"Umalis ka sa harapan ko," malamig na sabi sa asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang nahawa kong mali. Mula noong umalis ito sa isang bussiness trip ng amin na buwan ay bigla na lang itong nanlamig sa akin. Ako si Misha, isang babae na handang gawin ang lahat para muling maibalik ang pagmamahal ng aking asawa. Subalit sa kabila ng bawat sakripisyo at pagsusumikap, tila mas lalo siyang lumalayo at nanlalamig. Siya si Geg Montero, isang makapangyarihang business tycoon at bilyonaryo. Ang lalaking minsan kong minahal nang buong puso ay tila nagbago na. Hanggang isang araw, sa kagustuhan kong iparamdam ang aking pagmamalasakit, hinatiran ko siya ng pagkain sa opisina. Ngunit sa halip na pasasalamat ang bumungad sa akin, nasaksihan ko ang masakit na katotohanan—siya at ang kanyang sekretarya, magkasalo sa isang tagpong puno ng pagtataksil. Ngayong wasak na ang aking puso, may natitira pa bang pag-asa para maibalik ang aming relasyon, o ito na ba ang wakas ng aming pagmamahalan?
View MoreChapter 01
Misha POV "Umalis ka sa harapan ko," malamig na sabi sa asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang nahawa kong mali. Mula noong umalis ito sa isang bussiness trip ng amin na buwan ay bigla na lang itong nanlamig sa akin. Ako si Misha, isang babae na handang gawin ang lahat para muling maibalik ang pagmamahal ng aking asawa. Subalit sa kabila ng bawat sakripisyo at pagsusumikap, tila mas lalo siyang lumalayo at nanlalamig. Siya si Geg Montero, isang makapangyarihang business tycoon at bilyonaryo. Ang lalaking minsan kong minahal nang buong puso ay tila nagbago na. Hanggang isang araw, sa kagustuhan kong iparamdam ang aking pagmamalasakit, hinatiran ko siya ng pagkain sa opisina. Ngunit sa halip na pasasalamat ang bumungad sa akin, nasaksihan ko ang masakit na katotohanan—siya at ang kanyang sekretarya, magkasalo sa isang tagpong puno ng pagtataksil. Ngayong wasak na ang aking puso, may natitira pa bang pag-asa para maibalik ang aming relasyon, o ito na ba ang wakas ng aming pagmamahalan? Gulong gulo ang aking isipan dahil sa loob ng anim na taon na ginugol ko dito at pagsakripisyo ko ay tila nawala lahat nang nasaksihan ko ngayon sa loob ng opisina nito. Flashback. Habang nasa daan patungo sa kompanya ng asawa ko na si Greg, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. Napagdesisyunan kong dalhan siya ng pagkain, kahit ramdam kong nanlalamig na siya sa akin. Gusto ko rin siyang surpresahin—isang linggo na akong buntis, ngunit hindi ko pa nasasabi sa kanya. Umaasa akong ito ang magiging dahilan upang muli kaming maging masaya. Pagdating ko sa building, naramdaman kong tila nakatingin sa akin ang lahat ng empleyado. May halong awa ang mga tingin nila, pero nagpatuloy ako na parang walang nakita. Diretso akong nagtungo sa elevator, pilit nilalabanan ang kumakabog na dibdib. Pagdating ko sa floor ng opisina ni Greg, lalong tumindi ang kaba ko. Napansin kong wala ang kanyang sekretarya sa desk nito, pero inisip kong baka nasa ibang departamento lamang siya. Sa kabila ng pagtataka, lumapit ako sa pintuan ng opisina at marahang binuksan ito. Ngunit hindi ko inasahan ang tagpong bubungad sa akin. Ang asawa kong si Greg, ang lalaking pinili kong mahalin at paglaanan ng lahat, ay abala sa paglampungan kasama ang kanyang sekretarya. Kitang-kita ko ang init sa kanilang mga mata, ang ligayang tila akin lang dapat, ngunit ngayo'y ibinibigay niya sa iba. Parang tumigil ang mundo ko. Ang kaba ko kanina ay napalitan ng sakit—sakit na tila lumalagos sa bawat hibla ng puso ko. Nanginginig ang kamay kong may dalang pagkain. Hindi ko alam kung papasok ako o tatakbo palayo. Sa sandaling iyon, nawasak ang lahat ng inaasahan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sa kabila ng panginginig ng aking mga tuhod at sakit na bumalot sa aking puso, unti-unti akong humakbang patungo sa kanila. Parang pinipiga ang puso ko sa bawat hakbang, habang ang mga luha ko'y hindi na mapigil sa pag-agos. "Greg!" malakas kong tawag, dahilan upang magulat sila pareho. Napalingon ang asawa ko, at nakita ko sa mga mata parang wala lang na nahuli ko silang dalawa. Ang sekretarya naman niya ay napakagat-labi lamang ito ni ayusin ang sarili ay hindi ginawa. "Ganito ba ang ginagawa mo habang ako'y nagtitiis at umaasa na maibabalik pa ang dati nating pagmamahalan?" Nanginginig ang boses ko, puno ng galit at sakit. "Ito ba ang dahilan kung bakit nanlalamig ka sa akin? Ito ba ang ipinalit mo sa lahat ng ibinigay ko sa'yo?" Hindi ito makasagot hanggang pinahiga muli niya ang kanyang secretary nito sa ibabaw ng table niya na parang wala ako sa loob. "Sana sinabi mo na lang, Greg! Sana hindi mo na ako pinaasa! Ako na lang palagi ang lumalaban para sa atin, habang ikaw..." Napahinto ako, pilit na pinipigil ang hagulhol na gustong kumawala. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ang bigat ng bawat sakripisyong ginawa ko para sa kanya—lahat ng tiniis ko, lahat ng hinintay ko—at napagtanto kong tila walang halaga ang lahat ng iyon sa kanya. Ang sakit ay nauwi sa isang galit na hindi ko na kayang itago. Ngunit tila wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Patuloy pa rin siyang nagpatuloy sa kanyang ginagawa—walang hiya, walang alinlangan, habang nakatingin sa akin na parang hindi ako ang kanyang asawa, ang babaeng nagmahal at nagsakripisyo para sa kanya. Napalunok ako ng mapait, pilit na nilulunok ang sakit na parang tinik sa lalamunan. Pinilit kong ngumiti, kahit pa alam kong halata ang panginginig ng labi ko. "Hanggang dito na lang," mahina ngunit mariin kong sabi, pilit na pinipigilan ang boses kong mabasag. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumalikod ako, dala ang bigat ng sakit na idinulot niya sa puso ko. Ang bawat hakbang palayo sa kanya ay parang papunta sa kawalan. Parang ako ang natalo sa laban na ako lang pala ang nakikipaglaban mula sa simula. Nang nasa elevator na ako, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Dumaloy ito nang walang tigil, kasabay ng pag-alala kung paano kami nagsimula—kung paano ako nagmahal, nagtiwala, at nagpakumbaba. End Flashback. Habang binabalikan ko ang nangyari sa opisina ay hindi ko maiwasang mapangiti ng mabait. Dahil ngayon, wala na akong natirang lakas. Sa loob ng elevator na iyon, habang bumababa ang floor indicator, ramdam ko ring bumagsak na rin ang mundo ko. Paano ko pa maitatayo ang sarili ko matapos ang ganitong klase ng pagkawasak? Ang akala ko, hahabulin niya ako. Kahit papaano, umaasa pa rin ako na may gagawin siya—na pipigilan niya ako, na magsusumamo siyang magpaliwanag. Pero nagkamali ako. Wala, ni isang hakbang o tawag mula sa kanya, ni isang salita para ipaglaban ang relasyon namin. Hanggang makarating ako sa exit, bitbit pa rin ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Napansin kong mahigpit ko pa rin itong hawak, kahit parang walang silbi na ito ngayon. Napatingin ako dito at naramdaman ko ang muling pag-agos ng mga luha ko. Agad kong nilapitan ang guard na nasa pintuan. "Kuya, pakiabot na lang ito sa kung sino'ng gustong kumain," mahina kong sabi habang iniabot ang lalagyan ng pagkain. Hindi na niya nagawang magsalita, halata marahil ang bigat ng emosyon sa mukha ko. Tumango na lang siya, tinanggap ang pagkain, at tahimik akong tiningnan. Paglabas ko sa building, malamig ang hangin na tila bumabalot sa aking buong katawan. Parang sinasalamin nito ang lamig na nararamdaman ko sa puso ko. Sa bawat hakbang palayo, ramdam ko ang bigat ng kawalan, ngunit pilit kong sinabi sa sarili ko, tapos na ito. Ang tanong, paano ko muling sisimulan ang buhay na ito nang mag-isa?Chapter 25 Napatingin ako sa kanya, nagtama ang mga mata namin sa salamin. Alam kong may punto siya, pero may mga bagay akong hindi pa kayang bitiwan. Binasag ni Lily ang katahimikan. "Mommy, will Tita Lia’s wedding be like the princess weddings in fairy tales?" Napangiti ako sa tanong niya. "Maybe, sweetheart. But remember, real love stories are even better than fairy tales." Sumagot si Troy na may bahagyang biro. "Totoo 'yan, Lily. Kasi sa totoong buhay, may drama, may sakripisyo, at may matitinding plot twist." Tumawa si Lily. "Like Mommy’s story?" Nanahimik si Troy at tumingin ulit sa akin sa salamin. Alam kong pareho naming iniisip ang nakaraan—ang mga taon na lumipas, ang mga desisyong ginawa ko, at ang mga taong naiwan ko. Napabuntong-hininga ako. "Something like that," sagot ko, pilit ang ngiti. Sa sandaling iyon, narealize kong hindi lang ako basta umuwi para sa kasal. Bumalik ako sa isang buhay na matagal ko nang iniwasan. At sa bawat tanong na iniiwasan ko, unti-unt
Chapter 24Fast for years 6 years later. Andito ako ngayon kasama ng aking nag-iisang anak na babae, Lily- 5 years old. Nakasabay ng airplane pabalik sa pinas. Kasal kasi ni Lia at Troy dahilan upang kailangan naming umuwi. "Mom, can I visit to tita Lia?" Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok ni Lily. "Of course, sweetheart. Matagal ka nang hinihintay ni Tita Lia. Excited siya na makita ka ulit."Mabilis siyang tumango, bakas sa kanyang mga mata ang saya. "Yay! I miss Tita Lia so much! And Tito Troy too!"Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko inasahan na magtatapos sina Lia at Troy sa isa't isa, pero alam kong masaya ang kaibigan ko.Napatingin ako sa labas ng eroplano. Anim na taon na pala ang lumipas mula nang huli akong nasa Pilipinas. Maraming nagbago—lalo na ako."Wala na tayong atrasan, Lily. This time, we're here to stay."Habang papalapit ang eroplano sa lupa, ramdam ko ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala—mga taong iniwan ko, mga laban na pinagdaanan ko, at mga
Chapter 23 Napansin kong bahagyang tumango ang mga kasama ko. Alam kong interesado sila, pero gusto ko pang palalimin ang impact ng proposal ko. "This project will not only bring El Salvador Enterprises back to the top but will also establish our dominance in the industry. With our connections, investments, and the latest AI-driven infrastructure, we will set a new global standard." Sumandal si Troy sa upuan, nakataas ang kilay. "Ambisyoso. Pero paano mo sisiguraduhin na hindi ito babanggain ng mga kumpetisyong gustong pabagsakin ka?" Napangiti ako. "Troy, let them try. Hindi na ako ang dating Misha na basta-basta nalulugi sa laban." Nagkatinginan kami ni Lander bago siya nagpatuloy sa detalye ng project. Alam kong may mga pagsubok pang darating, pero sigurado akong hindi ako nag-iisa sa laban na ito.Nagpalit ng slide si Lander sa presentation, ipinapakita ang projected financial gains at risk assessment. "With our strategic partnerships and advanced security measures, we can mi
Chapter 22"Sandali, bakit ba lago na lang sabihin kay Lander na " Man" ? Babaeng tao yan 'eh," wika ko dito.Natawa nang bahagya si Troy at bahagyang umiling. "Relax, Misha. It’s just a habit. Besides, Lander carries herself like a true warrior—gender doesn’t matter."Napataas ang kilay ko at tumingin kay Lander, na mukhang walang pakialam sa pinag-uusapan namin. "Ikaw, wala ka bang reklamo?" tanong ko rito.Bahagya siyang ngumiti bago sumagot. "I don’t mind. Sanay na akong tawagin ng 'man' or 'dude' kahit babae ako. What matters is my skills, not my gender."Napailing ako. "Still, it feels weird. Para tuloy kayong mga macho group na nag-uusap."Troy tumawa. "Alright, alright. From now on, I’ll call her… Miss Lander? O baka naman 'boss' na rin, kasi parang ikaw na talaga ang may hawak ng lahat?" biro niya.Lander smirked. "I’ll take 'boss' if it means I get a raise."Napangisi ako. "Dream on."Nagtawanan kami, pero kahit may bahagyang biruan, alam kong hindi pa tapos ang araw na ito.
Chapter 21"With the right investors and our strategic approach, we can complete this project within three years," dagdag ni Lander. "Projected revenue? Billions.""This is ambitious," sabi ni Madam Varga habang pinag-aaralan ang proposal. "But also risky.""Business is always risky," sagot ko agad. "Pero kung gusto nating bumalik sa tuktok, hindi tayo pwedeng maglaro ng ligtas. This is the future of El Salvador Companies. And I intend to make sure we own that future."Muling nagkaroon ng katahimikan.Hanggang sa unti-unting tumango si Mr. Calloway. "I must admit, this is impressive. But do you already have investors in mind?"Ngumiti ako. "I do. In fact, I already have one confirmed investor."Nagulat ang lahat."Who?" tanong ni Madam Varga.Lumingon ako sa pinto. "You may come in now."Bumukas ang pinto, at isang matikas at makapangyarihang lalaki ang pumasok. Isang taong hindi nila inasahang magiging kakampi ko.Ang pinsan ko. Ang pamangkin ng aking Ina si Troy Sebastian isang buss
Chapter 20Nakangiti ako ng lihim ng nakita ko nagtaasan sila ng kamay pero alam ko na may pag-alinlangan pa din ang iba. Hanggang may isang matandang lalaki nagsalita."Miss El Salvador, while your claim is now officially acknowledged, we cannot ignore the fact that you have been absent from the company for years. Running a multinational empire is not as simple as just reclaiming a name. What assurances can you give us that you are capable of leading this corporation?" sabi ng matandang lalaki, ang pinaka-matagal nang board member ng El Salvador Companies.Alam kong ito ang tanong na hinihintay ng karamihan. Ang ilan ay maaaring sumang-ayon sa aking karapatan bilang tagapagmana, ngunit ang kumpiyansa nila sa aking kakayahan ay hindi pa buo.Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa gitnang upuan, ipinakita sa kanila na hindi ako natitinag."I understand your concern, Mr. Calloway," malamig kong tugon. "But let me ask you this—do you think my father built this empire alone?"Napatingin siy
Chapter 019Nagising ako bago pa sumikat ang araw. Hindi ako sigurado kung talagang nakatulog ako o kung nagpaikot-ikot lang ako sa kama buong gabi. Ang mensaheng natanggap ko kagabi ay patuloy na bumabagabag sa isip ko. Sino ang taong iyon? Ano ang tinutukoy niyang katotohanan?Dahan-dahan akong bumangon, hinaplos muli ang aking tiyan. Kailangan kong maging matatag—hindi lang para sa sarili ko kundi para sa buhay na nasa loob ko.Mabilis akong nagbihis ng itim na slacks at fitted blazer. Ang El Salvador Companies ay matagal nang nawala sa kamay ng aming pamilya, pero hindi ako papayag na manatili itong pag-aari ng iba.Pagbaba ko, naroon na si Lander, nakasandal sa pintuan ng opisina ko habang nagkakape."Maagang gising, boss," bati niya, sabay higop ng kape."Hindi ako masyadong nakatulog," sagot ko, sabay lapit sa kanya. "May natanggap akong mensahe kagabi mula sa unknown number."Agad siyang naningkit ang mga mata. "Anong sinasabi?""'Handa ka na bang harapin ang katotohanan, Mish
Chapter 018 Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, pinagmasdan ang repleksyon ko sa malaking salamin sa harapan ko. "Misha El Salvador…" pabulong kong sambit habang nakatitig sa sarili kong mata. Ako ang huling El Salvador. Ako ang natitirang tagapagmana ng lahat ng itinayo ng aming angkan. Isang hacker. Isang dating military trainee na hindi itinuloy ang landas ng pagiging sundalo—hindi dahil sa kakulangan ng kakayahan, kundi dahil sa isang trahedyang nagwasak sa lahat ng meron ako. Nawala sa akin ang lahat. Ang pamilya ko. Ang pangalan namin. Ang katahimikan ko. Pero hindi ako isang biktima. Ako ang bagyong babaliktad sa mundong nagwasak sa pamilya ko. Lumingon ako kay Lander, ang tanging pinagkakatiwalaan kong tao sa buhay na ito. "Sa tingin mo, handa na ba sila sa tunay na ako?" malamig kong tanong. Ngumiti siya nang bahagya—isang ngiting puno ng kumpiyansa. "Hindi sila kailanman magiging handa sa isang Misha El Salvador." Matalim ang titig ko habang nakata
Chapter 017Dumilim na ang paligid nang makarating ako sa penthouse. Tahimik akong naglakad papasok, ang isip ko puno ng impormasyon mula sa meeting at sa natuklasan ni Lander tungkol kay Herr Rein.Pagpasok ko sa study room, bumungad sa akin ang laptop kong nakabukas sa mesa. Agad kong sinaksak ang flash drive na ipinadala ni Lander at nagbukas ng isang encrypted folder. Isa-isang lumitaw ang mga dokumento—bank transactions, offshore accounts, at ilang lihim na kontrata na may pirma ni Herr Rein.Napapikit ako saglit, pinipigilan ang galit na unti-unting sumisiklab sa loob ko."He’s been bleeding this company dry for years."Malalalim na hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang nagpatuloy. Inisa-isa ko ang mga dokumento, hinanap ang koneksyon sa iba pang sangkot. Hindi ako magpapaka-garapal at magpapadala sa galit—hindi pa. Kailangan kong siguraduhin na walang butas ang ebidensya ko.Nag-ring ang phone ko, si Lander."Ma’am, I have more."Napakagat ako sa labi habang inaayos ang post
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments