Home / Romance / A PART OF ME / Chapter 2: Ang Simula ng Pighati

Share

Chapter 2: Ang Simula ng Pighati

Author: dser
last update Huling Na-update: 2022-09-22 14:30:08

“Maya, alis na ako”, paalam ni Riza sa kapatid.

Naramdaman ng dalaga na may dumampi sa kanyang noo. Iminulat ng bahagya ang isang mata. Noo’y papalabas na ng kwarto ang ate nito matapos siyang banayad na halikan sa noo.

“Ate, bakit napakaaga mo yata?”, tanong ng dalaga rito sa pagitan ng paghikab. Malalim na ang gabi nang makatulog ito dahil nakasalampak pa sa sahig ang pinsan nilang nuknukan ng arte, kausap ang boyfriend nitong manyakis. Ugali pa naman pa naman ng dalaga na maglinis kapag walang ibang tao para walang sagabal.

“May inventory daw ng mga gamot sa pharmacy, kailangan namin pumasok nang maaga. Kasama ko si Pau, siya ang kasabay ko sa morning shift ngayon.” tugon nito

“Kumain ka muna ate, ipagluluto kita kahit itlog para may laman ang tyan mo,” pigil ng dalaga sa kapatid.

“Hindi na Maya, aalis na ako. Hindi ako pwedeng malate. Saka matulog ka pa, kase naramdaman ko kagabi, late ka na humiga, mukhang napuyat ka."

Lumabas na ng pinto si Riza, si Maya naman ay umayos ng pagkakahiga at tumitig sa kisame habang malalim na nag iisip.

Ang sipag talaga ni ate. Kailangan ko na rin sigurong humanap ng trabaho para makatulong sa kanya. Kaysa inaalila lang ako ng tiyahin at pinsan ko.

Muli ay ipinikit nito ang mga mata, ini-alarm ang lumang cellphone sa alas sais. Kailangan nitong gumising ng maaga para ipagluto ang reyna at prinsesa.

***

"Mayaaaaa!!! Anong oras na? Hanggang ngayon wala ka pang naluto ni itlog para sa umagahan? Bumangon ka na dyan. Puro ka hilata!", sigaw ng galit na galit na si aling Dulce.

Sinegundahan naman ito ng anak nitong ubod ng arte.

"Kase naman ma, gabing gabi na siguro ay nanonood pa ng TV yan. Di kaagad naglinis, kagbi nung bumaba ako, bandang alas dose, dun pa lang siya naglilinis. Mapupuyat nga." panunulsol nito sa galit na ina. Kahit alam naman nito na siya ang dahilan kaya hindi nakatapos nang maaga ang pinsan. Nakangiti ito habang nasa likod ng ina at tila tuwang tuwa pa sa sermon na inaabot ng dalaga.

Dali-daling pinuntahan ng ginang ang natutulog na si Maya at agad inalis ang kumot na nakabalot sa katawan nito. Hindi pa rin gumalaw ang dalaga. Nanatiling mahimbing ang tulog nito.

Lalong nagalit ang tiyahin ng dalaga at akmang hahawakan na ito para marahas na gisingin nang biglang nagmulat ito ng mga mata.

"Oh tiya Dulce? Napakaaga niyo naman ho ata sa kwarto ko?" tila wala pa sa sariling tanong ng kakagising pa lamang na dalaga. Kinusot nito ang mga mata.

"Aba't... oy babae, tumayo ka na riyan at ipagluto mo kami ng makakain! Tandaan mo, wala kang trabaho kaya wala kang maipagmamalaki. Ang ate mo ay kakarampot lang ang ibinibigay sa akin!" galit na galit na sigaw ng matanda.

Agad na bumangon ang dalaga at itinali ang gulo gulong buhok. Tinapunan ng tingin ang pinsang kanina pa tila si Lucifer na bulong ng bulong sa tigre nitong ina. Inirapan siya nito. Napailing na lamang si Maya at bumaba na.

Magsama kayong mag-ina.

Naghilamos lamang ang dalaga pagkatapos ay sinimulan na ang paghahanda ng agahan. Ang niluto nito ay sapat lamang sa mag ina. Hindi rin naman kakayanin ng sikmura nito na sabayan ang mga ito sa pagkain. Para itong masusuka sa tuwing titingnan ang mag ina. Bukod pa sa katotohanang kinasusuklaman din ng mga ito ang dalaga.

Nang matapos sa pagluluto ang dalaga ay agad na tinawag ang reyna t prinsesa sa bahay. Ito naman ay nagpaalam na lalabas muna at magwawalis sa harapan. Sa halip na yakagin itong kumain dahil hindi pa rin ito nag almusal. Walang namutawi sa bibig ng mag ina kundi 'dapat lang'.

Sadyang tinitiis lamang nito ang masamang trato ng tiyahin dito dahil wala pa itong trabaho na kayang tumustos sa kanilang magkapatid.

Iba kase ang nais nitong gawin. Gusto nitongn maging vocalist sa isang banda. Sa pamamagitan kase ng pagkanta at pagtugtog ay parang kasama pa rin nito ang mga magulang na walang sawang sumusuporta dito noong nabubuhay pa ang mga ito. Hindi na magawa ito ng dalaga mula ng tumira ito sa kanilang tiya Dulce. Limitado lamang ang bawat kilos nilang mag ate at wala nang panahon para sa mga nais nilang gawin. Bagama't palaban si Maya. iniisip nito palage ang kalagayan ninla ng kanyang ate kaya pinipigilan nito ang sarili. Pero ang totoo, kung wala ang ate nito roon, matagal na nitong nilisan ang bahay na iyon.

"Pssst! Bakit naman parang flat na siopao ang itsura ng mukha mo?" tukso ng isang lalaki sa pananahimik ng dalaga.

Hinanap nito ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses, pagkuwa'y inirapan ito at saka binato ng walis tingting.

"Excuse me Caloy, kahit nakasimangot ako alam kong maganda pa rin ang mukha ko", gigil na tugon ng dalaga rito.

Napahagalpak ito ng tawa.

"Ang sarap mo talang biruin, gigil na gigil agad. Oo na, maganda ka naman nga. Pero mas maganda akwo!!!" biro ng binata na ikinahagalpak na rin ng dalaga. Kumembot kembot pa kase ito na animo' y isang bakla.

Bukod sa kanyang ate ay isa ito sa mga napaghihingahan niya ng sama ng loob.Ramdam niya na tunay ang pagkakaibigan nila. Pinagttyagaan nito ang kasungitan niya dahil batid nitong kaya siya ganun ay dahil sa tiyahin at pinsan niya na masasama ang ugali.

"Alam mo na Caloy ang dahilan. Kailan ba ako ngumiti dito? Kapag ikaw lang at si ate ang kausap ko. Dun lang ako nakakatawa." malungkot na wika ng dalaga.

"Maghanap ka na sa kase ng trabaho nang sa ganun ay hindi mo kailangan mamalagi dito at makita ng madalas ang tiyahin at pinsan mo."

Nanatiling nakatingin sa kawalan ang dalaga. Bahagyang niyugyog ng binata ang balikat ng dalaga.

"Uy, Maya! Ano? Gusto mo bang ihanap kita ng trabaho? Nakatapos ka naman. Gusto mo sabihin ko kay ninong, baka maihanap ka niya ng trabaho sa munisipyo?"

Kunwa'y nag isip ang dalaga saka sinang ayunan na lamang ang kaibigan. Hindi rin naman siya titigilan nito. Pero talagang iba ang gusto niyang gawin. Gusto niyang maging singer at musikera. Ngunit kung doon siya sa probinsya nila mag apply, napakaliit lamang ng sahod at tiyak kukutyain at mamaliitin lamang siya ng tiyahin.

Nagpaalam na ang dalaga sa kaibigan at papasok na sana sa sa loob ng bahay upang mag agahan nang humahangos na dumating si kap Gorio, ang kapitan ng kanilang barangay.

"Maya!Sandali lamang. Huwag kang mabibigla pero may masamang nangyari sa ate mo." malungkot na pagbabalita nito

Napatingin ang dalaga sa kaibigan habang pigil pigil ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. Tiningnan naman siya nito ng may pag-alala na parang sinasabing okay lang, walang malubhang nangyari.

"Ano hong nangyari kay ate, Kap?" ayaw man niyang marinig ang susunod nitong sasabihin ngunit kailangan niyang lakasan ang loob niya.

"Nabangga sila ng dyip na papaliko kanina sa may kanto bago ang parmasya na pinagttrabahuhan niya. Ang sabi ng mga nakakita ay iniwasan daw ng drayber ang asong papatawid. Palabas na ang ate mo at ang kaibigan niyang si Pauleen sa karinderyang kinainan nila nang mahagip sila ng sasakyan. May ilan din ang nasaktan."

Napahagulhol si Maya. Paniguradong nagutom ang ate nito dahil maagang umalis. Kaya kumain ito at ang kasamahan sa isang karinderya. Kailangang mapuntahan kaagad niya ang ate sa ospital.

Kasalanan ko ito, dapat gumising ako ng mas maaga para maipagluto si ate ng umagahan, hindi na sana siya lumabas na dahilan para mabangga siya. Kasalanan mo Maya kaya nabangga ang ate mo. Usig ng konsensya ng dalaga.

"Saang ospital ho dinala ang ate Riza? Saglit lang ho magpapaalam lang ho ako kay Tiya Dulce, sasabay ho sana aq sa patrol para makapunta roon nang mas mabilis. Kailangan ho ako ni ate Kap!" tuloy tuloy na saad ng dalaga habang patuloy sa pagtulo ang luha.

Papasok na sana ang dalaga nang pigilan ito ng kapitan.

"Coma ang ate mo, ginawa nilang lahat ang magagawa nila pero matindi ang naging pinsala sa ulo niya Maya."

Tuluyan nang napaupo sa lupa ang dalaga. Napahagulhol ito ng malakas. Agad na lumapit si Caloy at inalo ang kaibigan. Si kap Gorio naman ay kumatok sa bahay ng tiyahin ng magkapatid, saka ipinarating din ang masamang balita. Nagulat man ang mag ina, halatang hindi sincere ang reaksyon ng mga ito.

Tumakbo ang dalaga na tila walang direksyon. Hilam sa luha ang mga mata nito. Si Caloy naman ay maagap na hinabol ito, dahil mukhang wala na ito sa sarili.

Kaugnay na kabanata

  • A PART OF ME   Chapter 3: Paglisan

    "Narito ang lahat ng mga gamit ng ate mo Maya, alam mo ba na mayroon siyang card na nagsasabing handa siyang ibigay ang kanyang organs sa kanino man na mangangailangan ng mga ito. Napakabuti ng puso ng ate mo.", wika ni Kap Gorio habang iniaabot sa kanya ang bag at ilang mga gamit ng kanyang ate.Muli ay napaiyak ang dalaga. Hindi na yata mauubos ang luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Parang ayaw na rin niya mabuhay dahil wala na sa kanya ang taong dahilan kung bakit siya nabubuhay. Sa kalagayan nito ngayon, gustuhin man niyang kumapit pa, ngunit sinigurado na ng doktor na wala na ang ate niya.Binuksan niya ang wallet nito at doon nakita ang card na sinasabi ni Kap Gorio. Isa itong organ donor card na nagsasaad na oras na ikaw ay mamatay, willing kang ibigay ang organs mo sa iba. Bumaling ang kanyang paningin sa litrato nilang magkapatid na nasa loob ng wallet nito. Mahal na mahal siya ng kanyang ate. Hindi rin ito nagkaroon ng nobyo, siya lamang at ang kinabukasan nila ang lag

    Huling Na-update : 2022-09-22
  • A PART OF ME   Chapter 4: Bagong Pag-asa

    Bata pa lamang si Gabriel ay marami na siyang mga bagay na hindi magawa dahil bawal siyang mapagod. Sabi ng mama niya ay ipinanganak siya na may congenital heart disease. Mabilis siyang hingalin sa konting kilos lamang.Marami siyang gustong gawin pero dahil sa pisikal na limitasyon ay hindi na niya pinilit pa ang sarili.Lumaki naman siya sa mapagmahal na pamilya. Bagaman at pamilya sila ng mga doktor, pinalaki sila ng kanilang mga magulang na mapagkumbaba at matulungin sa kapwa. Ang kanyang ama ay lead surgeon sa isa sa mga ospital sa kanilang lugar, ang ina naman ay isang ob-gyne sonologist. Ang kuya niya ay isa na ring heart surgeon at ang bunso niyang kapatid ay medicine student rin. Siya lamang ang sa kanilang tatlo ay walang narating sa buhay, nakapag aral siya ng college, ngunit mas madalas na naghomeschool siya lalo na nung elementary at high school dahil sa mahina niyang puso. Pinayagan siya ng ina na mag aral ng Fine Arts dahil ayon dito, less ang stress para sa kanya dahi

    Huling Na-update : 2022-09-23
  • A PART OF ME   PROLOGUE

    "Come on! Let's dance and be free! Whoooo!!!" sigaw ni Maya habang nagwawala sa dance floor kasama ang mga kaibigan.Mula nang mamatay ang ate ng dalaga ay naging buhay na nito ang pagpunta sa mga disco bars. Nilulunod ang sarili sa alak para makalimutan ang nag iisang kapatid na pinagkukunan niya ng lakas noong nabubuhay pa ito.Naglakad ang dalaga patungo sa isang lalaking nakaupo sa may sulok ng bar at agad itong hinila upang samahan silang sumayaw."Josh! Baby! Join us, let's dance and dance and daaanncee....", tawag ng dalaga sa binata habang hinihila ito, distorted na rin ang boses nito dahil sa sobrang kalasingan.Umakbay naman ang binata sa dalaga at hinawakan ito sa baywang. Inamoy niya ang buhok ng dalaga at dinampian ng halik ang leeg nito. Kumawala naman ang dalaga at nagtatakbong pumunta sa mga kaibigan habang sumasayaw.Sa isa pang sulok ng bar ay nakaupo naman si Gabriel Feliciano. Isa siya sa mga miyembro ng bandang regular na tumut

    Huling Na-update : 2022-03-21
  • A PART OF ME   Chapter 1: Pagbabalik-tanaw

    "Maya! Heto na ang paborito nating SIOPAO ala aling Guada!" masayang bungad ni ate sa akin. Agad nitong inilabas ang plastic na naglalaman ng dalawang malalaking siopao.Kakauwi lang nito galing sa trabaho. Isa itong pharmacist sa isang maliit na botika sa bayan nila."Wow! Thank you ate! Never talaga akong nawalan ng pasalubong galing sa 'yo", excited na tugon niya rito. Nakaupo na lamang siya at nagpapahinga dahil tapos na siyang magluto ng kanilang hapunan. Tumayo siya para abutin ang plastic at agad itong binuksan. Napapikit siya nang malanghap ang mabangong aroma nito.Alam ng ate niya na kompleto na ang araw niya kapag inuwian siya nito ng siopao na binili nito sa tindahan ni aling Guada. Iba kase ang linamnam ng siopao na binebenta ng matanda. Noon pa man, ito lamang ang swak sa panlasa niya at kilala niya kung paano niluto at ginawa. Kaya naman palagi na rin silang ipinagtitira dahil suki na sila ni aling Guada.Mabilis na binuksan niya ang plastic at kinuha ang isa, kinagat

    Huling Na-update : 2022-03-22

Pinakabagong kabanata

  • A PART OF ME   Chapter 2: Ang Simula ng Pighati

    “Maya, alis na ako”, paalam ni Riza sa kapatid.Naramdaman ng dalaga na may dumampi sa kanyang noo. Iminulat ng bahagya ang isang mata. Noo’y papalabas na ng kwarto ang ate nito matapos siyang banayad na halikan sa noo. “Ate, bakit napakaaga mo yata?”, tanong ng dalaga rito sa pagitan ng paghikab. Malalim na ang gabi nang makatulog ito dahil nakasalampak pa sa sahig ang pinsan nilang nuknukan ng arte, kausap ang boyfriend nitong manyakis. Ugali pa naman pa naman ng dalaga na maglinis kapag walang ibang tao para walang sagabal.“May inventory daw ng mga gamot sa pharmacy, kailangan namin pumasok nang maaga. Kasama ko si Pau, siya ang kasabay ko sa morning shift ngayon.” tugon nito“Kumain ka muna ate, ipagluluto kita kahit itlog para may laman ang tyan mo,” pigil ng dalaga sa kapatid.“Hindi na Maya, aalis na ako. Hindi ako pwedeng malate. Saka matulog ka pa, kase naramdaman ko kagabi, late ka na humiga, mukhang napuyat ka."Lumabas na ng pinto si Riza, si Maya naman ay umayos ng pag

  • A PART OF ME   Chapter 1: Pagbabalik-tanaw

    "Maya! Heto na ang paborito nating SIOPAO ala aling Guada!" masayang bungad ni ate sa akin. Agad nitong inilabas ang plastic na naglalaman ng dalawang malalaking siopao.Kakauwi lang nito galing sa trabaho. Isa itong pharmacist sa isang maliit na botika sa bayan nila."Wow! Thank you ate! Never talaga akong nawalan ng pasalubong galing sa 'yo", excited na tugon niya rito. Nakaupo na lamang siya at nagpapahinga dahil tapos na siyang magluto ng kanilang hapunan. Tumayo siya para abutin ang plastic at agad itong binuksan. Napapikit siya nang malanghap ang mabangong aroma nito.Alam ng ate niya na kompleto na ang araw niya kapag inuwian siya nito ng siopao na binili nito sa tindahan ni aling Guada. Iba kase ang linamnam ng siopao na binebenta ng matanda. Noon pa man, ito lamang ang swak sa panlasa niya at kilala niya kung paano niluto at ginawa. Kaya naman palagi na rin silang ipinagtitira dahil suki na sila ni aling Guada.Mabilis na binuksan niya ang plastic at kinuha ang isa, kinagat

  • A PART OF ME   PROLOGUE

    "Come on! Let's dance and be free! Whoooo!!!" sigaw ni Maya habang nagwawala sa dance floor kasama ang mga kaibigan.Mula nang mamatay ang ate ng dalaga ay naging buhay na nito ang pagpunta sa mga disco bars. Nilulunod ang sarili sa alak para makalimutan ang nag iisang kapatid na pinagkukunan niya ng lakas noong nabubuhay pa ito.Naglakad ang dalaga patungo sa isang lalaking nakaupo sa may sulok ng bar at agad itong hinila upang samahan silang sumayaw."Josh! Baby! Join us, let's dance and dance and daaanncee....", tawag ng dalaga sa binata habang hinihila ito, distorted na rin ang boses nito dahil sa sobrang kalasingan.Umakbay naman ang binata sa dalaga at hinawakan ito sa baywang. Inamoy niya ang buhok ng dalaga at dinampian ng halik ang leeg nito. Kumawala naman ang dalaga at nagtatakbong pumunta sa mga kaibigan habang sumasayaw.Sa isa pang sulok ng bar ay nakaupo naman si Gabriel Feliciano. Isa siya sa mga miyembro ng bandang regular na tumut

DMCA.com Protection Status