Nang makatakas si Ella sa pagmamalupit at pangmomolestya ng kanyang amain ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Maynila at iwanan maging ang ina niyang parang wala na ring pakialam sa kanya. Nakatapos man ng pag-aaral ay inilihim niya ito at namasukan bilang isang kasambahay sa mansion ng isang mayamang businessman na amo ng kanyang tiyahin. Ang pagtatagpo kayang ito ay magiging simula ng isang wagas na pag iibigan o mananatili lamang siyang isang kasambahay sa paningin nito?
View More"Leo, alam mo ba kung saan nakatira ang pamilya ni Kiara? Gusto ko sanang puntahan siya sa mismong bahay nila. Palage kong sinasabi na gusto kong dumalaw sa kanila pero palage niyang tinatanggihan." Hindi kumibo agad si Leo sa tinuran ng binata. Maging siya ay hindi rin basta nakakapunta sa bahay nila Kiara, dahil sa takot niya sa kuya nitong basagulero. Ang inay naman nito ay sugarol at lasinggera. Madalas na naaawa siya sa dalaga dahil sa pamilyang mayroon ito, kaya alam niyang gumagawa rin ito minsan ng mga bagay na labag sa kalooban nito. "Alam ko Theo, pero sa palagay ko ay igalang mo nalang ang pasya ni Kiara. Kung ayaw ka niya papuntahin, maaaring mayroon siyang dahilan." wika ng binata. Napaisip naman ang binata sa sinabi ng dating kababata. "Sige Leo, sa tingin ko nga ay igagalang ko na lang ang desisyon niya. Pasasaan ba at mapapatawad niya rin siguro ako." umaasang tugon nito. *** "Anak, ano? Pumayag ba si Theodore sa hiling ko? Ihahanap niya ba tayo ng mat
“Hon, nakiusap ang inay baka raw maihahanap mo kami ng ibang matitirahan. Pero magbabayad kami sa’yo buwan-buwan. Wala lang talaga kami sapat na halaga para makalipat.” ani KiaraMalamlam na tinitigan ng binata ang dalaga saka sumagot dito.“Hon, how many times do I have to tell you that you can ask me anything you want. Walang kahit anong kapalit.” mahinahong tugon ng binataLihim na nagdiwang ang kalooban ng dalaga. Malapit nang unti unting maisakatuparan ang kanilang mga plano.“Thank you hon. Alam mo ba, gsto ko na talagang makaalis dun. Ang baho baho kase at ang mga tao kung makatingin, para na akong hinuhubaran, lalo na dun sa dinadaanan ko na eskinita, tuwing uuwi ako galing trabaho.” wika ng dalagaHinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Nakaupo sila noon sa tapat ng restaurant na pinagtatrabuhan ng dalaga. Kung saan sila unang nagkakilala.“What if dun nalang sa malapit sa bahay namin kayo lumipat. I’ll ask mama if she can find a decent home for you and your family. Para rin
“Ano okay ba? Ginawa mo ba yung sinabi ko sa ‘yo?” paniniguro ng lalaki“Siyempre naman noh, ako pa ba? Sa ganda kong ‘to, pang aakit na nga lang ako magaling, di ko pa ba itotodo? “nakangiting sagot ng dalaga.“Ayos! Mukha ngang patay na patay sa ‘yo yung lalaki. Di ko makalimutan yung tsikot? Ang astig! Makakasakay din tayo dun!”, excited na sagot ng lalaki.“Oo kuya! Apir tayo dyan, gagawin ko ang lahat para hindi lang tayo makasakay, magiging atin pa yun.” nagningning ang mga mata ng dalaga sa tila instant swerte na dumating sa pamilya nila.***Tatlong oras bago iyon….“Ineng ihahatid na kita sa trabaho mo, dadaanan ko rin si Baldo, may raket kami mamaya, mukhang tiba tiba kami dito, wag lang matutunugan ng mga parak”. ani GiboNakatatandang kapatid ni Kiara si Gibo, high school lamang ang natapos nito, ngunit suportado nito ang pag aaral ng dalaga. Alam nito na sa masama nanggagaling ang ipinang papaaral sa kanya ng kapatid ngunit alam ng dalaga na wala rin siyang magagawa dahil
Mababakas sa mukha ni Theodore ang labis na pagtatangi sa katabing dalaga. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya. Sa katunayan, sa sobrang pagmamahal niya rito ay hiniling ng binata sa ina na bigyan ang pamilya nito ng matitirahan na malapit lamang sa mansion nila. "Theo, sabi ng inay, salamat daw sa tulong mo. Kung hindi dahil sa inyo ni tita, nagtitiis pa rin kami sa masikip at sira sira naming bahay. Ayoko na rin talaga dun, kahit ang mga tao hindi ko gusto, ang dudumi nila." nakangiwing sabi ng dalaga. Hindi pansin ni Theodore ang tila ay kakaibang ugali ng dalaga, ang mahalaga sa kanya ay malapit ito sa kanya at alam niyang itinatangi rin siya nito. "Don't mention it Kiara, you know how it made me feel pag nakakatulong ako sa 'yo, sa inyo ng pamilya mo." saad ni Theodore. Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at dinampian ito ng banayad na halik sa labi. Agad naman itong yumakap sa binata at ginantihan ito ng mas mariing halik. Naging mapusok ang saglit na sandali
Theodore's POV Why do I have to feel the urge to kiss her? Theodore, stop it! She's one of your family maids. Dikta ng utak niya, pero iba ang nararamdaman ng puso niya. I think I'm falling for her. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinawakan ang baba ni Ella. Bago niya tuluyang halikan ito ay saglit niyang tiningnan ang halos perpektong mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa malarosas na labi nito na para bang napakalambot at kaysarap halikan. Hindi na niya napigilan ang sarili, banayad niyang idinampi ang labi sa labi ng dalaga. Hindi ito gumanti ng halik gaya ng inaasahan niya. Unti unting naging mapusok ang mga halik niya na alam niyang ikinabigla ng dalaga. Napansin niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito ngunit binalewala niya iyon. Napakatamis at napakalambot ng labi nito, hindi niya na magawang tumigil pa. Hanggang sa naramdaman niya ang pagganti nito sa mga halik niya, mas l
"Sir ang kamay ko po", marahan niyang hinila ang mga kamay niya. naiilang siya sa mga tingin nito.Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at mukhang walang planong bitiwan ito.Bigla namang pagpasok ni Mang Lucio. Kaagad nitong binitiwan ang kamay niya."Sir Theodore, ipinapatawag po kayo ng inyong mama", wika ng matanda at bahagyang sumulyap sa kanya.Hindi siya tumitingin sa matanda at agad na nilisan na ang lugar na iyon.Alam niyang nagulat ang binata ngunit hindi niya talaga kayang tagalan na makasama ang amain.Hindi niya na namalayan na natabig niya si Nadia na may dalang mga maruruming labahin.Napansin nito ang di maipinitang reaksyon sa mukha niya."Okay ka lang Ella? nag-aalalang tanong nito sa kaibiganTumango ang dalaga ngunit nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto.Malungkot na tiningnan na lamang ng dalaga ang kaibigan hanggang makapasok ito sa kwarto nila.Samantala, nagpatuloy na la
Unti-unti siyang nagmulat ng mata. Lahat ng nakita niya sa paligid ay hindi pamilyar sa kanya. Malambot at mabango ang kamang kinahihigaan niya. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng silid at nakitang nakatayo ang amo nilang si Theodore. Nasaan ako? Kaninong silid ito? Anong ginagawa ni sir Theodore dito? Matapos niyang insultuhin ang pagkatao ko. Hindi niya namalayan na bahagya siyang napaismid dahil sa naisip. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Theodore. Lumapit ito sa kanya at umupo sa silyang katabi ng kamang hinihigaan niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?", seryoso ngunit nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Okay lang po sir", matabang niyang sagot, hindi ito tinatapunan ng tingin. Matiim siyang tinitigan ng binata. Tumikhim ito bago muling nagsalita. "Alright, I'm sorry. I shouldn't have said all those things. I really just wondered why you suddenly came here. I am just worried about manang Cele. That's all. B
"Manang Cele, nakita niyo po ba ang blue polo ko kase gagamitin ko sana later sa..."Hindi na naituloy ni Theodore ang sasabihin nang marinig ang tila seryosong pag uusap ng mga kasama nila sa bahay. Kabilang na si Ella."Anong gagawin natin anak ko? Baka kailangan mo nang umuwi sa inyo. Kinakabahan ako sa maaaring gawin ng ate Tilde sa iyo anak. Sa tono ng pananalita niya kanina ay talagang galit na galit" nanginginig na sabi ni Manang Cele"Tiya, umupo ho muna tayo. Huwag po kayong mag-alala, pumunta man ang inay dito ay ako na po ang bahalang makipag-usap sa kanya" paliwanag ni Ella sa tiyahin.Dali-dali namang lumabas si Nadia para kumuha ng tubig nang mapansin na nasa labas ng pinto ang amo nila."Sir Theodore! Kanina pa po kayo riyan?" tanong nito.Sabay na napalingon ang magtiya at agad na tumayo. Naunang magsalita si Manang Celeste."Ay sir, may kailangan po kayo? Pasensya na po at may sinabi lang ako sa pamangkin ko." paumanh
Dali-daling pinisil ni Nadia ang tagiliran ni Ella pagkaalis ni Theodore."Ay girl, iba ka! Sa ilang taon na pagsstay ko dito, ni minsan... ni minsan ha, hindi ko nakitang lumabas si sir Theodore nang kay aga aga dito sa hardin para lang manood ng dalagang nagdidilig ng halaman." mahabang litanya ng madaldal na dalaga"Naku Nadia, wag ka ngang malisyosa dyan, siyempre siguro dahil bago lang ako dito kaya tinitingnan niya kung mahusay akong magtrabaho.", umiiling na wika ni Ella."Kung mahusay magdilig? Weh? Kailangan tingnan kung tumatama ang tubig sa mga halaman at mga bulaklak? Ay naku girl, di ako bulag. Feeling ko talaga type ka ni sir." panunukso parin nito.Natatawang itinuloy na lamang ng dalaga ang pagdidilig. Hindi maiwasang isipin ang tungkol sa sinabi ng kasamahan ngunit ipinagkibit-balikat na lamang.***Samantala, hindi napigilan ni Aling Matilde na sumugod kinaumagahan sa bahay nila Vivia
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, pabigla bigla ang desisyon mo?" Mula sa likuran ay narinig niyang sambit ni Theodore. Kasalukuyang siyang naghuhugas ng pinagkainan dahil kakatapos lamang magdinner ng pamilya. Bumisita si Rico sa kanila nang malaman na plano na niyang humanap ng malilipatan. Dahil mabait naman ang amo nilang babae, ang mama ni Theodore, inimbitahan itong doon na maghapunan. Nagtatakang napalingon siya upang humarap dito ngunit di niya namalayan na kaunti na lamang ang pagitan nila. Madilim ang anyo nito at hindi niya maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng mga mata nito. Bahagya siyang napaurong at napakapit ang mga kamay sa lababo sa kanyang likuran. Ang napakaliit na pagitan nila ay mas lumiit pa dahil sa muling paglapit nito. "Why are you doing this to me Ella?" garalgal nitong bulong sa kanyang tenga. Ang kaninang galit nitong ekpresyon ay napalitan ng lungkot. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments