Reen
TAHIMIK lamang ako at nakikiramdam habang nasa byahe kami ng mokong na nagpakilala sa 'king Asher.
Ewan ko ba kung bakit ako nagtiwala rito, basta ang alam ko lang ay pagod na ‘ko at nanghihina.
Hanggang ngayon kasi ay para pa rin akong ninerbyusin dahil sa mga nangyari kanina. Bukod doon, ay naiilang pa ako. Paano ba naman kasi, kahit pagbali-baligtarin ko ang katawan ko rito sa sasakyan, hindi ko maipagkakaila ang sobrang pinagpalang gwapong lalaki na katabi ko.
Kaya keri lang kung rapist ‘to. Charot!
Lumunok ako at pasimpleng tumingin dito. Sige lang ito sa pagmamaneho kahit hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa kanya.
Monggoloyd talaga. Saan kaya ako nito dadalhin? Feeling yata nito googul map siya!
"Baka matunaw ako, ah. Hinay-hinay lang sa pagtitig.”
Taranta kong naibalik ang tingin ko sa ‘king harapan. Gulat na gulat ako nang bigla niya ‘kong sitahin.
B'wisit talaga 'tong lalaki na 'to! Pa'no niya nalamang tinitingnan ko siya? May samaligno ba 'to? Gwapong maligno . . .
Sandali kong ipinilig ang aking ulo upang mahinto sa mga naiisip ko. Pagkaraa'y, napakagat ako sa 'king ibabang labi dahil sa mga pinaggagawa ko!
Syete ka talaga, Maureen!
Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha kahit hindi ko ito nakikita. Pa’no ba naman, hanggang sa ‘king tainga ay ramdam ko na nag-iinit ito. Lalo pa ‘yong lumala nang marinig ko ang mahinang pagtawa ng mokong na nasa tabi ko!
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Para bang gusto ko na lang magpakain sa lupa.
Letse talaga!
Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtataka man ay agad ko itong kinuha mula sa 'king bag dahil sa isipin na baka si Liller ito.
May nangyari kaya?
Nangunot ang noo ko nang makita kong hindi pangalan ng aking kaibigan ang rumehistro sa screen ng phone ko. Number lang kasi ito at hindi ko alam kung sino.
Sino ka . . .
Para mabawasan ang aking pagtataka ay tumungo ako sa inbox para i-check kung mayroon ba ritong text, o nag-text ba muna ang may-ari ng numerong ito bago tumawag sa ‘kin. Baka kasi nagbago lang ng numero si Liller, o ‘di kaya si Kuya. Sila lang naman ang madalas na kumu-contact sa ‘kin.
Lumunok ako nang wala akong nakitang mensahe rito. Sino kaya ‘to? Mokong number 2?
Sa pagtataka'y naisipan kong sagutin ang tawag, kanina pa ito ring nang ring, pero nag-aalinlangan talaga ako dahil baka kung sino lamang ito.
Pipindutin ko na sana ang phone ko. Pero bigla naman natapos ang pag-ring nito.
Umirap ako sa hangin nang mabigo sa 'king nais. Pagkatapos ay aksidente akong napatingin sa katabi kong lalaki, na walang kasing dilim ang mukha.
Anong nangyari sa monggoloyd na 'to?
Muli, ay bigla na lamang akong binalot nang pagtataka. Bukod kasi sa mukha siyang badtrip, kapansin-pansin din na tila bigla na lang nagbago ang ekspresyon nang mukha nito.
Kanina lang, panay ang ngiti nito. Tumatawa-tawa mag-isa. Samantalang ngayon, kulang na lang ay mag-apoy ito dahil sa pamumula nang mukha niya.
Teka, galit ba 'tong monggoloyd na 'to? Pero— bakit naman siya magagalit? Wala namang gumagalaw sa kanya, hindi na nga ako pumapatol sa pang-aasat niya! May tama yata talaga ito sa utak. Daig pa niya ang mga babae sa bilis magbago ng mood!
“Pasalamat ka talaga, g'wapo ka,” bulong ‘ko sa aking sarili.
“Sino ‘yon?”
Agad akong napatingin sa kanya nang sabihin niya 'yon. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ko siya sinagot.
“Ha?” hindi ko alam kung paano at ano ang itutugon ko sa kanya.
Napalunok ako nang tapunan niya ‘ko nang tingin.
“Sabi ko sino ‘yang katawagan mo.”
Sandaling nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ang malamig nitong tono.
“Katawagan?” nagtataka man ay tinanong ko pa rin siya.
Siraulo ba talaga ‘tong lalaki na ‘to? Nakita niya naman siguro na hindi ko nga nasagot ‘yung tawag na 'yon, pagkatapos ay pagbibintangan pa ako nitong may katawagan?
Pero— teka! Eh, ano naman kung isipin niya ang bagay na ‘yon laban sa akin? Hindi ko naman siya jowa para matakot at magdipensa nang ganito sa kanya!
“Baba."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nitong ihinto ang sasakyan niya sa tapat ng hindi ko mawari kung hotel ba o isang mall? Maganda kasi ito at malaki.
“S-siraulo ka ba?” Pinaikot ko ang aking mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan nito, upang tingnan ang lugar na pinagtigilan namin. Maya-maya ay ibinalik ko sa kanya ang aking tingin.
“Seryoso ka ba, ha?" nakaramdam ako nang takot nang makitang walang ekspresyon ang mukha niya.
"Pinilit mo ‘kong pasakayin dito kanina, pagkatapos ay pabababain mo lang ako sa lugar na hindi ko naman alam at kabisado—”
“I said, baba,” mariin niyang ulit sa kanyang sinabi kanina.
Hindi ko alam, pero bigla na lang may gumuhit na sakit mula sa aking dibdib dahil sa sinabi niya.
Napatulala ako sa kanya. Pagkaraa'y lumunok ako, bago kinagat ang aking ibabang labi upang pigilan ang emosyon na ano mang oras ay kakawala na.
Ano bang kasalanan ko sa mga lalaki?Bakit ang lulupit nila sa akin? Parang gusto ko na lang tuloy maging isang hotdog! Tamang palamig lang sa refrigeratress ganorn!
Hinawakan ko ang bag na dala ko, bago inayos ang aking sarili. Huminga ako nang malalim, pagkatapos ay maayos na humarap sa kanya.
“Sa susunod na makikita mo ‘ko, ‘wag na ‘wag ka nang magmamagaling na kunwari ay tutulungan mo ‘ko pero hindi naman pala—” Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla itong bumama mula sa sasakyan niya.
Nagmamadali itong umikot patungo sa ‘kin. Takang-taka ako habang sinusundan ko siya nang tingin.
Ang tindi talaga nito! Mukhang pagbubuksan niya pa ‘ko para lang palayasin at iwan na lang sa lugar na ito na parang isang pusa na gusto niyang iligaw!
“Baba na,” muli niyang mando sa akin .
Tama nga ako. Nag-effort pa talaga ito para palabasin ako sa sasakyan niyang kung sinu-suno na yatang chix na nakasakay!
Nagdabog ako habang pababa sa kotse niya. Kung hindi lang maganda at mukhang mamahalin ang sasakyan na 'to ay sisindihan ko talaga ng apoy para sumilab na, eh!
Kaimbyerna!
Mabilis akong tumalikod nang makababa sa sasakyan niya. Bago 'yon ay inirapan ko muna siya. Maglalakad na sana ako, pero natigilan ako nang hawakan ako nito sa ‘king isang kamay.
Agad akong napalingon sa kanya.
“Saan ka pupunta?” salubong ang makapal nitong mukha— este, makakapal niyang kilay nang magtanong sa akin.
“Saan pa ba? Edi uuwi!" singhal ko. "Aba’y s’yempre, tao lang ako, 'no! Hindi mo ba nakikita? Galing pa ‘kong trabaho. Bukod sa pagod na ‘ko, ay nakainom pa ako. Kaya, p’wede ba? ‘Wag kang epal d’yan. Kailangan ko na umuwi para makapagpahinga—”
Napasinghap ako nang bigla niya akong hilahin at isandal sa sasakyan niya!
Syete!
Nanlaki ang aking mga mata nang tingnan ako nito nang pailalim. Seryoso at parang nang-aakit.
Ano ba naman 'to . . .
Oo, inaamin ko. Nababahala ako. Lalo, nang ikulong niya ako sa kanyang mga bisig.
“A-ano na naman ba ‘to, A-Asher—”
Natahimik ako nang ilagay niya ang kanyang hintuturo sa ‘king mga labi, siguro ay dahil nais niya na patahimikin ako.
“Isang salita pa, parurusahan kita sa paraang matutuwa ka."
Ow, shit!
Hindi ko alam kung ano ang una kong iintindihin sa mga ipinapakita niya sa akin— ang kanya bang mga sinasabi? O ang pagtama nang mabango nitong hininga sa ‘king mukha, na nagiging dahilan nang pagtaas ng mga balahibo ko sa ‘king braso at batok!
Ito na naman ako! Ano bang klaseng nilalang kasi ang lalaking 'to . . .
Hindi ko man alam o maintindihan kung ano ang sinasabi nitong parusa na kanyang gagawin sa akin kapag nagsalita ako, sinunod ko na lamang siya. ‘Pagkat natatakot ako na baka anong gawin nito sa akin.
Muli, ay natigilan ako nang unti-unti siyang lumayo sa akin. Napaigtad ako nang mabini niya ‘kong hilahin muli sa ‘king isang kamay at ipasok sa isang magarang building.
Saan niya 'ko dadalhin? Taga rito ba siya? Kaya niya pala ako pinabababa kanina ay dahil dito. Paksyet! Ang ganda-ganda na nang drama ko kanina, eh!
'Yan! Judgementally ka kasi, Maureen! Pa-emote-emote ka pa kanina, buset ka!
Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ang tinatapakan naming dalawa, pero malakas ang kutob ko na ang mga narito ay condominium?
Hindi ko shore!
Panay ang pagdagundong nang dibdib ko hanggang sa makasakay kami ng elevator. Hindi ako makaimik dahil baka halikan na naman ako ng mokong na ‘to!
Ang letseng ‘to. Kumukota na ‘to sa ‘kin, huh! Masyado na siyang nag e-enjoy sa paggamit sa kahinaan ko! Pero— sige, go lang! Kering-keri.
Rawr!
Sumunod lang ako sa kanya habang hawak nito ang isa kong kamay. Wala na ‘kong pakialam sa kung anong maging itsura ko, basta ang alam ko lang, ay para kaming mga teenager na mayroong hindi pagkakaintindihan dahil sa simpleng problema lang!
“Sa’n mo ba ‘ko dadalhin—”
“I warning you,” pagbabanta niya nang humarap ito sa akin.
Wala na ‘kong nagawa pa, kundi mapalunok na lamang dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Bawal ako magsalita.
H*yop na ‘to, eh. Kanina pa niya ‘ko minamanduhan! Itulak ko kaya ‘to rito sa building? Kaso— sayang siya. Mabango pa naman at g’wapo. Magtitiis na nga lang ako!
Natahimik ako lalo nang hilahin niya ako papasok sa binuksan niyang pinto.
Dahan-dahan akong humakbang, matapos niyang bitawan ang kamay ko. Hindi ko alam ang marararamdam ko sa mga oras na ito, dahil sa mga bumungad sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, siguro'y dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita nang ganitong kaganda, karangya, at kabangong lugar.
Nakamamangha. At the same time, ay nakakainggit.
“S-sa ‘yo ‘to?” Lumunok ako matapos iyon lumabas mula sa ‘king bibig.
Hindi ako tumingin sa kanya. Kahit nahahagip siya ng aking paningin ay hindi ko ito tinapunan kahit nang konting tingin, dahil tila napako sa kung saan ang aking mga mata at atensyon.
Hindi ako makapaniwala. Ganito talaga siya kayaman?
Muli akong napalunok nang bigla kong maalala ang buhay na meron ako. Buhay na kapag nalaman niya— siguradong magsisisi siya na nakilala at dinala niya pa ako rito.
“Okay ka lang ba—”
“Bakit mo ‘ko sinama rito?” mabilis kong untag sa kanya.
Hindi siya agad nakapagsalita. Marahil, ay nagulat ito sa agarang pagbabago ng aking ekspresyon at tono.
Tipid akong ngumiti, saka seryosong tumingin sa kanya.
“Alam mo ba kung sino ako? Alam mo ba, kung anong buhay ang meron ako, huh?” malamig ang aking tono. Pero hindi iyon naging dahilan para siya'y magseryoso. Dahil imbes na sagutin niya ako, ay tinawanan niya lang ako.
“Hindi ako nakikipag lokohan sa ‘yo,” mariin kong sabi sa kanya.
Umayos ako nang tayo nang mapansin kong unti-unting nawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi.
“Walang dahilan. Gusto ko lang tumulong. ‘Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sa ‘yo," sandali siyang huminto sa pagsasalita, pagkaraa'y nagpatuloy rin.
"And yes, I know you. I know who and what you are." Umalis siya sa ‘king harapan matapos sambitin ang mga bagay na iyon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi at ginagawa niya. Siguro nga, ay natapakan lang nito ang kaakuhan ko. Pero masisisi niya ba ‘ko?
Kahit saang anggulo niya tingnan. Pagbali-baligtarin man niya ang mundo— hindi niya mababago ang katotohanang langit siya, at lupa lang ako. Kaya kahit makipagkaibigan sa akin, ay hindi niya dapat ginagawa o gawin. Dahil kailanman, hindi maaring magkasundo at magsama ang tubig at apoy.
Hinding-hindi.
Reen Isang haluyhoy ang nagpagising sa diwa ko habang ako'y nasa kasarapan ng tulog. Dumapa ako, nang maalimpungatan mula sa 'king malalim na pagkakahimbing. Agad kong binuksan ang isa kong mata nang balutin ako nang pagtataka dahil sa matinding lamig na tumatama sa 'king balat. Mabilis kong inangat ang isa kong braso kung saan naroon ang relo ko. Napahinga ako nang malalim, nang makita ang oras. Alas-tres na pala ng hapon, pero pakiramdam ko ay maagang-maaga pa. Mukhang nasarapan ako sa ‘king pagtulog. Nakakatamad! Napabalikwas ako nang bangon, nang mapagtanto ko ang oras.
Reen MABILIS akong nagbihis matapos kong makaligo. Grabe lang! Inabot yata ako ng isa’t kalahating oras sa banyo, dahil sa mga kakaibang kagamitan na nasa loob nito. Wala n’yon sa amin, kahit sa inuupahan namin dalawa ni Liller. Kaya hindi ko naialis sa sarili ko ang manibago, tamang subok at ingat lang bago gumamit ng bagay na naroon, dahil natatakot din akong makasira. Nakaka-shookit naman kasi talaga, eh! Lalo na, no’ng mainit na tubig ang lumabas sa showering ba ‘yon— eh, hindi naman ako nag mamainit na tubig. At ang pinaka kinaloka ko pa, no’ng napansin ko ang isang kulay puti na pahaba na may lamang tubig. Para itong kabaong na may tubig, gano’n! Ang dami talagang alam ng mga mayayaman . . .
ReenPADILIM na nang mapatingin ako sa bintana ng sasakyan ng lalaking katabi ko.Nakakainis lang talaga, dahil mukhang male-late pa ako ngayon. Pero syempre, hindi naman ako makaka-angal— takot ko lang!Simula nang lumabas kami sa tinutuluyan nito, ay hindi na ako kumikibo. Tahimik ako habang nakikiramdam dahil baka mainit pa ang ulo ng lalaking hindi ko sigurado kung matino pa.Ayokong sumabay at baka masabihan din niya 'ko ng f*cking-f*cking ruins achuchu!Terible talaga. Hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan ngayon. At hindi ko rin alam kung saan ako lulugar, lalo na't nakaupo ako sa tabi nito.
Reen "GANITO KA BA TALAGA KAYAMAN?" mangha't lamak kong salita sa harapan ng lalaking walang kasing lalim ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako makagalaw mula sa 'king kinatatayuan dahil sa sobrang pagkabigla. Bakit niya ba 'to ginagawa? Hindi ako makapaniwala. Kailanman ay hindi ko naranasan sundan nang ganito, dahil ako ang laging iniiwan. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Kailangan niya ba talagang gawin ito sa 'kin? At talagang gumastos pa siya nang sobra? Anong dahilan niya? Napuno ng mga katanungan ang aking isip, dahil sa mga nangyayaring ito.
Reen"HOY, MAUNIN!"Napaigtad ako dahil sa malakas na pagtawag sa 'kin ni Nicole.Mabilis akong lumingon sa dako kung saan nanggaling ang kanyang boses."Mangit nga ma nulala n'yan?"Napatingin ako sa kanya nang diretso.Kung hindi ko iintindihin nang mabuti ang sinasabi niya, ay iisipin ko talagang minsan ay minumura na niya 'ko. Mabuti na lang, medyo nasasanay na 'ko sa kanya. Kaya kahit papaano ay naiintindihan ko kung ano ang nais niyang ipabatid sa akin."Bakit ka nandito?" mahina kong tanong. At talagang nabuksan niya agad an
ReenTAHIMIK kong binuklat ang libro na pinahiram sa akin ni Liller nang makaakyat ako rito sa kwarto.Bago umalis ang kaibigan ko, binilin niya sa ‘kin na kapag nakararamdam daw ako nang pagkabagot, ay ito lamang ang aking gawin.Well, mukhang mas mainam pa nga ang magbasa na lamang, kaysa makipagtalo pa sa lalaking sagana sa kayamanan pero mukha namang kinulang sa aruga.Tulad nang nasa ibaba. Hay!Napatingin ako sa kawalan, nang mabasa ko ang pangalan nang nakalagay sa bungad nitong hawak kong libro.Myles Munroe.
Reen NAPADAPA ako mula sa 'king hinihigaan na kama, nang maalimpungatan ako dahil sa nanuot na mabangong aroma ng lutuin mula sa aking ilong. Agad kong iginala ang aking mga mata sa paligid, habang nag-iisip kung sino ang posibleng kumikilos mula sa kusina sa ibaba. Sigurado ako na roon nanggagaling ang amoy na gumising sa akin. Bigla akong napatihaya nang maalala ang mga kaganapan kagabi. Sh*t! Si Asher! Mabilis kong sinilip ang aking sarili mula sa blanket na nakabalot sa aking katawan. At peste! Halos lumuwa na ang aking mga mata nang makita ko ang aking sarili na bukod sa kumot na ito, ay wala nang kahit na anong nakasuot sa akin.
ReenAGAD akong nag-asikaso nang marinig ko ang pagtunog ng alarm mula sa 'king phone.Hindi ko alam kung nasaan ang mokong na kasama ko sa bahay na ito, dahil hindi na 'ko bumaba buhat nang manggaling siya rito para baliwin na naman ako. Ewan ko, pero kahit bumalik sa pagtulog, ay hindi ko na nagawa.Peste talaga siya. Ilang beses niya ba 'ko hahalikan nang walang paalam? Kung umasta siya, ay parang pagmamay-ari niya 'ko. Isang ulit na lang talaga na gawin niya iyon, ay makakatikim na siya sa akin.Hindi purkit wala siyang naririnig na reklamo mula sa akin, ay gusto ko na ang ginagawa niya. Hindi ko naman sinasabing hindi siya masarap, pero— teka, masarap?
Reen "Zabi, tama na ang paglalaro. We're going to eat," sabi ko habang nag-aayos ng mga kasangkapan na aming gagamitin para sa 'ming tanghalian. Napangiti ako nang maramdaman na huminto ang anak ko mula sa paglalaro. I am blessed to have an obedient and submissive child. Ewan ko, pero tila natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. "Mommy, where's Daddy? Hindi ba siya magla-lunch kasabay natin?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "No, baby. Hindi natin makakasama si Daddy sa araw na ito, marami kasi siyang aasikasuhin dahil ilang linggo na 'yon hindi nagpapakita sa kumpanya nila, marami siyang kailangan
Two months later Reen NAPANGIWI ako nang maamoy ang isang matapang na pabango mula sa aking katabi. Badtrip! Ang sama-sama pa naman ng pakiramdam ko buhat kanina nang magising ako. Pinilit ko lang talagang pumasok, 'pagkat kailangan na kailangan ako rito sa opisina ngayong araw. Wala kasing nais pagkatiwalaan ang kaibigan ko kundi ako lang. Nandito ako ngayon sa isang conference room, kasama ang ilang board of directors at ang boss ko— si Morgan. Katatapos lang ng meeting nila pero hindi pa rin sila nagsisikalasan! My goodness, kalalaki nilang tao mga tsismoso. Sumama ako kay Morgan nang lumuwas ito sa Manila. Ginawa
ReenInis na inis ako sa sarili ko dahil kahit gusto ko siyang awatin ay wala akong magawa. Hindi ako makalaban, lalo nang maramdaman ko ang halik nito sa aking leeg, hanggang sa bumaba iyon sa 'king dibdib. Hindi ko alam pero tila napako ang aking atensyon sa mga ginagawa niya sa akin.Pinagmasdan ko siya habang ginagawa ang kanyang ibig sa 'king katawan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong alalahanin ang mga nangyari sa amin noon. Lalo na, ang unang gabi na pinadama niya sa akin ang kaligayahang tulad nang pinararamdam niya sa 'kin ngayon.Napatalon ang aking puso dahil sa galak, nang maramdaman ko ang pamilyar na kanyang malalim na halik nang muli niya 'kong halikan sa 'king mga labi.Aminado ako na mayroo
Reen RAMDAM na ramdam ko ang tensyon at hiya habang inaanunsyo ng Daddy ni Morgan na ako ang nais nitong maging sekretarya ng anak niya para sa kumpanya na pamamahalaan nito. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot at pagkabahala habang iniisip ang tungkol doon. Una sa lahat, wala akong alam sa pagtatrabaho sa mga kumpanya o opisina dahil wala pa naman talaga akong tinatapos kundi highschool. Pangalawa, masyadong mayaman ang magiging amo ko samantalang ako ay isang hamak lamang. Pangatlo, baka hindi ko iyon mapanindigan. Ma-disappoint ko sila. Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan na iyon! Sa sobrang kaba ay napabuga ako nang hangin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong nilalamig na naiinitan na ewan. Hindi ako mapakali mula sa 'king inuupuan. Hanggang sa m
Reen HINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan nito. Kahit mahal ko pa siya, gusto ko na lang umalis ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya'y nasasaktan lang ako lalo. Huminga ako't nilakasan ang aking loob. Buong tapang kong pinutol ang pakikipagtinginan sa kanya. Bahagya akong yumuko saka pilit na hinakbang ang aking isang paa. Bibilisan ko sana ang paglalakad nang makalagpas sa kanya, pero bigla na lamang akong natigilan dahil sa paghawak nito sa 'king braso. Agad na namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Lalo, nang buong lakas ako nitong ibalik kung saan ako kanina nakatayo. Napalunok ako nang muling magtama ang aming mga mata. Magsasalita sana ako pero hindi ko na tinuloy
Reen "ASHER . . ." Ramdam ko ang biglaang pag-init ng magkabilaang sulok ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, dahil tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman. Litong-lito ako. Ewan, pero para bang huminto ang aking mundo. Nawalan ako ng pakialam sa lahat, maliban sa isang pares ng mata na nakatitig sa akin ngayon. Oh God . . . Pigil ko ang aking emosyon habang patuloy na nakatingin sa kanya. Hindi ko alintana ang paligid, maging kung ano ang ibig sabihin nang malalim niyang mga tingin. Galit siya sa akin? Hindi ba't dapat ako ang nakararamdam niyon, sapagkat siya ang ikakasal hindi ako? Ako dapat ang gumagawa ng mga ginagawa ni
Reen PASADO alas-singko ng hapon nang tawagan ako ni Morgan upang impormahan na malapit na siya sa gate ng inuupahan naming bahay ni Liller. Mabuti na lang pala ay inagahan ko ang pag-aasikaso sa 'king sarili kanina, kung hindi ay siguradong maghihintay siya sa akin nang matagal. Sobrang strict talaga niya sa oras. Alas-sais pa dapat kami magkikita, pero pasado alas-singko pa lamang ay narito na siya. Ewan ko ba, bago sa 'kin ang ganito dahil sanay ako sa Filipino time. Kung sa bagay, magiging president at CEO nga pala siya ng kumpanya nila. Bukod doon, tagapagmana siya. Kaya big deal talaga ang pagdidisiplina nito sa kanyang sarili.
Reen "ANONG KADEMONYOHAN ANG GINAWA MO?" Wala akong tiwala sa Ivo na ito. Kaya hindi ko maaaring pigilan ang sarili ko upang makapagtimpi sa walang kwentang tao na katulad niya. "Hindi mo ba talaga nage-gets?" Ngumisi ito sa harapan ko, tila nanunudyo at nang-iinsulto. "Maganda ka lang, pero tunay na tanga." Mabilis akong napaluha dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako nasasaktan, higit sa sinabi niyang ikakasal na si Asher. Alam ko na hindi ko 'to dapat nararamdaman. Pero hindi ko maiwasan. Sumuko ako. Sinuko ko siya. Pilit ko siyang kinalimutan. Naging okay ako. At akala ko okay na talaga ako. Pero hindi.
Reen "Oh, Buknoy. Huwag mong kakalimutan 'yung bayad nito, ah? Gaigs ka patay ka talaga sa 'kin!" "Ou na, Ate Mureng! Ulit-ulit ka naman, eh!" "Maganda nang sure tayo! Aba'y syempre, seryoso dapat sa negosyo. Osiya, mag-ingat sa pag-drive, okay? Ebike lang ang dala mo kaya 'wag ka makipagsabayan sa mga naka-car or naka-motor. Respeto sa nakayayaman sa 'yo, ha?" Bahagya akong natawa nang mapakamot sa ulo si Buknoy. Sa dalawang taon ko rito sa Cebu, halos gano'n na rin katagal nang makilala ko siya dahil kay Morgan. Tauhan kasi ito sa bahay nila. At para gumaang ang trabaho ko dahil nag-aaral nga ako, siya ang nag-provide ng ebike para magamit ni Bu