Share

Chapter 4: Bagong Pag-asa

Bata pa lamang si Gabriel ay marami na siyang mga bagay na hindi magawa dahil bawal siyang mapagod. Sabi ng mama niya ay ipinanganak siya na may congenital heart disease. Mabilis siyang hingalin sa konting kilos lamang.Marami siyang gustong gawin pero dahil sa pisikal na limitasyon ay hindi na niya pinilit pa ang sarili.

Lumaki naman siya sa mapagmahal na pamilya. Bagaman at pamilya sila ng mga doktor, pinalaki sila ng kanilang mga magulang na mapagkumbaba at matulungin sa kapwa.

Ang kanyang ama ay lead surgeon sa isa sa mga ospital sa kanilang lugar, ang ina naman ay isang ob-gyne sonologist. Ang kuya niya ay isa na ring heart surgeon at ang bunso niyang kapatid ay medicine student rin. Siya lamang ang sa kanilang tatlo ay walang narating sa buhay, nakapag aral siya ng college, ngunit mas madalas na naghomeschool siya lalo na nung elementary at high school dahil sa mahina niyang puso.

Pinayagan siya ng ina na mag aral ng Fine Arts dahil ayon dito, less ang stress para sa kanya dahil alam nito na hilig niya ang pagguhit. Ngunit kung wala siyang sakit sa puso, malamang na naging lead guitarist siya ng isang banda. Namana niya sa lolo niya ang hilig niya sa pagtugtog at pagkanta, sa tatay ng kanyang papa.

Iginuguhit niya ang tanawin sa harapan ng bahay nila dahil wala siyang magawa ng araw na iyon. Nakaduty ang kanyang mama at papa, ang kanyang kuya naman ay may sarili na ring pamilya kung kaya matagal na itong hindi nakatira roon. Ang bunsong kapatid niya ay nagrereview para sa midterms nito.

Malapit na siyang matapos sa iginuguhit nang marinig niya ang busina ng sasakyan ng kanyang papa. Agad niya itong sinalubong at niyakap. Bakas ang kakaibang saya sa mukha nito,tila parang tutulo rin ang luha nito. Naguluhan siya sa nakitang ikinikilos ng ama.

"Papa, why are you here this early? Hindi ba pila ang pasyente mo lalo kapag ganitong araw?" tanong niya rito

"I have a great news iho, nakahanap na ako ng heart donor. I have a strong feeling that this one is your best match,"

Hindi maipaliwanag ang sayang nakikita niya sa mga mata ng ama. Alam na rin siguro ito ng kanyang mama at tiyak na sobrang saya rin nito.

"I will call your kuya Sandro, so that he can prepare well for the operation. Ang tagal nating hinintay ito anak. Most especially your mama.", muli ay niyakap siya nito.

Pagkaraan ay busina ng isang sasakyan ang narinig nilang mag-ama. Hindi nga siya nagkamali, his mama is now heading towards them with so much joy in her eyes.

"Iho darling. When I heard the news, I cleared my schedule and hurried here. This is it anak! You can now live normally, you can do anything you want." buong pagmamahal na bungad ng ina sa kanya.

Niyakap niya ang mga magulang. Wala na siyang mahihiling pa. Ginawa ng mga ito ang lahat upang maihanap siya ng donor na magmmatch sa kanya. Alam niyang kung matagal siyang naghintay, lalo na ang mga magulang niya.

Nasa ganun silang sitwasyon nang lumabas ang bunsong kapatid niya na si Missy, nakiyakap ito sa kanila kahit hindi nito alam ang nangyayari.

"What happened kuya? ma? pa? What are you two doing here at this hour? Did something good happen?" naguguluhang tanong nito.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na sumigaw ng 'Yes!'

Naunang magsalita ang kanilang papa.

"Iha anak, we found a heart donor for your kuya. And we strongly believe that this is it. It will be a perfect match. Let's hope for the best to happen. Later I will call your kuya Sandro. Wala pa naman, but we need to celebrate."

"Really papa?! Wow, I'm so happy for you kuya Gab!" lumapit ito sa kanya at nagtatalon ito sa sobra ring tuwa. Mahal na mahal din siya nito at alam nito ang hirap ng kondisyon na mayroon siya mula pagkabata.

Habang nasa ganoong sitwasyon sila ay biglang nilipad ng hangin ang halos tapos na niyang drawing. Bumagsak ito sa sahig at na pa ‘wow’ ang lahat sa husay ng pagkakaguhit niya ng tanawin sa harapan ng kanilang bahay. Nagsalita ang kanyang ina.

“Come to think of it anak, higit pa riyan ang magagawa mo kung mapapalitan na ang iyong puso. I really can’t thank the Lord enough, for giving us this blessing”. Napaantanda ito at tumingin sa langit na puno ng pasasalamat sa Diyos.

Ang papa naman niya ay tinawagan na ang kaniyang kuya Sandro, ito ang magiging in-charge sa kanyang heart transplant. Gaya ng kanyang ama ay napakahusay nito sa larangan na napili. Nakapag asawa ito ng isa ring doktor ngunit nagsspecialize naman sa internal medicine.

Si Missy ay nagpaalam na itutuloy na ang pagrereview niya, ngunit bago ito muling umakyat sa kwarto ay umangkla ang braso nito sa kanyang kanang braso at saka bumulong.

“Kuya, after your operation at magaling ka na. Ituloy na natin yung pangarap mo na maging isang lead guitarist, my friend’s family owns a resto bar, I’ll talk to her. Just don’t tell mama, kase baka pagalitan ako na di pa man schedule ng operation mo, pinapagod na kaagad kita. “ Napahagikhik ito. Alam nilang malambing ang ina pero pag nagalit ito ay takot silang lahat.

Hindi naman sila nagkamali dahil tila nakatunog ang ginang at lumapit ito sa kanila.

“Anong pinag uusapan ng precious gems ko?”akbay nito sa dalawa

“Nothing mama! I was just telling kuya how I can’t contain my happiness for him."palusot ng dalaga at nagpaalam na. Bago ito tumalikod ay kumindat muna sa kanya at tahimik na humagikhik.

Sobrang kalog ng kapatid niya na ito, marami itong sikreto na sa kanya lamang sinasabi ‘coz everyone is expecting na magiging magaling na doktor din siya gaya ng kanilang kuya Sandro which gives her so much pressure. Pakiramdam nito ay maraming umaasa sa kanya na makakatapos nang may mataas na karangalan bukod pa sa dapat niyang maipasa ang exam.

"So iho, I think your body should prepare for the operation. You can do it. We have waited long enough for this to happen."

Mahirap makahanap ng heart donor sa Pilipinas, mapalad siya na doktor ang kanyang ama kung kaya't madali nitong nalalaman kapag may mga taong nais magdonate ng organs nila. May mga kaibigan ito sa mga organ donor organizations, dahil sanggol pa lamang siya ay mayroon na siyang kondisyon sa puso, kung kaya't noon pa man ay ginagawa na nito ang lahat upang maoperahan siya sa lalong madaling panahon. Kung kaya't sa pakiramdam niya ay napakapalad niya sa pagkakaroon ng pamilyang mayroon siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status