Amorousness Behind Sunset

Amorousness Behind Sunset

last updateLast Updated : 2022-01-01
By:  CCmonogatariCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
8 ratings. 8 reviews
43Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

"Sa paglubog ng araw, ang liwanag ay naglalaho. Katulad ng mga ngiting sa kalungkutan natatago." Si Maureen Cruz ay isang masayahin na tao. Kahit na lumaki siya na hindi nakukuha ang lahat ng kanyang ninanais ay hindi iyon naging dahilan upang hindi yakapin at bigyan ng halaga ang buhay na mayroon siya. Primarya lamang ang kanyang natapos, at hindi na siya nakapag-aral pa dahil sa kahirapan. Gayunpaman, ginamit niya ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan upang lumaban ng patas sa hamon ng buhay. Hanggang saan siya susubukin at dadalhin ng kanyang matapang na personalidad kung pag-ibig na ang sumukat sa kanyang dignidad? Mapanindigan kaya niya ang pag-ibig na itinanim nito sa kanyang puso at diwa? Hanggang kailan? Tunghayan ang k’wentong pag-ibig ng isang babaeng magtuturo, kung gaano kaganda ang buhay mula sa likod ng takipsilim. DISCLAIMER: No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Names, Characters, Places and Incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. ️ WARNING ️ It may contain mature scenes and words. Read at your own risk.

View More

Chapter 1

Prologue

"ANG GANDA NG SUNSET." 

Pinilit ko ang ngumiti sa harapan nito, matapos niyang sabihin iyon. 

“Sayang nga lang, dahil walang permanente sa mundo. Nawawala rin ang kagandahan nito, sa tuwing sasapit ang gabi,” Bahagya akong yumuko nang sandali siyang huminto sa pagsasalita. 

“Parang buhay ng tao. Mayroong hangganan," Agad kong hinanap ang kanyang mga mata, nang mag-angat ako nang tingin dahil sa kanyang sinabi.

Pinagmasdan ko siya. Matagal. Pagkaraa’y muli akong tumingin sa takipsilim na kanina pa namin pinagmamasdan.

Huminga ako nang malalim, saka pilit na nagsalita. 

"Alam mo, simula nang mawala si Papa sa buhay namin, natuto akong mahalin at pahalagahan ang takipsilim," Nagbaba ako nang mukha.

"Sa tuwing tumitingin kasi ako sa sunset, doon lang ako nakararamdam nang ligaya. Tila— ang bagay na ito ang nagpapaalala sa akin na sa buhay ko, ay mayroon pa rin pa lang magandang makikita, kahit na alam ko na mabilis din ‘yong nawawala," Ngumiti ako at muling huminga nang malalim. 

"Pero— buti pa ang takipsilim, bumabalik," Lumunok ako, at tipid na ngumiti bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi katulad ng mga taong mahalaga sa buhay natin. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan natin sila maaring makasama sa mundong ito. Kahit tayo, hindi nila alam kung hanggang kailan nila pwedeng makasama— kung gaano katagal,” Napatingin ako sa kanyang maputlang mukha matapos kong sabihin iyon. Ewan ko, pero tila lalo akong nakaramdam ng lungkot. 

Dati-rati ay awtomatiko akong napapangiti, kapag nagtatama ang aming mga mata. Iba kasi ang tuwa na dala n'yon sa akin. Pero ngayon, ay tila isa itong painting na nawalan ng buhay dahil unti-unti nang kumupas ang sigla't maganda nitong kulay.

Natigilan ako, nang maramdaman na dahan-dahan niyang ikiniling ang kanyang ulo sa 'king balikat. Napakagat ako sa ‘king ibabang labi.

Nandito kami ngayon sa paborito kong lugar, sa dako kung saan kami unang nagkakilala at nakapag palagayan ng loob sa isa't isa— sa dagat. Isang sakay lamang, mula sa ‘king tahanan.

Bata pa lang ako, ay mahilig na ‘ko sa takipsilim. Ito ang naging sandalan ko, noong mga panahong nilalamon ako ng kalungkutan simula nang mawala si Papa sa buhay namin ng pamilya ko.

Madalas ako rito, kapag natatapos sa pagtitinda ng turon, banana cue, at kung anu-ano pa.

Labing-dalawang taong gulang pa lamang ako, ay ginagawa ko na ang bagay na iyon. Sa murang edad, ay namulat na ako sa realidad ng buhay, dahil sa maagang pagkaulila sa aming ama. At no’ng mga panahon na iyon ay nagdadalang tao pa ang aking ina, mula sa aming bunso na si Maro. 

Na-depress noon si Nanay, kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang tumigil na lamang sa pag-aaral at kumayod, dahil bukod sa kailangan namin nang makakain sa araw-araw, ay ninais ko ang makatulong sa mahal kong ina— sa aking pamilya.

Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid, at ako lamang ang babae. Baitang apat lang ang aking naabot sa elementarya. Nais ko man ang makapagtapos, ay mas pinili ko na lang na magparaya upang matulungan ang aking nakatatandang kapatid na lalaki— si Kuya Marv. Malapit na kasi siya sa ika-apat na antas ng haiskul noon, bago nawala si Papa sa aming buhay.

Pinili kong maghanap-buhay sa pamamagitan nang pagtitinda ng kung anu-ano. Alam ko, na hindi lang ako ang nagsasakripisyo noon pa man, dahil bago noon pumasok sa eskwelahan si Kuya ay nagluluto muna ito ng turon at banana cue— tinutulungan niya muna ako sa mga ilalako ko no’n sa maghapon. 

Nagtulungan kami, dahil bukod sa bagong panganak lamang no’n si Nanay, ay nais din naming makabangon. Nais namin ni Kuya gampanan ang responsibilidad na naiwan ni Papa— gusto naming bumalik sa rati ang aming ina. Gusto namin na maging maayos ang aming buhay.

Mula noon, ay tinanggal ko ang hiya sa aking isipan, maging sa aking katawan. Alam ko kasi na walang mangyayari kung hindi ko kakapalan ang aking mukha. 

Umabot ako sa punto ng buhay ko na kahit sentimo ay aking pinahalagahan. Minsan nga, kapag nakakaabot ako sa lugar na hindi na ako pamilyar, ay sumasabit na lamang ako sa jeep makauwi lang noon sa amin. Pero bago umuwi sa aming tahanan ay dumaraan muna ako sa paborito kong lugar. Dito, kung saan malayang nakapagpapahinga ang aking isipan mula sa realidad ng buhay.

Dito ko nakilala si Jayrald. Ewan ko, pero bigla na lamang itong sumulpot nang isang beses ay napaiyak na lang ako dahil sa bigat nang nararamdaman ko no’n— dahil sa mga hirap na nararanasan ko sa buhay. Gano’n ako kapag mabigat na ang pakiramdam, kapag hindi ko na kayang itago. 

Masayahin kasi akong tao kung titingnan, ngunit sa loob ko’y basag na basag ako.

"I’m glad you came into my life.”

Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang mahinang tinig ng lalaking nasa aking tabi. Hindi ko alam, pero mabilis kong naramdaman ang pag-init sa dalawang gilid ng aking magkabilaang mga mata. Dahilan, kaya dahan-dahan kong kinuha ang isa sa mga kamay nito.

“Isang taon mahigit na tayong nagkakasama, pero kahit kailan ay hindi ka nagbabago sa ‘kin,” wala akong naisagot kundi iling lamang sa muli niyang pagsasalita.

“Reen.” 

Halos pabulong na lamang iyon. Pero hindi ko inabala ang aking sarili na tumingin sa kanya. Bagkos, huminga ako nang malalim saka mahinang nagsalita.

"Alam mo, simula no’ng namatay si Papa," sandali akong napahinto sa pagsasalita nang maramdaman ko na tila naninikip ang aking dibdib. Pumikit ako bago ulit nagpatuloy. "Wala na 'kong pinagkatiwalaang lalaki, maliban sa Kuya ko." 

Idinilat ko ang aking mga mata, saka tumingin sa kamay niya na aking hawak-hawak, saka iyon mahinang pinisil. 

"Na-trauma kasi ako. Pakiramdam ko, ang dali-dali kong iwan," Tipid akong ngumiti habang nakatingin pa rin sa kanyang kamay.

"Si Papa ang greatest heartbreak ko," muli akong nag-angat nang tingin saka itinuon ang aking paningin sa takipsilim na nasa aming harapan. 

"Maka-Papa kasi ako, eh. Dahil kahit hindi kami mayaman, hindi siya nagkulang sa pagbigay ng mga pangangailangan namin nila Nanay at Kuya," Pinunasan ko ang mabilis na luhang pumatak mula saking mga mata. 

"Kahit labing isang taong gulang pa lang ako noong nawala si Papa, marami na rin akong mga bagay na naintindihan noon pa man sa mundong ito. Lalo na sa estado ng buhay na meron kami,” sandali akong huminto sa pagsasalita. Lumunok ako bago muling magpatuloy.

“Maaga kasi kaming tinuruan ni Papa na maging matatag sa buhay, dahil mahirap lang kami," bahagya kong nahigpitan ang pagkakahawak ko sa isa niyang kamay, "Alam ko na ayaw ni Papa sa trabaho niya noon, matapobre kasi ang kamag-anak ni Nanay. Wala lang siyang magawa, dahil wala itong ibang makita na mapagkakakitaan noon. Kaya nagtiis siya, bilang isang manggagawa sa konstruksyon— sa ginagawang gusali na pagmamay-ari ng kapatid ni Inay,” Napahinga ako nang malalim matapos maalaala lahat nang iyon.

"Mabait ang Tita ko, ngunit kung anong binuti n'yon ay siya namang kinasama nang ugali ng asawa niya at iba pang kamag-anakan nila Nanay. Kung matahin kasi nila si Papa, para bang isa itong kriminal," Tipid akong ngumiti saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Minsan nga, sumagi sa isipan ko— baka kasalanan nga talaga ang pagiging mahirap.” 

Sandali akong ngumiti.

"Mahirap lang kasi si Papa, habang si Nanay naman— kahit papaano ay may kaya sa buhay. Pero simula nang piliin niya si Papa ay itinakwil na siya ng mga magulang niya, lahat sa side nito. Pero alam mo kung saan ako humanga?" huminto ako.

"Sa part na hindi nagbago ang pag-ibig ni Nanay kay Papa,” tuloy ko. “Dahil imbes na iwan niya ito, mas lalo nilang pinatatag ang relasyon na meron sila. Kaya nabuo kami ni Kuya. At dahil mahirap lang kami, hindi tumitigil si Papa sa pagtatrabaho noon para sa pamilya niya, para sa amin," Muli akong huminga nang malalim. 

"Kahit ayaw na ni Papa sa trabaho niya noon, ay pinipilit pa rin niya. Kaya sa tuwing umaga bago siya umalis ng bahay ay yumayakap at humahalik ako sa kanya, kahit sa gano'ng paraan man lang ay maramdaman niya na hindi siya nag-iisa sa mga laban nito sa buhay. Hanggang sa . . ." Huminto ako at lumunok. 

"Dumating 'yung araw na— sobra kong kinatatakutan,” Napasinghot ako. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha sa ‘king mukha. 

“Ang mawala siya— si Papa. Dahil sa isang aksidente. Sa lugar kung saan siya nagtatrabaho. No’ng araw rin na iyon ay nalaman namin na nagdadalang tao pala si Nanay sa bunso kong kapatid— si Maro."

Napahinto ako sa pag-iyak nang mahina siyang tumikhim saka tumingin sa akin. Hindi ko namalayan na wala na pala ang kanyang ulo sa balikat ko, dahil nakatingin na siya sa akin.

"Tahan na," kahit halata sa boses at itsura nito ang panghihina ay pinunasan pa rin niya ang huling luha na pumatak mula sa 'king mga mata. "Hindi ba't sabi ko, ayokong nakikita kang umiiyak?" napatigil siya nang hawakan ko ang kamay niya na hinawak nito sa 'king mukha.

"Bukod kay Papa at kay Kuya— ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko. Ikaw lang ang minahal ko," hindi ko alam, pero hindi ko na napigilan na muling mag unahan ang mga luha mula sa 'king mga mata. 

“Oo, mahirap ka lang tulad ko, pero ikaw ang gusto ko. Minahal kita— pero mukhang mabibigo na naman ako kahit lumaban ka," Napakagat ako sa 'king ibabang labi upang pigilan ang aking sarili na makagawa nang hikbi. "Kapag sinabi ko ba’ng Lumaban ka, lalaban ka?” Tumingin ako sa kanya, kahit na hindi ko na mapigil ang pagpatak ng aking mga luha mula sa ‘king mga mata.

“Kapag sinabi ko ba na,” natigilan ako sandali nang maramdaman na tila pipiyok ako dahil sa ‘king pagluha. 

Pinilit ko ang huminga nang malalim, bago muling magpatuloy sa pagsasalita. “Na— m-magpagaling ka, gagawin mo ba? K-kahit hindi na para sa 'kin? Kahit para na lang sa sarili mo— para sa ‘yo na lang,” halos nagmamakaawa na ang aking tono.

Natatakot ako. Natatakot akong maiwan, at muli na namang mag-isa.

Bahagyang kumibot ang labi ko nang mapansin na gumalaw ang kanyang namumutlang labi. Maya-maya ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Gusto ko," halos pabulong niyang sambit. "Gustong-gusto ko gumaling. Dahil gusto ko na makasama ka pa nang matagal. Gustong-gusto ko lumaban, para sa 'yo— para sa ‘ting dalawa. Dahil gusto ko na mahalin ka habang buhay. Gusto ko, Reen. Pero— parang hindi na kaya ng katawan ko."

Umiling ako. Muli, ay napaluha ako nang marinig ang kanyang mga sinabi. Pero agad din akong napahinto nang kunin niya ang kaliwang kamay ko at suotan ng singsing ang daliring katabi ng aking hinliliit.

Dahan-dahan ay namilog ang aking mga mata. Tumingin ako sa kanya. Hanggang sa mapansin ko ang namumula niyang mga mata. Pero nawala ro'n ang aking atensyon nang matamis siyang ngumiti sa akin, at muli niyang isandal ang kanyang ulo sa 'king balikat bago siya nagsalita.

"Mawala man ang katawan ko sa mundong ito, hinding-hindi mababawasan at maglalaho ang pagmamahal ko para sa 'yo,” Napalunok ako nang maramdaman ang paghinga niya.

“Alam mo ba kung bakit?" kasabay ng kanyang panandaliang paghinto mula sa pagsasalita ang aking pagsinghot dahil sa hindi ko mapigil na pagluha. Maya-maya ay nagpatuloy siya. 

“Dahil ikaw lang ang babaeng bukod tangi na minahal ko. Ikaw ang nagbigay nang sigla sa matamlay kong mundo. Kinulayan mo ang buhay ko. Kaya ikaw lang, Reen. Ikaw lang.”

Pumikit ako, at inilagay ang aking kamay na sinuotan nito ng singsing sa aking dibdib.

“Saksi ang takipsilim, na nasa ating harapan ngayon— kung gaano nagkaroon nang saysay ang buhay ko nang makilala kita,” sandali niyang iniangat ang kanyang mukha sa akin, saka tipid na ngumiti. 

“Kung magkakaroon lang ako ng isang-daang buhay, ikaw . . . ikaw ang paulit-ulit kong pipiliin na makasama hanggang sa wakas— hanggang sa mawala ang aking hininga, ikaw lang ang pipiliin ko."

Napuno nang hagulgol ang lugar kung saan kami nakapwesto nito.

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko maintindihan ang kapalaran na meron ako. Pakiramdam ko’y ipinanganak ako upang masaktan lamang. Hindi ko maintindihan kung para saan ang mga sakit na nararanasan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa, dahil 'di ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng mga pagsubok na ito sa aking buhay.

Hindi ko na alam . . .

Muli akong huminga nang malalim, dahil ramdam ko ang bigat ng aking dibdib. Magsasalita sana ako, pero hindi na iyon natuloy nang maramdaman ko ang pagbigat ng ulo ni Jayrald mula sa ‘king balikat.

Dahan-dahan akong dumilat. Baka nagkakamali lamang ako mula sa 'king iniisip. 

Pinilit kong ibuka ang nanginginig kong mga labi.

"R-Rald?" garalgal ang aking tinig.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang umiiyak.

"H-huwag mo— m-mo akong b-biruin nang ganito . . . n-nakikiusap ako sa 'yo . . ." 

Wala siyang tugon.

‘Di ko na alam. Pakiramdam ko ay tila nais tumigil nang aking paghinga. Wala akong ibang maramdaman kundi pagkirot lamang ng aking dibdib habang lumuluha at nakapikit. 

Ayoko man na mag-isip nang kung anu-ano, pero bigla na lamang bumalik sa 'king alaala ang mga araw na iniwan kami ni Papa— ang pagkawala nang unang lalaki na naging dahilan ng pagkawasak ng aking puso.

Ito na nga siguro ang tadhana na meron ako— ang mawalan ng importanteng lalaki sa ‘king buhay. At tulad noon ay wasak na naman ako. 

Wasak na wasak na naman ako, dahil sa isang lalaking hindi lang ako basta iniwan ng panandalian. 

Wasak na wasak na naman ako, dahil isang mahalagang tao na naman ang nawala sa akin nang panghabang buhay. At alam ko, na hindi na ito kailanman babalik pa. 

Hinding-hindi na.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Habang dinadama ang kabigatan nang wala nang buhay na katawan ng lalaking minahal, at pinagkatiwalaan ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Bascon Reyes Pasumala Leen
Hindi ko pa Pala natapos to basahin.........
2023-02-24 21:44:26
1
user avatar
Dianne
Ganda! Unang bahagi pa lang mapanakit na. Galing ni Author!
2022-07-13 04:34:43
2
user avatar
Berry
Prologue pa lang mapanakit na...tagos sa puso ko...Reen kaya mo iyan. Worth to read talaga...️
2022-03-07 22:27:37
5
user avatar
Miss_Valentine
A very good story. Kudos, author!
2021-11-28 09:20:52
6
user avatar
Zyra
The story is worth reading and not only that it can carry out your emotions towards the story! Kudos sa author!
2021-11-13 01:43:13
7
user avatar
Zyra
OMGee!! Trending ka Reen! ......
2021-11-13 01:37:55
5
user avatar
CCmonogatari
Abcdefghijklmnopqrstuvwxyz
2021-11-09 13:07:18
4
user avatar
Dhana
I realky love this
2021-11-09 06:34:33
3
43 Chapters
Prologue
  "ANG GANDA NG SUNSET."    Pinilit ko ang ngumiti sa harapan nito, matapos niyang sabihin iyon.    “Sayang nga lang, dahil walang permanente sa mundo. Nawawala rin ang kagandahan nito, sa tuwing sasapit ang gabi,” Bahagya akong yumuko nang sandali siyang huminto sa pagsasalita.    “Parang buhay ng tao. Mayroong hangganan," Agad kong hinanap ang kanyang mga mata, nang mag-angat ako nang tingin dahil sa kanyang sinabi.   Pinagmasdan ko siya. Matagal. Pagkaraa’y muli akong tumingin sa takipsilim na kanina pa namin pinagmamasdan.   Huminga ako nang malalim, saka pilit na nagsalita.    "Alam mo, simula nang mawala si Papa sa buhay namin, natuto akong mahalin at pahalagahan ang takipsilim," Nagbaba ako nang mukha.  
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more
Chapter 1
Reen Cruz"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?"  Napaigtad ako nang biglang magsalita si Kuya Marv mula sa tabi ng pinto nang kwarto namin ni Maro. Agad akong nag-angat nang tingin sa kanya, saka inilagay ang huling damit na tiniklop ko sa bag na dadalhin ko. "Kuya naman, eh! Ang hilig-hilig mo talaga manggulat,” Umirap ako rito. “Para ka d’yang kabute, basta-basta ka na lang sumusulpot. Uso kaya kumatok,” Napabuntong hininga ako dahil sa inis. “So discusting,” dagdag ko pa. Natigilan ako nang marinig ang mahina niyang pagtikhim. "Disgusting kasi 'yon," tugon niya sa sinabi ko.  
last updateLast Updated : 2021-08-30
Read more
Chapter 2
Reen"Dito na po 'yung sinasabi mo na address, Ma'am," Tumingin ako sa labas mula sa 'king inuupuang tricycle nang magsalita ang driver na nasa gilid ko.  Agad kong hinanap ang kanyang mukha, matapos kong tanawin ang paligid kung saan kami huminto nito.Bumaba ako, nagbayad, saka nagpasalamat sa kanya. Muli kong pinasadahan nang tingin ang lugar na binabaan ko, pagkatapos ay inilapag ko muna ang bag na dala-dala ko.  Ewan ko ba, wala naman akong masyadong dinala na kung ano man na gamit maliban sa mga damit at family picture namin, pero pakiramdam ko ay bigat na bigat at hinang-hina ako. Siguro ay wala lang talaga ako sa mood, dahil ito ang unang pagkakataon
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
Chapter 3
Reen "ANO? ITO ANG ISUSUOT KO?" gulat na gulat kong tanong kay Liller, habang nakatingin sa pulang pampormal na sleeveless na kanyang inabot sa akin.   "Bakit? Ano ba'ng masama sa dress na 'yan?" balik tanong nito sa akin.   "Anong masama? Eh, baka kapag sinuot ko na 'to lumuwa na ang—"   "Kailangan, Reen," mabilis na tugon ni Liller sa akin.   Napaawang ang labi ko sa sinabi nito.   "Ano? Seryoso ka ba? Okay lang sa 'yo na may lumuwa—"   "Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" natatawa-tawa nitong sambit. "Syempre, hindi!" pagpapatuloy niya.   Bahagya akong napaatras, nang makita siya na mas lalapit pa sa gawi kung saan ako nakatayo.   "S-sandali nga lang!" hindi ko na napigilang magprotesta pa, maging bahagyang maitaas ang aking tinig dahil sa pinaghalo-halong emosyon na
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more
Chapter 4
Reen“Kumusta ang unang gabi? Na-enjoy mo ba?” bungad na tanong ni Lillier sa akin habang naglalakad palabas ng bar na aming pinanggalingan. Tumingin muna ako sa kanya bago ko ito sinagot. “Okay naman. Okay lang pala ro’n. Buong akala ko kasi ay may pahawak-hawak na magaganap, eh! Saka akala ko rin babastusin tayo ro’n. Bar kasi, ‘di ba? ‘Yon ang unang impresyon ko.” Tumango-tango lamang siya sa ‘kin. “Alam mo, medyo nahirapan lang ako sa . . .” Huminto sa paglalakad, pagkaraa’y napakamot ako sa aking ulo.  “Sa—&rd
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more
Chapter 5
Reen     Habang patanda nang patanda ang tao, ay palungkot nang palungkot ang buhay nito. Well, gano'n nga siguro talaga. Dahil  tulad ng takipsilim, sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, unti-unti ay nawawala ito— dahil walang permanente sa mundo. Parang sa buhay ng tao. Habang tumatagal ito'y tila nagiging isang babasagin— babasagin na dapat ingatan, sapagkat hindi natin hawak ang ating buhay. Maaring ngayon ay masaya, bukas ay malungkot na. Maaring ngayon, kumpleto ang pamilya, kaibigan, o sino mang mahahalaga sa ating buhay, maaring bukas ay wala na rin sila. 'Yan ang buhay. Hindi man pantay-pantay sa estado, iba-iba man ng layunin, maging ng katayuan— isa lang ang ating uuwian, lahat ay mawawala. Dahil lahat ay hiram lamang. Narito ako ngayon sa dagat, kung saan, tanaw
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more
Chapter 6
ReenALAS-DOS ng hapon nang maalimpungan ako mula sa 'king pagkakahimbing. Tumayo ako at hindi na bumalik pa sa pagtulog, alam ko na kapag ginawa ko iyon ay baka gabi na ako muling magising. As usual, Oh, naks! Englesh spokening dollar— malamang ay hindi na ako makakapasok sa trabaho. Sayang ang dapat na kikitain. Napailing ako nang maisip ang bagay na iyon. No'ng unang pasok ko kasi sa bar kung saan kami nagtatrabaho ni Liller, halos kasuklaman ko ang mundo. Lalo nang sabihin niya na mag i-intertweyn— intertamed— hay nako! Basta, 'yung may customer! Hindi ko halos alam ang gagawin ko no'n, pero ngayon, kulang na lang ay hindi na ako matulog sa tuwing iisipin ko ang maari kon
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more
Chapter 7
Reen Mabalasaw, malinggal, maasap, at 'di nakalulugod na kapaligiran ang bumalot sa apat na sulok ng silid kantahan kung saan ako naroon. Hindi ako mapakali kanina pa, pero wala akong ibang pamimilian kundi ang magtiis sa ganitong atmopera sa loob ng limang oras.   Pangalawang linggo na akong nagtatrabaho sa bar na ito. Pero tila ito ang maituturing kong pinakamalubhang gabi kung ikukumpara ko mula sa unang araw na nagtrabaho ako rito. Ewan ko ba, pero itong mga customer kasi na pumili sa akin ay tila kakaiba. Mukha silang tumira ng kakaibang dahon bago pumunta rito.    Maliban sa isa, na nagpakilalang Ivo Reyes.    Simula nang pumasok kami rito sa KTV room, ay hindi na siya umaalis sa tabi ko. Kung sa bagay, hi
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more
Chapter 8
Reen "IKAW?"    Hindi ko maalis ang aking tingin sa lalaking nasa aking harapan. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba 'ko?    Natigilan ako bigla nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Ivo sa aking pulsuhan. Nagulat ako, lalo nang lumipas ang ilang segundo ay tuluyan na ‘ko nitong bitawan.    Bahagya akong yumuko upang tingnan ang kamay ko, hindi ko alam, dahil kahit kapansin-pansin ang pamumula ng pulsuhan ko'y mabilis pa rin na nawala ang atensyon ko roon nang maramdaman ko na may humawak sa ‘king kaliwang braso.    Mabilis akong napa-angat nang tingin doon. Hindi ko alam, pero iba ang nararamdaman ko habang na
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more
Chapter 9
Reen TAHIMIK lamang ako at nakikiramdam habang nasa byahe kami ng mokong na nagpakilala sa 'king Asher.   Ewan ko ba kung bakit ako nagtiwala rito, basta ang alam ko lang ay pagod na ‘ko at nanghihina.    Hanggang ngayon kasi ay para pa rin akong ninerbyusin dahil sa mga nangyari kanina. Bukod doon, ay naiilang pa ako. Paano ba naman kasi, kahit pagbali-baligtarin ko ang katawan ko rito sa sasakyan, hindi ko maipagkakaila ang sobrang pinagpalang gwapong lalaki na katabi ko.    Kaya keri lang kung rapist ‘to. Charot!   Lumunok ako at pasimpleng tumingin dito. Sige lang ito sa pagmamaneho kahit hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya.&n
last updateLast Updated : 2021-11-08
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status