Gagawin ni Izzie Vergara ang lahat madugtungan lamang ang buhay ng inang may malubhang karamdaman, kahit ang kapalit pa niyon ay ang kanyang ka-inosentehan. Nang makilala niya ang trenta y sinco anyos at bilyonaryong si Seth Santiago ay hindi na siya nagdawalang-isip pang humingi ng tulong kapalit ang isang gabi sa piling nito. Tulong na kusa naman nitong ibinigay ng walang kapalit. Buong akala ni Izzie ay hindi na muling mag-krus pa ang landas nila ng lalaki, ngunit mali siya, halos lamunin siya ng labis na kahihiyan nang malamang si Seth Santiago ay tiyuhin pala ng kanyang best-friend na si Carl. Paano kung sa muli nilang pagkikita ng binata ay singilin na siya nito sa tulong na ibinigay nito sa kanyang ina? Paano kung hingin na nito sa kanya ang isang gabi sa piling nito? Magagagawa kaya niyang ibigay kay Seth ang kanyang ipinangakong kabayaran gayong ang kapalit niyon ay ang pagkasira ng mabuting pagsasamahan nila ng pamangkin nito, o magpapadala siya sa mga pang-aakit ng lalaking may kakayahang pabaliwin siya sa loob at labas ng silid nito?
View More"Shania? You're the one behind all these?"Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa."Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa?And you!"Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda.Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania."Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bahay ni Seth
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard
Nanginginig ang mga daliring muling binasa ni Izzy ang bagong text message na ipinadala ng taong hindi niya naman kilala.Nice gift, he's sweet as a sugar. You're almost out of time, this time tomorrow I'll be able to send pretty flowers for your funeral.Mariing napa pikit si Izzy matapos mabasa iyon, hindi niya na malaman kung maka ilang ulit niya nang pinasadahan ng basa ang message na iyon pati na rin ang naunang mensaheng natanggap niya kagabi.Kung kagabi ay sadyang hindi malinaw sa kanya kung anong pakay ng kung sino man ang mga sumusunod sa kanya maging ang nag papadala ng mga messages, ngayon naman ay sigurao siyang may kinalaman ang relasyon niya kay Seth doon. Isa pang nag papagulo sa kanyang isipan ay kung dapat niya pa bang sabihin iyon kay Seth o sarilinin na lamang lalo at mukhang hanggang pag sunod at threats lang naman ang natatanggap niya.Malalim ang tumatakbo sa isipan ni Izzy, hindi rin siya halos mapalagay, isama pang maging tuhod niya nanginginig rin dahil sa m
"Isabel Vergara, sigurado ka bang maayos ka lang?"Kunot na kunot ang noo habang matamang naka titig sa kanyang tanong ni Carl, ang kanyang best friend.Nag pilit naman ng ngiti si Izzy saka mabilis na tumango "Oo naman ano, bakit naman hindi ako magiging maayos?""Aba, Izzy. Tumitingin ka man lang ba sa salamin? Nakikita mo pa ba ang sarili mo? Aba mukha ka nang bangkay sa sobrang putla mo."Naka ngusong sabi pa ni Carl na siya niya namang ikinatawa."Grabe, bangkay naman agad? Maayos lang talaga ako, promise! Siya nga pala, maraming salamat sa palibreng kape ah? Kaya talaga ikaw ang favorite kong best friend."Ngising asong biro niya kay Carl, napa irap naman ang binata bago itinulak palapit sa kanya ang platitong may lamang muffins."Nang uto ka pa, para namang may iba ka pang best friend bukod sa akin, eh ako lang naman ang nag tya-tyaga sa katigasan ng ulo mo."Agad napa nguso si Izzy sa kasungitan ng kaibigan, ganun pa man ay tinangap niya pa rin ang meryendang inilapit nito sa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments