang pasikot-sikot sa kompanya."
"Yes, Sir."
"Sige, iwan mo na kami."
Mabilis na lumapit sa pagkain si Irish at nauna nang kumain. Sarap na sarap ito sa dalang pagkain ng sekretarya. Nang mapansing hindi pa kumakain si Gab ay tumingala ito sa asawa.
"Hindi ka kakain?"
"Hindi na, mukhang kulang pa sayo!" Naiiritang bumalik ito sa swivel chair.
"Madami 'to ah!" Ipinagpatuloy nito ang pagkain at tila hindi na nito napapansin ang presensya ng asawa.
Pumindot sa intercom si Gab para tawagin si Alma ng makita nitong tapos nang kumain si Irish. Naiiling na sinulyapan ang asawang sinimot ang laman ng plato at bahagya pang nagtakip ng bibig nang dumighay.
"This way, Ma'am." Nakamuwestra ang kamay ni Alma habang sinasabayan si Irish sa hallway ng opisina. Isa-isa nitong ipinakita ang laman ng bawat pinto. Pero mas nagtagal sila sa HR department.
"Ice, right?"
"Yes, Ma'am Irish. Ang Dyosa sa departamentong ito." Umikot pa ito at kumendeng. Ang lakas ng tawa ni Irish. Mabilis na naging komportable ang mga empleyado kay Irish. Malayong-malayo ito sa asawa nitong laging seryoso at istrikto.
"Alam mo Ma'am Irish, ang gaan ng loob namin sayo."
Walang halong-pambobola na saad ni May.
"Ako 'din he he..."
"Ma'am, turuan mo kayang ngumiti si Sir Gab." Humahagikgik na sabad ni Aliyah.
"Sige he he..." Parang mga High School lang sila na nagkukwentuhan. Pakiramdam ni Irish nakahanap siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan ng mga empleyado. Ilang minuto pa s'yang nakipagkwentuhan sa mga ito bago nagpasyang bumalik sa opisina nila ni Gab.
"Thanks, Alma." Baling n'ya sa sekretarya na dama n'yang nakuha n'ya na 'din ang loob.
"Welcome po."
Bumungad sa kan'ya ang asawang subsob sa pagtatrabaho. Nakadama s'ya ng awa nang maalalang hindi pa ito kumakain. Nahagip nang tingin n'ya ang coffe mug sa side-table malapit rito. Ni hindi s'ya nito napansin nang kunin n'ya. Tinungo n'ya ang pantry at nagtimpla ng kape para sa asawa.
"C-coffe..." Nginitian n'ya ito nang mag-angat ng tingin. Nagkasalubungan ang tingin nila, muli n'yang naramdaman ang pagtahip ng d****b habang nakatitig ito sa kan'ya. Inabot ni Gab ang mug, nasapo nito ang kamay n'yang nakahawak sa tasa. Muntik na s'yang mapaso ng biglang umalog ang laman nito.
"Hayaan mong si Alma ang gumawa nito." Ibinalik ni Gab ang tingin sa harap ng computer. Bakit ba tila araw-araw na gumaganda sa paningin niya ang asawa? Kahit nakakainis ito?
"Ako na ang gagawa mula ngayon."
Nagkibit-balikat lang si Gab sa tinuran ng asawa pero tila may bahagyang kilig s'yang naramdaman dahil sa narinig. Awtomatikong dinampot n'ya ang tasa at humigop. Pero mabilis n'ya 'ding naibuga. Mabuti na lamang at may malapit na trash-can sa ilalim ng mesa.
Naguguluhang lumapit si Irish.
"Anong nangyari? Are you okey?"
"My God, Irish! Pati ba naman pagtimpla ng kape hindi mo magawa ng tama?!" Tinapunan n'ya ito ng masamang tingin.
"S-sorry..."
"Magkaka-diabetic ako sayo!"
"Sorry, next time less sugar na promise!"
Naiinis na muli n'ya itong tinapunan ng tingin. Ngunit matamis na ngiti ang ibinalik nito.
"Ipagtitimpla na lang kita ulit."
"Irish, please! Huwag mo ng subukan, gusto ko pang mabuhay ng matagal."
"Alright. Nasa table lang ako ha."
"Magtrabaho ka!"
"Oo!"
Pero nang makita nyang subsob na sa trabaho si Gab, mabilis n'yang binalikan ang kanina'y pinanonood na latest movie ni Ji Chang-Wook.
Unti-unti ng natututunan ni Irish ang ilang trabaho sa opisina sa tulong ni Alma. Mabilis din n'yang natutunan at napag-aralan kung paano makipag- negotiate sa ilang may-ari ng kilalang boutique. Aaminin niyang nag i-enjoy na s'ya sa pagtatrabaho kasama ang asawang laging seryoso kahit pa madalas s'ya nitong sungitan kapag wala sa harap nila ang mga empleyado. Ilang buwan mula ng ikasal sila ay nakasanayan n'ya na ang daily routine nila ni Gab. Madalas itong umaalis kapag kinailangang puntahan ang pabrika upang tiyaking maayos ang lahat. Napatingin s'ya sa suot na relo, mag aalas-tres na ng hapon pero wala pa ito at hindi pa bumabalik dahil sa isang business meeting sa isang kliyente. "Tumawag na ba ang Sir Gab mo?" Aniya sa sekretarya. "Hindi pa po, Ma'am." Naiinip na sinulyapan n'ya ang cellphone na kahit isang text message ay wala s'yang natanggap mula rito. Naninibago s'ya dahil k
Itinapat ni Irish ang h***d na katawan sa malakas na buhos ng tubig ng shower. Dama niya pa 'din ang mga labi ng asawa sa katawan, pilit niyang pinapatay ang init na hanggang sa mga oras na 'yun ay sariwa pa rin sa pakiramdam. Nabitin s'ya ng bongga at hindi n'ya alam kung maiinis siya rito o hahanga sa tibay nitong makapagpigil pa para tuluyan siyang maangkin. Sinabon n'ya ang kabuuan lalo na sa dako pa roon kung saan kagabi lang ay nagtampisaw ang asawa. Binilisan n'ya ang pagligo dahil tila sinisilaban na naman ang pakiramdam n'ya. Lahat ay bagong-bagay sa kan'ya. Napapikit s'ya nang maalala ang bawat haplos ng asawa na naghatid sa kan'ya ng tila boltahe ng kuryente na bumubuhay ng kan'yang pagkababae. Mahihinang katok ang nagpagising ng kan'yang diwa. Mabilis s'yang nakapagbanlaw at mabilis n'yang nahila ang tuwalya at itinakip sa kahubaran. "I-irish..." Binalot s'ya ng matinding kaba nang marinig
"Dito?" Umikot ang paningin ni Irish sa paligid."Dito talaga?" Excited pa naman s'yang nag-ayos ng sarili, mukha s'yang panauhing-pandangal sa isang cocktail party ng mga socialite. Kumunot ang noo ni Gab, inilagay sa loob ng bulsa ng pantalon ang dalawang kamay at blangko ang ekspresyon nito na matamang nakamasid sa asawa. "Bakit dito?" Naguguluhang tiningnan n'ya ang asawa. Madaming tao, nakahilera ang mga tiangge at mga stall ng fishball vendor, barbeque at ilang iniihaw na hindi pamilyar sa kaniya. Nakita n'ya ang ilang maliliit na kulay bilog na kulay orange na nakalagay sa malaking mangkok na katabi ng mga garapon ng tila sauce na may mga nakalutang na buo na paminta. Ihawang umuusok at mga vendor na panay ang paypay sa iniihaw. Nakahilera ang mga mesang bilog sa paligid na may mga umbrella at mga mono-blocks. Halos wala na silang mapwestuhan dahil halos okupado na ang lahat. "Ayaw mo?" Sarkastiko nitong tanong.Tiningnan ni Irish ang sar
Maagang gumising si Irish, nakasanayan niya ng bumangon ng maaga dahil wala naman siyang ibang aasahan para magluto ng almusal nila. Naiinis pa rin s'ya kay Gab kaya naging maingat s'ya sa pagbangon para hindi ito magising. "Black coffe please..." Narinig niya habang papalabas ng silid. Nilingon n'ya ito at inirapan. Iniunat nito ang braso na halatang inaantok pa.Kapal! "Kaya mo naman bakit hindi ikaw ang gumawa?" Asik n'ya. "Gusto mong mamasyal today?" Hindi nito pinansin ang pagtataray n'ya. Umupo ito at hinagilap ng paa ang tsenilas na pambahay na nasa ibaba ng kama. Natigilan s'ya. Matagal na nilang hindi nagagawang magrelax dahil kapwa sila subsob sa trabaho. "Ayoko!" Tanggi n'ya kahit oo ang gusto n'yang isagot. "Baka gusto ni Peachy ng katabi? Ibibili kita ng isa pa." Ang gwapo nito sa ngiti nitong nangungumbinse. Peachy ang pangalan ng stuffed to
Off-shoulder dress na hanggang tuhod na kulay baby pink at high-heels na Cinderella shoes na sa tantiya ni Irish ay nasa four-inches ang takong at handcarry bag na may tatak ng isang sikat at kilalang brand. Kulay pulang fingernails at nakalugay ang ilang hibla ng buhok mula sa pagkakapony-tail.Ewan, pero gusto n'yang magtaas ng kilay. Halatang gamay nito ang paglalagay ng make-up dahil nagmukha itong Modelo ng FHM Magazine. Napaka-perfect ng kurba ng katawan, gusto n'yang ikumpara sa artistang si Andrea Torres ang ngayon ay kaharap ng asawa na si Jeanny Salvadico. Hawak ni Gab ang resume nito, habang naka- crosslegs ito at liyad ang dibdib na nakangiting pinagmamasdan ang reaksiyon ni Gab. Gustong sulyapan ni Irish ang dibdib na 32-A, nagmukha itong monay kumpara sa kasalukuyang ini-interview ni Gab na sa tantiya n'ya ay cup 38-B? Palihim n'ya itong pinagmamasdan habang halatang nagpapa-impress sa asawa n'ya. G
"Good morning Sir Gab..."Nakangiti si Jeanny, lalo itong naging sopistikada sa outfit nitong pang opisina. Ito 'yung tipo ng babaeng kahit yata magsuot pa ng kupas at lumang damit ay magmumukha pa ring sosyal dahil sa galing nitong magdala ng damit. Marahil dahil nahasa na ito sa pagiging modelo at na-feature na din sa ilang kilalang magazine. Ngunit iniwan nito ang pagmomodelo at piniling magtrabaho ito sa kaklase nitong si Leonard ayon sa kwento ni Gab sa hindi malamang dahilan.Ngumiti si Gab at tinanguan lang ang magandang sekretarya. Hindi n'ya na pinuna ang mababang neckline nito na nagpalitaw ng cleavage nito. Ganun na ito magdamit noon pa man. Gusto 'mang irapan ito ni Irish ay mas pinili niyang maging pormal dahil sa pakiusap ng asawa. Kailangan niya itong pakisamahan bilang empleyado kahit pa hindi siya komportableng makasama ito. Naiinis man sa isiping halatang may gusto ito kay Gab kailangan n'yang maging propesyunal sa harap nito.Nawala ang ngiti nito ng maki
"Kumusta si Ma'am Irish?" Si Jeanny, nakatayo ito sa harap ng Boss habang may hawak na tasa ng kape. Nag-iwas ng tingin si Gab nang bahagya itong yumuko para ilapag ang tasa sa mesang nasa tapat n'ya. Halos lumuwa ang kalahati ng dibdib nito dahil sa mababang neckline. Hindi s'ya nakikialam sa pananamit ng kan'yang mga empleyado. At sanay s'yang nakikitang ganun magdamit si Jeanny. Halos ipasilip na nito ang kaluluwa dahil sa estilo ng pananamit nito kakapiraso at laging kinulang sa tela."Medyo okey na, hindi na muna s'ya papasok. Mas gusto ko ngang nasa bahay na lang muna si Irish" Mag-iisang linggo na nga n'yang hindi ito pinapasok kahit gustong sumama nito at magtrabaho."That's good."Sinulyapan ito ni Gab sa pagitan ng pagbabasa."Ikaw?" Malambing itong ngumiti."Ako?" Kumunot ang noo ni Gab."I mean...tanggap mo na ba?" Pilyang tinitigan nito sa Gab.Huminto sa ginagawa si Gab at tiningnan ito."Ahm...na kayo na talaga ang para sa isa't isa?" Mapan
Once a week na lang pumunta ng opisina si Irish, nasanay na s'ya sa ganung set-up. Pilit na binabalewala ang presens'ya ni Jeanny at sinikap n'yang magtiwala sa asawa dahil ramdam niyang mahal siya nito. Masaya na s'ya sa pagiging maybahay ni Gab. Mula sa buhay na hindi n'ya akalaing magiging s'ya pero nagawa n'yang yakapin ang kasalukuyan. Walang yaya, walang maid na nakaalalay. Natutunan n'ya ang lahat kay Gab, si Gab ang tipo ng lalakeng independent na papangaraping makasama ng kahit sinong babae. Sa kabila ng pagiging mayaman nito, hindi ito namuhay na prinsipe. Napangiti sa sarili si Irish. Hindi na s'ya makapaghintay na dumating ang sandaling darating 'yung araw na magiging ina na s'ya ng mga magiging anak nito. Nakikita n'ya na ang sariling tatanda s'yang ito ang kasama. Bumuga s'ya ng hangin at pinagmasdan ang mga halamang inaalagaan n'ya na ng ilang buwan sa bakuran. Naging instant plantita s'ya mula ng manatili sa bahay, bigla s'yang napangiti ng maalala ang hi
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita