"Okay ka lang Ella?" tanong ni Rico habang nagmamaneho ito ng jeep na sinasakyan nila papuntang Maynila.
Kaklase nila ito ni Vivian nung high school sila. Bagaman at pinsan ito ng dalaga ay hindi niya ito napagtuunan ng pansin nung nanliligaw pa ito sa kanya. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at umalis sa lugar na iyon ng mga panahong yun.
Mabait ang binata sa kanya, tuwing lalabas siya sa Unibersidad na kanyang pinapasukan ay makikita ang jeep ng binata na nakaparada sa labas habang matiyaga itong nakasandal sa unahan ng sasakyan at naghihintay sa kanya. Napakatyaga nito sa panliligaw, sayang nga lamang at wala pa ito sa isip niya maging hanggang sa ngayon.
Gwapo ito, matangkad at taliwas sa dapat na kulay ng isang probinsyano, maputi ito kagaya niya. Si Vivian naman ay kayumanggi lamang ang kulay.Kapag magkakasama silang tatlo, lage silang tinutukso ng mga tao sa baryo at sinasabing dalawang gatas at isang kape silang magkakaibigan.
"Okay lang ako Rico, salamat sa inyo ni Vivian. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung hindi ako makakaalis sa bahay namin. Hindi ko kayang matulog pa ng isa pang gabi roon lalo at alam kong anytime ay itutuloy ng itay ang balak niya sa akin.", malungkot niyang tugon.
"Dapat tinawagan mo ako, simula pa nung unang pagtatangka niya sayo."
"Hindi ko na nagawa Rico, nahihiya ako. At hindi rin maaaring malaman ng iba ito, mapapahiya ang inay at alam kong mahal niya ang itay. Kaya ako na lang ang lalayo. Tutal ito naman ang gusto niya, ang magtrabaho ako. Hindi siya malulungkot na aalis ako ng bahay."
"Umasa ka na walang makakaalam nito. Masaya ako na kahit lalayo ka ay magiging ligtas ka naman sa pupuntahan mo, tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko o ng makakausap"
"Salamat Rico", maikling tugon niya rito at ipinikit ang mga mata.
Nagising si Ella sa malalakas na busina ng mga sasakyan. Nasa Maynila na siguro sila. Ibang iba sa tahimik na paligid sa probinsya.
"Ella, malapit na tayo sa subdivision na tinitirhan ng tiyahin mo, base sa address na binigay mo."
Inayos niya ang sarili, sinuklay ang nagulo niyang buhok sa pagkakatulog.
"Ganun ba? Sige tatawagan ko ang tiya. Salamat."
"Hello, Ella anak, narito ka na ba sa Maynila? Buti na lamang at narinig ko ang tawag mo sa telepo....."
"Manang Cele, ang aga niyo hong nagising ah"
Narinig ni Ella ang tinig ng isang lalaking kausap ng kanyang tiya.
"Ay sir Theodore! Magandang umaga po, este madaling araw palang po pala. Kausap ko po ang pamangkin ko, narito na po siya sa Maynila. Bakit gising na rin po kayo?" wika ng kanyang tiya.
"Matutulog palang ho ako manang, sige ho", magiliw na sagot nito rito.
"Tiya?"
"Ay anak ko! Pasensya kana, lumabas kase si sir Theodore, kinausap ako", wika nito.
"Okay lang ho tiya, magkikita na ho ulit tayo."
Nagpaalam muna siya sa tiyahin. Nag iisang kapatid ito ng inay niya. Kahit nasa Maynila ito ay lage siyang tinatawagan at pinadadalhan ng allowance kapag kailangan niya. Mahal na mahal niya ito katulad ng pagmamahal niya sa inay niya.
Nang sinabi niya rito ang ginawa ng kanyang amain ay galit na galit ito at gustong kausapin ang kanyang inay. Pinigilan lamang niya ito at sinabing hindi naman natuloy ang balak ng amain. Nakinig naman ito at inalo siya kahit sa telepono lamang. Nakiusap siyang makikituloy muna rito habang naghahanap ng trabaho sa Maynila. Pumayag kaagad ito at nangakong di sasabihin sa inay niya ang totoong dahilan ng pag alis niya.
"Tiya Cele!", masayang bati niya sa tiyahin at mahigpit na niyakap ito at hinalikan sa noo.
Maliit lamang ang kanyang tiyahin, magkasingheight sila ng kanyang inay. Maiksi ang buhok nito na parang gupit panlalaki. Kayumanggi ang kulay at may nunal na malaki sa may itaas ng kilay.
Hindi siya mapagkakamalang pamangkin nito dahil lahat ng features niya ay namana niya sa ama. Matangkad, maganda at maputi. Ang buhok niya ay natural na kulay brown lalo na kapag naaarawan, may kaunting pekas siya sa dalawang cheek bones ngunit hindi naman nakabawas sa kanyang ganda. Mas nagmukha pa nga siyang mestisa dahil dito.
"Anak ko! Dalagang dalaga kana! Napakaganda naman ng pamangkin kong ito, parang artista!" ganting bati nito sa kanya at yumakap na parang bata.
Noon pa man ay napakamasayahin na ng kanyang tiya. Nang mamatay ang kanyang ama, ang mga simpleng biro nito sa kanya at pagpapalakas ng loob ang naging dahilan ng mabilis niyang pagrecover. Lalo na ng mag asawang muli ang kanyang ina at wala nang ginawa ito kung hindi sermonan siya dahil sa maliliit na mga bagay.
"Kumain kana ba anak? Sino ang kasama mo, yayain mo sa loob at kumain muna kayo ng umagahan. Mabait naman ang amo ko at alam na paparating kayo"
"Rico?" tiningnan niya ang kaibigan at hiningi ang pagsang-ayon nito.
"Ay hindi na ho, maraming salamat po. Siniguro ko lang po na ligtas na makakarating si Ella dito sa Maynila." magalang na sagot nito sa tiyahin niya.
"Ah ganun ba anak, maraming salamat sa concern mo sa pamangkin ko." nakangiting sabi nito sa binata.
Nang umalis si Rico ay excited na niyaya ni Tiya Celeste si Ella sa loob ng bahay ng kanyang mga amo.
"Sino si Rico anak? Uyy ang anak ko, mukhang gusto ka ng binatang iyon ah, sino bang lalaki ang ihahatid ang isang babae sa kalaliman ng gabi at ganito pa kalayo." nanunuksong sabi nito habang naglalakad sila papasok.
"Ang tiya talaga, wala ho iyon. Masugid kong manliligaw dati pero hindi ko ho sinagot kase mas mahalaga sa akin ang makatapos ng pag- aaral." natatawang sagot niya rito.
"Pero gwapo ano at mukhang mabait, sayang naman!", kilig na sabi nito.
"Tiya Cele talaga, hayaan niyo na po iyon. Ang mahalaga po ay magkasama na tayo."
Habang tinitingnan ang tiyahin, ay hindi niya mapigilang mapangiti. Namiss niya ito. Alam niyang dahil dito, magiging masaya ang pagtigil niya sa Maynila. Marami siyang dapat matutuhan at malaman pero dahil kasama niya ang tiya, alam niyang makakaya niya ang lahat nang iyon.
Hindi mapigilan ni Ella na mapanganga ng ilibot ang paningin sa loob ng bahay, hindi pala bahay. Mansion.Puno ng mga mamahaling gamit at mwebles na parang mula pa sa iba't ibang bansa. Mapapansin din ang ilang mga pinto sa itaas ng mataas na hagdan.Ganito ang nililinis ng tiya sa araw-araw?Nang maisip ito ay nakaramdam siya ng awa para rito. Hindi na ito nakapag- asawa at nagkaanak, buong buhay ay namasukan na lamang bilang kasambahay. Siya lamang ang nag iisa nitong pamangkin at itinuturing na anak.Sa paglilibot ng kanyang mga mata sa paligid ng bahay ay natanaw niya ang isang lalaking nakaupo at nakapikit na parang natutulog na. Papunta na sila sa kusina nang mapatitig siya rito.Parang siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Nakasandal ito sa kanyang swivel chair at bahagyang nakahiga. Nasa harapan nito ang mga papel na siguro ay hindi pa tapos pirmahan pero nakatulugan na.
"Mama, nakilala mo na ba ang pamangkin ni Manang Cele?" aniya sa ina nang makita itong papasok ng bahay mula sa hardin.Madalas mamalagi ang ina sa hardin kahit napakaaga pa. Ito ay mula ng mamatay ang kaniyang papa. Naging malulungkutin ito pero kailanman ay hindi naman ito nawalan ng panahon sa kanya. Naging hobby na nito ang pag-aalaga ng iba't ibang halaman. Plantita sabi nga ng iba."Not yet iho, kamusta siya? I heard maganda at mabait na dalaga" wika nito"I just saw her kanina sa kitchen, meet and greet. That's all." matipid niyang sagot.Nakita niya ang bahagyang pagngiti ng ina."Ma, I know what you're thinking. No. That's impossible. I haven't moved on with Kiara, you know that." kontra niya sa iniisip ng ina."Yes iho, given the fact that you haven't finally moved on. But, it's not wrong to try falling inlove again. Alright, let's say it's not Celeste's niece. I mean, with other girls. You have to move on anak." malumanay na sabi
Dali-daling pinisil ni Nadia ang tagiliran ni Ella pagkaalis ni Theodore."Ay girl, iba ka! Sa ilang taon na pagsstay ko dito, ni minsan... ni minsan ha, hindi ko nakitang lumabas si sir Theodore nang kay aga aga dito sa hardin para lang manood ng dalagang nagdidilig ng halaman." mahabang litanya ng madaldal na dalaga"Naku Nadia, wag ka ngang malisyosa dyan, siyempre siguro dahil bago lang ako dito kaya tinitingnan niya kung mahusay akong magtrabaho.", umiiling na wika ni Ella."Kung mahusay magdilig? Weh? Kailangan tingnan kung tumatama ang tubig sa mga halaman at mga bulaklak? Ay naku girl, di ako bulag. Feeling ko talaga type ka ni sir." panunukso parin nito.Natatawang itinuloy na lamang ng dalaga ang pagdidilig. Hindi maiwasang isipin ang tungkol sa sinabi ng kasamahan ngunit ipinagkibit-balikat na lamang.***Samantala, hindi napigilan ni Aling Matilde na sumugod kinaumagahan sa bahay nila Vivia
"Manang Cele, nakita niyo po ba ang blue polo ko kase gagamitin ko sana later sa..."Hindi na naituloy ni Theodore ang sasabihin nang marinig ang tila seryosong pag uusap ng mga kasama nila sa bahay. Kabilang na si Ella."Anong gagawin natin anak ko? Baka kailangan mo nang umuwi sa inyo. Kinakabahan ako sa maaaring gawin ng ate Tilde sa iyo anak. Sa tono ng pananalita niya kanina ay talagang galit na galit" nanginginig na sabi ni Manang Cele"Tiya, umupo ho muna tayo. Huwag po kayong mag-alala, pumunta man ang inay dito ay ako na po ang bahalang makipag-usap sa kanya" paliwanag ni Ella sa tiyahin.Dali-dali namang lumabas si Nadia para kumuha ng tubig nang mapansin na nasa labas ng pinto ang amo nila."Sir Theodore! Kanina pa po kayo riyan?" tanong nito.Sabay na napalingon ang magtiya at agad na tumayo. Naunang magsalita si Manang Celeste."Ay sir, may kailangan po kayo? Pasensya na po at may sinabi lang ako sa pamangkin ko." paumanh
Unti-unti siyang nagmulat ng mata. Lahat ng nakita niya sa paligid ay hindi pamilyar sa kanya. Malambot at mabango ang kamang kinahihigaan niya. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng silid at nakitang nakatayo ang amo nilang si Theodore. Nasaan ako? Kaninong silid ito? Anong ginagawa ni sir Theodore dito? Matapos niyang insultuhin ang pagkatao ko. Hindi niya namalayan na bahagya siyang napaismid dahil sa naisip. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Theodore. Lumapit ito sa kanya at umupo sa silyang katabi ng kamang hinihigaan niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?", seryoso ngunit nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Okay lang po sir", matabang niyang sagot, hindi ito tinatapunan ng tingin. Matiim siyang tinitigan ng binata. Tumikhim ito bago muling nagsalita. "Alright, I'm sorry. I shouldn't have said all those things. I really just wondered why you suddenly came here. I am just worried about manang Cele. That's all. B
"Sir ang kamay ko po", marahan niyang hinila ang mga kamay niya. naiilang siya sa mga tingin nito.Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at mukhang walang planong bitiwan ito.Bigla namang pagpasok ni Mang Lucio. Kaagad nitong binitiwan ang kamay niya."Sir Theodore, ipinapatawag po kayo ng inyong mama", wika ng matanda at bahagyang sumulyap sa kanya.Hindi siya tumitingin sa matanda at agad na nilisan na ang lugar na iyon.Alam niyang nagulat ang binata ngunit hindi niya talaga kayang tagalan na makasama ang amain.Hindi niya na namalayan na natabig niya si Nadia na may dalang mga maruruming labahin.Napansin nito ang di maipinitang reaksyon sa mukha niya."Okay ka lang Ella? nag-aalalang tanong nito sa kaibiganTumango ang dalaga ngunit nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto.Malungkot na tiningnan na lamang ng dalaga ang kaibigan hanggang makapasok ito sa kwarto nila.Samantala, nagpatuloy na la
Theodore's POV Why do I have to feel the urge to kiss her? Theodore, stop it! She's one of your family maids. Dikta ng utak niya, pero iba ang nararamdaman ng puso niya. I think I'm falling for her. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinawakan ang baba ni Ella. Bago niya tuluyang halikan ito ay saglit niyang tiningnan ang halos perpektong mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa malarosas na labi nito na para bang napakalambot at kaysarap halikan. Hindi na niya napigilan ang sarili, banayad niyang idinampi ang labi sa labi ng dalaga. Hindi ito gumanti ng halik gaya ng inaasahan niya. Unti unting naging mapusok ang mga halik niya na alam niyang ikinabigla ng dalaga. Napansin niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito ngunit binalewala niya iyon. Napakatamis at napakalambot ng labi nito, hindi niya na magawang tumigil pa. Hanggang sa naramdaman niya ang pagganti nito sa mga halik niya, mas l
Mababakas sa mukha ni Theodore ang labis na pagtatangi sa katabing dalaga. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya. Sa katunayan, sa sobrang pagmamahal niya rito ay hiniling ng binata sa ina na bigyan ang pamilya nito ng matitirahan na malapit lamang sa mansion nila. "Theo, sabi ng inay, salamat daw sa tulong mo. Kung hindi dahil sa inyo ni tita, nagtitiis pa rin kami sa masikip at sira sira naming bahay. Ayoko na rin talaga dun, kahit ang mga tao hindi ko gusto, ang dudumi nila." nakangiwing sabi ng dalaga. Hindi pansin ni Theodore ang tila ay kakaibang ugali ng dalaga, ang mahalaga sa kanya ay malapit ito sa kanya at alam niyang itinatangi rin siya nito. "Don't mention it Kiara, you know how it made me feel pag nakakatulong ako sa 'yo, sa inyo ng pamilya mo." saad ni Theodore. Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at dinampian ito ng banayad na halik sa labi. Agad naman itong yumakap sa binata at ginantihan ito ng mas mariing halik. Naging mapusok ang saglit na sandali
"Leo, alam mo ba kung saan nakatira ang pamilya ni Kiara? Gusto ko sanang puntahan siya sa mismong bahay nila. Palage kong sinasabi na gusto kong dumalaw sa kanila pero palage niyang tinatanggihan." Hindi kumibo agad si Leo sa tinuran ng binata. Maging siya ay hindi rin basta nakakapunta sa bahay nila Kiara, dahil sa takot niya sa kuya nitong basagulero. Ang inay naman nito ay sugarol at lasinggera. Madalas na naaawa siya sa dalaga dahil sa pamilyang mayroon ito, kaya alam niyang gumagawa rin ito minsan ng mga bagay na labag sa kalooban nito. "Alam ko Theo, pero sa palagay ko ay igalang mo nalang ang pasya ni Kiara. Kung ayaw ka niya papuntahin, maaaring mayroon siyang dahilan." wika ng binata. Napaisip naman ang binata sa sinabi ng dating kababata. "Sige Leo, sa tingin ko nga ay igagalang ko na lang ang desisyon niya. Pasasaan ba at mapapatawad niya rin siguro ako." umaasang tugon nito. *** "Anak, ano? Pumayag ba si Theodore sa hiling ko? Ihahanap niya ba tayo ng mat
“Hon, nakiusap ang inay baka raw maihahanap mo kami ng ibang matitirahan. Pero magbabayad kami sa’yo buwan-buwan. Wala lang talaga kami sapat na halaga para makalipat.” ani KiaraMalamlam na tinitigan ng binata ang dalaga saka sumagot dito.“Hon, how many times do I have to tell you that you can ask me anything you want. Walang kahit anong kapalit.” mahinahong tugon ng binataLihim na nagdiwang ang kalooban ng dalaga. Malapit nang unti unting maisakatuparan ang kanilang mga plano.“Thank you hon. Alam mo ba, gsto ko na talagang makaalis dun. Ang baho baho kase at ang mga tao kung makatingin, para na akong hinuhubaran, lalo na dun sa dinadaanan ko na eskinita, tuwing uuwi ako galing trabaho.” wika ng dalagaHinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Nakaupo sila noon sa tapat ng restaurant na pinagtatrabuhan ng dalaga. Kung saan sila unang nagkakilala.“What if dun nalang sa malapit sa bahay namin kayo lumipat. I’ll ask mama if she can find a decent home for you and your family. Para rin
“Ano okay ba? Ginawa mo ba yung sinabi ko sa ‘yo?” paniniguro ng lalaki“Siyempre naman noh, ako pa ba? Sa ganda kong ‘to, pang aakit na nga lang ako magaling, di ko pa ba itotodo? “nakangiting sagot ng dalaga.“Ayos! Mukha ngang patay na patay sa ‘yo yung lalaki. Di ko makalimutan yung tsikot? Ang astig! Makakasakay din tayo dun!”, excited na sagot ng lalaki.“Oo kuya! Apir tayo dyan, gagawin ko ang lahat para hindi lang tayo makasakay, magiging atin pa yun.” nagningning ang mga mata ng dalaga sa tila instant swerte na dumating sa pamilya nila.***Tatlong oras bago iyon….“Ineng ihahatid na kita sa trabaho mo, dadaanan ko rin si Baldo, may raket kami mamaya, mukhang tiba tiba kami dito, wag lang matutunugan ng mga parak”. ani GiboNakatatandang kapatid ni Kiara si Gibo, high school lamang ang natapos nito, ngunit suportado nito ang pag aaral ng dalaga. Alam nito na sa masama nanggagaling ang ipinang papaaral sa kanya ng kapatid ngunit alam ng dalaga na wala rin siyang magagawa dahil