Reen
"ANO? ITO ANG ISUSUOT KO?" gulat na gulat kong tanong kay Liller, habang nakatingin sa pulang pampormal na sleeveless na kanyang inabot sa akin.
"Bakit? Ano ba'ng masama sa dress na 'yan?" balik tanong nito sa akin.
"Anong masama? Eh, baka kapag sinuot ko na 'to lumuwa na ang—"
"Kailangan, Reen," mabilis na tugon ni Liller sa akin.
Napaawang ang labi ko sa sinabi nito.
"Ano? Seryoso ka ba? Okay lang sa 'yo na may lumuwa—"
"Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" natatawa-tawa nitong sambit. "Syempre, hindi!" pagpapatuloy niya.
Bahagya akong napaatras, nang makita siya na mas lalapit pa sa gawi kung saan ako nakatayo.
"S-sandali nga lang!" hindi ko na napigilang magprotesta pa, maging bahagyang maitaas ang aking tinig dahil sa pinaghalo-halong emosyon na aking nadarama.
"Hindi ko maintindihan. K-kapirasong— t-tela lang ito . . .” takang-taka at nag-aalangan kong wika sa kanya.
Nangunot ang noo ko nang tipid na ngumiti sa akin si Liller.
“Of course, Reen,” sabi nito. “CCA ang trabaho natin dito," dagdag pa nito.
Agad na nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa sinabi niya.
“CCA?” mahina kong tanong.
“Yes, CCA. Mag i-entertain tayo ng mga customers na papasok dito, mga mayaman na lalaki na nais mag happy-happy, ganorn! Kakausapin natin sila, magse-serve tayo ng foods—”
“Ha?!” nanlaki ang aking mga mata sa kanya. Ewan ko, pero hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin.
Napalunok ako, nang mapansin na seryoso siyang napatingin sa akin.
“L-Liller, a-ano ba’ng . . . h-hindi kasi ito ang— t-trabaho na i-inakala kong—”
“Reen," napahinto ako mula sa pagsasalita, nang muling putulin ni Liller ang aking sinasabi.
"Ano man 'yang nasa isip mo, alisin mo ‘yan. Ngayon din. Hindi purkit kakausap at mag i-entertain tayo ng mga mayaman na lalaki na papasok sa bar na ito, ay pokers na tayo!” Huminga siya nang malalim.
“Hindi tayo gano'n. Okay? Subukan mo, para malaman mo," mahinahon niyang pagpapatuloy. "Matagal na ako rito, pero hindi naging kabawasan sa pagkatao ko. Lalong-lalo na sa pagkababae ko ang trabahong ito,” dagdag pa niya.
Napahinga ako muli nang malalim. Umayos ako mula sa 'king kinatatayuan, saka diretsong tumingin sa kulay-kape niyang mga mata.
"Reen, hindi tayo magbebenta ng sarili rito. Trust me. At kung ang nais mo ay mabuhay at makatulong sa pamilya mo, tatagan mo ang loob mo."
Napaawang ang aking labi dahil sa kanyang mga sinabi. Lalo, nang pasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa maya-maya lang ay umalis siya sa aking harapan. Diretso itong naglakad, na tila walang ano man na nangyari.
Napakagat ako sa aking ibabang labi, nang ibalik ko ang tingin sa dress na inabot sa akin ni Liller kanina. Ewan ko, pero hindi ko talaga maiwasan ang pag-iingay ng aking d****b. Bukod sa hindi ko alam ang aking gagawin dito, ay ito pa ang unang beses na gagawin ko ang bagay na ito.
Sh*t!
Hindi ko na alam ang aking gagawin. Pero isa lamang ang aking nasisiguro— hindi ako maaaring umuwi sa bahay nang walang napapatunayan kay Nanay— sa pamilya ko. Kailangan ko silang tulungan, kailangan kong lakasan ang loob ko para sa kanila. Dahil kailangan nila ako. Kailangan ako ng pamilya ko.
Tama si Liller.
Kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi na ako pwedeng umatras. Nandito na ito— nandito na 'ko.
“Girls, thirty minutes! Be ready!”
Mabilis akong napatingin sa babaeng nagsalita mula sa kaliwa ko. Hindi ko alam, pero wala akong ibang naramdaman kundi pagkamangha nang makita ko ang itsura nito.
Napakaganda niya. Ang gaganda nilang lahat na narito— iyon ang bagay na sumagi sa 'king isipan.
Totoo naman. Halos lahat kasi ng babaeng tamaan ng dalawa kong mga mata sa lugar na ito, talagang may masasabi. Mula sa kanilang mga tindig, pananalita, maging sa kasuotan at itsura ng mga ito. Lahat sila'y disente kung titingnan. Ako nga lang yata ang mukhang busabos dito.
Letse naman oh!
Kahit nag-aalangan at tila hindi alam ang gagawin, ay mabilis akong nagpalit ng damit. Baka maiwan ako, mahirap na.
Hinanap ko si Liller nang matapos ako sa pagbibihis. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya, pero natanaw ko agad ang kanyang matamis na ngiti nang makita ako nito.
“Ang ganda mo, Reen. Sobra. Gosh! Sabi ko na nga ba, eh! Hindi ako nagkamali ng pagpili sa dress na ito para sa 'yo,” wika niya nang makalapit ako sa kanya.
Sandali akong tumingin sa sarili ko, pagkatapos ay huminga ako nang malalim bago ibinalik ang aking mga mata sa kanya.
“I am pretty sure, na hindi ka maze-zero sa gabi na ito!” masaya niyang sambit.
Bahagya akong yumuko.
“A-uhm, magtatanong sana ako kung— kung okay lang ba ito—”
“Anong okay lang?” mabilis niyang putol sa ‘king sinasabi. “Okay na okay na okay!” salita niya. “Halika! Sumama ka sa ‘kin, ire-retouch kita.”
Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanya, nang hawakan niya ang aking isang kamay.
Kagat ko ang aking ibabang labi nang umupo sa isang itim na upuan, habang may malaking salamin na nasa harapan nito.
Napalunok ako, nang simulan akong make-up-an ni Liller. Alam ko ang mga ganito, sapagkat minsan ko na itong ginawa sa ‘king kaibigan— si Aoi.
Speakining of her . . . kumusta na kaya siya? Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Ano kayang nangyari sa kanya? Naiisip pa kaya niya ako? Bigla na lang siyang nawala, siguro ay successfulled— successfully . . . ah, basta! Siguro ay maunlad na ang kanyang pamumuhay.
Sana nga.
Masaya ako para sa kanya. At sana isang araw ay magkita kaming muli. Lalo sigurong gumanda ang isang 'yon . . .
"Ayan, okay na!"
Napabalik ako sa kasalukuyan nang muling magsalita si Liller.
Tumingin ako sa salamin na nasa aking harapan, bago sa 'king mukha ay natamaan muna ng aking mga mata ang nakangiti kong kaibigan.
Ginantihan ko siya ng ngiti. Pagkatapos ay tiningnan ko na ang aking sarili.
Hindi kakapalan ang make-up na inilagay ng bago kong kaibigan sa 'king mukha, pero masasabi kong epektibo ang kanyang ginawa.
Well, wala namang pangit na anak si Inay at Papa . . .
"Ang ganda-ganda mo, natutuwa ako— I mean, masaya ako para sa 'yo. Sigurado akong mag e-enjoy ka rito," untag ni Liller.
Tipid akong ngumiti sa kanya.
"S-sana nga . . . m-maraming salamat nga pala, Lier," kanda utal kong sabi.
"Ano ka ba? Walang ano man. Wait lang, mag-aayos lang ako sandali," Tumayo ako pagkasabi niya n'yon, lumipat ako sa isang bakanteng upuan, katabi ng itim na upuan na pinanggalingan ko.
Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano, habang pinanonood si Liller na nag-aayos sa kanyang sarili. Ewan ko ba. Kahit kailan naman kasi, hindi sumagi sa 'king isipan na mararanasan ko ang ganitong trabaho upang maka-survive— tama na siguro ako sa ingles ko . . .
Sana lang, ay tama rin ako sa desisyon na aking pinili.
Sana . . .
Reen“Kumusta ang unang gabi? Na-enjoy mo ba?” bungad na tanong ni Lillier sa akin habang naglalakad palabas ng bar na aming pinanggalingan.Tumingin muna ako sa kanya bago ko ito sinagot.“Okay naman. Okay lang pala ro’n. Buong akala ko kasi ay may pahawak-hawak na magaganap, eh! Saka akala ko rin babastusin tayo ro’n. Bar kasi, ‘di ba? ‘Yon ang unang impresyon ko.”Tumango-tango lamang siya sa ‘kin.“Alam mo, medyo nahirapan lang ako sa . . .” Huminto sa paglalakad, pagkaraa’y napakamot ako sa aking ulo.“Sa—&rd
Reen Habang patanda nang patanda ang tao, ay palungkot nang palungkot ang buhay nito. Well, gano'n nga siguro talaga. Dahil tulad ng takipsilim, sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, unti-unti ay nawawala ito— dahil walang permanente sa mundo. Parang sa buhay ng tao. Habang tumatagal ito'y tila nagiging isang babasagin— babasagin na dapat ingatan, sapagkat hindi natin hawak ang ating buhay. Maaring ngayon ay masaya, bukas ay malungkot na. Maaring ngayon, kumpleto ang pamilya, kaibigan, o sino mang mahahalaga sa ating buhay, maaring bukas ay wala na rin sila. 'Yan ang buhay. Hindi man pantay-pantay sa estado, iba-iba man ng layunin, maging ng katayuan— isa lang ang ating uuwian, lahat ay mawawala. Dahillahat ay hiram lamang. Narito ako ngayon sa dagat, kung saan, tanaw
ReenALAS-DOS ng hapon nang maalimpungan ako mula sa 'king pagkakahimbing. Tumayo ako at hindi na bumalik pa sa pagtulog, alam ko na kapag ginawa ko iyon ay baka gabi na ako muling magising. As usual, Oh, naks! Englesh spokening dollar— malamang ay hindi na ako makakapasok sa trabaho. Sayang ang dapat na kikitain.Napailing ako nang maisip ang bagay na iyon. No'ng unang pasok ko kasi sa bar kung saan kami nagtatrabaho ni Liller, halos kasuklaman ko ang mundo. Lalo nang sabihin niya na mag i-intertweyn— intertamed— hay nako! Basta, 'yung may customer!Hindi ko halos alam ang gagawin ko no'n, pero ngayon, kulang na lang ay hindi na ako matulog sa tuwing iisipin ko ang maari kon
Reen Mabalasaw, malinggal, maasap, at 'di nakalulugod na kapaligiran ang bumalot sa apat na sulok ng silid kantahan kung saan ako naroon. Hindi ako mapakali kanina pa, pero wala akong ibang pamimilian kundi ang magtiis sa ganitong atmopera sa loob ng limang oras. Pangalawang linggo na akong nagtatrabaho sa bar na ito. Pero tila ito ang maituturing kong pinakamalubhang gabi kung ikukumpara ko mula sa unang araw na nagtrabaho ako rito. Ewan ko ba, pero itong mga customer kasi na pumili sa akin ay tila kakaiba. Mukha silang tumira ng kakaibang dahon bago pumunta rito. Maliban sa isa, na nagpakilalang Ivo Reyes. Simula nang pumasok kami rito sa KTV room, ay hindi na siya umaalis sa tabi ko. Kung sa bagay, hi
Reen "IKAW?" Hindi ko maalis ang aking tingin sa lalaking nasa aking harapan. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba 'ko? Natigilan ako bigla nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Ivo sa aking pulsuhan. Nagulat ako, lalo nang lumipas ang ilang segundo ay tuluyan na ‘ko nitong bitawan. Bahagya akong yumuko upang tingnan ang kamay ko, hindi ko alam, dahil kahit kapansin-pansin ang pamumula ng pulsuhan ko'y mabilis pa rin na nawala ang atensyon ko roon nang maramdaman ko na may humawak sa ‘king kaliwang braso. Mabilis akong napa-angat nang tingin doon. Hindi ko alam, pero iba ang nararamdaman ko habang na
Reen TAHIMIK lamang ako at nakikiramdam habang nasa byahe kami ng mokong na nagpakilala sa 'king Asher. Ewan ko ba kung bakit ako nagtiwala rito, basta ang alam ko lang ay pagod na ‘ko at nanghihina. Hanggang ngayon kasi ay para pa rin akong ninerbyusin dahil sa mga nangyari kanina. Bukod doon, ay naiilang pa ako. Paano ba naman kasi, kahit pagbali-baligtarin ko ang katawan ko rito sa sasakyan, hindi ko maipagkakaila ang sobrang pinagpalang gwapong lalaki na katabi ko. Kaya keri lang kung rapist ‘to. Charot! Lumunok ako at pasimpleng tumingin dito. Sige lang ito sa pagmamaneho kahit hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya.&n
Reen Isang haluyhoy ang nagpagising sa diwa ko habang ako'y nasa kasarapan ng tulog. Dumapa ako, nang maalimpungatan mula sa 'king malalim na pagkakahimbing. Agad kong binuksan ang isa kong mata nang balutin ako nang pagtataka dahil sa matinding lamig na tumatama sa 'king balat. Mabilis kong inangat ang isa kong braso kung saan naroon ang relo ko. Napahinga ako nang malalim, nang makita ang oras. Alas-tres na pala ng hapon, pero pakiramdam ko ay maagang-maaga pa. Mukhang nasarapan ako sa ‘king pagtulog. Nakakatamad! Napabalikwas ako nang bangon, nang mapagtanto ko ang oras.
Reen MABILIS akong nagbihis matapos kong makaligo. Grabe lang! Inabot yata ako ng isa’t kalahating oras sa banyo, dahil sa mga kakaibang kagamitan na nasa loob nito. Wala n’yon sa amin, kahit sa inuupahan namin dalawa ni Liller. Kaya hindi ko naialis sa sarili ko ang manibago, tamang subok at ingat lang bago gumamit ng bagay na naroon, dahil natatakot din akong makasira. Nakaka-shookit naman kasi talaga, eh! Lalo na, no’ng mainit na tubig ang lumabas sa showering ba ‘yon— eh, hindi naman ako nag mamainit na tubig. At ang pinaka kinaloka ko pa, no’ng napansin ko ang isang kulay puti na pahaba na may lamang tubig. Para itong kabaong na may tubig, gano’n! Ang dami talagang alam ng mga mayayaman . . .
Reen "Zabi, tama na ang paglalaro. We're going to eat," sabi ko habang nag-aayos ng mga kasangkapan na aming gagamitin para sa 'ming tanghalian. Napangiti ako nang maramdaman na huminto ang anak ko mula sa paglalaro. I am blessed to have an obedient and submissive child. Ewan ko, pero tila natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. "Mommy, where's Daddy? Hindi ba siya magla-lunch kasabay natin?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "No, baby. Hindi natin makakasama si Daddy sa araw na ito, marami kasi siyang aasikasuhin dahil ilang linggo na 'yon hindi nagpapakita sa kumpanya nila, marami siyang kailangan
Two months later Reen NAPANGIWI ako nang maamoy ang isang matapang na pabango mula sa aking katabi. Badtrip! Ang sama-sama pa naman ng pakiramdam ko buhat kanina nang magising ako. Pinilit ko lang talagang pumasok, 'pagkat kailangan na kailangan ako rito sa opisina ngayong araw. Wala kasing nais pagkatiwalaan ang kaibigan ko kundi ako lang. Nandito ako ngayon sa isang conference room, kasama ang ilang board of directors at ang boss ko— si Morgan. Katatapos lang ng meeting nila pero hindi pa rin sila nagsisikalasan! My goodness, kalalaki nilang tao mga tsismoso. Sumama ako kay Morgan nang lumuwas ito sa Manila. Ginawa
ReenInis na inis ako sa sarili ko dahil kahit gusto ko siyang awatin ay wala akong magawa. Hindi ako makalaban, lalo nang maramdaman ko ang halik nito sa aking leeg, hanggang sa bumaba iyon sa 'king dibdib. Hindi ko alam pero tila napako ang aking atensyon sa mga ginagawa niya sa akin.Pinagmasdan ko siya habang ginagawa ang kanyang ibig sa 'king katawan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong alalahanin ang mga nangyari sa amin noon. Lalo na, ang unang gabi na pinadama niya sa akin ang kaligayahang tulad nang pinararamdam niya sa 'kin ngayon.Napatalon ang aking puso dahil sa galak, nang maramdaman ko ang pamilyar na kanyang malalim na halik nang muli niya 'kong halikan sa 'king mga labi.Aminado ako na mayroo
Reen RAMDAM na ramdam ko ang tensyon at hiya habang inaanunsyo ng Daddy ni Morgan na ako ang nais nitong maging sekretarya ng anak niya para sa kumpanya na pamamahalaan nito. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot at pagkabahala habang iniisip ang tungkol doon. Una sa lahat, wala akong alam sa pagtatrabaho sa mga kumpanya o opisina dahil wala pa naman talaga akong tinatapos kundi highschool. Pangalawa, masyadong mayaman ang magiging amo ko samantalang ako ay isang hamak lamang. Pangatlo, baka hindi ko iyon mapanindigan. Ma-disappoint ko sila. Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan na iyon! Sa sobrang kaba ay napabuga ako nang hangin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong nilalamig na naiinitan na ewan. Hindi ako mapakali mula sa 'king inuupuan. Hanggang sa m
Reen HINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan nito. Kahit mahal ko pa siya, gusto ko na lang umalis ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya'y nasasaktan lang ako lalo. Huminga ako't nilakasan ang aking loob. Buong tapang kong pinutol ang pakikipagtinginan sa kanya. Bahagya akong yumuko saka pilit na hinakbang ang aking isang paa. Bibilisan ko sana ang paglalakad nang makalagpas sa kanya, pero bigla na lamang akong natigilan dahil sa paghawak nito sa 'king braso. Agad na namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Lalo, nang buong lakas ako nitong ibalik kung saan ako kanina nakatayo. Napalunok ako nang muling magtama ang aming mga mata. Magsasalita sana ako pero hindi ko na tinuloy
Reen "ASHER . . ." Ramdam ko ang biglaang pag-init ng magkabilaang sulok ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, dahil tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman. Litong-lito ako. Ewan, pero para bang huminto ang aking mundo. Nawalan ako ng pakialam sa lahat, maliban sa isang pares ng mata na nakatitig sa akin ngayon. Oh God . . . Pigil ko ang aking emosyon habang patuloy na nakatingin sa kanya. Hindi ko alintana ang paligid, maging kung ano ang ibig sabihin nang malalim niyang mga tingin. Galit siya sa akin? Hindi ba't dapat ako ang nakararamdam niyon, sapagkat siya ang ikakasal hindi ako? Ako dapat ang gumagawa ng mga ginagawa ni
Reen PASADO alas-singko ng hapon nang tawagan ako ni Morgan upang impormahan na malapit na siya sa gate ng inuupahan naming bahay ni Liller. Mabuti na lang pala ay inagahan ko ang pag-aasikaso sa 'king sarili kanina, kung hindi ay siguradong maghihintay siya sa akin nang matagal. Sobrang strict talaga niya sa oras. Alas-sais pa dapat kami magkikita, pero pasado alas-singko pa lamang ay narito na siya. Ewan ko ba, bago sa 'kin ang ganito dahil sanay ako sa Filipino time. Kung sa bagay, magiging president at CEO nga pala siya ng kumpanya nila. Bukod doon, tagapagmana siya. Kaya big deal talaga ang pagdidisiplina nito sa kanyang sarili.
Reen "ANONG KADEMONYOHAN ANG GINAWA MO?" Wala akong tiwala sa Ivo na ito. Kaya hindi ko maaaring pigilan ang sarili ko upang makapagtimpi sa walang kwentang tao na katulad niya. "Hindi mo ba talaga nage-gets?" Ngumisi ito sa harapan ko, tila nanunudyo at nang-iinsulto. "Maganda ka lang, pero tunay na tanga." Mabilis akong napaluha dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako nasasaktan, higit sa sinabi niyang ikakasal na si Asher. Alam ko na hindi ko 'to dapat nararamdaman. Pero hindi ko maiwasan. Sumuko ako. Sinuko ko siya. Pilit ko siyang kinalimutan. Naging okay ako. At akala ko okay na talaga ako. Pero hindi.
Reen "Oh, Buknoy. Huwag mong kakalimutan 'yung bayad nito, ah? Gaigs ka patay ka talaga sa 'kin!" "Ou na, Ate Mureng! Ulit-ulit ka naman, eh!" "Maganda nang sure tayo! Aba'y syempre, seryoso dapat sa negosyo. Osiya, mag-ingat sa pag-drive, okay? Ebike lang ang dala mo kaya 'wag ka makipagsabayan sa mga naka-car or naka-motor. Respeto sa nakayayaman sa 'yo, ha?" Bahagya akong natawa nang mapakamot sa ulo si Buknoy. Sa dalawang taon ko rito sa Cebu, halos gano'n na rin katagal nang makilala ko siya dahil kay Morgan. Tauhan kasi ito sa bahay nila. At para gumaang ang trabaho ko dahil nag-aaral nga ako, siya ang nag-provide ng ebike para magamit ni Bu