Chapter 07
Habang patuloy kaming naglalakad palayo, ramdam ko ang matinding tensyon sa paligid. Kahit pa nasabi ko na ang gusto kong sabihin, hindi ko maiwasang maramdaman ang galit sa loob ko. Bakit kailangang ganito? Bakit kailangang pag-usapan ng buong mundo ang buhay ko, na para bang isang palabas lang ito sa telebisyon? "Lara, nakakapagod na," bulong ko habang mahigpit na hawak ang bag ko. Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit. "Alam ko, Misha. Pero kaya mo 'to. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang sarili mo sa kanila." Napatingin ako sa mga reporters na hindi pa rin umaalis. Alam kong hinihintay nilang may masabi pa ako—isang reaksyon, isang emosyonal na pagsabog. Pero hindi ko sila bibigyan ng kasiyahan na iyon. Hindi ako bibigay. Pagsakay namin sa kotse, agad akong napabuntong-hininga. "Lara, paano nila nalaman? Hindi ako makapaniwala na pati flight ko, baka alam na rin nila!" "Aalamin natin, pero ngayon, ang priority natin ay makaalis ka ng ligtas," sagot ni Lara, habang pinapaharurot ang sasakyan. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang ilang sasakyan na tila sumusunod sa amin. Putangina. Mga reporter pa rin ba ‘to? "Lara, may sumusunod sa atin," mariin kong sabi. Tiningnan niya ang rearview mirror at napamura. "Shit. Oo nga." Humigpit ang hawak ko sa bag ko. "Ayoko nang ganito, Lara. Ayokong para akong kriminal na tinutugis!" "Relax, Misha," sagot niya, pero halata ang tension sa boses niya. "Alam kong galit ka, pero huwag mong hayaang sirain ng mga ‘to ang plano mo. Mag-focus ka. Papunta ka sa bago mong buhay, tandaan mo ‘yan." Kahit pa gusto kong sumabog sa galit, alam kong tama siya. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Habang lumiliko ang kotse sa isang mas mataong daan, nakita kong unti-unting nawawala ang sasakyang sumusunod sa amin. Pero kahit pa wala na sila, hindi pa rin naaalis ang inis sa dibdib ko. "Akala nila kaya nila akong guluhin," bulong ko, mariin ang tono. "Hindi nila alam—wala na akong pakialam sa mga opinyon nila." Lumingon sa akin si Lara at tumango. "Tama ‘yan, Misha. Simula ngayon, ikaw ang may hawak ng buhay mo." At sa puntong ‘yon, alam kong tama siya. Sa kabila ng galit at inis na nararamdaman ko, may isang bagay na sigurado ako—hindi na nila ako kayang kontrolin. Hindi na nila kayang ibalik ako sa impyerno kung saan ako nagmula. Pagbaba ko ng kotse, agad akong sinalubong ni Lander, ang assistant ko, na halatang nag-aalala. Nakasuot siya ng maayos na suit, ngunit kita ko sa mukha niya ang tensyon. "Mam Misha, buti nakarating kayo nang maayos. Ang daming reporters sa paligid!" bulong niya habang inaayos ang mga dokumento sa kanyang kamay. "Alam ko," matigas kong sagot. "At wala akong balak makipag-usap pa sa kanila." "Naayos ko na lahat, Mam. Narito na ang boarding pass at travel documents mo," sabi niya habang inaabot sa akin ang mga papel. Kinuha ko iyon at pasimpleng tumingin sa paligid. May ilang mga reporter na nakatayo malapit sa entrance, pero mukhang hindi pa nila ako napapansin. "Lander, siguruhing wala nang ibang makakaalam sa flight details ko," mahina kong sabi, pero madiin. "Oo, Mam. Confidential ang lahat," sagot niya nang seryoso. Hinawakan ko ang maleta ko at huminga nang malalim. Isang hakbang na lang, at tuluyan na akong lalayo sa lahat ng sakit at gulo na iniwan ko. Lumingon ako kay Lara, na nakangiti sa akin. "Good luck, Misha. At tandaan mo, walang atrasan." Ngumiti ako nang bahagya. "Salamat, Lara. Hindi ko ito magagawa kung wala ka." Isang huling yakap bago ako lumakad papasok sa airport kasama si Lander. Hindi ko alam ang eksaktong naghihintay sa akin sa Germany, pero isang bagay ang sigurado—wala nang Greg, wala nang sakit. Walang lingon-lingon akong naglakad papasok sa airport. Ang bawat hakbang ay parang isang matibay na deklarasyon—tapos na ang nakaraan, at wala nang balikan. Si Lander ay tahimik na nakasunod sa akin, tulak-tulak ang aking bagahe, habang ako naman ay mahigpit na hawak ang mga dokumentong kailangan ko para sa biyahe. Pagdating namin sa check-in counter, maayos na inabot ni Lander ang aking passport at ticket sa ground staff. "Mam, maaga pa tayo. May oras pa kayong makapagpahinga sa lounge," sabi niya habang inaayos ang mga gamit ko. Ngumiti ako nang bahagya. "Salamat, Lander. Pero gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Gusto ko nang makaalis." Tiningnan niya ako nang may pag-aalala. "Naiintindihan ko po, Mam. Pero gusto ko lang siguraduhin na okay kayo." Huminga ako nang malalim at saglit siyang tinitigan. Alam kong si Lander ay hindi lang simpleng assistant—isa rin siyang matagal nang kasama na naging saksi sa lahat ng pinagdaanan ko. Sa dami ng panlolokong naranasan ko kay Greg, siya ang isa sa iilang taong hindi ako iniwan. "I’m fine, Lander. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon," sagot ko nang matatag. Tumango siya, pero halatang hindi pa rin siya kumbinsido. "Basta kung may kailangan kayo, nandito lang ako, Mam." Ngumiti ako. "Alam ko, Lander. Kaya nga nagpapasalamat ako sa'yo." Nang matapos ang check-in, lumakad kami papunta sa immigration. Pero bago pa kami makarating, napansin ko ang ilang mga taong nakatingin sa akin—hindi lang basta pasahero, kundi tila mga nagpapanggap na hindi ako kilala pero lihim na sumusulyap. Hindi ko alam kung paranoia lang ito o kung may ibang nagmamatyag sa akin. "Lander, may napapansin ka bang kakaiba?" mahina kong tanong habang patuloy kaming naglalakad. Bahagya siyang tumingin sa paligid at marahang tumango. "Mukhang may mga nakikilala kayo, Mam. Pero wala naman pong lumalapit." Napalunok ako. Alam kong hindi na bago ang pagiging sentro ng intriga, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng bahagyang kaba. "Hindi ko alam kung reporter o mga kasabwat ni Greg," bulong ko. "Aalamin ko, Mam," sagot niya, sabay kuha ng kanyang cellphone. Nagpatuloy kami sa paglalakad, ngunit sa likod ng isip ko, isang bagay ang sigurado—kahit anong mangyari, hindi na ako babalik sa impyernong iniwan ko. Ito na ang huling kabanata ng buhay ko sa piling ni Greg. "Okay na, Mam, naayos ko na," ngiti ni Lander habang marahang inaayos ang kanyang kwelyo, parang walang nangyari. Napatingin ako sa kaliwa, kung saan may ilang security guard na kasalukuyang hinuhuli ang isang lalaking tila pilit na lumalapit sa amin kanina. Napangiti ako, hindi lang dahil ligtas na ako, kundi dahil sa bilis mag-isip ng solusyon ni Lander.Chapter 08 "Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya, bahagyang nakataas ang kilay. "Napansin kong sumusunod siya sa atin mula pa sa check-in, kaya kinausap ko ang security. Mukhang hindi naman reporter, pero may kahina-hinalang kilos," paliwanag niya habang mahinang tinapik ang earpiece niya, tanda na may kinausap siyang tao kanina. Napatingin akong muli sa lalaking hinuhuli, at sa isang iglap, nagtama ang aming mga mata. Isang masamang ngisi ang gumuhit sa kanyang labi bago siya tuluyang pinalibutan ng mga guwardiya. Nanlamig ang katawan ko. Si Greg kaya ang nagpadala sa kanya? O isa lang itong random na espiya na sumusubok kunan ako ng impormasyon? Huminga ako nang malalim at iwinaksi ang takot sa isip ko. Hindi na ito ang panahon para magduda o matakot. Malapit na akong makalaya. "Lander, siguraduhin mong walang ibang susunod sa atin," madiin kong sabi. "Oo, Mam. Ako ang bahala," sagot niya, seryoso na ang mukha. Nagpatuloy kami sa paglakad papunta sa immigration, pero sa ka
Chapter 09Habang nakaupo ako sa aking upuan, narinig ko ang boses ng flight attendant na nagbibigay ng instructions tungkol sa safety measures ng flight.“Ladies and gentlemen, welcome aboard. Please fasten your seatbelts, ensure your seats are in an upright position, and your tray tables are securely locked…”Habang nakikinig ako, tinignan ko si Lander sa tabi ko. Tahimik lang siyang nakatingin sa kanyang phone, tila may tinitingnang mahalagang impormasyon. Hindi ko na siya inabala—alam kong ginagawa lang niya ang trabaho niya.Habang nagpapatuloy ang announcement, dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata at hinayaang dumaloy ang bawat emosyon sa loob ko. Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang lugar kung saan ako nagdusa. Sa loob ng ilang oras, magiging ibang mundo na ang gagalawan ko.Pagkatapos ng instructions, naglakad ang mga flight attendants para i-check ang bawat pasahero. Nang makalapit sila sa amin, tinulungan ako ni Lander na ayusin ang seatbelt ko.“Relax ka
Chapter 010Pagkarinig ko niyon, hindi ko napigilan ang malalim na paghinga. Ito na talaga. Wala nang balikan.Lumakad kami papunta sa baggage claim at kinuha ang natitirang mga gamit. Habang tinutulak ni Lander ang mga maleta, lumingon siya sa akin. "Anong unang plano natin, Mam?"Tumingin ako sa paligid, pinapakiramdaman ang bagong mundo na tinatapakan ko. "Una, pupunta tayo sa apartment na nirerentahan ko. Mula roon, magsisimula na tayo."Ngumiti si Lander. "Mukhang may tiwala na kayo sa bagong buhay niyo, Mam."Tumango ako, hawak-hawak ang tiyan ko. "Wala nang ibang paraan kundi ang sumulong. Para sa akin. Para sa anak ko."At sa unang hakbang ko palabas ng airport, alam kong nagsisimula na ang tunay kong laban."Lander, tinawagan mo na ba ang butler ko. Nasunduin tayo dito?" tanong ko dito.Tumango si Lander habang inilabas ang kanyang phone. "Opo, Mam. Kanina ko pa siya tinawagan bago tayo lumapag. Nasa labas na raw siya at hinihintay tayo."Mabilis kaming naglakad palabas ng ar
Chapter 011 Tumango si Lander, bakas sa mukha niya ang pagsang-ayon sa plano ko. "Naiintindihan ko, Miss Misha. Siguradong magugulat sila sa pagbabalik mo." Napangiti ako nang bahagya. Matagal na rin mula nang huling tumuntong ako sa opisina ng kumpanya ng aking mga magulang. Hindi ko alam kung paano ako tatanggapin ng mga empleyado at mga board members, pero isang bagay ang sigurado—hindi na ako ang dating Misha na mahina at takot lumaban. "Alfred, ihanda mo ang sasakyan bukas ng maaga. Gusto kong makarating sa kumpanya bago magsimula ang operations nila." "Jawohl, Miss Misha." (Opo, Miss Misha.) sagot ng butler ko habang nakayuko nang bahagya. Lumingon ako kay Lander at ngumiti nang may kumpiyansa. "Let's see how they react when their real boss walks in unannounced." Tumango siya, halatang excited sa mangyayari bukas. Habang nasa biyahe papunta sa apartment, hinayaan kong lumubog ako sa sarili kong isip. Ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay ko. At walang makakapigi
Chapter 012 Kinabukasan ay maaga ako naghanda para pumunta sa SALVADOR HOTEL dito muna ako mag obserba kung tama ba ang pagtrato ng matataas na ranggo sa kanilang kasamahan. Kampanti naman ako dahil ni minsan ay hindi pa nila nakita ang tunay kong mukha maliban sa kaibigan nila mom at dad at sa aking butler at sa assistant ko na si Lander. Maaga akong nagising at agad na nag-ayos para hindi na maantala ang plano ko. Isinuot ko ang isang simpleng business casual attire—eleganteng damit ngunit hindi masyadong agaw-pansin. Ayokong mapaghinalaan agad ng mga empleyado sa Salvador Hotel. Habang nakasakay sa sasakyan, tahimik lang akong nakatingin sa labas. Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. Matagal na akong hindi bumalik sa negosyo ng pamilya, at ngayon, gusto kong makita kung paano nila pinapatakbo ang hotel na ito—kung may respeto ba sa lahat, o may mga lumalamang lamang. "Handa ka na ba, Mam?" tanong ni Lander na siyang nagmamaneho. "Oo. Siguraduhin mong walang mak
Chapter 013 Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Malinaw na wala silang ideya kung sino ang tunay na may-ari ng Salvador Hotel—at hindi ko rin alam kung paano napasok sa eksena ang pangalang Herr Rein. Gusto kong magsalita at itama ang kanilang impormasyon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para ipakita kung sino talaga ako. Sa halip, tahimik akong bumuntong-hininga at naghintay hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas ako nang walang imik, ngunit sa loob-loob ko, mas lumakas ang determinasyon kong alamin kung sino si Herr Rein—at bakit siya ang kinikilalang may-ari ng hotel na itinayo ng aking pamilya. Pagpasok ko sa loob ng kinuha ko na room ay agad kong dinukot ang aking cellphone at tinawagan si Lander para imbestigahan kung sino si Here Reinhardt. Pagkaupo ko sa gilid ng kama, agad kong dinukot ang cellphone ko at tinawagan si Lander. Ilang ring lang ang lumipas bago niya sinagot ang tawag. "Lander, kailangan kong malaman
Chapter 014Hindi ako makapaniwala. Ilang taon akong nagpakahirap, nagtiis, at nagpakumbaba—habang ang isang estranghero ay nagpapakasasa sa iniwang pamana ng aking mga magulang.Matalim ang tingin kong ibinalik sa screen ng laptop. Isa-isang dumaan sa paningin ko ang mga dokumentong nakuha ko mula sa database ng Salvador Hotel. At doon ko nakita ang isang papel na halos ikabaliw ko—ang pirma ng aking ama, ngunit may isang bagay na mali.Mabilis kong in-zoom in ang pirma. May bahagyang pagkakaiba, isang maliit na detalye na hindi mapapansin ng sinumang walang alam. Ngunit ako? Kilala ko ang pirma ng sarili kong ama.Peke.Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi lang basta naagaw ni Herr Rein ang Salvador Hotel—ginamit niya ang isang huwad na kasunduan para ipalabas na kusang ibinenta ito ng pamilya ko.Sinungaling. Magnanakaw.Mabilis akong bumalik sa kama at muling kinuha ang cellphone ko. Wala pang ilang segundo, sinagot ni Lander ang tawag.“Ma’am?”“Lander, gusto kong maki
Chapter 015KinabukasanMaaga pa lang ay nakatayo na ako sa harap ng full-length mirror, nakasuot ng isang itim na power suit na lalong nagpalabas ng aking awtoridad. Hindi na ako ang dating babaeng nagtatago at nagtitiis. Ngayon, babalik ako bilang tunay na may-ari ng Salvador Hotel.Tumunog ang cellphone ko—si Lander."Ma’am, andito na ako sa boardroom. Lahat ng board members ay present na. At siyempre, narito rin si Herr Rein," malamig niyang balita.Napangiti ako nang mapait. "Magaling. Siguraduhin mong nandoon din ang press.""Oo, Ma’am. May ilang business reporters na rin ang nakatanggap ng anonymous tip tungkol sa meeting na ‘to," sagot niya. "Hindi ito magiging lihim na pagpupulong."Kinuha ko ang handbag ko at naglakad palabas ng suite. "Paparating na ako."Sa buong biyahe patungo sa Salvador Hotel, hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Dati, ang hotel na ito ay itinayo ng pamilya ko mula sa dugo at pawis. Isang pangarap na naging realidad. Pero ngayo
Chapter 23 Napansin kong bahagyang tumango ang mga kasama ko. Alam kong interesado sila, pero gusto ko pang palalimin ang impact ng proposal ko. "This project will not only bring El Salvador Enterprises back to the top but will also establish our dominance in the industry. With our connections, investments, and the latest AI-driven infrastructure, we will set a new global standard." Sumandal si Troy sa upuan, nakataas ang kilay. "Ambisyoso. Pero paano mo sisiguraduhin na hindi ito babanggain ng mga kumpetisyong gustong pabagsakin ka?" Napangiti ako. "Troy, let them try. Hindi na ako ang dating Misha na basta-basta nalulugi sa laban." Nagkatinginan kami ni Lander bago siya nagpatuloy sa detalye ng project. Alam kong may mga pagsubok pang darating, pero sigurado akong hindi ako nag-iisa sa laban na ito.Nagpalit ng slide si Lander sa presentation, ipinapakita ang projected financial gains at risk assessment. "With our strategic partnerships and advanced security measures, we can mi
Chapter 22"Sandali, bakit ba lago na lang sabihin kay Lander na " Man" ? Babaeng tao yan 'eh," wika ko dito.Natawa nang bahagya si Troy at bahagyang umiling. "Relax, Misha. It’s just a habit. Besides, Lander carries herself like a true warrior—gender doesn’t matter."Napataas ang kilay ko at tumingin kay Lander, na mukhang walang pakialam sa pinag-uusapan namin. "Ikaw, wala ka bang reklamo?" tanong ko rito.Bahagya siyang ngumiti bago sumagot. "I don’t mind. Sanay na akong tawagin ng 'man' or 'dude' kahit babae ako. What matters is my skills, not my gender."Napailing ako. "Still, it feels weird. Para tuloy kayong mga macho group na nag-uusap."Troy tumawa. "Alright, alright. From now on, I’ll call her… Miss Lander? O baka naman 'boss' na rin, kasi parang ikaw na talaga ang may hawak ng lahat?" biro niya.Lander smirked. "I’ll take 'boss' if it means I get a raise."Napangisi ako. "Dream on."Nagtawanan kami, pero kahit may bahagyang biruan, alam kong hindi pa tapos ang araw na ito.
Chapter 21"With the right investors and our strategic approach, we can complete this project within three years," dagdag ni Lander. "Projected revenue? Billions.""This is ambitious," sabi ni Madam Varga habang pinag-aaralan ang proposal. "But also risky.""Business is always risky," sagot ko agad. "Pero kung gusto nating bumalik sa tuktok, hindi tayo pwedeng maglaro ng ligtas. This is the future of El Salvador Companies. And I intend to make sure we own that future."Muling nagkaroon ng katahimikan.Hanggang sa unti-unting tumango si Mr. Calloway. "I must admit, this is impressive. But do you already have investors in mind?"Ngumiti ako. "I do. In fact, I already have one confirmed investor."Nagulat ang lahat."Who?" tanong ni Madam Varga.Lumingon ako sa pinto. "You may come in now."Bumukas ang pinto, at isang matikas at makapangyarihang lalaki ang pumasok. Isang taong hindi nila inasahang magiging kakampi ko.Ang pinsan ko. Ang pamangkin ng aking Ina si Troy Sebastian isang buss
Chapter 20Nakangiti ako ng lihim ng nakita ko nagtaasan sila ng kamay pero alam ko na may pag-alinlangan pa din ang iba. Hanggang may isang matandang lalaki nagsalita."Miss El Salvador, while your claim is now officially acknowledged, we cannot ignore the fact that you have been absent from the company for years. Running a multinational empire is not as simple as just reclaiming a name. What assurances can you give us that you are capable of leading this corporation?" sabi ng matandang lalaki, ang pinaka-matagal nang board member ng El Salvador Companies.Alam kong ito ang tanong na hinihintay ng karamihan. Ang ilan ay maaaring sumang-ayon sa aking karapatan bilang tagapagmana, ngunit ang kumpiyansa nila sa aking kakayahan ay hindi pa buo.Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa gitnang upuan, ipinakita sa kanila na hindi ako natitinag."I understand your concern, Mr. Calloway," malamig kong tugon. "But let me ask you this—do you think my father built this empire alone?"Napatingin siy
Chapter 019Nagising ako bago pa sumikat ang araw. Hindi ako sigurado kung talagang nakatulog ako o kung nagpaikot-ikot lang ako sa kama buong gabi. Ang mensaheng natanggap ko kagabi ay patuloy na bumabagabag sa isip ko. Sino ang taong iyon? Ano ang tinutukoy niyang katotohanan?Dahan-dahan akong bumangon, hinaplos muli ang aking tiyan. Kailangan kong maging matatag—hindi lang para sa sarili ko kundi para sa buhay na nasa loob ko.Mabilis akong nagbihis ng itim na slacks at fitted blazer. Ang El Salvador Companies ay matagal nang nawala sa kamay ng aming pamilya, pero hindi ako papayag na manatili itong pag-aari ng iba.Pagbaba ko, naroon na si Lander, nakasandal sa pintuan ng opisina ko habang nagkakape."Maagang gising, boss," bati niya, sabay higop ng kape."Hindi ako masyadong nakatulog," sagot ko, sabay lapit sa kanya. "May natanggap akong mensahe kagabi mula sa unknown number."Agad siyang naningkit ang mga mata. "Anong sinasabi?""'Handa ka na bang harapin ang katotohanan, Mish
Chapter 018 Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, pinagmasdan ang repleksyon ko sa malaking salamin sa harapan ko. "Misha El Salvador…" pabulong kong sambit habang nakatitig sa sarili kong mata. Ako ang huling El Salvador. Ako ang natitirang tagapagmana ng lahat ng itinayo ng aming angkan. Isang hacker. Isang dating military trainee na hindi itinuloy ang landas ng pagiging sundalo—hindi dahil sa kakulangan ng kakayahan, kundi dahil sa isang trahedyang nagwasak sa lahat ng meron ako. Nawala sa akin ang lahat. Ang pamilya ko. Ang pangalan namin. Ang katahimikan ko. Pero hindi ako isang biktima. Ako ang bagyong babaliktad sa mundong nagwasak sa pamilya ko. Lumingon ako kay Lander, ang tanging pinagkakatiwalaan kong tao sa buhay na ito. "Sa tingin mo, handa na ba sila sa tunay na ako?" malamig kong tanong. Ngumiti siya nang bahagya—isang ngiting puno ng kumpiyansa. "Hindi sila kailanman magiging handa sa isang Misha El Salvador." Matalim ang titig ko habang nakata
Chapter 017Dumilim na ang paligid nang makarating ako sa penthouse. Tahimik akong naglakad papasok, ang isip ko puno ng impormasyon mula sa meeting at sa natuklasan ni Lander tungkol kay Herr Rein.Pagpasok ko sa study room, bumungad sa akin ang laptop kong nakabukas sa mesa. Agad kong sinaksak ang flash drive na ipinadala ni Lander at nagbukas ng isang encrypted folder. Isa-isang lumitaw ang mga dokumento—bank transactions, offshore accounts, at ilang lihim na kontrata na may pirma ni Herr Rein.Napapikit ako saglit, pinipigilan ang galit na unti-unting sumisiklab sa loob ko."He’s been bleeding this company dry for years."Malalalim na hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang nagpatuloy. Inisa-isa ko ang mga dokumento, hinanap ang koneksyon sa iba pang sangkot. Hindi ako magpapaka-garapal at magpapadala sa galit—hindi pa. Kailangan kong siguraduhin na walang butas ang ebidensya ko.Nag-ring ang phone ko, si Lander."Ma’am, I have more."Napakagat ako sa labi habang inaayos ang post
Chapter 016Napansin kong may ilan sa kanila ang nag-aalalang nag-usap-usap. Siguro iniisip nila kung magkakaroon ng malawakang pagbabago o restructuring."Was bedeutet das für das aktuelle Management und die Mitarbeiter?" (Ano ang ibig sabihin nito para sa kasalukuyang pamunuan at mga empleyado?) tangong sa isang member. "Es wird keine plötzlichen Entlassungen oder unnötige Umstrukturierungen geben. Jeder Angestellte, der loyal und ehrlich gearbeitet hat, wird weiterhin seinen Platz in dieser Firma haben." (Walang biglaang tanggalan o hindi kinakailangang restructuring. Ang bawat empleyado na tapat at masipag sa trabaho ay mananatili sa kanilang posisyon.) mariin kong sagot dito. Nagpakawala ng buntong-hininga ang karamihan sa kanila, halatang nabawasan ang kaba nila. "Allerdings werden wir eine tiefgehende Überprüfung aller Abteilungen durchführen, um sicherzustellen, dass alles fair und transparent abläuft." (Ngunit, magsasagawa tayo ng masusing pagsusuri sa lahat ng departamen
Chapter 015KinabukasanMaaga pa lang ay nakatayo na ako sa harap ng full-length mirror, nakasuot ng isang itim na power suit na lalong nagpalabas ng aking awtoridad. Hindi na ako ang dating babaeng nagtatago at nagtitiis. Ngayon, babalik ako bilang tunay na may-ari ng Salvador Hotel.Tumunog ang cellphone ko—si Lander."Ma’am, andito na ako sa boardroom. Lahat ng board members ay present na. At siyempre, narito rin si Herr Rein," malamig niyang balita.Napangiti ako nang mapait. "Magaling. Siguraduhin mong nandoon din ang press.""Oo, Ma’am. May ilang business reporters na rin ang nakatanggap ng anonymous tip tungkol sa meeting na ‘to," sagot niya. "Hindi ito magiging lihim na pagpupulong."Kinuha ko ang handbag ko at naglakad palabas ng suite. "Paparating na ako."Sa buong biyahe patungo sa Salvador Hotel, hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Dati, ang hotel na ito ay itinayo ng pamilya ko mula sa dugo at pawis. Isang pangarap na naging realidad. Pero ngayo