"Come on! Let's dance and be free! Whoooo!!!" sigaw ni Maya habang nagwawala sa dance floor kasama ang mga kaibigan.
Mula nang mamatay ang ate ng dalaga ay naging buhay na nito ang pagpunta sa mga disco bars. Nilulunod ang sarili sa alak para makalimutan ang nag iisang kapatid na pinagkukunan niya ng lakas noong nabubuhay pa ito.
Naglakad ang dalaga patungo sa isang lalaking nakaupo sa may sulok ng bar at agad itong hinila upang samahan silang sumayaw.
"Josh! Baby! Join us, let's dance and dance and daaanncee....", tawag ng dalaga sa binata habang hinihila ito, distorted na rin ang boses nito dahil sa sobrang kalasingan.
Umakbay naman ang binata sa dalaga at hinawakan ito sa baywang. Inamoy niya ang buhok ng dalaga at dinampian ng halik ang leeg nito. Kumawala naman ang dalaga at nagtatakbong pumunta sa mga kaibigan habang sumasayaw.
Sa isa pang sulok ng bar ay nakaupo naman si Gabriel Feliciano. Isa siya sa mga miyembro ng bandang regular na tumutugtog sa bar na iyon. Wala silang gig nang gabing iyon. Isa pa ay talagang gusto rin niyang mapag-isa dahil sa dami ng mga bagay na bumabagabag sa isip niya.
Sa pakiramdam ng binata, parang may kulang sa pagkatao niya na kailangang mapunan. Nakakaramdam siya ng lungkot na hindi niya mapigilan kahit wala namang dahilan.
Biglang tumigil ang masigla at maingay na tugtog. Napalitan ito ng awitin ni Pink na "Just Give Me a Reason", kaagad na nag alisan ang mga taong kanina lamang ay tumatalon at nagwawala sa pag-indak.
Isang pamilyar na kirot ang naramdaman ng binata sa dibdib niya.
Pagkaraan ay isang babae ang nakita nito na pasuray-suray na humahangos patungo sa gitna ng dance floor. Pagewang gewang ang lakad nito, dahil siguro sa kalasingan. Umiiyak ito habang sumasayaw sa saliw ng musikang kakasalang pa lamang. Nakapagtatakang bigla itong umupo sa sahig habang nakahawak ang dalawang kamay sa mukha na tila tinatakpan ito. May mga pagkakataong tinatanggal nito ang mga kamay kung kaya't makikita ang mukha ng babae lalo na kapag nasisinagan ng ilaw ng disco ball. May pait sa reaksyon sa mukha nito.
Panaka naka'y maririnig itong binibigkas ang salitang "ate" saka muling hahagulhol.
Naisip ng binata, nasaan na kaya ang mga kasama nito?
Dahil likas na maawain, agad na nilapitan ng binata ang babae.
"Miss okay ka lang?" sabay abot ng panyo rito.
Tumunghay ito at doon ay naaninag niya ang maganda at maamo nitong mukha. Tila kinurot ang puso niya at nakaramdam ng simpatya sa babae. Parang matagal na niyang kilala ito.
"Ate Riza?" wika nito sa binata, naniningkit ang mga mata na animo'y di makapaniwala sa nakikita sa harapan niya
Makalipas ang ilang sandali ay nawalan na ito ng malay. Mabuti na lamang at naroon ang binata, kung hindi ay baka napagsamantalahan na ito ng kung sino. Maingat na binuhat nito ang dalaga. Bagaman hindi ito kilala ng binata, alam niyang may personal silang koneksyon. Alam niya. Nararamdaman niya.
"Maya! Heto na ang paborito nating SIOPAO ala aling Guada!" masayang bungad ni ate sa akin. Agad nitong inilabas ang plastic na naglalaman ng dalawang malalaking siopao.Kakauwi lang nito galing sa trabaho. Isa itong pharmacist sa isang maliit na botika sa bayan nila."Wow! Thank you ate! Never talaga akong nawalan ng pasalubong galing sa 'yo", excited na tugon niya rito. Nakaupo na lamang siya at nagpapahinga dahil tapos na siyang magluto ng kanilang hapunan. Tumayo siya para abutin ang plastic at agad itong binuksan. Napapikit siya nang malanghap ang mabangong aroma nito.Alam ng ate niya na kompleto na ang araw niya kapag inuwian siya nito ng siopao na binili nito sa tindahan ni aling Guada. Iba kase ang linamnam ng siopao na binebenta ng matanda. Noon pa man, ito lamang ang swak sa panlasa niya at kilala niya kung paano niluto at ginawa. Kaya naman palagi na rin silang ipinagtitira dahil suki na sila ni aling Guada.Mabilis na binuksan niya ang plastic at kinuha ang isa, kinagat
“Maya, alis na ako”, paalam ni Riza sa kapatid.Naramdaman ng dalaga na may dumampi sa kanyang noo. Iminulat ng bahagya ang isang mata. Noo’y papalabas na ng kwarto ang ate nito matapos siyang banayad na halikan sa noo. “Ate, bakit napakaaga mo yata?”, tanong ng dalaga rito sa pagitan ng paghikab. Malalim na ang gabi nang makatulog ito dahil nakasalampak pa sa sahig ang pinsan nilang nuknukan ng arte, kausap ang boyfriend nitong manyakis. Ugali pa naman pa naman ng dalaga na maglinis kapag walang ibang tao para walang sagabal.“May inventory daw ng mga gamot sa pharmacy, kailangan namin pumasok nang maaga. Kasama ko si Pau, siya ang kasabay ko sa morning shift ngayon.” tugon nito“Kumain ka muna ate, ipagluluto kita kahit itlog para may laman ang tyan mo,” pigil ng dalaga sa kapatid.“Hindi na Maya, aalis na ako. Hindi ako pwedeng malate. Saka matulog ka pa, kase naramdaman ko kagabi, late ka na humiga, mukhang napuyat ka."Lumabas na ng pinto si Riza, si Maya naman ay umayos ng pag
"Narito ang lahat ng mga gamit ng ate mo Maya, alam mo ba na mayroon siyang card na nagsasabing handa siyang ibigay ang kanyang organs sa kanino man na mangangailangan ng mga ito. Napakabuti ng puso ng ate mo.", wika ni Kap Gorio habang iniaabot sa kanya ang bag at ilang mga gamit ng kanyang ate.Muli ay napaiyak ang dalaga. Hindi na yata mauubos ang luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Parang ayaw na rin niya mabuhay dahil wala na sa kanya ang taong dahilan kung bakit siya nabubuhay. Sa kalagayan nito ngayon, gustuhin man niyang kumapit pa, ngunit sinigurado na ng doktor na wala na ang ate niya.Binuksan niya ang wallet nito at doon nakita ang card na sinasabi ni Kap Gorio. Isa itong organ donor card na nagsasaad na oras na ikaw ay mamatay, willing kang ibigay ang organs mo sa iba. Bumaling ang kanyang paningin sa litrato nilang magkapatid na nasa loob ng wallet nito. Mahal na mahal siya ng kanyang ate. Hindi rin ito nagkaroon ng nobyo, siya lamang at ang kinabukasan nila ang lag
Bata pa lamang si Gabriel ay marami na siyang mga bagay na hindi magawa dahil bawal siyang mapagod. Sabi ng mama niya ay ipinanganak siya na may congenital heart disease. Mabilis siyang hingalin sa konting kilos lamang.Marami siyang gustong gawin pero dahil sa pisikal na limitasyon ay hindi na niya pinilit pa ang sarili.Lumaki naman siya sa mapagmahal na pamilya. Bagaman at pamilya sila ng mga doktor, pinalaki sila ng kanilang mga magulang na mapagkumbaba at matulungin sa kapwa. Ang kanyang ama ay lead surgeon sa isa sa mga ospital sa kanilang lugar, ang ina naman ay isang ob-gyne sonologist. Ang kuya niya ay isa na ring heart surgeon at ang bunso niyang kapatid ay medicine student rin. Siya lamang ang sa kanilang tatlo ay walang narating sa buhay, nakapag aral siya ng college, ngunit mas madalas na naghomeschool siya lalo na nung elementary at high school dahil sa mahina niyang puso. Pinayagan siya ng ina na mag aral ng Fine Arts dahil ayon dito, less ang stress para sa kanya dahi