Share

Chapter 6

Penulis: CCmonogatari
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-05 11:51:36

Reen

ALAS-DOS ng hapon nang maalimpungan ako mula sa 'king pagkakahimbing. Tumayo ako at hindi na bumalik pa sa pagtulog, alam ko na kapag ginawa ko iyon ay baka gabi na ako muling magising. As usual, Oh, naks! Englesh spokening dollar— malamang ay hindi na ako makakapasok sa trabaho. Sayang ang dapat na kikitain.

Napailing ako nang maisip ang bagay na iyon. No'ng unang pasok ko kasi sa bar kung saan kami nagtatrabaho ni Liller, halos kasuklaman ko ang mundo. Lalo nang sabihin niya na mag i-intertweyn— intertamed— hay nako! Basta, 'yung may customer!

Hindi ko halos alam ang gagawin ko no'n, pero ngayon, kulang na lang ay hindi na ako matulog sa tuwing iisipin ko ang maari kong kitain sa isang gabi kapag pumasok ako sa bar. 

Mabuti na nga lang, ay hindi pa ako natatapat sa mga bastos na parokyano. Subukan lang nila't dudunggulin ko ang mga ngala-ngala nila.

S'yempre, biro lang!

Natawa na lamang ako sa mga pumapasok sa aking isipan. Awa! Ang hirap talaga kapag walang makausap.

Gumalaw ako mula sa 'king kinatatayuan nang muli kong maalala ang oras. Ilang beses ako napahikab habang nagliligpit ng aking pinaghigaan. Inaantok pa kasi talaga ako pero tulad nang lagi kong sinasabi, hindi ako mayaman kaya bawal ang tamarin.

Pinunasan ko ang aking mga mata nang matapos sa 'king ginagawa, maya-maya ay iniunat ko ang aking mga braso. Hindi ko pa nabababa ito, nang makarinig ako ng mga katok mula sa 'king pinto.

"Reen? Gising ka na ba?" 

Si Liller. Malamang ay nakaligo na ito.

"Oo, Ti. Nagliligpit lang ako," Naglakad ako papunta sa gawi kung saan naroon ang pinto at binuksan ito.

"Sabay na tayo kumain," bungad ni Liller sa akin nang magtama ang aming mga mata. "Nakaluto na 'ko, saka nauna na rin sa pagligo," dagdag niya pa.

Tama ako. Nakaligo na nga ito.

"Uh, sige. Gutom ka na ba?" tanong ko.

"Medyo," tugon niya.

"Maliligo muna sana ako, eh, kung okay lang?"

Ngumiti siya sa akin, "Sige, hintayin na lang kita sa baba. Ire-ready ko na lang 'yung pagkain."

"Yey, ang bait mo talaga. Salamat, ah?"

"Nako, maliit na bagay. Nakikita ko nga sa 'yo 'yung dati kong kaibigan, eh!" Muli siyang ngumiti sa akin. "Mas funny ka lang. Mayroon kasing pagkaseryoso 'yun," pagpapatuloy niya.

Ngumiti rin ako sa kanya nang sabihin niya 'yun. 

"Ano ka ba, bigla ko rin tuloy na-miss 'yung kaibigan ko na taga sa amin. Aoi ang pangalan niya, napakabait n'yon. Kaso, nawalan na ako ng balita sa kanya ngayon. Hindi ko na kasi ma-contact lahat ng numero niya, pati sa messenger ay hindi siya sumasagot," Napabuntong hininga ako.

"May naririnig ako na, natagpuan na raw siya nang kamag-anak ng Tatay niya, mayaman daw ang mga 'yon. So, ibig sabihin ay ris kid ang kaibigan ko—"

"You mean, rich kid?" 

Napaawang ang mga labi ko sa kanyang sinabi. Para talaga siyang si Aoi minsan.

"Ay, oo. 'Yun nga 'yon," Natawa ako sa naging reaksyon niya. "Sensya na, ah. Bubu lang!" biro ko.

Mahina siyang tumawa.

"Osiya, hintayin kita sa sala, huh? Mag-asikaso ka na rin para maaga tayong makapag-ready mamaya," untag nito.

Dalawang beses akong tumango sa kanya, "Sige, salamat."

Bumaba ako matapos mauna ni Liller. Dumiretso ako agad ng banyo para maligo. Nang makatapos ako ay hindi na ako umakyat sa kwarto. Nakita ko kasi ang kaibigan ko na nakaupo sa mesa, kaya dumiretso na 'ko roon.

"Gutom ka na talaga siguro, pasensya na, ah?" ani ko.

"Ano ka ba, para ka namang others niyan. Walang kaso 'yon, 'no!" tugon niya, na ikinangiti ko.

Nagsandok ako matapos niyang kumuha ng kanin. Ang sunod ay naglagay ito ng ulam sa kanyang plato. Ewan ko, pero bigla na lang akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ko ang niluto niyang adobong manok. 

Infairness, masarap ito. May pineapple kasi. Bigla ko tuloy na-miss ang Kuya Marv. Nagluluto rin kasi ito ng ganito sa bahay, lalo na kapag day-off naming dalawa.

Kumusta na kaya sila nila Maro at Nanay? Miss ko na sila. Kapag nakapag day-off ako ay pupuntahan ko sila. Nasasabik akong makita sila.

"Sanay ka na ba talaga mag-isa?" natigilan siya sa pagnguya nang itanong ko iyon sa kanya. "Ibig kong sabihin, okay lang din ba sa pamilya mo? H-hindi ka ba nila hinahanap or whats?" pagpapatuloy ko nang makasubo ng isang beses.

Narinig ko ang pagtikhim niya, bago ako nito sagutin.

“I came from a broken family,” seryoso ang kanyang tono. Dahilan, kaya napadiretso ako nang tingin sa kanya. 

“Ah—uhm, you kem prom a broken pamily— okay, gets ko na,” Ngumiti ako sa kanya nang makita ko itong napangiwi.

“Pasensya ka na, huh? Medyo nakakaintindi naman ako ng salitang ingles. Iyon nga lang, kailangan slowlier lang, gano’n!” sabi ko.

Tumawa siya. Mahina lamang iyon pero sapat para mapangiti ako. 

“Ganyan nga, happy lang tayo dapat!” sambit ko pa.

“Kaya nga, hay nako," sandali siyang tumahimik. "Huwag na lang natin pag-usapan ‘yung about sa pamilya ko. Baka mag-iba lang ang mood ko, madamay lang kita.”

Tipid siyang ngumiti matapos niyang sabihin iyon. Magsasalita sana ako, pero hindi na iyon natuloy nang biglang may kumatok mula sa labas.

“Ninier? Ninier anyu ner?” 

Natigilan ako sa ‘king kinakain nang makilala ko ang tumatawag na iyon.

“Ninier! May minamanabi ang nina Minay mo! Numamas nga nyan! Imornaneng mahanaga ino!”

Napahawak ako sa ‘king sintido nang muli kong marinig ang kanyang sinabi. 

“Sandali. Lalabas lang ako, ah?” paalam ni Liller sa akin. 

Tumango ako sa kanya bilang tugon sa sinabi niya. Nang makatayo siya’y nagpatuloy ako sa ‘king kinakain. 

Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Liller. Nagtaka ako, at the same timing, ay nag-alala rin. 

Mabuti na lang ay naiintindihan niya si Nicole. Kung ako kasi ang kakausapin nito, ay sasakit lang ang ulo ko. Hindi naman sa nilalait ko siya. Isang beses ko pa lamang siya nakaharap at nakausap no'ng unang dating ko rito, alam ko na mabuting tao siya. Isa pa, ay maganda naman siya. Hindi lang talaga masyadong maintindihan kapag nagsasalita na ito.

Lumingon ako sa pinto kung saan nakatayo si Liller habang kausap si Nicole, nakatalikod man ito mula sa akin, ay alam ko na seryoso ang kanilang pinag-uusapan. 

Uminom ako ng tubig saka sandaling nag-cellphone.

Hihintayin ko na lang muna rito ang kaibigan ko bago umakyat sa taas at kunin ang mga gamit na dadalhin ko sa trabaho. Total, sa bar na rin naman kami nag-aayos. Less hansel! 

Habang naghihintay kay Liller ay sandali kong binuksan ang F* account ko. Minsan na lang ako mag online, wala rin naman akong nakikitang maganda rito kaya hindi na ‘ko tumatambay pa sa social media. Mas gusto ko pa’ng manood sa YT channel ng paborito kong Author— si CCmonogatari

Nakalimutan ko nga palang sabihin kay Liller ang tungkol doon. Ipasa-subscribe ko na rin siya. Lalo na, kung nais niyang malibang o 'di kaya'y nagbabalak itong mag japan. Mayroon kasi roon na mga basic language. Pero hindi naman ako maka-relate. Salitang ingles nga lang ay medyo hirap na ako, japanese lenggwahe pa kaya.

Sa FB— marami pa rin namang may mga sense kung mag-post doon, kaya lang, ang sa akin kasi, karamihan ay mga post lang ng mga tsismosa naming kapit-bahay ang nakikita ko. Panay ang parinigan tungkol sa mga halaman nilang nagkakandawalaan sa kani-kanilang harapan. Paano naman kasi, halos pare-pareho na lang sila ng mga tanim. Terible!

Natigilan ako sa pag-iisip nang buksan ko ang messenger ko. 

May chat pala si Kuya. Agad ko itong binasa dahil baka importante ito.

Kuya Marv: Kumusta na, Reen? Tumawag ka kapag hindi ka busy. Kinakamusta ka rin ni Nanay. Lagi ka mag-iingat d’yan.

Napangiti ako nang mabasa ang kanyang mensahe. Sana nga ay okay na si Inay. Pag-uwi ko, agad ko siyang kakausapin at aabutan ng pera. 

Ako: Ayos lang ako Kuya. Pasensya na, ngayon lang ako nag-online ulit. Mahal din kasi ang load. Wala namang wifi rito sa tinitirhan ko. Mag-iingat din kayo riyan, si Maro sana’y nag-aaral siya ng mabuti.

Bumalik ako sa F*, matapos kong magtipa. Nagtaka ako nang dumako ako sa notification. May friend request kasi.

May nag-add sa akin?

Nangunot ang noo ko nang buksan ko ang profile niya. 

Banana cue ang DP? Siguro ay tindero ng banana cue ang may-ari ng account na ito. 

Pinindot ko ang accept. Hindi naman kasi ako suplada katulad nang iba. Lalo na’t isa rin akong dukha. Miski nga ako,  turon ang profile picture rito.

Hindi kaya ginaya niya lang ako? 

Ipinilig ko ang aking ulo. Masyado na 'kong maraming iniisip. Baka nagkataon lang. Sino ba naman ang makakakilala sa isang pobreng tulad ko. Mahirap na, madalas pang shunga-shunga.

Napahinto ako sa ‘king malalim na iniisip nang makita kong umupo si Liller sa aking harapan. In-off ko ang phone ko, saka diretsong tumingin sa kanya.

“Kumusta?" Nangunot ang noo ko nang mapansin ang katahimikan nito. "May problema ba?” tanong ko. 

Hindi ko alam ang kanilang pinag-usapan ni Nicole, pero bakas sa mukha ng kaibigan ko ang lungkot kaya nagtanong ako. Pero— hindi siya nagsalita. Bagkos, isang tango lamang ang tinugon nito sa akin.

“Anong nangyari? Nakausap mo lang si Nicole, parang sinamaan ka na yata ng pakiramdam?” 

Seryoso siyang tumingin sa akin. 

Syete. Hindi pa ako masyadong sanay sa kanya pero legit ang kaba kapag ganito siya.

Natigilan ako nang marinig ang malalim niyang paghinga.

“Patay na raw ang Tatay ko,” malungkot niyang imporma sa akin.

Sandali akong natulala dahil sa sinabi niya. 

“Ha? Ba— paano? Anong nangyari?” tanong ko.

Umiling siya sa akin.

“Hindi ko alam, k-kailangan kong pumunta sa bahay,” tugon niya sa akin.

Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya.

“S-sige. Pero— kailangan mo ba ng kasama? Willing naman ako—”

“Hindi na, Reen. Kailangan mo magtrabaho. Hindi mo kailangang sumama sa akin, dahil baka isang linggo rin akong mawala,” pahayag niya.

Napalunok ako sa sinabi niya.

“K-kahit sa huling lamay, hindi ba ‘ko p’wedeng pumunta?” giit ko.

Umiling siya.

“Malayo ‘yon. At tiyak na mabuburyo ka. Isa pa, malakas ka sa bar. Paniguradong hindi ka papayagan ni Mamaylita,” sabi nito sa akin.

Lumunok ako nang napagtanto ang sinabi niya. Kailangan ko ng pera, pero kung sa ganitong sitwasyon ay ayos lang naman kung pareho kaming mawawala sa bar nang panandalian. Pero kung hindi nga kami papayagan, hindi ko na lamang ipipilit. Magpapadala na lang ako ng abuloy para sa Tatay nito.

“Ikaw ang bahala. M-magpapaalam ka na mamaya?” wika ko.

Muli siyang tumango sa akin.

“Oo, may kailangan din kasi akong ayusin. Para makabalik din ako agad dito."

Tumango ako.

“Sige,” tipid kong tugon.

“Okay lang ba na iwan muna kita rito? Gusto mo ba— pasamahan kita kay Nicole? Mabait naman 'yon, eh."

Huminga ako nang malalim.

“Ayos lang. 'Wag na. Okay lang akong mag-isa. Baka mayroon din 'yong ginagawa. Saka ano ka ba, Tatay mo ang nawala, kaya naiintindihan ko 'yon. Alam ko ang nararamdaman mo,” Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Huwag mo akong intindihin. Kaya ko,” dagdag ko pa.

Muli, ay tumango siya sa akin.

“Good to hear that. Talunin mo lahat ng babae sa bar, okay? Kung sa bagay, hindi mo na kailangan mag-effort pa. Sa tuwing lumalabas ka nga nag-uunahan na mga parokyano sa ‘yo para piliin ka, eh,” malumanay niyang litanya.

“Ano ka ba, kung magsalita ka naman, parang ako lang ang gano’n sa bar,” Mahina akong tumawa nang ngumiti siya. “Ganyan lang palagi. Kahit may problema, lagi tayong ngingiti.”

Napabuga siya nang hangin sa ‘king harapan.

“Salamat sa buhay mo, Reen. Mabuti na lang ay pinakilala ka sa akin ni Tiyang.”

Lumaki ang ngiti ko sa kanyang sinabi.

“Salamat din sa buhay mo. Nagkaroon ako ng comfidency sa sarili."

“You mean— confidence?” mabilis niyang wika.

Isang beses ako tumango habang nakangiti. 

“Yah, yah. Confidence nga,” sabi ko. “Salamat sa ‘yo. Sa totoo lang, simula no’ng umalis ang kaibigan ko— ‘yung nabanggit ko sa ‘yo na parang ikaw? Nalungkot talaga ako no'n. Mabuti na lang, nakilala rin kita,” masaya kong sambit sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, babalik ‘yon. Magkikita rin kayo ulit,” Napakibot ang aking itaas na labi nang mapansin kong tumingin ito sa singsing na suot ko.

Hinawakan ko ito habang nakatingin sa kanya.

“Hmm, ‘yang singsing na iyan— ibig sabihin ba niyan ay kasal ka na?” 

Hindi ko napigilan ang aking sarili na magulat sa itinanong niya sa akin.

Tumikhim ako bago ko ibinuka ang aking mga labi.

“Uhm, h-hindi. P-promise ring lang,” Yumuko ako at tumingin sa daliri ko.

Segundong natahimik ang paligid.

“Okay, lipat mo na lang sa ibang daliri kapag naka-duty ka. Baka maging palaisipan pa kasi sa mga customers,” payo niya.

Tumingin ako sa kanya.

“Sige,” Muli akong ngumiti. “Tara na?” aya ko.

Tumango siya sa akin.

“Tara. Kunin ko lang mga gamit ko,” tugon niya.

“Okay. Ako rin,” sabi ko.

Sabay kaming umakyat sa ‘ming k’warto at nag-ready para sa pagpasok namin.

Sa totoo lang, biglang nagbago ang panagano ko nang malaman ang problema ngayon ng kaibigan ko. Bigla ko na naman kasing naalala si Papa. Mabuti na lang ay matatag si Liller. Dahil kung ako ang nasa katayuan nito, baka hindi na ako makalabas ng bahay. 

Napakatatag niyang tao.

Bab terkait

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 7

    Reen Mabalasaw, malinggal, maasap, at 'di nakalulugod na kapaligiran ang bumalot sa apat na sulok ng silid kantahan kung saan ako naroon. Hindi ako mapakali kanina pa, pero wala akong ibang pamimilian kundi ang magtiis sa ganitong atmopera sa loob ng limang oras. Pangalawang linggo na akong nagtatrabaho sa bar na ito. Pero tila ito ang maituturing kong pinakamalubhang gabi kung ikukumpara ko mula sa unang araw na nagtrabaho ako rito. Ewan ko ba, pero itong mga customer kasi na pumili sa akin ay tila kakaiba. Mukha silang tumira ng kakaibang dahon bago pumunta rito. Maliban sa isa, na nagpakilalang Ivo Reyes. Simula nang pumasok kami rito sa KTV room, ay hindi na siya umaalis sa tabi ko. Kung sa bagay, hi

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-06
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 8

    Reen "IKAW?" Hindi ko maalis ang aking tingin sa lalaking nasa aking harapan. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba 'ko? Natigilan ako bigla nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Ivo sa aking pulsuhan. Nagulat ako, lalo nang lumipas ang ilang segundo ay tuluyan na ‘ko nitong bitawan. Bahagya akong yumuko upang tingnan ang kamay ko, hindi ko alam, dahil kahit kapansin-pansin ang pamumula ng pulsuhan ko'y mabilis pa rin na nawala ang atensyon ko roon nang maramdaman ko na may humawak sa ‘king kaliwang braso. Mabilis akong napa-angat nang tingin doon. Hindi ko alam, pero iba ang nararamdaman ko habang na

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-07
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 9

    Reen TAHIMIK lamang ako at nakikiramdam habang nasa byahe kami ng mokong na nagpakilala sa 'king Asher. Ewan ko ba kung bakit ako nagtiwala rito, basta ang alam ko lang ay pagod na ‘ko at nanghihina. Hanggang ngayon kasi ay para pa rin akong ninerbyusin dahil sa mga nangyari kanina. Bukod doon, ay naiilang pa ako. Paano ba naman kasi, kahit pagbali-baligtarin ko ang katawan ko rito sa sasakyan, hindi ko maipagkakaila ang sobrang pinagpalang gwapong lalaki na katabi ko. Kaya keri lang kung rapist ‘to. Charot! Lumunok ako at pasimpleng tumingin dito. Sige lang ito sa pagmamaneho kahit hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya.&n

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-08
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 10

    Reen Isang haluyhoy ang nagpagising sa diwa ko habang ako'y nasa kasarapan ng tulog. Dumapa ako, nang maalimpungatan mula sa 'king malalim na pagkakahimbing. Agad kong binuksan ang isa kong mata nang balutin ako nang pagtataka dahil sa matinding lamig na tumatama sa 'king balat. Mabilis kong inangat ang isa kong braso kung saan naroon ang relo ko. Napahinga ako nang malalim, nang makita ang oras. Alas-tres na pala ng hapon, pero pakiramdam ko ay maagang-maaga pa. Mukhang nasarapan ako sa ‘king pagtulog. Nakakatamad! Napabalikwas ako nang bangon, nang mapagtanto ko ang oras.

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-10
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 11

    Reen MABILIS akong nagbihis matapos kong makaligo. Grabe lang! Inabot yata ako ng isa’t kalahating oras sa banyo, dahil sa mga kakaibang kagamitan na nasa loob nito. Wala n’yon sa amin, kahit sa inuupahan namin dalawa ni Liller. Kaya hindi ko naialis sa sarili ko ang manibago, tamang subok at ingat lang bago gumamit ng bagay na naroon, dahil natatakot din akong makasira. Nakaka-shookit naman kasi talaga, eh! Lalo na, no’ng mainit na tubig ang lumabas sa showering ba ‘yon— eh, hindi naman ako nag mamainit na tubig. At ang pinaka kinaloka ko pa, no’ng napansin ko ang isang kulay puti na pahaba na may lamang tubig. Para itong kabaong na may tubig, gano’n! Ang dami talagang alam ng mga mayayaman . . .

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-11
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 12

    ReenPADILIM na nang mapatingin ako sa bintana ng sasakyan ng lalaking katabi ko.Nakakainis lang talaga, dahil mukhang male-late pa ako ngayon. Pero syempre, hindi naman ako makaka-angal— takot ko lang!Simula nang lumabas kami sa tinutuluyan nito, ay hindi na ako kumikibo. Tahimik ako habang nakikiramdam dahil baka mainit pa ang ulo ng lalaking hindi ko sigurado kung matino pa.Ayokong sumabay at baka masabihan din niya 'ko ng f*cking-f*cking ruins achuchu!Terible talaga. Hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan ngayon. At hindi ko rin alam kung saan ako lulugar, lalo na't nakaupo ako sa tabi nito.

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-14
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 13

    Reen "GANITO KA BA TALAGA KAYAMAN?" mangha't lamak kong salita sa harapan ng lalaking walang kasing lalim ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako makagalaw mula sa 'king kinatatayuan dahil sa sobrang pagkabigla. Bakit niya ba 'to ginagawa? Hindi ako makapaniwala. Kailanman ay hindi ko naranasan sundan nang ganito, dahil ako ang laging iniiwan. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Kailangan niya ba talagang gawin ito sa 'kin? At talagang gumastos pa siya nang sobra? Anong dahilan niya? Napuno ng mga katanungan ang aking isip, dahil sa mga nangyayaring ito.

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-16
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 14

    Reen"HOY, MAUNIN!"Napaigtad ako dahil sa malakas na pagtawag sa 'kin ni Nicole.Mabilis akong lumingon sa dako kung saan nanggaling ang kanyang boses."Mangit nga ma nulala n'yan?"Napatingin ako sa kanya nang diretso.Kung hindi ko iintindihin nang mabuti ang sinasabi niya, ay iisipin ko talagang minsan ay minumura na niya 'ko. Mabuti na lang, medyo nasasanay na 'ko sa kanya. Kaya kahit papaano ay naiintindihan ko kung ano ang nais niyang ipabatid sa akin."Bakit ka nandito?" mahina kong tanong. At talagang nabuksan niya agad an

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-20

Bab terbaru

  • Amorousness Behind Sunset   Final Chapter

    Reen "Zabi, tama na ang paglalaro. We're going to eat," sabi ko habang nag-aayos ng mga kasangkapan na aming gagamitin para sa 'ming tanghalian. Napangiti ako nang maramdaman na huminto ang anak ko mula sa paglalaro. I am blessed to have an obedient and submissive child. Ewan ko, pero tila natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. "Mommy, where's Daddy? Hindi ba siya magla-lunch kasabay natin?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "No, baby. Hindi natin makakasama si Daddy sa araw na ito, marami kasi siyang aasikasuhin dahil ilang linggo na 'yon hindi nagpapakita sa kumpanya nila, marami siyang kailangan

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 41

    Two months later Reen NAPANGIWI ako nang maamoy ang isang matapang na pabango mula sa aking katabi. Badtrip! Ang sama-sama pa naman ng pakiramdam ko buhat kanina nang magising ako. Pinilit ko lang talagang pumasok, 'pagkat kailangan na kailangan ako rito sa opisina ngayong araw. Wala kasing nais pagkatiwalaan ang kaibigan ko kundi ako lang. Nandito ako ngayon sa isang conference room, kasama ang ilang board of directors at ang boss ko— si Morgan. Katatapos lang ng meeting nila pero hindi pa rin sila nagsisikalasan! My goodness, kalalaki nilang tao mga tsismoso. Sumama ako kay Morgan nang lumuwas ito sa Manila. Ginawa

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 40

    ReenInis na inis ako sa sarili ko dahil kahit gusto ko siyang awatin ay wala akong magawa. Hindi ako makalaban, lalo nang maramdaman ko ang halik nito sa aking leeg, hanggang sa bumaba iyon sa 'king dibdib. Hindi ko alam pero tila napako ang aking atensyon sa mga ginagawa niya sa akin.Pinagmasdan ko siya habang ginagawa ang kanyang ibig sa 'king katawan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong alalahanin ang mga nangyari sa amin noon. Lalo na, ang unang gabi na pinadama niya sa akin ang kaligayahang tulad nang pinararamdam niya sa 'kin ngayon.Napatalon ang aking puso dahil sa galak, nang maramdaman ko ang pamilyar na kanyang malalim na halik nang muli niya 'kong halikan sa 'king mga labi.Aminado ako na mayroo

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 39

    Reen RAMDAM na ramdam ko ang tensyon at hiya habang inaanunsyo ng Daddy ni Morgan na ako ang nais nitong maging sekretarya ng anak niya para sa kumpanya na pamamahalaan nito. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot at pagkabahala habang iniisip ang tungkol doon. Una sa lahat, wala akong alam sa pagtatrabaho sa mga kumpanya o opisina dahil wala pa naman talaga akong tinatapos kundi highschool. Pangalawa, masyadong mayaman ang magiging amo ko samantalang ako ay isang hamak lamang. Pangatlo, baka hindi ko iyon mapanindigan. Ma-disappoint ko sila. Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan na iyon! Sa sobrang kaba ay napabuga ako nang hangin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong nilalamig na naiinitan na ewan. Hindi ako mapakali mula sa 'king inuupuan. Hanggang sa m

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 38

    Reen HINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan nito. Kahit mahal ko pa siya, gusto ko na lang umalis ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya'y nasasaktan lang ako lalo. Huminga ako't nilakasan ang aking loob. Buong tapang kong pinutol ang pakikipagtinginan sa kanya. Bahagya akong yumuko saka pilit na hinakbang ang aking isang paa. Bibilisan ko sana ang paglalakad nang makalagpas sa kanya, pero bigla na lamang akong natigilan dahil sa paghawak nito sa 'king braso. Agad na namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Lalo, nang buong lakas ako nitong ibalik kung saan ako kanina nakatayo. Napalunok ako nang muling magtama ang aming mga mata. Magsasalita sana ako pero hindi ko na tinuloy

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 37

    Reen "ASHER . . ." Ramdam ko ang biglaang pag-init ng magkabilaang sulok ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, dahil tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman. Litong-lito ako. Ewan, pero para bang huminto ang aking mundo. Nawalan ako ng pakialam sa lahat, maliban sa isang pares ng mata na nakatitig sa akin ngayon. Oh God . . . Pigil ko ang aking emosyon habang patuloy na nakatingin sa kanya. Hindi ko alintana ang paligid, maging kung ano ang ibig sabihin nang malalim niyang mga tingin. Galit siya sa akin? Hindi ba't dapat ako ang nakararamdam niyon, sapagkat siya ang ikakasal hindi ako? Ako dapat ang gumagawa ng mga ginagawa ni

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 36

    Reen PASADO alas-singko ng hapon nang tawagan ako ni Morgan upang impormahan na malapit na siya sa gate ng inuupahan naming bahay ni Liller. Mabuti na lang pala ay inagahan ko ang pag-aasikaso sa 'king sarili kanina, kung hindi ay siguradong maghihintay siya sa akin nang matagal. Sobrang strict talaga niya sa oras. Alas-sais pa dapat kami magkikita, pero pasado alas-singko pa lamang ay narito na siya. Ewan ko ba, bago sa 'kin ang ganito dahil sanay ako sa Filipino time. Kung sa bagay, magiging president at CEO nga pala siya ng kumpanya nila. Bukod doon, tagapagmana siya. Kaya big deal talaga ang pagdidisiplina nito sa kanyang sarili.

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 35

    Reen "ANONG KADEMONYOHAN ANG GINAWA MO?" Wala akong tiwala sa Ivo na ito. Kaya hindi ko maaaring pigilan ang sarili ko upang makapagtimpi sa walang kwentang tao na katulad niya. "Hindi mo ba talaga nage-gets?" Ngumisi ito sa harapan ko, tila nanunudyo at nang-iinsulto. "Maganda ka lang, pero tunay na tanga." Mabilis akong napaluha dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako nasasaktan, higit sa sinabi niyang ikakasal na si Asher. Alam ko na hindi ko 'to dapat nararamdaman. Pero hindi ko maiwasan. Sumuko ako. Sinuko ko siya. Pilit ko siyang kinalimutan. Naging okay ako. At akala ko okay na talaga ako. Pero hindi.

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 34

    Reen "Oh, Buknoy. Huwag mong kakalimutan 'yung bayad nito, ah? Gaigs ka patay ka talaga sa 'kin!" "Ou na, Ate Mureng! Ulit-ulit ka naman, eh!" "Maganda nang sure tayo! Aba'y syempre, seryoso dapat sa negosyo. Osiya, mag-ingat sa pag-drive, okay? Ebike lang ang dala mo kaya 'wag ka makipagsabayan sa mga naka-car or naka-motor. Respeto sa nakayayaman sa 'yo, ha?" Bahagya akong natawa nang mapakamot sa ulo si Buknoy. Sa dalawang taon ko rito sa Cebu, halos gano'n na rin katagal nang makilala ko siya dahil kay Morgan. Tauhan kasi ito sa bahay nila. At para gumaang ang trabaho ko dahil nag-aaral nga ako, siya ang nag-provide ng ebike para magamit ni Bu

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status