Chapter: Chapter 14 "Leo, alam mo ba kung saan nakatira ang pamilya ni Kiara? Gusto ko sanang puntahan siya sa mismong bahay nila. Palage kong sinasabi na gusto kong dumalaw sa kanila pero palage niyang tinatanggihan." Hindi kumibo agad si Leo sa tinuran ng binata. Maging siya ay hindi rin basta nakakapunta sa bahay nila Kiara, dahil sa takot niya sa kuya nitong basagulero. Ang inay naman nito ay sugarol at lasinggera. Madalas na naaawa siya sa dalaga dahil sa pamilyang mayroon ito, kaya alam niyang gumagawa rin ito minsan ng mga bagay na labag sa kalooban nito. "Alam ko Theo, pero sa palagay ko ay igalang mo nalang ang pasya ni Kiara. Kung ayaw ka niya papuntahin, maaaring mayroon siyang dahilan." wika ng binata. Napaisip naman ang binata sa sinabi ng dating kababata. "Sige Leo, sa tingin ko nga ay igagalang ko na lang ang desisyon niya. Pasasaan ba at mapapatawad niya rin siguro ako." umaasang tugon nito. *** "Anak, ano? Pumayag ba si Theodore sa hiling ko? Ihahanap niya ba tayo ng mat
Last Updated: 2024-11-09
Chapter: Chapter 13“Hon, nakiusap ang inay baka raw maihahanap mo kami ng ibang matitirahan. Pero magbabayad kami sa’yo buwan-buwan. Wala lang talaga kami sapat na halaga para makalipat.” ani KiaraMalamlam na tinitigan ng binata ang dalaga saka sumagot dito.“Hon, how many times do I have to tell you that you can ask me anything you want. Walang kahit anong kapalit.” mahinahong tugon ng binataLihim na nagdiwang ang kalooban ng dalaga. Malapit nang unti unting maisakatuparan ang kanilang mga plano.“Thank you hon. Alam mo ba, gsto ko na talagang makaalis dun. Ang baho baho kase at ang mga tao kung makatingin, para na akong hinuhubaran, lalo na dun sa dinadaanan ko na eskinita, tuwing uuwi ako galing trabaho.” wika ng dalagaHinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Nakaupo sila noon sa tapat ng restaurant na pinagtatrabuhan ng dalaga. Kung saan sila unang nagkakilala.“What if dun nalang sa malapit sa bahay namin kayo lumipat. I’ll ask mama if she can find a decent home for you and your family. Para rin
Last Updated: 2022-09-20
Chapter: Chapter 12“Ano okay ba? Ginawa mo ba yung sinabi ko sa ‘yo?” paniniguro ng lalaki“Siyempre naman noh, ako pa ba? Sa ganda kong ‘to, pang aakit na nga lang ako magaling, di ko pa ba itotodo? “nakangiting sagot ng dalaga.“Ayos! Mukha ngang patay na patay sa ‘yo yung lalaki. Di ko makalimutan yung tsikot? Ang astig! Makakasakay din tayo dun!”, excited na sagot ng lalaki.“Oo kuya! Apir tayo dyan, gagawin ko ang lahat para hindi lang tayo makasakay, magiging atin pa yun.” nagningning ang mga mata ng dalaga sa tila instant swerte na dumating sa pamilya nila.***Tatlong oras bago iyon….“Ineng ihahatid na kita sa trabaho mo, dadaanan ko rin si Baldo, may raket kami mamaya, mukhang tiba tiba kami dito, wag lang matutunugan ng mga parak”. ani GiboNakatatandang kapatid ni Kiara si Gibo, high school lamang ang natapos nito, ngunit suportado nito ang pag aaral ng dalaga. Alam nito na sa masama nanggagaling ang ipinang papaaral sa kanya ng kapatid ngunit alam ng dalaga na wala rin siyang magagawa dahil
Last Updated: 2022-09-15
Chapter: Chapter 11Mababakas sa mukha ni Theodore ang labis na pagtatangi sa katabing dalaga. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya. Sa katunayan, sa sobrang pagmamahal niya rito ay hiniling ng binata sa ina na bigyan ang pamilya nito ng matitirahan na malapit lamang sa mansion nila. "Theo, sabi ng inay, salamat daw sa tulong mo. Kung hindi dahil sa inyo ni tita, nagtitiis pa rin kami sa masikip at sira sira naming bahay. Ayoko na rin talaga dun, kahit ang mga tao hindi ko gusto, ang dudumi nila." nakangiwing sabi ng dalaga. Hindi pansin ni Theodore ang tila ay kakaibang ugali ng dalaga, ang mahalaga sa kanya ay malapit ito sa kanya at alam niyang itinatangi rin siya nito. "Don't mention it Kiara, you know how it made me feel pag nakakatulong ako sa 'yo, sa inyo ng pamilya mo." saad ni Theodore. Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at dinampian ito ng banayad na halik sa labi. Agad naman itong yumakap sa binata at ginantihan ito ng mas mariing halik. Naging mapusok ang saglit na sandali
Last Updated: 2022-09-15
Chapter: Chapter 10Theodore's POV Why do I have to feel the urge to kiss her? Theodore, stop it! She's one of your family maids. Dikta ng utak niya, pero iba ang nararamdaman ng puso niya. I think I'm falling for her. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinawakan ang baba ni Ella. Bago niya tuluyang halikan ito ay saglit niyang tiningnan ang halos perpektong mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa malarosas na labi nito na para bang napakalambot at kaysarap halikan. Hindi na niya napigilan ang sarili, banayad niyang idinampi ang labi sa labi ng dalaga. Hindi ito gumanti ng halik gaya ng inaasahan niya. Unti unting naging mapusok ang mga halik niya na alam niyang ikinabigla ng dalaga. Napansin niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito ngunit binalewala niya iyon. Napakatamis at napakalambot ng labi nito, hindi niya na magawang tumigil pa. Hanggang sa naramdaman niya ang pagganti nito sa mga halik niya, mas l
Last Updated: 2022-03-21
Chapter: Chapter 9"Sir ang kamay ko po", marahan niyang hinila ang mga kamay niya. naiilang siya sa mga tingin nito.Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at mukhang walang planong bitiwan ito.Bigla namang pagpasok ni Mang Lucio. Kaagad nitong binitiwan ang kamay niya."Sir Theodore, ipinapatawag po kayo ng inyong mama", wika ng matanda at bahagyang sumulyap sa kanya.Hindi siya tumitingin sa matanda at agad na nilisan na ang lugar na iyon.Alam niyang nagulat ang binata ngunit hindi niya talaga kayang tagalan na makasama ang amain.Hindi niya na namalayan na natabig niya si Nadia na may dalang mga maruruming labahin.Napansin nito ang di maipinitang reaksyon sa mukha niya."Okay ka lang Ella? nag-aalalang tanong nito sa kaibiganTumango ang dalaga ngunit nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto.Malungkot na tiningnan na lamang ng dalaga ang kaibigan hanggang makapasok ito sa kwarto nila.Samantala, nagpatuloy na la
Last Updated: 2022-03-18
Chapter: Chapter 4: Bagong Pag-asaBata pa lamang si Gabriel ay marami na siyang mga bagay na hindi magawa dahil bawal siyang mapagod. Sabi ng mama niya ay ipinanganak siya na may congenital heart disease. Mabilis siyang hingalin sa konting kilos lamang.Marami siyang gustong gawin pero dahil sa pisikal na limitasyon ay hindi na niya pinilit pa ang sarili.Lumaki naman siya sa mapagmahal na pamilya. Bagaman at pamilya sila ng mga doktor, pinalaki sila ng kanilang mga magulang na mapagkumbaba at matulungin sa kapwa. Ang kanyang ama ay lead surgeon sa isa sa mga ospital sa kanilang lugar, ang ina naman ay isang ob-gyne sonologist. Ang kuya niya ay isa na ring heart surgeon at ang bunso niyang kapatid ay medicine student rin. Siya lamang ang sa kanilang tatlo ay walang narating sa buhay, nakapag aral siya ng college, ngunit mas madalas na naghomeschool siya lalo na nung elementary at high school dahil sa mahina niyang puso. Pinayagan siya ng ina na mag aral ng Fine Arts dahil ayon dito, less ang stress para sa kanya dahi
Last Updated: 2022-09-23
Chapter: Chapter 3: Paglisan"Narito ang lahat ng mga gamit ng ate mo Maya, alam mo ba na mayroon siyang card na nagsasabing handa siyang ibigay ang kanyang organs sa kanino man na mangangailangan ng mga ito. Napakabuti ng puso ng ate mo.", wika ni Kap Gorio habang iniaabot sa kanya ang bag at ilang mga gamit ng kanyang ate.Muli ay napaiyak ang dalaga. Hindi na yata mauubos ang luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Parang ayaw na rin niya mabuhay dahil wala na sa kanya ang taong dahilan kung bakit siya nabubuhay. Sa kalagayan nito ngayon, gustuhin man niyang kumapit pa, ngunit sinigurado na ng doktor na wala na ang ate niya.Binuksan niya ang wallet nito at doon nakita ang card na sinasabi ni Kap Gorio. Isa itong organ donor card na nagsasaad na oras na ikaw ay mamatay, willing kang ibigay ang organs mo sa iba. Bumaling ang kanyang paningin sa litrato nilang magkapatid na nasa loob ng wallet nito. Mahal na mahal siya ng kanyang ate. Hindi rin ito nagkaroon ng nobyo, siya lamang at ang kinabukasan nila ang lag
Last Updated: 2022-09-22
Chapter: Chapter 2: Ang Simula ng Pighati“Maya, alis na ako”, paalam ni Riza sa kapatid.Naramdaman ng dalaga na may dumampi sa kanyang noo. Iminulat ng bahagya ang isang mata. Noo’y papalabas na ng kwarto ang ate nito matapos siyang banayad na halikan sa noo. “Ate, bakit napakaaga mo yata?”, tanong ng dalaga rito sa pagitan ng paghikab. Malalim na ang gabi nang makatulog ito dahil nakasalampak pa sa sahig ang pinsan nilang nuknukan ng arte, kausap ang boyfriend nitong manyakis. Ugali pa naman pa naman ng dalaga na maglinis kapag walang ibang tao para walang sagabal.“May inventory daw ng mga gamot sa pharmacy, kailangan namin pumasok nang maaga. Kasama ko si Pau, siya ang kasabay ko sa morning shift ngayon.” tugon nito“Kumain ka muna ate, ipagluluto kita kahit itlog para may laman ang tyan mo,” pigil ng dalaga sa kapatid.“Hindi na Maya, aalis na ako. Hindi ako pwedeng malate. Saka matulog ka pa, kase naramdaman ko kagabi, late ka na humiga, mukhang napuyat ka."Lumabas na ng pinto si Riza, si Maya naman ay umayos ng pag
Last Updated: 2022-09-22
Chapter: Chapter 1: Pagbabalik-tanaw"Maya! Heto na ang paborito nating SIOPAO ala aling Guada!" masayang bungad ni ate sa akin. Agad nitong inilabas ang plastic na naglalaman ng dalawang malalaking siopao.Kakauwi lang nito galing sa trabaho. Isa itong pharmacist sa isang maliit na botika sa bayan nila."Wow! Thank you ate! Never talaga akong nawalan ng pasalubong galing sa 'yo", excited na tugon niya rito. Nakaupo na lamang siya at nagpapahinga dahil tapos na siyang magluto ng kanilang hapunan. Tumayo siya para abutin ang plastic at agad itong binuksan. Napapikit siya nang malanghap ang mabangong aroma nito.Alam ng ate niya na kompleto na ang araw niya kapag inuwian siya nito ng siopao na binili nito sa tindahan ni aling Guada. Iba kase ang linamnam ng siopao na binebenta ng matanda. Noon pa man, ito lamang ang swak sa panlasa niya at kilala niya kung paano niluto at ginawa. Kaya naman palagi na rin silang ipinagtitira dahil suki na sila ni aling Guada.Mabilis na binuksan niya ang plastic at kinuha ang isa, kinagat
Last Updated: 2022-03-22
Chapter: PROLOGUE"Come on! Let's dance and be free! Whoooo!!!" sigaw ni Maya habang nagwawala sa dance floor kasama ang mga kaibigan.Mula nang mamatay ang ate ng dalaga ay naging buhay na nito ang pagpunta sa mga disco bars. Nilulunod ang sarili sa alak para makalimutan ang nag iisang kapatid na pinagkukunan niya ng lakas noong nabubuhay pa ito.Naglakad ang dalaga patungo sa isang lalaking nakaupo sa may sulok ng bar at agad itong hinila upang samahan silang sumayaw."Josh! Baby! Join us, let's dance and dance and daaanncee....", tawag ng dalaga sa binata habang hinihila ito, distorted na rin ang boses nito dahil sa sobrang kalasingan.Umakbay naman ang binata sa dalaga at hinawakan ito sa baywang. Inamoy niya ang buhok ng dalaga at dinampian ng halik ang leeg nito. Kumawala naman ang dalaga at nagtatakbong pumunta sa mga kaibigan habang sumasayaw.Sa isa pang sulok ng bar ay nakaupo naman si Gabriel Feliciano. Isa siya sa mga miyembro ng bandang regular na tumut
Last Updated: 2022-03-21