Share

Chapter 7

Author: CCmonogatari
last update Huling Na-update: 2021-11-06 18:18:12

Reen

Mabalasaw, malinggal, maasap, at 'di nakalulugod na kapaligiran ang bumalot sa apat na sulok ng silid kantahan kung saan ako naroon. Hindi ako mapakali kanina pa, pero wala akong ibang pamimilian kundi ang magtiis sa ganitong atmopera sa loob ng limang oras.

Pangalawang linggo na akong nagtatrabaho sa bar na ito. Pero tila ito ang maituturing kong pinakamalubhang gabi kung ikukumpara ko mula sa unang araw na nagtrabaho ako rito. Ewan ko ba, pero itong mga customer kasi na pumili sa akin ay tila kakaiba. Mukha silang tumira ng kakaibang dahon bago pumunta rito. 

Maliban sa isa, na nagpakilalang Ivo Reyes. 

Simula nang pumasok kami rito sa KTV room, ay hindi na siya umaalis sa tabi ko. Kung sa bagay, hindi naman sa pagmamayabang pero hindi lang siya ang gumawa nito sa akin. Gayunpaman, ang pakiramdam ko laban sa kanya ay 'di tulad nang naramdaman ko no'ng nakaraang araw— doon sa isang lalaki na naka-shades at naka-hoodie.

Naalala ko na naman tuloy siya. Ang wirdong lalaki na aking na-meet. 'Yon ngang perang binigay niya sa akin ay tinabi ko agad. Hindi ko iyon babawasan hanggang sa magkita kami ulit, nang matanong ito kung para saan iyon.

"Are you okay?" 

Napahinto ako mula sa 'king iniisip nang marinig ang tinig ng katabi kong lalaki— si Ivo. Tipid akong ngumiti sa kanya, saka isang beses na tumango. 

Hindi ko alam, kung ugali ko lang ba talaga ang mailang sa presensya ng mga lalaki? O sadyang ayoko lang talaga sa kanya at sa mga barkada nito. Para kasi silang mga basag-ulo kung umasta!

Medyo nadismaya rin ako, mula nang magpakilala si Ivo sa akin bilang isang anak ng congressman sa kanilang lugar. Bukod doon, sinabi rin niya na nakapagtapos siya ng pag-aaral sa isang eksklusibong paaralan, na tanging mga milyonaryo lang daw ang tinatanggap.

Edi wow! Edi ako na ang slap soil!

Sa buong gabing dumaan, habang masayang nagkakantahan, nag-iinuman, at naninigarilyo ang mga kasamahan ni Ivo ay abala naman ito sa pakikipagkwentuhan sa akin— actually, siya lang pala ang k'wento nang k'wento. 

Ewan ko ba, pero wala akong gana makipag-usap sa kanya. Pa'no ba naman kasi, kulang na lang ay dumalaw si Amihan sa distrito kung nasaan kami. Ang dami niyang hangin sa katawan! 

Lahat na yata ng bagay ay naipagmalaki na nito. Pero ang pinaka malala sa mga sinabi niya— magaling daw siyang kumanta. 

Umasa ako. Pinilit ko ang maniwala. Baka kasi sa bagay na iyon ay mapatunayan niya sa 'kin na nagsasabi ito ng totoo. 

Ngumiti ako sa kanya nang ilabas nito ang phone niya. Aaminin ko na na-amaze ako. Halata kasi rito na mayabang nga siya— este, mayaman pala. Dahil sa mamahalin nitong cellphone. 

Itinuon ko ang aking paningin sa screen n'yon. Sandali akong sumeryoso, nang mapansin ang itsura niya sa video habang may hawak na mayk. 

G'wapo siya. Maayos tumindig, kagalang-galang kung kumilos, at malinis kung titingnan. Sa palagay ko nga'y marami na itong nabolang babae— 'wag lang talaga siya magpapakawala nang hangin mula sa kanyang katawan. 

Napalunok ako nang sandaling magtama ang aming mga mata. Tumikhim ako saka muling ibinaba ang tingin sa phone niya. Hindi ako umiimik sa kanya. Hinayaan ko lang ito, hanggang sa i-play niya ang isang video sa akin, kung saan, inaawit niya 'yung paborito raw nitong song— ang trading my sorrow. 

Mabilis na nagbago ang aking ekspresyon. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya, o ngingiwi. Basta, ang nagawa ko na lamang ay napakamot sa 'king ulo.

Pisti!

Hindi sa nanlalait ako, o nais ko lamang itong pagsabihan ng kung ano dahil 'di ko siya trip. Mahirap magsinungaling at magpigil, at ang totoo ay muntik ko nang maibuga ang iniinom kong beer nang marinig ang boses niya. 

Amazeng! Ang masasabi ko lang talaga, ay maganda ang meaning nang kinanta niya. Pero— 'yung kumanta? Change topix na lang!

Nakisama ako sa mga customer namin sa gabing ito, kahit wala ako sa kondisyon. Medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo dahil sa mga nainom ko. Si Ivo naman kasi! Minsan, kahit ayokong lumagok ay nagagawa ko na lamang makaiwas lang sa mga k’wento niya. 

Medyo nabuhayan ako ng dugo, nang mag-aya na umuwi ang dalawa sa mga customer namin. 

Nagpasalamat ako kay Ivo nang abutan niya ako ng sampung libo. May silbi rin pala ang pakikinig sa mga kwentos nito.

Aaminin ko, buong duty ko’y nakaramdam ako ng pagkabagot. Pero nang mahawakan ko ang tip niya sa akin, kahit papaano’y sumaya ang puso ko. Lalo, nang bigla kong maalala si Inay, Kuya Marv, at Maro. Makakatulong na ako nang maayos sa kanila, makakaipon pa ako para sa binabalak ko tungkol kay Papa.

Lumipas ang mga oras, kinailangan na naming umuwi. Bago ako tumayo mula sa ‘king puwesto, biglang pumasok sa isip ko ang kaibigan ko— si Liller.

Kumusta kaya siya? Iba pa rin talaga kapag kasama ko ito. Kahit hindi kami parehong napipili sa iisang room, lumalakas pa rin ang loob ko dahil maisip ko lang na narito rin siya, nabubuo na ang kompiyansa ko sa ‘king sarili.

Sana’y maka-move on agad siya sa pagkawala ng tatay niya.

Naglakad ako palabas, kasabay nang dalawang babae na kapareho kong napili kanina. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bukod kasi sa nahihilo ako, naka-heels pa ako. 

Dahan-dahan akong tumungo papunta sa restroom, balak ko sana ang magbihis para makauwi agad. Ayoko kasing lumalabas dito nang ganito ang itsura ko, masyadong maikli ang pulang dress na suot ko. Bukod sa delikado na ang panahon ngayon, at hindi ko nakalakihan ang lugar na ito, ay masakit pa sa paa ang suot kong sandals. 

Maganda nang nag-iingat.

Papasok na ‘ko sa CR nang bigla akong matigilan sa paglalakad dahil bigla na lamang may humarang sa aking dapat na daraanan. Nakayuko ako, pero mabilis akong nag-angat nang mukha nang makilala ko ang isang pares ng sapatos na natamaan ng aking mga mata.

"Sir Ivo?" nagtataka kong wika.

Pasimple akong umatras dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

"Uuwi ka na ba? Ihahatid na sana kita."

Napasimangot ako sa sinabi nito. Napakasiga kasi ng kanyang tono.

"Magbibihis ka ba?" Napalunok ako nang pasadahan niya ako nang tingin mula sa ‘king ulo hanggang sa mga paa ko.

"Bihis ka na, hintayin kita rito," sabi pa nito.

Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi niya. Segundo ang lumipas bago ako nakaisip ng isasagot sa kanya.

"Nako, Sir," Pinilit ko ang ngumiti at tumingin nang diretso sa kanya dahil ayokong isipin nito na dapat lamang niya akong ihatid. "Hindi na po. Huwag ka na po mag-abala. M-may— sundo po kasi ako," pagsisinungaling ko.

Naisara kong bigla ang aking mga labi nang makita kong nagtiim-bagang siya. Lalo pa 'kong nabahala nang magbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ibang-iba sa itsura niya no'ng kinakausap niya ako kanina sa loob ng KTV room.

Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Naka-shabu ba 'to? Bukod sa biglaang nagbago ang kanyang mood, ay namumula pa ang mga mata nito. Hindi ko mawari kung galit ba siya o dahil nakainom lang? Well, p’wera biro'y nakararamdam na 'ko nang takot dahil sa mga pinapakita nito.

Huminga ako nang malalim, saka inayos ang paghawak sa bag na dala-dala ko. Magsasalita sana ako pero hindi na iyon natuloy nang bigla niya ‘kong talikuran. Sinundan ko ito nang tingin habang naglalakad nang nakapamulsa. 

Lakas tama amp!

Dalawang beses akong napailing bago tuluyang pumasok sa CR. Nagbihis ako agad at hindi na nag-aksaya pa ng oras. 

Tahimik akong lumabas ng bar nang matapos sa 'king ginawa. Ito na naman ako, kahit nakainom ay hindi ko mapigilang ma-miss si Liller.

Ito ang unang gabing pumasok ako rito sa bar na hindi ko kasama ang bago kong kaibigan. Lumuwas kasi ito sa lugar kung saan binurol ang kanyang ama. Hindi na niya nabanggit sa akin kung saang lugar iyon, hindi na rin kasi ako nag-usisa pa dahil naisip ko na baka makadagdag lang ako sa mga isipin niya.

Tumawid ako habang iniisip ang kaibigan ko. Pero muli, ay bigla na lamang akong natigilan sa paglalakad nang biglang sumulpot sa harapan ko si—

“Ivo?”

Nilukob ako nang pagtataka't takot nang mapansin ang malalim niyang tingin sa akin. "A-anong ginagawa mo rito?” Nagsalubong ang mga kilay ko nang ngumisi siya sa akin. "Akala ko u-umuwi ka na—"

“Sabi mo may sundo ka."

Sinundan ko ang paglingon nito sa kanyang kanan matapos sabihin iyon. Hindi ko alam, pero ramdam ko ang malakas na pagdagundong nang dibdib ko. Lalo, nang mapansin ko na walang ibang tao malapit sa dako kung saan kami nakatayo ni Ivo.

Natakot ako. Lalo, nang sunod niyang lingunin ay ang kaliwa nito. Nang siguro'y wala siyang nakita ay muli niyang binalik sa 'kin ang kanyang mga mata.

“Sinungaling ka," Sabay ngisi nito.

Nangunot ang noo ko. Ang kaninang kaba ko'y lalo pang nadagdagan dahil sa kanyang sinabi.

“H-hihintayin ko pa rito 'yung—

“Ako ang maghahatid sa ‘yo," mariin niyang sabi. 

Napaigtad ako mula sa 'king kinatatayuan nang maramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa ‘king pulsuhan.

Potaena nito, ah!

“Bitiwan mo nga ‘ko, Ivo. Ano ba?!" 

Hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses dahil sa takot na aking nararamdaman. Ewan ko, hindi ko maintindihan ang mga nangyayaring ito dahil kung babalikan ko ang mga nangyari kanina, ay okay naman siya  kahit puro hangin ang nalabas sa bibig niya!

“Sumama ka sa ‘kin!" Namilog ang mga mata ko nang sigawan niya 'ko at subukan nitong hilahin!

"Ayoko, peste ka! Ano ba?!" Nagpipipiglas ako habang pinipilit nitong makuha.

"Ang arte-arte mo, bayaran ka lang naman!" sabi pa niya.

Hindi ko alam, pero bigla na lang umakyat ang dugo ko sa 'king ulo. At wala na 'kong ibang naramdaman kundi pag-init ng magkabilaang dulo ng aking mga mata.

Anong karapatan niyang husgahan ako? Alam niya ang buhay na meron ako? Oo, bayaran nga ako. Pero pinaghihirapan ko naman iyon. Nagtitiis ako kahit hindi naman talaga ako sanay sa ganitong trabaho! 

Mahirap lang ako, pero mayroon akong dignidad sa 'king sarili. Hindi ako magbebenta ng laman para sa pera. Tinanggap ko ang trabahong ito para sa 'king pamilya. Akala ko'y hindi ako makararanas bastusin nang ganito kaya tinanggap ko at patuloy na tinitiis ang trabahong ito.

Sino bang tao ang gusto na mag-stay sa pagiging mahirap? Sa palagay ko'y wala kahit isa.

Wala . . .

Ramdam ko ang mga luhang pumapatak mula sa 'king mga mata. Alam ko na hawak pa rin ako ni Ivo sa 'king kanang pulsuhan. Pero hindi na 'ko nanlaban pa dahil para bang bigla na lang akong nakaramdam nang panghihina.

Lumipas ang ilang segundo, nang maramdaman ko na muli akong hihilahin ni Ivo. Wala na 'kong lakas para makalaban pa, kaya hinayaan ko na lang ito.

Bahala na kung saan niya ako dalhin. Kung ano ang gusyo niyang gawin sa 'kin. Total, pagod na rin ako. Pagod na 'kong isipin kung anong kasalanan ko sa mundo para maranasan ang kahat nang ito.

Nakakadalawang hakbang pa lamang ako habang hila-hila ni Ivo, nang bigla kaming matigilan pareho dahil sa isang tinig na nagsalita mula sa aming likuran.

“Bitiwan mo siya.”

Unti-unti ay namilog ang mga mata ko nang marinig iyon. Bukod sa nabuhayan ako nang loob dahil posibleng hindi na matuloy ni Ivo ang binabalak niya laban sa akin, ay pamilyar pa ang boses na 'yon sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon sa 'king likuran. Nang mataan ng aking mga mata ang bulto ng isang lalaki ay agad kong nabawi ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak dito ni Ivo.

“Ikaw?” iyon lamang ang tanging salita na aking nabitawan nang magtama ang aming mga mata.

Kaugnay na kabanata

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 8

    Reen "IKAW?" Hindi ko maalis ang aking tingin sa lalaking nasa aking harapan. Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba 'ko? Natigilan ako bigla nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Ivo sa aking pulsuhan. Nagulat ako, lalo nang lumipas ang ilang segundo ay tuluyan na ‘ko nitong bitawan. Bahagya akong yumuko upang tingnan ang kamay ko, hindi ko alam, dahil kahit kapansin-pansin ang pamumula ng pulsuhan ko'y mabilis pa rin na nawala ang atensyon ko roon nang maramdaman ko na may humawak sa ‘king kaliwang braso. Mabilis akong napa-angat nang tingin doon. Hindi ko alam, pero iba ang nararamdaman ko habang na

    Huling Na-update : 2021-11-07
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 9

    Reen TAHIMIK lamang ako at nakikiramdam habang nasa byahe kami ng mokong na nagpakilala sa 'king Asher. Ewan ko ba kung bakit ako nagtiwala rito, basta ang alam ko lang ay pagod na ‘ko at nanghihina. Hanggang ngayon kasi ay para pa rin akong ninerbyusin dahil sa mga nangyari kanina. Bukod doon, ay naiilang pa ako. Paano ba naman kasi, kahit pagbali-baligtarin ko ang katawan ko rito sa sasakyan, hindi ko maipagkakaila ang sobrang pinagpalang gwapong lalaki na katabi ko. Kaya keri lang kung rapist ‘to. Charot! Lumunok ako at pasimpleng tumingin dito. Sige lang ito sa pagmamaneho kahit hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya.&n

    Huling Na-update : 2021-11-08
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 10

    Reen Isang haluyhoy ang nagpagising sa diwa ko habang ako'y nasa kasarapan ng tulog. Dumapa ako, nang maalimpungatan mula sa 'king malalim na pagkakahimbing. Agad kong binuksan ang isa kong mata nang balutin ako nang pagtataka dahil sa matinding lamig na tumatama sa 'king balat. Mabilis kong inangat ang isa kong braso kung saan naroon ang relo ko. Napahinga ako nang malalim, nang makita ang oras. Alas-tres na pala ng hapon, pero pakiramdam ko ay maagang-maaga pa. Mukhang nasarapan ako sa ‘king pagtulog. Nakakatamad! Napabalikwas ako nang bangon, nang mapagtanto ko ang oras.

    Huling Na-update : 2021-11-10
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 11

    Reen MABILIS akong nagbihis matapos kong makaligo. Grabe lang! Inabot yata ako ng isa’t kalahating oras sa banyo, dahil sa mga kakaibang kagamitan na nasa loob nito. Wala n’yon sa amin, kahit sa inuupahan namin dalawa ni Liller. Kaya hindi ko naialis sa sarili ko ang manibago, tamang subok at ingat lang bago gumamit ng bagay na naroon, dahil natatakot din akong makasira. Nakaka-shookit naman kasi talaga, eh! Lalo na, no’ng mainit na tubig ang lumabas sa showering ba ‘yon— eh, hindi naman ako nag mamainit na tubig. At ang pinaka kinaloka ko pa, no’ng napansin ko ang isang kulay puti na pahaba na may lamang tubig. Para itong kabaong na may tubig, gano’n! Ang dami talagang alam ng mga mayayaman . . .

    Huling Na-update : 2021-11-11
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 12

    ReenPADILIM na nang mapatingin ako sa bintana ng sasakyan ng lalaking katabi ko.Nakakainis lang talaga, dahil mukhang male-late pa ako ngayon. Pero syempre, hindi naman ako makaka-angal— takot ko lang!Simula nang lumabas kami sa tinutuluyan nito, ay hindi na ako kumikibo. Tahimik ako habang nakikiramdam dahil baka mainit pa ang ulo ng lalaking hindi ko sigurado kung matino pa.Ayokong sumabay at baka masabihan din niya 'ko ng f*cking-f*cking ruins achuchu!Terible talaga. Hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan ngayon. At hindi ko rin alam kung saan ako lulugar, lalo na't nakaupo ako sa tabi nito.

    Huling Na-update : 2021-11-14
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 13

    Reen "GANITO KA BA TALAGA KAYAMAN?" mangha't lamak kong salita sa harapan ng lalaking walang kasing lalim ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako makagalaw mula sa 'king kinatatayuan dahil sa sobrang pagkabigla. Bakit niya ba 'to ginagawa? Hindi ako makapaniwala. Kailanman ay hindi ko naranasan sundan nang ganito, dahil ako ang laging iniiwan. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Kailangan niya ba talagang gawin ito sa 'kin? At talagang gumastos pa siya nang sobra? Anong dahilan niya? Napuno ng mga katanungan ang aking isip, dahil sa mga nangyayaring ito.

    Huling Na-update : 2021-11-16
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 14

    Reen"HOY, MAUNIN!"Napaigtad ako dahil sa malakas na pagtawag sa 'kin ni Nicole.Mabilis akong lumingon sa dako kung saan nanggaling ang kanyang boses."Mangit nga ma nulala n'yan?"Napatingin ako sa kanya nang diretso.Kung hindi ko iintindihin nang mabuti ang sinasabi niya, ay iisipin ko talagang minsan ay minumura na niya 'ko. Mabuti na lang, medyo nasasanay na 'ko sa kanya. Kaya kahit papaano ay naiintindihan ko kung ano ang nais niyang ipabatid sa akin."Bakit ka nandito?" mahina kong tanong. At talagang nabuksan niya agad an

    Huling Na-update : 2021-11-20
  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 15

    ReenTAHIMIK kong binuklat ang libro na pinahiram sa akin ni Liller nang makaakyat ako rito sa kwarto.Bago umalis ang kaibigan ko, binilin niya sa ‘kin na kapag nakararamdam daw ako nang pagkabagot, ay ito lamang ang aking gawin.Well, mukhang mas mainam pa nga ang magbasa na lamang, kaysa makipagtalo pa sa lalaking sagana sa kayamanan pero mukha namang kinulang sa aruga.Tulad nang nasa ibaba. Hay!Napatingin ako sa kawalan, nang mabasa ko ang pangalan nang nakalagay sa bungad nitong hawak kong libro.Myles Munroe.

    Huling Na-update : 2021-11-26

Pinakabagong kabanata

  • Amorousness Behind Sunset   Final Chapter

    Reen "Zabi, tama na ang paglalaro. We're going to eat," sabi ko habang nag-aayos ng mga kasangkapan na aming gagamitin para sa 'ming tanghalian. Napangiti ako nang maramdaman na huminto ang anak ko mula sa paglalaro. I am blessed to have an obedient and submissive child. Ewan ko, pero tila natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. "Mommy, where's Daddy? Hindi ba siya magla-lunch kasabay natin?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "No, baby. Hindi natin makakasama si Daddy sa araw na ito, marami kasi siyang aasikasuhin dahil ilang linggo na 'yon hindi nagpapakita sa kumpanya nila, marami siyang kailangan

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 41

    Two months later Reen NAPANGIWI ako nang maamoy ang isang matapang na pabango mula sa aking katabi. Badtrip! Ang sama-sama pa naman ng pakiramdam ko buhat kanina nang magising ako. Pinilit ko lang talagang pumasok, 'pagkat kailangan na kailangan ako rito sa opisina ngayong araw. Wala kasing nais pagkatiwalaan ang kaibigan ko kundi ako lang. Nandito ako ngayon sa isang conference room, kasama ang ilang board of directors at ang boss ko— si Morgan. Katatapos lang ng meeting nila pero hindi pa rin sila nagsisikalasan! My goodness, kalalaki nilang tao mga tsismoso. Sumama ako kay Morgan nang lumuwas ito sa Manila. Ginawa

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 40

    ReenInis na inis ako sa sarili ko dahil kahit gusto ko siyang awatin ay wala akong magawa. Hindi ako makalaban, lalo nang maramdaman ko ang halik nito sa aking leeg, hanggang sa bumaba iyon sa 'king dibdib. Hindi ko alam pero tila napako ang aking atensyon sa mga ginagawa niya sa akin.Pinagmasdan ko siya habang ginagawa ang kanyang ibig sa 'king katawan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong alalahanin ang mga nangyari sa amin noon. Lalo na, ang unang gabi na pinadama niya sa akin ang kaligayahang tulad nang pinararamdam niya sa 'kin ngayon.Napatalon ang aking puso dahil sa galak, nang maramdaman ko ang pamilyar na kanyang malalim na halik nang muli niya 'kong halikan sa 'king mga labi.Aminado ako na mayroo

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 39

    Reen RAMDAM na ramdam ko ang tensyon at hiya habang inaanunsyo ng Daddy ni Morgan na ako ang nais nitong maging sekretarya ng anak niya para sa kumpanya na pamamahalaan nito. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot at pagkabahala habang iniisip ang tungkol doon. Una sa lahat, wala akong alam sa pagtatrabaho sa mga kumpanya o opisina dahil wala pa naman talaga akong tinatapos kundi highschool. Pangalawa, masyadong mayaman ang magiging amo ko samantalang ako ay isang hamak lamang. Pangatlo, baka hindi ko iyon mapanindigan. Ma-disappoint ko sila. Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan na iyon! Sa sobrang kaba ay napabuga ako nang hangin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong nilalamig na naiinitan na ewan. Hindi ako mapakali mula sa 'king inuupuan. Hanggang sa m

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 38

    Reen HINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan nito. Kahit mahal ko pa siya, gusto ko na lang umalis ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya'y nasasaktan lang ako lalo. Huminga ako't nilakasan ang aking loob. Buong tapang kong pinutol ang pakikipagtinginan sa kanya. Bahagya akong yumuko saka pilit na hinakbang ang aking isang paa. Bibilisan ko sana ang paglalakad nang makalagpas sa kanya, pero bigla na lamang akong natigilan dahil sa paghawak nito sa 'king braso. Agad na namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Lalo, nang buong lakas ako nitong ibalik kung saan ako kanina nakatayo. Napalunok ako nang muling magtama ang aming mga mata. Magsasalita sana ako pero hindi ko na tinuloy

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 37

    Reen "ASHER . . ." Ramdam ko ang biglaang pag-init ng magkabilaang sulok ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, dahil tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman. Litong-lito ako. Ewan, pero para bang huminto ang aking mundo. Nawalan ako ng pakialam sa lahat, maliban sa isang pares ng mata na nakatitig sa akin ngayon. Oh God . . . Pigil ko ang aking emosyon habang patuloy na nakatingin sa kanya. Hindi ko alintana ang paligid, maging kung ano ang ibig sabihin nang malalim niyang mga tingin. Galit siya sa akin? Hindi ba't dapat ako ang nakararamdam niyon, sapagkat siya ang ikakasal hindi ako? Ako dapat ang gumagawa ng mga ginagawa ni

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 36

    Reen PASADO alas-singko ng hapon nang tawagan ako ni Morgan upang impormahan na malapit na siya sa gate ng inuupahan naming bahay ni Liller. Mabuti na lang pala ay inagahan ko ang pag-aasikaso sa 'king sarili kanina, kung hindi ay siguradong maghihintay siya sa akin nang matagal. Sobrang strict talaga niya sa oras. Alas-sais pa dapat kami magkikita, pero pasado alas-singko pa lamang ay narito na siya. Ewan ko ba, bago sa 'kin ang ganito dahil sanay ako sa Filipino time. Kung sa bagay, magiging president at CEO nga pala siya ng kumpanya nila. Bukod doon, tagapagmana siya. Kaya big deal talaga ang pagdidisiplina nito sa kanyang sarili.

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 35

    Reen "ANONG KADEMONYOHAN ANG GINAWA MO?" Wala akong tiwala sa Ivo na ito. Kaya hindi ko maaaring pigilan ang sarili ko upang makapagtimpi sa walang kwentang tao na katulad niya. "Hindi mo ba talaga nage-gets?" Ngumisi ito sa harapan ko, tila nanunudyo at nang-iinsulto. "Maganda ka lang, pero tunay na tanga." Mabilis akong napaluha dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako nasasaktan, higit sa sinabi niyang ikakasal na si Asher. Alam ko na hindi ko 'to dapat nararamdaman. Pero hindi ko maiwasan. Sumuko ako. Sinuko ko siya. Pilit ko siyang kinalimutan. Naging okay ako. At akala ko okay na talaga ako. Pero hindi.

  • Amorousness Behind Sunset   Chapter 34

    Reen "Oh, Buknoy. Huwag mong kakalimutan 'yung bayad nito, ah? Gaigs ka patay ka talaga sa 'kin!" "Ou na, Ate Mureng! Ulit-ulit ka naman, eh!" "Maganda nang sure tayo! Aba'y syempre, seryoso dapat sa negosyo. Osiya, mag-ingat sa pag-drive, okay? Ebike lang ang dala mo kaya 'wag ka makipagsabayan sa mga naka-car or naka-motor. Respeto sa nakayayaman sa 'yo, ha?" Bahagya akong natawa nang mapakamot sa ulo si Buknoy. Sa dalawang taon ko rito sa Cebu, halos gano'n na rin katagal nang makilala ko siya dahil kay Morgan. Tauhan kasi ito sa bahay nila. At para gumaang ang trabaho ko dahil nag-aaral nga ako, siya ang nag-provide ng ebike para magamit ni Bu

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status