Nanginginig ang mga kamay na kumatok si Ella sa bahay ng kaibigan niyang si Vivian."Oh Ella, andyan ka na pala. Pasok ka. So eto na ang mga RTW na ibbenta natin. 50/50 tayo kahit na akin ang puhunan, alam mo namang love na love kita girl so pinarehas ko na ang hatian!" masiglang bati nito sa kanya pagkabukas ng pinto."Vivian...", hindi niya naituloy ang sasabihin, bigla siyang napahagulhol at yumakap sa kaibiganHindi alam ni Vivian ang kanyang gagawin, niyakap siya nito at hinaplos ang kanyang likod."Ella? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?", nag aalalang tanong nito sa kanya"Ang itay, muntik niya na akong pagsamantalahan", umiiyak niyang kwento sa kaibigan"Ginawa niya ulit? Aba sumosobra na talaga ang matandang yun! Manyakis siya!", galit na sabi nito,nilamukos nito ang hawak na mga RTW. Narinig niyang nagmura pa ito habang malakas na iniluwa ang chewing gum na nasa bibig. Muli. Ayaw man alalahanin ay mu
Magbasa pa