Si Shuen de Marcel ay nag-alay ng kanyang buhay bilang isang full-time na maybahay, ang tanging kasama ng negosyanteng si Diovanni Al Tiera de Marcel. Ang kanyang buhay ay puno ng katapatan at tungkulin, hindi lang bilang asawa kundi pati na rin bilang manugang. Bagama't hindi sila nagkaroon ng anak, ibinuhos ni Shuen ang lahat ng kanyang pagmamahal at atensyon sa kanilang pagsasama, at inalay ang lahat ng kanyang sarili kay Diovanni. Ngunit, isipin mo ang gulo sa kanyang puso nang isang umaga, siya ay nagising sa isang pagbubunyag na napakalalim na maaaring magwasak sa kanyang pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Paano kung ang mga katotohanang kanyang pinanghawakan at ang buhay na kanyang iningatan ay isa lamang malaking pagpapanggap?
View MoreWAKASDiovanni's POVHindi ko pa rin lubos maisip na buntis na pala si Shuen ng dalawang buwan. Napuno ng ligaya ang puso ko nang ibalita ito ng doktor. Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa wakas, magkakaroon na kami ng anak. Ang balitang ito ay nagbigay sa akin ng dagdag na tapang upang ayusin ang relasyon namin.Napakalaki ng pasasalamat ko. Naniniwala ako na ang magiging anak namin ay pupuno sa nawawalang bahagi ng puso ko mula nang mawala si Dionne. Narito ako ngayon, nakaupo sa tabi ni Shuen habang nagpapahinga siya, at sabik na nag-aantay na siya'y magising. Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko nang bigla siyang nawalan ng malay, kaya't agad ko siyang isinugod sa ospital.Ilang sandali pa, napansin kong gumalaw si Shuen. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata, at nang makita niya ako, isang tinging nagtataka ang sumalubong sa akin. Bahagya akong ngumiti, umupo ng mas malapit sa kanya, at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. Banayad kong hinalikan ito at idin
KABANATA 40Shuen's POVNasa kusina ako, nakatitig sa masarap na strawberry pancakes na kakaluto ko lang. Ang mga malalambot na ito ay pinalamutian ng maasim-asim na hiwa ng mangga. Sa harap ko, may naghihintay na nakakapreskong mango at strawberry shake, isang kombinasyon na hindi ko napigilang subukan. Nakakapagtaka kung paano naakit ang aking panlasa sa partikular na lasa na ito ngayon. Kanina, habang nagba-browse ako sa isang website, may nakita akong larawan ng isang malinamnam na strawberry, na agad nagpa-udyok sa akin na mag-crave.Walang pag-aatubili, inutusan ko ang aming kasambahay na bilhin ito para sa akin sa grocery, at agad ko itong ginawang mga nakakatakam na pancakes. Halos limang pancakes na ang naubos ko at dalawang beses na rin akong uminom ng shake, pero parang hindi pa rin kontento ang aking tiyan, gusto pa ng higit. Naisip ko nga na baka kailangan ko nang magpatingin sa doktor bukas para malaman kung bakit ganito ang aking pagkain. Baka may ulcer na ako dahil sa m
KABANATA 39Shuen's POV"Ang gown mo, ang ganda-ganda, bagay na bagay sa'yo. Mukhang handang-handa ka na talagang ikasal," sabi ko sa kanya habang pinapanood ko siyang nasa fitting room.Ang napili niyang gown para sa kasal nila ni Celsius ay talaga namang nakakamangha, at sigurado akong mas higit pa ang pagkamangha ng kanyang groom. Ang hugis at anyo ng katawan ni Atasha ay saktong-sakto sa gown. Lalo pa nitong pinatingkad ang kanyang kagandahan.Habang tinitingnan ko ang wedding gown, hindi ko maiwasang maalala yung panahon na ako ang nagsusukat ng aking sariling wedding gown. At si Atasha din ang kasama ko noon sa pagpili ng disenyo. Nakakatuwa isipin na ngayon, si Atasha na ang nagsusukat at ako naman ang kasama niya.Masaya ako para sa kanya dahil natupad na ang isa sa mga pangarap niya, ang makasal sa taong gusto niyang makasama habang buhay. Yung pangarap na kasal na inakala niyang si Elias ang magbibigay sa kanya. Pero nakakalungkot isipin na iba pala ang itinadhana para sa kan
KABANATA 38Shuen's POVWARNING: MATURE CONTENT!Ang ulan ay bumubuhos nang napakalakas, tila ba walang tigil. Halos wala akong makita sa labas dahil sa bagsik ng pag-ulan. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng patak nito sa bubong ng kotse. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang bumuhos nang ganito kalakas ang ulan, lalo na't kanina lang ay maaraw pa habang kami ay nasa golf club.At ang mas nakakainis pa, sira ang kotse ni Diovanni kaya wala akong magawa kundi tiisin ang kanyang presensya. Bakit ba kailangan pa akong idamay sa kamalasan niya? Ngayon, kailangan ko siyang kasama buong magdamag."Paano na tayo nito? Wala pang signal ang phone ko?!" reklamo ko dahil pati ang signal ng telepono ay hindi ko magamit sa sitwasyon na ito."Subukan ko ang phone ko. Tawagan ko si Mang Roel," sabi niya habang pumapatak ang tubig mula sa kanyang basang damit.Gusto ko sana siyang pagalitan dahil sa inis ko sa kanya ngayon pero hindi ko rin maiwasang mag-alala. Baka mamaya ay lamigin s
KABANATA 37Diovanni's POVHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa sandaling ito. Kasama ko si Shuen, ngunit bakit pakiramdam ko ay malayo pa rin siya? Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin; hindi ito kasama sa plano ko. Bigla ko na lang siyang binuhat at kinaladkad kasama ko, kaya ngayon hindi ko alam kung saan kami patungo.Habang kami ay naglalakbay, hindi siya nagsasalita, tahimik lang na nakatingin sa bintana ng kotse. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya sa akin, at wala akong magawa para baguhin ito. Inaamin ko na nasaktan ko siya, ilang beses ko na siyang nasaktan noon.Kaya hindi nakakagulat na ganito na lang ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Inaasahan ko na magbabago ang nararamdaman niya para sa akin, ngunit hindi ko matiis na makita ito. Hindi ko matiis na makita na nakalimutan niya ako sa loob lang ng dalawang taon.Paano niya ako nakalimutan ng ganun kadali, samantalang hindi siya nawala sa isip at puso ko kahit kailan. Sa huli, kasalanan ko rin dahil sinabi
KABANATA 36Shuen's POVSa buong meeting, wala ginawa si Diovanni kundi ang titigan ako at ngumiti. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon at hindi ako natutuwa. Kaya pagkatapos ng meeting, nagpaalam ako at mabilis na lumabas ng restaurant.Sinabi ko na lang sa aking sekretarya na ipadala ang mga dokumentong kailangan kong lagdaan sa opisina at ako na ang bahala doon sa bahay. Nagpaalam na rin ako kay Ester at dali-dali akong nagtungo sa aking nakaparadang sasakyan. Pero bago pa man ako makalapit, may biglang humawak sa aking braso at marahang pinaikot ako para harapin siya.Nagulat ako nang makita ko si Diovanni, kaya agad kong hinila ang aking braso palayo sa kanya. Pinilit kong kumilos ng normal para itago ang kaba na dulot ng kanyang presensya."Mr. de Marcel? May kailangan ba kayo?" kaswal na tanong ko."Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?"Bahagya akong tumaas ang kilay at ngumiti. "Mag-usap? Tungkol saan? Tapos na ang meeting di ba? May nakalimutan ba kayon
KABANATA 35Diovanni's POVNakaupo ako sa sahig ng sala, napapaligiran ng mga bote na nakatumba. Nasa harapan ko ang larawan ni Dionne, na napapalibutan ng malambot na liwanag ng mga kandila. Ngayon ang anibersaryo ng kanyang pagkawala, at kasing sariwa pa rin ang sakit tulad noong araw na nawala si Shuen. Ang kawalan na iniwan ni Dionne ay bumabalot sa aking buong pagkatao. Parang imposible pa rin tanggapin na wala na ang aking anghel.Bagaman hindi ako ang kanyang tunay na ama, hindi kailanman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Isang taon niyang nilabanan ang leukemia nang may tapang, ngunit sa huli, hindi na kinaya ng kanyang mahinang katawan."Dio, tumayo ka na diyan. Pumunta ka na sa kwarto mo, may flight ka bukas," sabi ni Katarina habang binubuksan ang ilaw. "Diovanni," bulong niya habang papalapit."Lumayo ka," utos ko, may diin sa aking boses habang pinipigilan ko siyang lumapit pa. "Manatili ka diyan habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko. Hindi mo maiintindihan kung ga
KABANATA 34Shuen's POVTWO YEARS LATER...."Magandang umaga, Ma'am! Ano po ang gusto niyong almusal?" tanong ng kasambahay ko habang pababa ako ng hagdan. Kasalukuyan akong kausap ang isang tao sa telepono, kaya't medyo masungit akong tumingin sa kanya. "Hindi mo ba nakikita na may kausap ako?""Sorry po," tugon niya, at dumeretso na lang ako sa veranda ng aking malaking bahay."Yaya Bonel, pakidala na lang ako ng tsaa at lasagna," sabi ko sa isa pang katulong pagkatapos kong ibaba ang tawag. "Pakibilisan."Pagkalapag ng pagkain sa harapan ko, sinimulan ko nang kumain habang nagtetext. Nag-message sa akin ang aking sekretarya at sinabing may appointment ako ngayon sa isang kasosyo sa negosyo. Gaganapin ang meeting sa isang magarang restaurant sa Antipolo.Buti na lang at sa BGC Taguig na ako nakatira, kaya hindi na ako masyadong mahihirapan sa biyahe papuntang Antipolo. Hindi ko sana gustong lumabas ngayon at nais ko lang magpahinga dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Pero kailangan
KABANATA 33Diovanni's POVMatapos ang mahabang paglalakbay, sa wakas ay nakarating na kami sa Amerika, at siniguro kong maipasok si Dionne sa isang nangungunang ospital. Desidido ako na mapabuti ang kanyang kalagayan. Kilala ang mga ospital dito sa Amerika sa pagiging abante sa medikal na pananaliksik at mayroon silang pinakamodernong paggamot para sa kondisyon niya, kasama na ang mga kinakailangang gamot, pinakabagong teknolohiya, at kagamitang pangkalusugan. Ang tanging hangad ko lang ay ang kanyang paggaling. Hindi ko kayang isipin ang buhay na wala siya."Daddy, nasaan tayo?" mahina ngunit may pagtataka sa boses ni Dionne."Princess, we're in the US now. You're going to stay in this hospital for a little while so the doctors can take care of you," mahinahon ngunit matatag kong sagot."Bakit?" Tanong niya, hindi alam ang bigat ng kanyang kalagayan."Para gumaling ka. Tiwala ka lang kay Daddy, ha? At huwag kang mag-alala, pag magaling ka na, babalik tayo sa atin at maglalaro tayo ar
Hiding His Mistress: Diovanni de MarcelCopyright ©️ 2023@clangwrites****SIMULAShuen's POVIsang kahanga-hangang pakiramdam ang magising sa tabi ng taong mahal mo, ang kanilang yakap ay nagpaparamdam sa iyo ng pagiging espesyal at ayaw mo nang bumitaw. Habang pinagmamasdan ko siyang mahimbing na natutulog, hindi ko mapigilang humanga sa kanyang gwapong mukha. Nakakamangha pa rin sa akin na pinili niyang pakasalan ako.Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang mukha gamit ang aking daliri, simula sa kanyang kilay, pababa sa kanyang tuwid na ilong, at sa huli ay sa kanyang mamula-mulang labi. Tuwing magtatama ang aming mga labi, para akong nawawalan ng lakas, at ako'y namamangha sa kanyang kakayahang magparamdam sa akin ng ganito kalalim. Ang kanyang mga halik ay tila ba nagpapahina sa akin sa pinakamasarap na paraan.Namula ang aking mukha nang maalala ko ang mga pribadong sandali na aming pinagsaluhan kagabi. Tunay nga na kakaiba si Diov...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments