Share

Chapter 1

Author: dser
last update Huling Na-update: 2021-12-21 14:20:52

Panibagong araw.

Pero hindi gaya ng karaniwang araw sa buhay ng isang dalagang katulad niya.

Kailangan niyang maging maingat, matatag at palaban.

"Ella, sasaglit lamang ako sa bayan at kailangan kong makabili ng uulamin natin mamayang tanghali bago dumating ang tatay mo galing sa bukid." malakas na sigaw ng kanyang ina sa kanya.

"Oho nay." matamlay niyang sagot.

"Abah, anong inaarte arte mo dyan? bakit ganyan ka sumagot?", sikmat nito sa kanya

Eto na naman po, wala na nga akong ginawa, sumagot na nga lang mali pa rin.

"Napuyat lang ho kagabi nay." matipid na sagot niya

"At bakit ka naman mapupuyat? Wala ka na ngang ginagawa dito, diba tapos ka na mag-aral pero ang gusto mo lage makipagkwentuhan sa kaibigan mong dinaig pa ang hostess sa kapal ng make-up at dami ng kolorete sa katawan..Lagi ka nalang wala sa bahay(fading)

Pasok sa isang tenga labas sa kabila. Sana alam niyo ang dahilan bakit mas gusto ko makipag usap kay Vivian. Siya lang ang karamay ko sa mundong ito.

"Magsaing ka ng maaga at tiyak magagalit ang itay mo pag walang nadatnan, babalik din ako kaagad", bilin nito at tuluyan ng umalis.

Kumain muna siya ng agahan at pagkatapos ay saka inasikaso ang mga gawin sa bahay.

Naglinis siya at naglaba ng damit nila ng buong linggo. Maliit lang naman ang kanilang bahay at hindi rin karamihan ang kanilang damit kung kaya mabilis naman siyang natapos.

Nagsimula na siyang maghugas ng pinggan at mga kasangkapan. Nagsaing din agad siya upang di mabungangaan ng inay niya pagdating nito. Ganap na ika-sampu pa lamang ng umaga ngunit natapos niya na ang lahat ng dapat gawin. 

Makapaligo na nga, kailangan kong makaalis kaagad ng bahay para makuha ang mga paninda namin ni Vivian. Sana sunduin niya ako dito.

Kinuha niya ang tuwalya, isinara ang pinto at agad na nagtungo sa banyo upang maligo.

Ilang minuto pa lamang, matapos hubarin ang kanyang mga damit ay may narinig siyang nagbukas ng pinto. 

"Inay, kayo na ho ba yan?", sigaw niya.

Katahimikan.

"Inay? Nakasaing na ho ako, maliligo lamang ako at sasaglit po ako kila Vivian.".

Wala pa ring sumagot. Kung ang inay niya iyon ay katakot takot na sermon na naman ang kanyang maririnig mula rito

Imposibleng ang itay niya kase masyado pang maaga para bumalik ito galing bukid.

Hinayaan na lamang niya at baka hangin lamang ang dahilan ng pagbukas ng pinto.

Kasalukuyang siyang nagsasabon ng kanyang katawan habang pakanta kanta pa nang makarinig siya ng kaluskos mula sa itaas na bahagi ng kanilang banyo. May siwang kase ito sa itaas, yari lamang ito sa plywood at maging ang mga paa ng kung sino mang nasa labas ay maaari mong matanaw kung nasa loob ka.

"Sino yan?" sigaw niya. Nakakaramdam na siya ng kaba.

Dali dali siyang nagbanlaw at itinapis na ang tuwalya sa kanyang katawan. Lumabas siya at sinilip kung may tao bang iba sa bahay nila.

Naglakad siya papasok sa sala ng bahay ng biglang may humila sa kanya sa madilim na bahagi ng kanilang bahay , niyakap siya ng mahigpit at tinakpan ang kanyang bibig. Napapikit siya sa takot.

Diyos ko! Tulungan niyo po ako.

Tuwalya lamang ang nakabalot sa kanyang katawan at wala ng iba.

Agad niyang tiningnan ang palad na nakatakip sa kanyang bibig. Isang pamilyar na amoy ang biglang nahagip ng kanyang ilong. 

Ang kanyang amain!

Nanginig agad ang tuhod niya ng mapagtanto kung sino ang humila sa kanya. Pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap nito ngunit masyado itong malakas. Hindi niya matagalan ang amoy nito dahil sa matagal na pagkakabilad sa ilalim ng sikat ng araw sa bukid.

Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas at siniko ito, agad niyang tinadyakan ang p*********i nito saka tinangkang tumakbo. Ngunit nahila nito ang kanyang tuwalya at tuluyan na siyang nahubaran.

Puno ng pagnanasang tiningnan siya ng amain at unti unting lumapit sa kanya. Tingin na animo'y handa siyang lapain ng buhay.

Anong laban niya, walang anumang saplot sa katawan niya at papag na ang nasa likuran niya. Kapag nakalapit sa kanya ang amain, tiyak wala siyang magagawa sa lakas nito.

Mag isip ka Ella, hindi pwedeng mangyaring muli ang pagtatangka niya sa iyo. Natakasan mo na iyon dati. Magagawa mo rin ngayon.

Nahagip ng kanyang paningin ang plake na napanalunan niya sa quiz bee na ginanap sa kanilang eskwelahan. Alam niyang magagamit niya ito.

Tinakpan niya ang mga maseselang bahagi ng kanyang katawan at unti unting naglakad papunta sa lamesita malapit sa harapan niya.

Ngunit sa kasamaang palad, nabasa ng kanyang amain ang iniisip niya at agad sinipa ang lamesita dahilan para matumba ito at tumalsik palayo ang plake.

Hindi niya namalayan ang mabilis na paglapit ng amain at agad siyang itinulak pahiga sa papag sa kanyang likuran.

Akmang hah***kan siya nito ngunit mabilis niyang naiiwas ang kanyang mukha, nanlaban siya ngunit malakas ito, pinupog siya nito ng h***k mula sa mukha pababa hanggang leeg habang patuloy ang kanyang panlalaban. Nagawa nitong hawakan ang kanyang isang d****b at akmang hah***kan nito. Nanlaki ang kanyang mga mata.

Hindi maaari!

Isang malakas na pwersa ang kanyang binitiwan, itinulak niya ang amain, napahiga ito sa sahig.

Sinamantala niya ang pagkakataon at agad siyang pumunta sa kwarto. Isinara ang pinto at inilock ito, iniharang ang anumang gamit na nakita niya. Doon ay humagulhol na siya.

Muntik na, muntik ng mawala ang pinakaiingatan ko. Nakakadiri siya. Nasusuka ako sa kanya. Hindi na ako ligtas sa lugar na ito. Kailangan kong makaalis. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. 

"Ella! nasaan ka bang babae ka? Kanina pa ako tawag ng tawag. Tulungan mo akong ihanda itong pinamili ko. Kailangang mailuto natin ito bago dumating ang itay mo." sigaw nito sa kanya

Inayos niya ang sarili. Nagbihis siya at saka lumabas. Hindi dapat mahalata ng inay niya ang namumugto niyang mata.

"Inay kakatapos ko lang ho maligo, nagbibihis ho ako kaya hindi ko kayo kaagad narinig." matamlay niyang sagot dito.

"Umiyak kaba?" tanong nito ng mapansin ang pamumula ng mata niya.

"Ah hindi ho inay, nadala lang ho ako sa pinapakinggan kong drama sa radyo kaya napaiyak ako."

"Tigil tigilan mo na nga iyan at hindi naman iyan makakatulong sa buhay natin. Magtrabaho ka, nakatapos ka naman ng pag-aaral. Huwag kang sumama ng sumama dyan kay Vivian, wala yan maidudulot na maganda sa iyo, patinda tinda pa kayo ng RTW, may nangyari ba? Pwe!"

Umalis ito at nagtungo sa kwarto nila ng manyakis niyang amain.

"Ay susmaryosep! Nariyan ka na pala ay hindi ka man lang nagpaparamdam", sigaw nito rito.

"Maaga akong nakatapos sa bukid kaya umuwi ako ng maaga, nakatulog ako. Katunayan ay kakagising ko lamang nang pumasok ka", inosenteng sagot nito.

Kakagising lang? Sinungaling! Muntik mo na akong pagsamantalahang hayop ka. Kunwari ka pang inosente.

"Inay tatapusin ko lang po ang paggagayat nito at aalis muna ako saglit ho." sigaw niya sa inay niya.

"Umuwi ka kaagad at magbabalat pa tayo ng kagyos para sa hapunan at pantinda ko sa palengke bukas."

"Oho nay!" sagot niya.

Kailangan kong makausap si Vivian. 

Kaugnay na kabanata

  • Maid in Love   Chapter 2

    Nanginginig ang mga kamay na kumatok si Ella sa bahay ng kaibigan niyang si Vivian."Oh Ella, andyan ka na pala. Pasok ka. So eto na ang mga RTW na ibbenta natin. 50/50 tayo kahit na akin ang puhunan, alam mo namang love na love kita girl so pinarehas ko na ang hatian!" masiglang bati nito sa kanya pagkabukas ng pinto."Vivian...", hindi niya naituloy ang sasabihin, bigla siyang napahagulhol at yumakap sa kaibiganHindi alam ni Vivian ang kanyang gagawin, niyakap siya nito at hinaplos ang kanyang likod."Ella? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?", nag aalalang tanong nito sa kanya"Ang itay, muntik niya na akong pagsamantalahan", umiiyak niyang kwento sa kaibigan"Ginawa niya ulit? Aba sumosobra na talaga ang matandang yun! Manyakis siya!", galit na sabi nito,nilamukos nito ang hawak na mga RTW. Narinig niyang nagmura pa ito habang malakas na iniluwa ang chewing gum na nasa bibig.Muli. Ayaw man alalahanin ay mu

    Huling Na-update : 2021-12-21
  • Maid in Love   Chapter 3

    "Okay ka lang Ella?" tanong ni Rico habang nagmamaneho ito ng jeep na sinasakyan nila papuntang Maynila.Kaklase nila ito ni Vivian nung high school sila. Bagaman at pinsan ito ng dalaga ay hindi niya ito napagtuunan ng pansin nung nanliligaw pa ito sa kanya. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at umalis sa lugar na iyon ng mga panahong yun.Mabait ang binata sa kanya, tuwing lalabas siya sa Unibersidad na kanyang pinapasukan ay makikita ang jeep ng binata na nakaparada sa labas habang matiyaga itong nakasandal sa unahan ng sasakyan at naghihintay sa kanya. Napakatyaga nito sa panliligaw, sayang nga lamang at wala pa ito sa isip niya maging hanggang sa ngayon.Gwapo ito, matangkad at taliwas sa dapat na kulay ng isang probinsyano, maputi ito kagaya niya. Si Vivian naman ay kayumanggi lamang ang kulay.Kapag magkakasama silang tatlo, lage silang tinutukso ng mga tao sa baryo at sinasabing dalawang gatas at isang kape silang magkakaibigan."Okay lang ako Ric

    Huling Na-update : 2021-12-21
  • Maid in Love   Chapter 4

    Hindi mapigilan ni Ella na mapanganga ng ilibot ang paningin sa loob ng bahay, hindi pala bahay. Mansion.Puno ng mga mamahaling gamit at mwebles na parang mula pa sa iba't ibang bansa. Mapapansin din ang ilang mga pinto sa itaas ng mataas na hagdan.Ganito ang nililinis ng tiya sa araw-araw?Nang maisip ito ay nakaramdam siya ng awa para rito. Hindi na ito nakapag- asawa at nagkaanak, buong buhay ay namasukan na lamang bilang kasambahay. Siya lamang ang nag iisa nitong pamangkin at itinuturing na anak.Sa paglilibot ng kanyang mga mata sa paligid ng bahay ay natanaw niya ang isang lalaking nakaupo at nakapikit na parang natutulog na. Papunta na sila sa kusina nang mapatitig siya rito.Parang siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Nakasandal ito sa kanyang swivel chair at bahagyang nakahiga. Nasa harapan nito ang mga papel na siguro ay hindi pa tapos pirmahan pero nakatulugan na.

    Huling Na-update : 2021-12-21
  • Maid in Love   Chapter 5

    "Mama, nakilala mo na ba ang pamangkin ni Manang Cele?" aniya sa ina nang makita itong papasok ng bahay mula sa hardin.Madalas mamalagi ang ina sa hardin kahit napakaaga pa. Ito ay mula ng mamatay ang kaniyang papa. Naging malulungkutin ito pero kailanman ay hindi naman ito nawalan ng panahon sa kanya. Naging hobby na nito ang pag-aalaga ng iba't ibang halaman. Plantita sabi nga ng iba."Not yet iho, kamusta siya? I heard maganda at mabait na dalaga" wika nito"I just saw her kanina sa kitchen, meet and greet. That's all." matipid niyang sagot.Nakita niya ang bahagyang pagngiti ng ina."Ma, I know what you're thinking. No. That's impossible. I haven't moved on with Kiara, you know that." kontra niya sa iniisip ng ina."Yes iho, given the fact that you haven't finally moved on. But, it's not wrong to try falling inlove again. Alright, let's say it's not Celeste's niece. I mean, with other girls. You have to move on anak." malumanay na sabi

    Huling Na-update : 2021-12-21
  • Maid in Love   Chapter 6

    Dali-daling pinisil ni Nadia ang tagiliran ni Ella pagkaalis ni Theodore."Ay girl, iba ka! Sa ilang taon na pagsstay ko dito, ni minsan... ni minsan ha, hindi ko nakitang lumabas si sir Theodore nang kay aga aga dito sa hardin para lang manood ng dalagang nagdidilig ng halaman." mahabang litanya ng madaldal na dalaga"Naku Nadia, wag ka ngang malisyosa dyan, siyempre siguro dahil bago lang ako dito kaya tinitingnan niya kung mahusay akong magtrabaho.", umiiling na wika ni Ella."Kung mahusay magdilig? Weh? Kailangan tingnan kung tumatama ang tubig sa mga halaman at mga bulaklak? Ay naku girl, di ako bulag. Feeling ko talaga type ka ni sir." panunukso parin nito.Natatawang itinuloy na lamang ng dalaga ang pagdidilig. Hindi maiwasang isipin ang tungkol sa sinabi ng kasamahan ngunit ipinagkibit-balikat na lamang.***Samantala, hindi napigilan ni Aling Matilde na sumugod kinaumagahan sa bahay nila Vivia

    Huling Na-update : 2022-03-12
  • Maid in Love   Chapter 7

    "Manang Cele, nakita niyo po ba ang blue polo ko kase gagamitin ko sana later sa..."Hindi na naituloy ni Theodore ang sasabihin nang marinig ang tila seryosong pag uusap ng mga kasama nila sa bahay. Kabilang na si Ella."Anong gagawin natin anak ko? Baka kailangan mo nang umuwi sa inyo. Kinakabahan ako sa maaaring gawin ng ate Tilde sa iyo anak. Sa tono ng pananalita niya kanina ay talagang galit na galit" nanginginig na sabi ni Manang Cele"Tiya, umupo ho muna tayo. Huwag po kayong mag-alala, pumunta man ang inay dito ay ako na po ang bahalang makipag-usap sa kanya" paliwanag ni Ella sa tiyahin.Dali-dali namang lumabas si Nadia para kumuha ng tubig nang mapansin na nasa labas ng pinto ang amo nila."Sir Theodore! Kanina pa po kayo riyan?" tanong nito.Sabay na napalingon ang magtiya at agad na tumayo. Naunang magsalita si Manang Celeste."Ay sir, may kailangan po kayo? Pasensya na po at may sinabi lang ako sa pamangkin ko." paumanh

    Huling Na-update : 2022-03-12
  • Maid in Love   Chapter 8

    Unti-unti siyang nagmulat ng mata. Lahat ng nakita niya sa paligid ay hindi pamilyar sa kanya. Malambot at mabango ang kamang kinahihigaan niya. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng silid at nakitang nakatayo ang amo nilang si Theodore. Nasaan ako? Kaninong silid ito? Anong ginagawa ni sir Theodore dito? Matapos niyang insultuhin ang pagkatao ko. Hindi niya namalayan na bahagya siyang napaismid dahil sa naisip. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Theodore. Lumapit ito sa kanya at umupo sa silyang katabi ng kamang hinihigaan niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?", seryoso ngunit nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Okay lang po sir", matabang niyang sagot, hindi ito tinatapunan ng tingin. Matiim siyang tinitigan ng binata. Tumikhim ito bago muling nagsalita. "Alright, I'm sorry. I shouldn't have said all those things. I really just wondered why you suddenly came here. I am just worried about manang Cele. That's all. B

    Huling Na-update : 2022-03-13
  • Maid in Love   Chapter 9

    "Sir ang kamay ko po", marahan niyang hinila ang mga kamay niya. naiilang siya sa mga tingin nito.Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at mukhang walang planong bitiwan ito.Bigla namang pagpasok ni Mang Lucio. Kaagad nitong binitiwan ang kamay niya."Sir Theodore, ipinapatawag po kayo ng inyong mama", wika ng matanda at bahagyang sumulyap sa kanya.Hindi siya tumitingin sa matanda at agad na nilisan na ang lugar na iyon.Alam niyang nagulat ang binata ngunit hindi niya talaga kayang tagalan na makasama ang amain.Hindi niya na namalayan na natabig niya si Nadia na may dalang mga maruruming labahin.Napansin nito ang di maipinitang reaksyon sa mukha niya."Okay ka lang Ella? nag-aalalang tanong nito sa kaibiganTumango ang dalaga ngunit nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto.Malungkot na tiningnan na lamang ng dalaga ang kaibigan hanggang makapasok ito sa kwarto nila.Samantala, nagpatuloy na la

    Huling Na-update : 2022-03-18

Pinakabagong kabanata

  • Maid in Love   Chapter 14

    "Leo, alam mo ba kung saan nakatira ang pamilya ni Kiara? Gusto ko sanang puntahan siya sa mismong bahay nila. Palage kong sinasabi na gusto kong dumalaw sa kanila pero palage niyang tinatanggihan." Hindi kumibo agad si Leo sa tinuran ng binata. Maging siya ay hindi rin basta nakakapunta sa bahay nila Kiara, dahil sa takot niya sa kuya nitong basagulero. Ang inay naman nito ay sugarol at lasinggera. Madalas na naaawa siya sa dalaga dahil sa pamilyang mayroon ito, kaya alam niyang gumagawa rin ito minsan ng mga bagay na labag sa kalooban nito. "Alam ko Theo, pero sa palagay ko ay igalang mo nalang ang pasya ni Kiara. Kung ayaw ka niya papuntahin, maaaring mayroon siyang dahilan." wika ng binata. Napaisip naman ang binata sa sinabi ng dating kababata. "Sige Leo, sa tingin ko nga ay igagalang ko na lang ang desisyon niya. Pasasaan ba at mapapatawad niya rin siguro ako." umaasang tugon nito. *** "Anak, ano? Pumayag ba si Theodore sa hiling ko? Ihahanap niya ba tayo ng mat

  • Maid in Love   Chapter 13

    “Hon, nakiusap ang inay baka raw maihahanap mo kami ng ibang matitirahan. Pero magbabayad kami sa’yo buwan-buwan. Wala lang talaga kami sapat na halaga para makalipat.” ani KiaraMalamlam na tinitigan ng binata ang dalaga saka sumagot dito.“Hon, how many times do I have to tell you that you can ask me anything you want. Walang kahit anong kapalit.” mahinahong tugon ng binataLihim na nagdiwang ang kalooban ng dalaga. Malapit nang unti unting maisakatuparan ang kanilang mga plano.“Thank you hon. Alam mo ba, gsto ko na talagang makaalis dun. Ang baho baho kase at ang mga tao kung makatingin, para na akong hinuhubaran, lalo na dun sa dinadaanan ko na eskinita, tuwing uuwi ako galing trabaho.” wika ng dalagaHinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Nakaupo sila noon sa tapat ng restaurant na pinagtatrabuhan ng dalaga. Kung saan sila unang nagkakilala.“What if dun nalang sa malapit sa bahay namin kayo lumipat. I’ll ask mama if she can find a decent home for you and your family. Para rin

  • Maid in Love   Chapter 12

    “Ano okay ba? Ginawa mo ba yung sinabi ko sa ‘yo?” paniniguro ng lalaki“Siyempre naman noh, ako pa ba? Sa ganda kong ‘to, pang aakit na nga lang ako magaling, di ko pa ba itotodo? “nakangiting sagot ng dalaga.“Ayos! Mukha ngang patay na patay sa ‘yo yung lalaki. Di ko makalimutan yung tsikot? Ang astig! Makakasakay din tayo dun!”, excited na sagot ng lalaki.“Oo kuya! Apir tayo dyan, gagawin ko ang lahat para hindi lang tayo makasakay, magiging atin pa yun.” nagningning ang mga mata ng dalaga sa tila instant swerte na dumating sa pamilya nila.***Tatlong oras bago iyon….“Ineng ihahatid na kita sa trabaho mo, dadaanan ko rin si Baldo, may raket kami mamaya, mukhang tiba tiba kami dito, wag lang matutunugan ng mga parak”. ani GiboNakatatandang kapatid ni Kiara si Gibo, high school lamang ang natapos nito, ngunit suportado nito ang pag aaral ng dalaga. Alam nito na sa masama nanggagaling ang ipinang papaaral sa kanya ng kapatid ngunit alam ng dalaga na wala rin siyang magagawa dahil

  • Maid in Love   Chapter 11

    Mababakas sa mukha ni Theodore ang labis na pagtatangi sa katabing dalaga. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya. Sa katunayan, sa sobrang pagmamahal niya rito ay hiniling ng binata sa ina na bigyan ang pamilya nito ng matitirahan na malapit lamang sa mansion nila. "Theo, sabi ng inay, salamat daw sa tulong mo. Kung hindi dahil sa inyo ni tita, nagtitiis pa rin kami sa masikip at sira sira naming bahay. Ayoko na rin talaga dun, kahit ang mga tao hindi ko gusto, ang dudumi nila." nakangiwing sabi ng dalaga. Hindi pansin ni Theodore ang tila ay kakaibang ugali ng dalaga, ang mahalaga sa kanya ay malapit ito sa kanya at alam niyang itinatangi rin siya nito. "Don't mention it Kiara, you know how it made me feel pag nakakatulong ako sa 'yo, sa inyo ng pamilya mo." saad ni Theodore. Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at dinampian ito ng banayad na halik sa labi. Agad naman itong yumakap sa binata at ginantihan ito ng mas mariing halik. Naging mapusok ang saglit na sandali

  • Maid in Love   Chapter 10

    Theodore's POV Why do I have to feel the urge to kiss her? Theodore, stop it! She's one of your family maids. Dikta ng utak niya, pero iba ang nararamdaman ng puso niya. I think I'm falling for her. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinawakan ang baba ni Ella. Bago niya tuluyang halikan ito ay saglit niyang tiningnan ang halos perpektong mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa malarosas na labi nito na para bang napakalambot at kaysarap halikan. Hindi na niya napigilan ang sarili, banayad niyang idinampi ang labi sa labi ng dalaga. Hindi ito gumanti ng halik gaya ng inaasahan niya. Unti unting naging mapusok ang mga halik niya na alam niyang ikinabigla ng dalaga. Napansin niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito ngunit binalewala niya iyon. Napakatamis at napakalambot ng labi nito, hindi niya na magawang tumigil pa. Hanggang sa naramdaman niya ang pagganti nito sa mga halik niya, mas l

  • Maid in Love   Chapter 9

    "Sir ang kamay ko po", marahan niyang hinila ang mga kamay niya. naiilang siya sa mga tingin nito.Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at mukhang walang planong bitiwan ito.Bigla namang pagpasok ni Mang Lucio. Kaagad nitong binitiwan ang kamay niya."Sir Theodore, ipinapatawag po kayo ng inyong mama", wika ng matanda at bahagyang sumulyap sa kanya.Hindi siya tumitingin sa matanda at agad na nilisan na ang lugar na iyon.Alam niyang nagulat ang binata ngunit hindi niya talaga kayang tagalan na makasama ang amain.Hindi niya na namalayan na natabig niya si Nadia na may dalang mga maruruming labahin.Napansin nito ang di maipinitang reaksyon sa mukha niya."Okay ka lang Ella? nag-aalalang tanong nito sa kaibiganTumango ang dalaga ngunit nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto.Malungkot na tiningnan na lamang ng dalaga ang kaibigan hanggang makapasok ito sa kwarto nila.Samantala, nagpatuloy na la

  • Maid in Love   Chapter 8

    Unti-unti siyang nagmulat ng mata. Lahat ng nakita niya sa paligid ay hindi pamilyar sa kanya. Malambot at mabango ang kamang kinahihigaan niya. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng silid at nakitang nakatayo ang amo nilang si Theodore. Nasaan ako? Kaninong silid ito? Anong ginagawa ni sir Theodore dito? Matapos niyang insultuhin ang pagkatao ko. Hindi niya namalayan na bahagya siyang napaismid dahil sa naisip. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Theodore. Lumapit ito sa kanya at umupo sa silyang katabi ng kamang hinihigaan niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?", seryoso ngunit nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Okay lang po sir", matabang niyang sagot, hindi ito tinatapunan ng tingin. Matiim siyang tinitigan ng binata. Tumikhim ito bago muling nagsalita. "Alright, I'm sorry. I shouldn't have said all those things. I really just wondered why you suddenly came here. I am just worried about manang Cele. That's all. B

  • Maid in Love   Chapter 7

    "Manang Cele, nakita niyo po ba ang blue polo ko kase gagamitin ko sana later sa..."Hindi na naituloy ni Theodore ang sasabihin nang marinig ang tila seryosong pag uusap ng mga kasama nila sa bahay. Kabilang na si Ella."Anong gagawin natin anak ko? Baka kailangan mo nang umuwi sa inyo. Kinakabahan ako sa maaaring gawin ng ate Tilde sa iyo anak. Sa tono ng pananalita niya kanina ay talagang galit na galit" nanginginig na sabi ni Manang Cele"Tiya, umupo ho muna tayo. Huwag po kayong mag-alala, pumunta man ang inay dito ay ako na po ang bahalang makipag-usap sa kanya" paliwanag ni Ella sa tiyahin.Dali-dali namang lumabas si Nadia para kumuha ng tubig nang mapansin na nasa labas ng pinto ang amo nila."Sir Theodore! Kanina pa po kayo riyan?" tanong nito.Sabay na napalingon ang magtiya at agad na tumayo. Naunang magsalita si Manang Celeste."Ay sir, may kailangan po kayo? Pasensya na po at may sinabi lang ako sa pamangkin ko." paumanh

  • Maid in Love   Chapter 6

    Dali-daling pinisil ni Nadia ang tagiliran ni Ella pagkaalis ni Theodore."Ay girl, iba ka! Sa ilang taon na pagsstay ko dito, ni minsan... ni minsan ha, hindi ko nakitang lumabas si sir Theodore nang kay aga aga dito sa hardin para lang manood ng dalagang nagdidilig ng halaman." mahabang litanya ng madaldal na dalaga"Naku Nadia, wag ka ngang malisyosa dyan, siyempre siguro dahil bago lang ako dito kaya tinitingnan niya kung mahusay akong magtrabaho.", umiiling na wika ni Ella."Kung mahusay magdilig? Weh? Kailangan tingnan kung tumatama ang tubig sa mga halaman at mga bulaklak? Ay naku girl, di ako bulag. Feeling ko talaga type ka ni sir." panunukso parin nito.Natatawang itinuloy na lamang ng dalaga ang pagdidilig. Hindi maiwasang isipin ang tungkol sa sinabi ng kasamahan ngunit ipinagkibit-balikat na lamang.***Samantala, hindi napigilan ni Aling Matilde na sumugod kinaumagahan sa bahay nila Vivia

DMCA.com Protection Status